Kaibigan, Usap Tayo (via e-mail)

March 24, 2008

———————————————————-

R, C, J,

San na nga ba? San na nga bang barkada ngayon?

M

———————————————————-

M (C, J),

Ako nandito sa S*******e. Si C –kumakain na siguro ng Pho Ba Noodles something sa V*****m. Si J – nevermind. Di naman nakikisali sa usapan yun e.

Ikaw? Depende siguro. Pwedeng nandyan ka sa C********n… o nasa imaginary world mo.

R

———————————————————————————————————

R, M, J,

Hi Pips!

Greetings from V*****m!

I’m still staying sa hotel, wala pa bahay so medyo di pa ako settled. But so far so good. Love the food here, especially Pho…lapit din ako sa beach, 5 minute-drive from my workplace.

Visit kayo dito!

C

———————————————————————————————————

C

Wala namang kwenta greeting — as in “Hi Pips” ang greeting nila dyan? Akala ko may local language sila dyan?

Masarap nga daw pagkain dyan — sa simula — pero isipin mo kung isang taon na puro Pho–whatever ang kakainin mo hehehehe… mamimiss mo rin ang adobo… dinuguan… bopis… hmmm.. parang masarap ang bopis…. makakain nga bukas….

Pero sbagay — marami na rin namang pinoy dyan di ba? Meron din ba silang “Little philippines” dyan?

Pag settled ka na — punta ako dyan!!!! Yehey!!!! Plane ticket lang gastos ko!!!! Pwede bang isama ang 2 kong housemate? So dapat malaking bahay kuhain mo… 4 bedroom… para may own rooms kaming tatlo pag pumunta kami dyan… hehehe…..

M,

Ang tanong naman ngayon — nasaan ka?

J,

Hindi ko na itatanong kung nasaan ka — alam ko ang sagot… kasama si Bulak… sabay kayong nawawala di ba?

R

———————————————————————————————————

R,

As always andito lang ako. Kinatamaran ko lang mag-open ng mail yesterday at ayokong ma-disappoint. Baka wala pa ring galing from you guys. Napanood mo na ba ‘yong pagsasabog na ginawa ng ating future representative sa Miss World. Hynako. May public outrage dito sa Pinas ngayon — bukod pa sa NBN-ZTE deal. The other day andito si US ambassador Kristie Kenney. Very congenial ang lola. Hindi pa-importante ang dating. Sana lang natandaan n’ya ko and serious s’ya nung sabihin n’yang tutulungan niya ko ‘pa’g nagpa-sked ako ng interview sa US embassy. Kapal nga daw ng mukha ko sabi ng mga tao dito. Aba! pagkakataon ko na ‘yon. One doesn’t get the chance to meet people like that everyday kaya dapat grab the opportunity. Di ba?!!

C,

Hi Pips!

J,

Regards to Bulak

M

———————————————————————————————————

Xin chao!

O ayan R, masaya ka na? May alam na ako na V********* word, hehehe.

Last weekend I had my first excursion in the city of D*****. It is a quaint city, not as nosiy and busy as ***********. I prefer it here, I have never been fond of big cities. Nagpunta pala ako sa museum nila. Mostly artifacts like the ones you can see sa Angkor Wat sa Cambodia. Well, once you have seen Angkor Wat, it kind of spoils everything for you, so di ako masyado impressed, hehehe.

It feels like home here. Kaninang umaga, I finally had the guts to try some of the food they serve for breakfast. To my delight, I discovered binatog, or kinulti as we call it sa bahay. Kahapon, naglalakad ako, nakakita ako ng puno ng talisay. Nagpunta din ako sa palengke, maraming danggit, atis, caimito, at mangga. Sa menu nila, kangkong din ang tawag nila, at mas masarap pa sa kangkong with oyster sauce ng Chowking. Kagabi, hapunan ko ay siopao pero di ako masyadao nasarapan. The best pa rin ang siopao ng **, hehehe. Then I went to a supermarket. I have never seen so many varieties of bagoong and patis.

The best part of all, I found a place where they sell Haagen Daaz ice cream na macha flavor.

What I dont like, I am still to meet a V********* guy who is taller than me. Ang liliit nila, at super payat. Super taba ko compared sa kanila. Pano na ako hahanap ng V********* na fafa? hehehe. Kanina na meet ko bago lecturer from Myanmar. In fairness, cute siya, hehehe.

M dear, what time ka ba nag o-online? Di kasi tayo mag abot.

J, wala lang, hehehe

Chao
C

———————————————————————————————————

M,

Pabayaan mo na si Bb. Pilipinas World….. She’s just seventeen… hahahahhehehhihihi…. It’s her first pageant….. hahahahehehehihihi….. She can’t believe she’s in the “tuff” ten… hahahehehehihihi…..

Katawa talaga sya…. pag tumingin ka nga sa youtube — meron nang version na ala-MTV… bwahahaha… basta kagaguhan nangunguna ang pinoy……

Pero dapat wag natin syang i-judge —”she’s not a book”……. saka beauty pageant naman sinalihan nya…. hindi Qiz Bee o Debate…. hahahaha…….

Bakit mo nga pala kailangan ng US VISA? Plano mong mag-tnt sa US?

C,

Xin-chao? hehehe… dito ang xin-cao —- black gulaman hahahahaha….

Ano ba work mo dyan? Taga-bilog ng spring roll? San ka base? sa ***********?

Masarap nga ang V********* na fish sauce…. yan yung dati naming binibili dito … medyo mabaho lang talaga…… kaya bumalik kami kay aling Rufina… kangkong din tawag dito sa kangkong —- meron din ba dyang “sambal kangkong”….. yum…yum….. partner sa pritong galunggong….. tingnan mo rin ang dessert nila — malamang may local version din sila ng ginataang munggo at ginataang bilo-bilo…… siguro kasi pare-parehong nasa SE Asia kaya maraming pagkakapareho.

Marunong na ba sila mag-ingles dyan? sa pagkakaalam ko kasi medyo hirap din sila di ba?

Ska don’t worry —- hindi pa ako nakapunta sa C*******… nor do I have any immediate plans of going there — so pag navisit ako dyan — may possibility na ma-amaze pa rin ako!

Nga pala — kailangan ko itong itanong — ang pinakaimportanteng tanong sa lahat —- Musta ang shopping? Mura ba?

J,

Wala lang… Baka maleft-out ka lang pag di kita nabanggit….

R

———————————————————————————————————

R,

Punta ko US kasi sabi ng friend ko lakas daw kumita mga Las Vegas nightwalkers lalo na if you’re Asian and fluent sa English. Yun daw ang uso ngayon dun - Exotic. He’s the same guy na nakakita kay Antoinette Taus sa stripper house. Kaya lang tumigil daw the minute pumutok ang balita dito sa Pinas. siguro, hanggang ngayon eh may pagnanasa sa mga cellulites ko ang maniac na ‘yon. haaay. sabagay, nung andito nga ‘yon makakita lang nga pepe ng dogey e natu-turnon na.

C,

Nag-o-online ako pag trip lang at pag may friends akong online. kadalasan naman salungat mga sked naming lahat. E siguro naman magtatagpo na din tayo sa holy Thursday at maghapon lang ako sa house at makikipagtitigan sa pinakamagandang lalaking aking minahal sa buong milky way. Haynako. ayaw man lang mag-swimming sa Easter kahit man lang sa banyera. Magsho-shorts daw kasi ako. Natural. May nagsu-swimming bang naka-jogging pants??? Eka pa ng impakto, meron daw. Dahil may classmate daw sila non sa PE nila na naka-jogging pants. E sabi ko baka may gales-aso ang putcha kaya gano’n. sabi, “Ay, baka nga mahal. kasi ‘pag naka-uniform na siya makapal siyang mag-stocckings kahit mahaba ‘yong palda niya. Eewwww!!!”

J,

happy halloween!

M

———————————————————————————————————

M,

Nightwalkers? Para namang vampires or something hahaha…. So kukuha ka ng “tourist visa” para i-tour sa mga Kano ang cellulites mo? Hmm… mukhang patalo yang venture na yan…. hahahaha…..

Plano ko ding pumunta sa states…. baka end of next year….. kaso gusto ko din bumalik sa Europe… fall in love with Paris — again….. Hay… so many places to go….. and no money…. Hay….. bakit ba hindi tayo pinanganak na Hilton (para libre lagi sa hotel room) o Tan (para libre sa airfare) o Sy (para libre sa SM). Life’s not fair!

C,

Ano na? Ilang spring roll na nabilot mo? Meron ba kayong quota per day? O per spring roll na nabilot ang bayad sa yo?

J,

Musta naman dyan?

———————————————————————————————————

R,

Nightwalkers term nila sa pungak, pokpok, hostes in other words e putcha. Hehehehe. Iyong American dream na ‘yon eh mukhang malayo sa katotohanan ‘yon. Magbabadminton nga lang ako sa mga court sa amin or bibili ng isaw sa may kanto eh kailangan pa ng special permit to purchase commodity known as isaw. Hindi ako malaya. ‘yong S********** dream ko nga eh in the making pa. Ewan ko ba kung ano meron sa punja ko. Friends ko here they couldn’t do anything. Takot silang lahat sa kanya. Mga kapatid ko naman enjoy na enjoy pa at “he” keeps me grounded daw. Haynako. A basta, marami akong plano na sana huwag manatiling plano lang. Like umakyat sa Mt. Everest, makipaghabulan sa mga llama, magpagulung-gulong sa damuhan, manood ng concert ni Bjork habang sumisigaw ng Tibet! Tibet! habang kinakanta nya ang liberation, mag-aral magbisikleta, mag-aral gumamit ng sceintific calculator, ma-interview si Britney Spears at matanong sa kanya kung paano niya naa-achieve such close shave sa kanyang vajayjay, maturuang mag-english ang Bb. Pilipinas-World para umabot man lang siya kahit sa tuff ten ng Miss World, ang kanyang second time in a beauty pageant, you know guys.

Mabawbaw lang naman kaligayahan ko. Ayokong maging hilton kasi sayang mga panty ko. Ang ku-cute pa man din nung iba. Iyong tipong labelled from monday-sunday. ayokong maging Tan. Ano? Forever cronie na lang tatay ko ng lahat ng nagiging pangulo ng Pilipinas? Ayoko ring maging sy. may lahi silang Mongoloid (no offense to C dahil galing siya ng Mongolia), as if i’m not mongoloid enough. Ayoko rin apo ni Queen Elizabeth. Binabala sa Afghanistan. Mukhang mas malaki tsansa kong maampon ni Angelina Jolie at Brad Pitt. hehehehe.

C,

Holy Week na dito. Nothing compares pa rin sa the best Holy Week natin a fews years ago sa Tuguegarao. Feel na feel ko talaga ang bakasyon. wahahaha. Holy week these days is like any ordinary week. Marami pa ring tao sa kalsada. Bukas at puno pa rin mga malls. At higit sa lahat operational pa rin mga gimikan. Unlike when were younger - ulam puro ginisang mungo at pritong galunggong. Dasal at magnilay lang. Nag-iis-station of the cross pa kami ng nanay ko. Ako naman pretend na I actually like it at baka tamaan ako ng kidlat. Hindi puwedeng lumabas. Hindi puwedeng maglaro. Hindi puwedeng tumawa ng malakas kasi patay daw ang Diyos. Minsang tanungin ko kung patay si God bakit umiikot pa din mundo at sumisikat pa rin araw? Di ba kontrolado niya lahat? Napalo pa ‘ko ng nanay ko. Buti ngayon the Catholic church has cleared a lot of misunderstood concepts about Holy Week. Pati ‘yong pagpapako sa krus at paghahagupit ng sarili, they don’t encourage that anymore. Okey pa din pagpapasyon (isa sa paborito kong activity ‘pag mahal na araw). Distant singing nga has been lulling me to sleep. It has a calming effect on me. Sana huwag mawala ang pasyon. Kaya lang may ate and I were just talking about how ten years from now e baka wala nang kakanta sa pasyon. Kasi ang mga kabataan ngayon would just go to the pabasa para makipagligawan and makipagkita sa mga texrmates nila. Excuse na nila ‘yong makapag-overnight sa labas ng bahay kasi religious daw kuno. Haynako. Generation ng mga bata ngayon puro ma-L. Buti pa nung kapanahunan natin. Malayung-malayo sa isipan natin ‘yang mga bagay na ‘yan. hehehehe.

J,

<3 <3 <3

M

———————————————————————————————————

M,

Wag ka na magreklamo…. Sinagot mo yan e… E di pagtyatyagaan mo…. Ngayon kung di mo na kaya pagtyagaan… E di hiwalayan… Which i’m sure ay di mo naman kayang gawin… Hehehehe…..

Tungkol naman sa mga plano mo… dapat maging flexible and realistic ka…….

  1. Umakyat sa Mt. Everest —- change to Mt. Arayat… kahit sa paanan lang
  2. Mmakipaghabulan sa llama —- pwede na rin siguro makipaghabulan sa mukhang llama.
  3. Magpagulong-gulong sa damuhan — pwede itong gawin…. kung walang damo… pumunta sa bukid at gumulong sa bagong tanim na palay….. wag ka lang pahuhuli sa mga magsasaka.
  4. Manood ng concert ni Bjork habang sumisigaw ng Tibet! Tibet! Tibet! Habang kinakanta nya ang liberation — hmm… manood ka na lang ng amateur singing contest…. at dun ka magsisigaw ng Tibet! Tibet! habang kinakanta nung contestant ang I’ve Been Waiting for You ala Sarah Geronimo.
  5. Mag-aral magbisikleta — pwede rin itong gawin. no revision needed.
  6. Mag-aral gumamit ng scientific calculator — di na uso ang scientific calculator ngayon… kaya ang pag-arala mo na lang ay ang kung paano i-spell ang “scientific calculator” habang nagbibisikleta…. ayan.. 2 birds with one stone pa yan….
  7. Interview with britney spears tungkol sa pagshave ng vajayjay — malamang brazilian wax ang paraan nya… hirap naman yata kung shaver ang gamit nya….
  8. Maturuan mag English ang Bb. pilipinas world —- wag mo na naisin pa yan… ayon sa balita — willing daw syang turuan ni Melanie Marquez….. kung ako sa yo… ilocalize mo itong dream na to…. subukan mong turuan ang mga contestant ng Ms. Barangay Bagong Sibol or something… marami din dun hindi marunong mag-english.

Tungkol naman sa Holy Week —- Masarap nga ang Holy Week dyan sa Pinas…..mahaba pa ang bakasyon. Dito Good Friday lang ang walang pasok. Dahil mas marami ang hindi katoliko — deadma lang sila lahat. Ang mga Pinoy naman patuloy pa rin sa mga nakasanayan nang gawin pag holy week —- nagbibisita Iglesia pa rin… saka simba sa Easter Sunday….

Nung Good Friday ay “no meat” muna kami — ginisang tahong at pritong galunggong ang ulam namin. Yun nga lang — nawala sa isip namin na bawal ang masasayang tugtugin — habang kumakanta si Rihanna ng Please Don’t Stop the Music — ay naalala rin namin. Kaya pinatay namin ang music. Yung nga lang — after lunch ay nag Sex and the City marathon kami. May nabili kasi akong japeyks dyan sa Pinas….. sa sobrang japeyks…. may ilang episode na naka-Espanol…. buti na lang at nanonood ako ng Dora the Explorer….. at may subtitle na English…. :)

Wala ditong pabasa — hindi tuloy ako makapunta para makakita ng mga bagong text-meyts.

C,

musta ang mga lumpia?

J,

:)

R

——————————————————————————————————–

M

Pahabol —- paano pag may sumungkit sa “wednesday” na panty mo? Meron ka bang spare? O ang isusuot mo ay ang Thursday?

R


Friday’s Muni-muni

August 31, 2007

1.        Tomorrow is the first day of the “Ber” month. Isa lang ang ibig sabihin nito — the Filipino Christmas Season is beginning! Let me start this blog entry with a very joyous greeting — Happy Birthday!  …este  Merry Christmas to all! Naku.. simula na naman ng pag dream ng White Cristmas… pag Give love on Christmas Day…  pag – Dashing through the snow… For sure  makakakita na naman ako ng ubas at castanas na kahon kahon..  Idagdag nyo pa dyan ang kendi, ribbon, eskoses at bonita. … Hmm..  Isa lang maganda ng nandito sa ibang bansa — hindi na kailangan magtago pa sa mga inaanak  pag Pasko… J

2.        Nasa usapang Pasko na rin lang tayo —- tingin ko… dapat nang “i-upgrade” ang kantang Noche Buena (Music by Felipe De Leon, Lyrics by Levi Celerio).  Don’t get me wrong. “ Noche Buena”  is one of the best Pinoy Christmas song of all times. Yun nga lang – yung ilang pagkain kasi sa lyrics ay medyo di na inihahanda sa Pasko. I mean – some of them can be eaten as part of your normal meal dahil sa nag-iba na rin  ang spending power nating mga Pinoy. Di ko naman nilalahat – alam kong marami pa ring pinoy ang nasa poverty level. Pero just the same,  nowadays — tinolang manok does not say  “crhistmas”.  Tama? Bakit di ito palitan ng “Spaghetti” — which is a staple in every typical Filipino Christmas.  Tinapay at keso is very generic kung sa panahon ngayon ang pag-uusapan. Tinapay at keso is a typical Filipino breakfast. Di na natin kailangan hintayin pa ang Pasko. Not unless the “keso” in the song refers to Queso de Bola! Ayan – paskong-pasko ng yan.  So I suggest to change this to Tinapay ay Queso de bola!  Tingin nyo? Mas pasko ang dating di ba? As for the lechon — no change required. Lechon can be described as “timeless” – kahit kailan.. kahit saan…. It will always be the centerpiece of every Filipino occasion.

Kay sigla ng gabi
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola spaghetti
Sa bahay ng Kuya ay mayro’ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba’t iba

Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro’n na tayong
Tinapay at keso de bola
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko

Ok ba?  Hehehe…. Wag nyo na seryosohin.. temporary insanity lang… seriously speaking – walang dapat palitan. Levi  Celerio wrote the lyrics! Why tamper with the work of a master! J

3.        With the Malu Fernandez brouhaha dying down – I can now give my two cent’s worth. I have been reading People Asia magazine and Malu Fernandez’ column for the past few months. It’s one section in this magazine that I don’t give too much thought. Wala lang – a socialite or trying to be socialite writing about her mis/adventures is not worth my serious attention. Binabasa ko lang… minsan matatawa ako.. minsan mainis.. then I move on….. tapos na ang kaniyang 1 minute of fame kung baga.Yung issue tungkol sa article nya — I think her only mistake was having her opinion printed. Hindi ko sinasabing tama ang kaniyang sinabi. What she said was very very rude. Medyo masakit talagang pakinggan lalo na sa mga katulad nating OFW.  Yun nga lang – opinion nya yun e…. and we can’t stop her for having that opinion. Di rin dapata tayo masyadong magmalinis — lahat tayo naman minsan may mga opinions din na – sabihin na lang natin na di masyadong kagandahan. Ang pagkakaiba lang natin kay Malu Fernandez — we keep our not so good opinions to ourserlves… or.. share it with people who knows and understand us. We don’t print it on magazines or newspapers  or blog sites for everyone to read.  Kung baga – responsibility starts from one-self.  Kay Miss Fernandez naman — you are correct… your writing may be acceptable to some demographics… maybe to the Class A people… pero sana inisip mo na People Asia Magazine is a publication which also have the Class B and C as demographics…. same with Manila Standard… kung meron mang naliligaw — it seems sya yun… frankly – the 1st column  (in People Asia) was done in bad taste…. But the second one (in Manila Standard) is pure poison. As for the 3rd  — a tad too late… after all sino pa babasa – e nalason na nung 2nd article. (for more info — http://thepinoy.net/?p=876#more-876)… Before I move on to a new topic – isang tanong lang – would anyone raised any issue if Malu Fernandez insulted let’s say someone from the Class A society?  Just a thought…

4.        Joey vs Willie…. kanino kayo kampi? Ako – wala! . I was not able to watch the so-called proof of cheating… (maybe sometime soon – hahanapin ko ito sa Youtube) kaya I can’t really say kung may dayaan nga or wala. But personally -                                 I don’t believe that ABS-CBN will allow or condone any form of cheating sa Wowowee. They have too much too loose compared to what they can gain. Reputasyon na ang usapan dito e.  As for Willie or the Wowowee staff — not guilty unltil proven otherwise. Napanood ko ang  “grandstanding” ni Willie in Wowowee. He seems honest and really hurt — yung nga lang I also think na medyo may pagka-OA na. He should have explained his side – without naming names. It’s the honorable thing to do – explain your side but don’t point your fingers on somebody else. Di nya na rin sana sinabi yung tungkol sa ratings… kasi alam naman nating lahat na its all about the ratings… making people happy… helping the needy… ok.. fine… kasama ito… but bottomline – its business… the higher the ratings… more commercials… more endorsements… more money! Wala lang — hindi naman Kapwa ko Mahal ko ang show nya – Wowowee po….  As for Joey De Leon – well — hindi sya dapat pagaksayahan pa ng panahon. Since lumipat ang Eat Bulaga sa Channel 7 — nagpaparinig na yan…. Actually – I pity him… di sya makamove on… I am not sure why….  Ang nakakatawa lang — their show is doing well (which I am also asking why??? Why??? )… ano pa dapat niyang ipag-sentimiento de patatas? Sour graping at its finest? Pwede…Hay naku — for sure this will be a long issue na that will be heavily covered by the media. Isa lang ang nakikita kong magandan idinulot nito — at least hindi na Ylmaz-Ruffa ang issue…. YES!

5.        Philippines posts 7.5% GDP growth in Q2! Yan ang bumabalandrang headline sa mga diyaryo ngayon. Well…. Good….. Very good pa nga.  Sana tuloy-tuloy na. Pero syempre – may  mga party-poopers….. hindi naniniwala. Expected na naman yun no. At syempre pa  — maririnig natin ang typical remark — “Hindi naman nararamdaman ng mahihirap ang sinasabi nilang pagunlad!”. Hmmm… tama naman sila… talagang hindi pa naman talaga nararamdaman. Pero I don’t think naman na  prosperity can happen overnight. Tanong ko lang — nung papabagsak ba ang ekonomiya ng Pilipinas naramdaman agad ng tao ang paghihirap? Hindi rin maman di ba? Why would we expect na mararamdaman agad natin ang pag-ginhawa? Hindi ako kumakampi sa administrasyon — naniniwala ako na they need to do something about graft and corruption, better education, health, technology. Pero I also make it a point to see  yung mga maganda nilang ginawa. Learn to appreciate small successes… Wag yung puro na lang batikos… Hirap kasi sa Pilipinas — everyone is a critic…

On a more personal note — babalik na pala sa workforce and nag-iisa kong fan. Tapos na ang maliligayang “maternity leave” na araw nya. Sana naman – kahit busy na sya sa siyudad na bangko… magkaroon pa rin sya ng oras para magbasa ng aking mga blogs…. Good luck sa pagbabalik trabaho! Tingin ko – you’ll need all the luck you can get J Wag laging nagagalit — ang blood pressure! J      


Top 10

August 24, 2007

I read in the Inquirer about a new Filipino Web Portal patterned after Wikipedia. They named the site Wikipilipinas – Hip and Free Philippine Encyclopedia. Since I am a huge Wikipedia user – I decided  to visit the sirte. It certainly has the Wikipedia feel. I am not to sure yet on the content as I have just started visiting the site – but I become an instant fan of the “Top Ten List” – medyo weird lang kasi yung hindi naman puro top 10 lang ang laman … minsan top 40 etc..etc.. so why Top Ten? Ewan.  

I am a huge top whatever list fan. I still remember during my early highschool days —my cousin and I would be glued to the fm radio stations in the Philippines every Dec 31. Bakit? The year-end song countdown! We would have our pen and paper at hand – switch from station to station and made sure that we list all the songs. Problem is — sabay-sabay ang start nung countdown so we have to listen to multiple stations (DZMB, DWKC, DWLS, DWRR ang natatandaan ko) – and we only have 1 radio. Isipin nyo na lang kung anong strategy ang ginagawa naming  para mailista ang mga songs. We would even go in shifts — to make sure that at least 1 person is monitoring. And I am proud to say that every year – we are able to list down all the songs from the 4 radio stations mentioned.  And what do we do with the list? Wala… kinakalimutan na afterwards.  Come to think of it — its not exactly the list which made it fun – it was the process of creating the list. The scheming para di kami mapansin ng mga oldies, ang pagtiming on when one song ends and another starts… ang strategy to make sure at least one person is left beside the radio para walang mamiss na song.  Hay.. those were the days when I was still young and naïve hehehehe….. 

Back to the lists……tulad ng nasabi ko… Wikipilipinas has a Top Ten List section which gives quite interesting trivia information. While reading the list I may mga bagay akong naliwanagan….  

1.        I do not have any relative or friend or even an acquaintance na nasa top 40 richest Pinoy. Puro dukha at maralita lang talaga ang madalas kong ka-rubbing elbow!Karamihan din ng nasa richest ay involve with Airlines, Banking, Mass Media, Pharmaceutical, Retail, Communication and Food business. Walang yumaman kasi isang techer or government employee. This only means na mas malakas ang chance na yumaman if you will be your own boss…. Risk entering into a business or something. Mukhang walang chance if you are just an ordinary employee.

2.        Same as the richest — wala rin akong karubbing elbow na Socialite….. hmm… san kaya yung top ten Social Climbers…. Baka dun ako may kilala!

3.        Nueva Ecija – province where I came from — does not have any popular tourist spot. What (kunwari gulat!)?????

4.        Not to go to the Calayan! Wala pala sila sa top 10… hmm.. odd……

5.        Na posibleng maging next millionaire yung mga students na nag-ka-cutting class para mag bilyar.  It seems that billiards is a very lucrative sports. Na-eclipse nya ang basketball! Golf may pay well…. Pero mahal din naman kasi ang capital mo dito.  Billiards on the other hand — marami namang bilyaran dyan sa tabi-tabi na mura lang ang rent.

6.        Niknok was snubbed in the top ten characters in Philippine Komiks! Sino ba yung Kulafu na yun? Wala yata akong kakilala na hindi lumaki kasama ang Funny Komiks! Every Friday is like Christmas day! Ito kasi ang labas ng new issue ng Funny Komiks. I remember when I was still very young and hindi pa marunong magbasa — iipinin kami nung older cousin ko para basahan ng Funny Komiks. And she will do it with the emotions and all. Pati yung tunog ng suntok, sampal at tadyak ng character kasama. Pak. Pok. Tadyak.  Hindi nya pinalalampas yan. She was our Lola Basyang at that time and Funny Komiks provide the kwento.

7.        A very good one liner dialogue can put a movie in classic status. Who would forget Lavinia’s “Your nothing but a second rate .. trying hard.. copycay”? Or  “Ibalik nyo sa akin si Junjun”… or “ Si Bal na walang malay”?  Napapansin ko lang sa mga local movies ngayon – medyo madalang na ang mga classic lines na tulad ng mga nabanggit.  Parang nauubusan na ng idea yung mga scriptwriters.  Hay… “I…. never…. tell you…..  that  I love you….”….

8.        There are a lot of great Filipino movie titles before… Nagalit ang buwan sa haba ng gabi is one great movie title. I haven’t seen this film — but the title is very intriguing. It must be a really long night….  Kasi pati ang buwan nagalit… OT na raw sya.  “Gaano Kadalas ang Minsan?” is good as well.  It says a lot right?  Hay… ngayon .. wala na kwenta mga titiles… puro na lang galing sa kanta. Dapat ibalik yung dating proseso — think of a great title — then create the theme song. Not the other way around – aiyah…. 

8 lang ang naisip ko… so top 8 lang yan…. Would have wanted to add more… pero kailangan ko na work…. Ayon sa aking to do list — I am way behind schedule na….  If you want to visit Wikipilipinas — link is http://www.wikipilipinas.com/.


Dry Spell

August 22, 2007

I am in a “blogging” dry spell. Yup. Wala akong maisip na isulat. Gone are the days na dire-diretso lang ang patipa ko sa aking keyboard while the ideas flow freely. Ngayon – I have been staring at a blank MS Word page for a few minutes now and still — wala pa rin. Nada. Zilch. Zero. Iniisip ko nga ang madalas na topic ko sa aking blogs :

1.        Food! — hmm…. Nada… I haven’t been to any new eating places lately. I haven’t eaten anything out of the ordinary. So far – lahat ng kinakain ko ay on the “OK lang”  list. I had the “best banana walnut muffin” for merienda yesterday – but it seems ordinary with every bite. Don’t get me wrong — it was delicious… still the best banana walnut muffin in my opinion — but seems ordinary…. Hmmm….

2.        Television — hmm… Zilch….  Wala akong sinusubaybayan ngayon sa Boobtube…. Walang teleserye na nakakuha ng aking attention. 

Walang Kapalit – dapat na itong palitan. Masyado nang stretch ang story.

Kokey – hmm… the character is weirdly lovable… di ko alam kung nakakatakot sya or nakakatuwa. Hmm… kailangan ko pagisipan mabuti yan.

Ysabella     nagiging boring. Parang walang chemistry between the lead stars which is odd dahil magsyota sila. Or maybe it’s the too much drama… the initial episodes are very promising… but somehow the recent ones are too melodramatic. Coney Reyes is good though.

Natutulog pa ang Diyos — well the title says it all … it seems that everyone is sleeping while making this series. The characters can’t act….  no chemistry….  Plot and dialogues are  bad…  hmm.. basta.. I can’t say anything good about this series. Mukhang kailangan nating gisingin ang Diyos dahil I do think that we need a miracle to make this show worth watching.

Margarita – hay… don’t start with me… I was able to catch a couple of episodes.. In fairness — Wendy is not that terrible in acting… may potential ika nga… but the dancing… more… more… more practice! Sobrang gasgas na ng storyline nito…. Kung dvd ito – iluluwa na ng dvd player kasi unplayable na.

As for the “imported” shows — nandyan pa rin naman ang mga usual suspects — Brothers and Sisters, CSI, Veronica Mars, Grey’s Anatomy, Ugly Betty etc.  Mukhang sa “local” shows lang talaga mayroong shortage of good and quality television e.   Hay…. kailan ba sisimulan ang Maging Sino Ka Man? Miss ko na si Celine, Jackie, Ely at JB!

       

3.        Current Events —  as per normal… yan ang aking description sa mga news and current events na nangyayari. Sa Pinas – the usual stories pag ganitong panahon — baha at bagyo. Syempre nandyan pa rin ang mga ever reliable na corruption, dirty politics at mga oppositions. Lam nyo – ang mga Pilipino (me included) – napakagaling maghanap ng mali na ginagawa ng iba. Kaya buhay na buhay ang mga oposisyon sa Pinas e.  Just read in the news that the senate will again open up the Hello garci issue. Isa lang masasabi ko dyan – Hello! Senate!…. mukhang wala na namang mga batas na maipapasa.  Dapat siguro ang senate isama na lang sa NBI… hilig naman nila mag-investigate e. Does anyone still care about the Hello Garci issue? Hmm.. sabagay … meron… yung oposisyon… para magkagulo at baka sakaling makaupo sila ng mas maaga bilang presidente. Kung ako sa kanila —- isapuso muna nila ang ibig sabihin ng “united opposition” – kasi sila-sila nag-ooppose sa isa’t-isa. Sabagay – oposisyon nga e.

4.        Travel — asa pa hehehe.. the only traveling I do nowadays is from Simei to Tanjong Pagar via Bus 531.  Saka MRT pala  from Tanjong Pagar to Simei.  Nandyan pa rin naman paminsan-minsan ang taxi… but.. I am happy to mention na nabasawan na ang aking pag-tataxi. Wala na akong pangtaxi e… mahal…  Bago ko malimutan… a bright light in the horizon… possible trip to Bangkok! Fingers crossed…..

5.        Gadgets — hmp.. pangtaxi nga wala e… pangbili  pa ng bagong toy.  The Motorola V9X is still to be released… baka end of this year daw or early next year.  The new IMac…. Hmm… tempting…. pero mukhang no-deal.  Mas practical yata ang MacBook Pro…. My computer expo next week dito sa Singapore – tingnan natin kung gaano kagaling ang aking self-control.

6.        Movies — haven’t watch any movie lately.. the last movie I saw was The Simpsons… no movie night last Friday … slept early…. Wanted to watch the third Bourne movie.. but friends says I need to watch the 2nd installment first.  Might watch Hairspray this weekend — seems that I need some singing in my boring life….

7.        Books — tambak ang books ko sa bahay…. Bili ng bili.. di ko naman binabasa….  Anyway.. darating din siguro ang time at mababasa ko ito… recently — I’ve been browing on some fiction books sa bookstores…. Gusto ko kasing magbasa ng isang novel na masasabi ko talagang wow…. Yung I missed half of my life kung di ko ito nabasa? So far… wala pa akong napipili… kung meron kayong suggestion… suggest nyo lang… pero make sure na talagang worth basahin ha… I wanted somethimg different… kakaibang storyline….  No  auto/biographies please……

8.        Office — same-same.  Lakad pa rin ng lakad si Chichay. Puro pa-japorms pa rin si Ate Vi. Malapit nang mawala  si Ate A. At  nakakatawa pa rin ang pagmumukha ni My Sassy Neighbor. Nothing to report….

9.        Friends — hmm… meron ba ako nun? Alam nyo naman ako loner…. Hehehehe….. wala naman ako masyado natsitsismis sa mga sangkaibiganan. May mga sad L…. May mga happy J…. may mga deadma…. May mga praning…. All in all — tuloy pa rin ang ikot ng mundo.

10.     Plans — I am thinking of enrolling to something… Cooking? Pwede….  Computer Related course like java, html etc ? Pwede rin…. Something artistic — computer graphics, photography? Pwede rin. Driving? Pwede rin. Isa lang problema – naghahanap pa ako ng mag-sponsor ng aking scholarship… hehehehe….. that … or  need to save muna pangbayad ng tuition fee…  Sa mga mag-volunteer to sponsor sa aking quest to further my education — contact me anytime J

Yan.. yan ang aking top 10 topics sa aking mga blog. At wala talaga ako maisip na isulat sa kahit ano man sa kanila …This dry spell  should end soon. Baka iisa na lang nga ang aking fan – mawala pa.  For the meantime — tiis-tiis na lang po muna tayo… Ganyan talaga ang buhay … minsan may tagtuyot … hmm…. cloud seeding….. pwede din kaya itong sagot sa aking “blog” dry spell?    


Sari-sari ngayong Martes

July 24, 2007

1.        Naiwan ko kahapon dito sa office yung “Pinas line” na cellphone ko. Nasa bahay na ako nung naalala ko. Okay lang naman. Kung may emergency naman kasi — itatawag yun at hindi ite-text. Ngunit paggising ko kaninang umaga — medyo nagising ako sa katotohanan. Naka-set nga pala ang alarm nung phone ko na yun. Since old model na sya — di ko alam kung titigil ba sya or mag-snooze lang and after a few minutes mag-alarm ulit. If it’s the second scenario — naku… patay… ang ingay nung phone ko! Di ko pa naman matandaan kung sa drawer ko naiwan or sa ibabaw ng lamesa.  Kaya ayun — napapasok tuloy ako ng maaga. Di lang yun — nagtaxi pa ako!  8:20 pa lang  nasa office na ako. Nagulat nga yung isang amo… as in napatingin sya talaga ha.  Di sya makapaniwala na maaga ako! Hmp. Yung cellphone? Ayun…. sa loob pala sya ng drawer naiwan… at di naman sya maingay. Siguro after few times na di napatay ang alarm… kusa na lang sya tumitigil. Give up na baga! Hay…  gumastos pa ako ng taxi…..nagtitipid pa naman sana ako. Sayang ang SGD$22 ha! Ilang MRT ride din yun. Moral lesson? Alamin ang features ng phone – kahit na pang-smithsonian pa na phone yan.  Kung hindi – mapapagastos kayo sa taxi!     

2.        May despedida lunch kami dito sa office – Nope— hindi ko po despedida… How I wish! I hate office despedidas – pag kasama ang sangka-amuhan. Dami kasing dapat isipin :  

a.        Sinong taya – yup… ang kabayaran. Sino ang sasagot. Paano kung ang sangka-amuhan nyo ay mas makunat pa sa 10 years old na belekoy? For sure damay ang mga staff sa gastos. Paano kung on a budget ka tapos sa mamahalin silang lugar kakain. Naku – sira ang budget.

b.        Saan tsitsibog – ito ang close second concern ko. Paano kung ang piliin nilang lugar ay yung hindi ko trip. Tulad ng restaurant na ang tinda lang ay okra! O  yung place na akala mo hinaluan ng kalahating sakong curry ang mga ulam! Another concern ay yung  amoy nung lugar. Baka kasi pagtapos nyong kumain – ay amoy claypot na kayo. Paano kung mga gimik pa after. Mahirap humataw sa dance floor kung amoy curry  di ba?

c.        Sitting arrangement – definitely wag kang tatabi sa idedespedida. For sure kasi na tatabihan yan ng mga amo. Sa mga ganitong event – you should sit as far as you can sa mga amo. Para hindi ka mapilitang kausapin sila at bolahin. Saka para makakain ka nga husto – lalo na kung buffet. Sayang naman. Pero kung ikaw ang idedespedida — e… wala kang kawala. Kailangan tiisin mo na katabi ang sangka-amuhan. Pabayaan mo na… lalayasan mo na naman sila e.

d.        Common topic – dahil kasama ang sangka-amuhan… di sila pwede pagusapan. E kadalasan naman – yun lang ang commonality nyong magkakaopisina. Hmm… dyan na papasok ang usapang weather, ruffa-ylmaz (kung puro kayo pinoy) o unmentionable ni Britney Spears na medyo sumungaw (pag may ibang lahi kayong kasama), new places to eat at movies to watch out for. Kung medyo mamalasin – pwede na ring itake ito as an opportunity para mga team meeting!e.        To smile or not to smile – Yup… syempre sa dulo mag-group picture kayo. To remember this moment by. Ngayon – ang tanong… ngingiti ka ba o hindi sa picture? Pag kasi ngumiti ka… baka sabihin nung aalis na ang saya mo na aalis na sya. Pag di ka ngumiti – baka sabihin naman nila na masyado kang affected sa pag-alis nung tao. So either way – talo. Kaya dapat pag-isipan mabuti. Ako – half smile lang… para medyo masaya na malungkot…

3.        Sa wakas — nakaboto na rin ako. San? Sa Internet Test voting. Namention ko na ito sa previous blog ko. Di na sana ako boboto — kaso feeling ko talaga mananalo ako ng Laptop or Iphone! Pero kahit na test voting lang ito – sineryoso ko ito. Para sa mga senador — mga bayani ang pagpipilian. Hmm… inisip ko talaga kung iboboto ko si Emilio Aguinaldo. Kasi  bad sya kay Andres Bonifacio e. Saka kung iboboto ko si Andres Bonifacio – wala kasi syang background sa pagbalangkas ng batas. E outdated na yung KKK no. Si Ninoy binoto ko! Okay kasi yung pag-kalumbaba nya sa P500 e. Binoto ko rin si Juan Luna… gusto ko kasi bumoto ng artista… kaso walang actors/actresses na candidate… sya na ang pinakamalapit na “artist” e. Nagdalawang isip din akong iboto si Jose Rizal. Babaero kasi yun e. Baka gamitin lang nya ang countrywide development fund nya sa mga babae nya. Inisip ko rin kung dapat bang iboto si Gabriela Silang dahil asawa sya ni Diego Silang? Sayang.. dapat pala ay nailista ko ang 12 na senador na binoto ko. Para na-share ko din ang dahil kung bakit ko sila pinili. Sa Party list naman – mga banda ang pagpipilian. Medyo nahirapan din ako.  Gusto ko kasi ang Neocolours, Eraserhead, Parokya ni Edgar, Hale, Cueshe, MYMP at Freestyle. Matapos ang mataimtim na pagiisip – MYMP ang binoto ko. Bakit? Kasi puro capital letters ang name nila. Madaling basahin.  Sa mga nandito sa Singapore at naka-register for OAV (Overseas Absentee Voting) – wag na kayo bumoto.  Para mas malaki ang chance kong manalo sa raffle!

4.    Kahapon pala ang State of the Nation Address (SONA) ni Ate Glow. Puro yun tuloy ang laman ng dyaryo ngayon. Glowing si Ate Glow sa pula nyang damit.  Recycled daw yun – para good for the environment. Wala lang – maganda naman ang mga sinabi nya. Sana nga magkatotoo lahat. Sabi din sa balita na maraming nag-rarally sa llabas ng batasan. Parang hindi na newsworthy yun.  Expected na kasi yun. Hmm.. napaisip nga ako… sa aking buhay (so far…) naka-5 na presidente na ako (Ferdie, Cory, Fidel, Erap, Ate Glow) — at sa pagkakaalam ko… yung mga nagrarally na grupo ngayon… ay the same group na nagrarally sa mga nakaraang presidente.  Makes me wonder…. wala na ba silang nagustuhan na presidente? Di ba sa buhay… kung galit ka sa “lahat”…. malamang hindi na yung “lahat” ang may issue? Wala lang… naisip ko lang naman. Hmmm… parang langgam si Ate Glow compare dun sa flag na nakasabit sa likod nya no?


Monday Blues

July 23, 2007

1.        Today is my father’s birthday! I almost forgot – terrible in remembering dates. Naalala ko lang nung makita ko yung isang kasama ko dito na nagbo-book sa Tigerairways. Bakit ko naalala? Kasi  nagasabi sa akin ang tatay na pupunta sya dito for a vacation with my stepmom – and they still need to tell me the date para maibook ko ang flight kaagad. Anyway — Happy Birthday  Tatay… I know you are happy! J  

2.        I was reading a blog – di ko kilala kung sino… and there was an entry regarding Cebu inmates field demonstration or something. May youtube site — so tiningnan ko. Nakakatuwa! Preso man … ay talented pa rin! If you have time.. the links are : 

http://www.youtube.com/watch?v=Pdz38TIwqIQ

http://www.youtube.com/watch?v=TBaw8UdTTH8

http://www.youtube.com/watch?v=Ps7VFGQi74k   

3.        As usual — late na naman ako ngayon. At dahil sa late na ako — naisip ko na kay Madame Auntie na lang bumili ng breakfast. Baka kasi pangdilatan na naman ako ng mga asungot dito sa office kapag lumabas pa ako para bumili ng pagkain. Excited pa nga ako dahil sa pagkatapos ng maraming araw — ay muli na naman kaming magkikita ni Madame Auntie. Pero ang excitement na ito ay napalitan ng lubos na pagkabigla! Bakit? Dahil sarado na ang tindahan ni Madame Auntie! Napaligiran na ng manila paper ang salaaming pader ng tindahan. Wala naman akong nakitang nakapaskil na notice man lang na nagsasabing temporary closure lamang ito dahil sa renovation. Wala na! Wala na si Madame Auntie! Umalis sya ng di man lang ako nakakapagpaalam… ng di ko man lang nalaman kung saan sila lilipat. Hay…. nasa huli talaga palagi ang pagsisisi. L  

4.        Heard that Wendy and Bruce will have their own teleserye on ABS-CBN! Aba… talagang sikat na ang Wendy. Ano kaya yung storyline? Hmmm…. malamang na gaganap sila bilang celebrity housemates at papasok muli sa Bahay ni Kuya. Tapos aapihin ng mga ibang housemate si Wendy at lagi naman syang ipagtatanggol ni Bruce. Tapos dun nila malalaman na anak pala ni Kuya sina Wendy at Bruce.Dahil dito ay mapipilitan silang maghiwalay. Pero malalaman din nila na namatay pala yung isang anak ni Kuya at ipinalit lang si Bruce. Sa dulo ay magiging big winner si Wendy at magpapakasal sila ni Bruce.  Yan… maganda yang storyline na yan. Pero don’t worry. Kulang pa yan … iniisip ko pa kasi kung sino ang magkaka-amnesia at makikidnap. Di kumpleto ang pinoy teleserye pag wala itong dalawang scenario na to! J 

5.      Around 8:30++ a.m. last Saturday ay nasa Times Bookstore na ako sa may Tampines. I bought a copy of the new Potter book – Harry Potter and the Deathly Hallows. I was reading it… pero medyo tinigilan ko muna… Chapter 6 pa lang kasi ako — 2 na sa characters na gusto ko ang namatay! Ano ba yun… nakakalungkot naman. L Baka nga tutuo yung tsismis na namatay si Harry…. Opppsss…. Walang magkwento. Ang magkwento… isasama ko dun sa dalawang nadedo! Hmp!


Samu’t Sari

July 20, 2007

1.        I had lunch with old colleagues at 7107 restaurant today. Yup… I gave the place another chance. And I am glad that I did. We ordered the Bulalo, Pinakbet and Crispy Pata.  The Bulalo is okay… but I don’t recommend it…. However the Pinakbet is a must try. Too bad there’s no Inihaw na Bangus! The Crispy Pata is good as well.  I think it’s better than GPs. And cheaper too! I was initially skipping dessert but everyone ordered Halo-halo. Dahil nainggit ako – I decided to order also kahit na hindi masyadong maganda ang pinagsamahan naming last time. Surprisingly – it was better than the last time. Okay na rin sya for its price. All in all – I am quite satisfied with the sumptuous lunch.

2.        Harry Potter and the Deathly Hallows will be released today midnight ( or is it considered as tomorrow already?). I can’t wait to buy a copy and read it. According to a news article in Inquirer – the New York Times reviewed the book and mentioned that 6 characters will die! J.K Rowling previously mentioned 2…… Hopefully – Harry won’t die… otherwise –that will kill the idea of a future book! Unless bumangon siya from the dead…or natuto syang gumawa ng Horcux.

3.        Still with Harry — Jessica Zafra wrote an entry in her blog regarding the Order of the Phoenix movie. She asked the most important question of all — “What happened to the Voldemort guy’s nose?” J Interesting… her blog link is http://jessicarulestheuniverse.com/2007/07/18/frumious-lord-schnozzless/

4.        Finally – after so much delay – I finished watching Season 1 of Heroes! Medyo sad tuloy ako…. Kasi tapos na. They saved the cheerleader and saved the world. Or so it seems.  Season 2 is entitled Heroes : Generations… a prequel. Ano kaya ang tagline ng Season 2? Hmm….  Pwedeng “Heroes! Heroes! Paano ka ginawa!”. Kaso… baka hindi magclick – kasi hindi maintindihan ng non-tagalog speaking people. Pwede na “Heroes: Yesterday, Today and Tomorrow”.  Yan… para sakop lahat ng generations.  Kaso baduy… parang pelikula ni Ate Guy. Hay naku. Bayaan ko na lang sila mag-isip ng tagline. Pero kung gagamitin nila ang naisip ko… royalties pls!

5.        This week’s favorite tunes : 

a. How to Save a Life album of the Fray… specially How to Save a Life, Over my Head and She is

b. Papaya – Urszula Dudziak

c. It’s a love thing – The Whispers

d. Changing Times – Earth, Wind and Fire

b, c and d are the songs being played in Game Ka Na Ba. Naaliw ako kay Edu pag sumasayaw. The song Papaya never fails to put me in a happy mood!        

Yun na lang muna! Happy Weekend!!!!!


I-vote, Kopi-O, Sapatos at Gunting

July 19, 2007

 1.  I read in the Inquirer that the Internet Test vote for OFWs in Singapore is set to start tomorrow - July 20 and will end on August 8. Di talaga ako interesado – pero nagabago ang aking pananaw nang nalaman ko na mayroong electronic raffle (laptop, mobile phones and an iPhone) for those who will participate in the mock test. Hmm….. naisip ko na dapat kong gawin ito para sa aking bayan. Para makatulong naman ako in my own small way — at malay natin.. manalo ako sa raffle… iPhone po sana… iPhone po sana…. 

Sa mga interesado  – below links will be helpful. Pero pag nanalo kayo sa raffle….. kahati dapat ako sa prize since ako ang naginform sa inyo J

http://www.philippine-embassy.org.sg/index.cfm?GPID=185

http://www.comelec.gov.ph/oav/internet_voting/flyer.html  

  2. I encountered a mishap this morning. Bumili ako ng Kopi-O (Black coffee) sa may bridge. Di ko napansin na di pala masyadong naseal ni Kopi Auntie yung cup. Kaya ayun…. natapon sa aking damit. Meron tuloy mapa ng Australia ang damit ko. I tried rinsing it with warm water… pero no effect talaga.  Isip ko na i-tuck-in na lang… kaso I am wearing a polo barong style shirt. So the idea is a big NO-NO! Not unless willing ako mahuli ng fashion police. J.  I was thinking of buying a new shirt – kaso nagtitipid ako. Final decision — No DEAL  este…deadma! Di na lang ako magtatayo at maglalalakad – hay… ma-force tuloy akong mag-focus sa aking work! Bad Kopi Auntie! Bad!

Nga pala… para sa mga wala dito sa Singapore

 Kopi-O  - Black Coffee with sugar

Kopi-C – Coffee with Evaporated Milk and Sugar

Kopi – Coffee with Condensed Milk

Pag special order – add the below words at the end

Siew-tai – less sweet

Ka-tai – more sweet

Ko-song – no sugar

So… Kopi-O Siew Tai – Black coffee with sugar, less sugar….. gets?

Disclaimer : Di ko alam ang tunay na spelling… base na lang ito sa bigkas ng kaintsikan dito…..

3. Bought a new pair of black shoes last Sunday. Yup… kabibili ko lang couple of weeks ago… pero nasira na agad! Hmp! May pagka-abnormal din kasi ang paa ko…. Medyo matambok yung bridge nung front part ng aking paa. Medyo masikip ang entrada nung shoes na binili ko couple of weeks ago.  I was in agony the entire week na sinuot ko ito. Initially – akala ko dahil bago lang. Pero after a week — napansin ko na may punit na yung top portion. Talagang di na nya kinaya ang aking abnormally shaped foot. Hay… so no choice but to buy a new one. Medyo binabaan ko na ang aking “style” standard. As long as presentable – and comfortable.. Oks na.  Lady luck was on my side last Sunday… I found the perferct pair on the 3rd store. I have been wearing it for 4 days now.  So far….  Okay pa naman.

4. I mentioned in my previous blog that I will try to write something about the book “Running with Scissors”. I don’t have the patience to write a full book review. Baka duguin ang utak ko sa pag-english. J  Isa pa… wala talaga ako tiyaga to do book reviews.. I find it dull and boring hehehehe. Anyway – the book is hmm… different… a little disturbing at some point… but is a good read.  It is supposed to be a Memoir… so I am a little skeptical that such drama can happen to one person and still come out as a sane individual.  The book is about the childhood of the author - Augusten. His parents divorced… he lives with his “feeling diva”–trying hard to be a writer-found out that she’s a lesbian-lunatic mother.  Yung nanay nya ay may shrink na unconventional ang pamamaraan ng paggamot. Dahil sa naloloka na yung nanay – the mother decided that the Augusten should live with the doctor’s family. Syempre pa – puro psychotic din yung family ng doctor. If I remember correctly – the family is composed of the unconventional shrink, the wife na accepted na may mga babae yung doctor, a daughter na pina-legally ampon dun sa isang may edad na lalaki na naging syota nito, a daughter who works for the doctor na di pa nagkakarelasyon - ever, a 30 something gay male na ampon nung doctor and isang patient nung duktor  na takot sa dumi Sabihin na lang natin they live a very mentally colorful life. Dito na rin narealize nung author that he is gay ( mga 12 or 13 yata sya nun) — and naging lover nya yung 30+ years old na ampon nung doctor. Eto yung medyo disturbing na part. Dahil ng sa psychotic yung family – okay lang yung relationship. Yung Nanay naman nya ay may mga “issues” din like – nagkaroon ng kalive-in na wife ng pastor, nag-uwi sa bahay nila ng isang ex-convict na lalaki na naka-threesome nila nung lover nya na babae, claimed that she was being molested by the shrink and had a relationship with a waitress. Basta — yan.. nagsanga-sanga na yung mga buhay nila. Ending — hehehe… wag na.. baka may gustong magbasa – sisihin pa akoBasta isa lang ang sigurado — Augusten grew up and become a New York Best Seller writer… obvious ba… Memoir nga e….  Dun naman sa tamad magbasa – there is already a movie version starring Annette Benning (as the mother) and Joseph Cross (as Augusten). 2006 pa raw ito napalabas sa US and shown last Feb dito sa Singapore…hmm..  hanapin na lang natin sa DVD.

Do I recommend the book … oo naman… wala lang… nakakasawa na rin kasi minsan yung same plot… eto.. kakaiba… promise… J .

More info on the movie - http://www.imdb.com/title/tt0439289/


Isa… dalawa… tatlo……

July 6, 2007

 1.         I again diverted from my usual routine. Una – hindi ako bumili kina Madame Auntie. Baka makasalubong ko si Sylar dun. Ikawala – hindi ako bumili ng beehon. Yup. Tama ang basa nyo. After months of eating beehon for breakfast.. I decided that it’s time for a change. Kailangan ng pagbabago! Para sa kinabukasan… para sa kalayaan! Ay.. sorry.. na-carried away lang po. Ano? Tinatanong nyo kung ano ang inagahan ko? Hmm.. a…e… Tanghoon po.  Sa mga taga-pinas.. sotanghon. Dry tanghoon… parang beehon na luto.. pero iba ang noodle. Ha? Ano idinagdag ko? Ah..eh… luncheon meat at kikiam… pero isang luncheon meat lang! Hehehe….  

2.        Nung nasa harapan na ako ng bldg naming… napansin kong may couple na medyo quarelling yata sa tabi nung isang poste. Hmm.. dahil likas ako tsismoso.. I discreetly looked kung tutuo nga ang hinala ko. Tutuo nga! Parang ayaw papasukin nung lalaki si babae. Hmm…bakit kaya…   

3.        A lady friend asked me yesterday what should she wear for casual Friday para mapansin ng kanyang apple of the eye. Wala lang. Trip lang nya magtanong. I said… you should definitely not show any skin …. Or the public will clamor for your death… so definitely – bikini, swimsuit, short-shorts,  sleeveless are out… hehehe… Well.. kidding aside… sabi ko… for ladies.. the best thing to wear if you want to look casual yet sophisticated and fun….. Jeans and white long sleeves…. Wala lang.. I love seeing a lady in jeans and white longsleeve… parang may air of sophistication and cleanliness heheheeh….. Nga lang.. medyo wag kaya maiinis pag tinangong kayo kung member kayo ng ABS-CBN news team hehehehe….  Accessories? Silver jewelry or pearls… kaso pang pearl mukhang nanay. Hahaha….  Definitely as less make-up as possible.  Para fresh ang dating. So.. yan ha… tip ko na rin yan sa iba……  


Bits and Pieces

July 3, 2007

1.        I discovered the best place to hang-out by yourself and read. Changi Airport coffee shops (Starbucks, Coffee Bean etc). Last night – I remembered that I need to pay my  Amex bill.  There is a American Express Forex booth in Changi Airport that also accepts Credit card payments. Since wala naman akong ginagawa – I decided to go to the airport and pay my bill. Dahil tambak na rin ang mga magazines na nabili ko — all waiting to be read… naisip ko na mag-coffee na rin at magbasa.  After paying my bills — I bought a decaf café Americano and a plain bagel + crean cheese sa Starbuck. I turned on my Ipod…. and read my magazine. Medyo naaliw yata ako… di ko napansin ang oras.  An hour or so later… natapos ko na ang aking coffee and magazine… I decided to head back home. Bakit sya best place? May sense of anonymity kasi.  Walang nakakakilala sa iyo. The other people are also busy with their own things .. kaya di ka nila papansinin.  So you can get lost in what you are doing without worrying what other people thinks.  It’s the best place to be around people but feel that you are alone. Makes sense? If not… okay lang … kanya kanya naman kasing trip sa buhay talaga…. J  

2.        Okay…. Can’t help it…. Need to have an entry about Wendy. Hehehe…. Sa ngayon naaawa na ako sa kanya. She’s being booed everywhere she goes … sa Araneta.. sa ASAP… Kawawa naman. The people do really hate her no? Sabagay… sya naman ang may kasalanan…. But still.. when will the hatred end?  Advice? Tigilan na nya ang pagsasabi ng “Tao lang po ako… nagkakamali”. It’s really irritating.  All she have to say is that she’s wrong and she’ll do her best to win back the people. Baka sakali pang tigilan na sya ng tao.  She should also stop from exploiting her financial status… Oo na… galing ka na sa hirap… madami  ka na problema… well so do millions of other people… So… being poor does not mean you are entitled to fame and fortune as compared to those who are financially fortunate. Bottom line — its talent, charisma, and hardwork that really counts.   

3.        Sa The Buzz – Wendy was asked is she loves Bruce… she said she have feelings for Bruce… pero she needs to sort out some things first. Hmmm… bakit sa loob ng bahay iba ang statement nya? Kawawang Bruce… Day 1 pa lang yan outside the house. 

 4.        Transformers (the movie) have already opened. Pero di ko pa rin ito napapanood. I was trying to book online for Sunday sa GV Max in Vivo City… but all the good seats are already filled up. Ayaw ko naman panoorin ito sa ibang movie house. I like the GV Max theater in Vivo City. Kung yung movie na papanoorin nyo ay hitik (hehehe.. lalim) sa action at special effects… this is the cinema for you. The surround sound is really good. Parang part ka na ng movie hehehe… The cinema itself is big… kaya less ang chances na mablock ang view mo if in case may “big headed individual” na maupo sa harapan mo. Its also relatively new – kaya hindi pa amoy paa yung mga chairs… still very comfortable. Even the aisle between the rows are wider.  Kaya pag may dadaanan….. walang  “face-ass” situation hehehehe… Kaya its this theater or wag na lang… hehehe.. joke lang…. pag wala talaga… tiis na lang sa iba… J  

5.        Most played songs sa aking ipod since last week :

Only Love,  Forevermore – Jed Madela – from Only Human                 

Only Reminds me of You, Crazy for You – MYMP – from New Horizon                

Harana, Summer Breeze, Here Comes the Sun - The Company – from Destination: Bossa                

Himala, Man of Steel, May Tama Ako – Jay-R Siaboc – from Hiling                

Promise Me – Lea Salong – from Inspired

You Get what you give, Someday We’ll Know – New Radicals – from Maybe You’ve Bee Brainwashed Too

                

Clocks – Coldplay and Buena Vista Social Club – from Rhythms Del Mundo: Cuba

I Still Haven’t Found What I’m Looking For – Coco Freeman featuring U2 – from Rhythms Del Mundo: Cuba

She Will Be Loved – Maroon 5 and Buena Vista Social Club - from Rhythms Del Mundo: Cuba 

I bought a few OPM cds when I was in the Philippines… kaya ito pinapakinggan ko ngayon.  The New Radicals album and the  Rhythms Del Mundo: Cuba was introduced to me by my friend Vida.  Kung gusto ko na medyo marelax… I listen to the Compay’s new album Destination: Bossa and the Rhythms Del Mundo: Cuba album.  I finally gave in to the Bossa craze hehehe…….  

6.        I was in a “jologs” mode last weekend.  I watched “You Got Me” and “Ang Cute ng Ina Ko”  in vcd.  Nakakatawa naman kahit papaano.  Di ko lang alam kung naging mababaw lang ako magmula ng dumating ako dito sa Singapore ha. Sam Milby/Toni Gonzaga and Luis Manzano/Anne Curtis look good together. They are both believable as couples in love. The movies are predictable… pero okay lang.. pangpalipas oras lang naman. Medyo irritating si Ai-ai and Eugene Domingo   (yung nanny ni Anne sa movie) pero I think the director wanted this to be a physical comedy .. so forgivable naman.  All in all… both movies are entertaining… wag nyo lang masyadong taasan ang expectations nyo.  Remember… these are feel good movies… hindi sya ginawag para manalo ng OSCAR award for Best Foreign Language Film.

7.     Medyo bothered ako by a very recent incident dito sa office. A team lead here in the office called and asked about a task she assigned to me.  I said its finished and sent her a mail couple of weeks ago pa. She said – ok… please print me a hardcopy. So… akala ko naman pag-uusapan naming yung assignment. I printed a copy… then pinuntahan ko sya dun sa other end of the room.  Nung inabot ko yung printed copy … she just said thank you. Yun lang….. thank you. Kung kailangan lang nya ng hardcopy of the assignment … can’t she just print it herself? Mind you … may printer couple of feet away from her. So hindi sya effort. Wala lang. Di naman ako secretary? Hmm… weird lang. I doubt na ganun sya ka-busy no. Is this plain and simple laziness and disregard of another person’s time? Ewan. Bahala nga sya. Medyo nabother lang ako. 10 years of working… and ngayon lang ito nangyari. Kaya siguro ako medyo slighted.  

-02JULY07-