Stop, Look, Listen

February 13, 2009

bankers_22

(11-Feb-09) Sobrang antok pa rin ako. Aga ko kasing nagising at pumasok – e late na akong natulog. I was watching the US Congress grill the financial company CEOs sa Bloomberg till around 2:00 a..m. Hmm.. Nagulat kayo no. Hindi nyo ba ako ma-picture in front of the television watching Bloomberg intently? Well – ako man. But desperate times need desperate measures! Knowledge is power! Sabi nga ni Ka Ernie (SLN) – pag walang knowledge — walang power! Truth be told – hindi ko rin naman naiintindihan lahat nung mga pinagsasabi nila. Pero dahil sa malaki ang effect ng mga pangyayaring ito sa akin — napipilitan akong makiusyoso. O – alam ko na ang sasabihin nyo – tsismoso naman talaga ako by nature. Fine. I admit that. Pero yung mga interesting tsismis naman. Tulad ng nabuntis yung pinsan ng kapatid ng manugang ny biyenan ng pinsan ng kapitbahay ng classmate ng friend ng kaopisina ko. Yan. Medyo interesting. Pero kung tungkol sa mga credit flow, Troubled Asset Relief Program, Financial market meltdown etc….etc…  Malamang ay tulugan ko lang yan. O ilipat sa Cartoon Network or TFC ang tv. Nasa isip ko kasi na pang-geek lang yang mga ganyang usapan.  Hindi naman lalabas sa normal na usapan yang mga yan. Sige nga – kunwari nagkwekwentuhan ang grupo tungkol sa latest episode ng Tayong  Dalawa at bigla akong sumabat para itanong kung ano ang opinion ng bawa’t isa tungkol sa bailout package ng US government sa mga  Banks na considered as “too big to fail” . Ano sa tingin nyo ang magiging reaction ng sangkatauhan?  Malamang ay tingnan ako ng masama at deadmahin – or worst batuhin ng sapatos ala Bush. Such news have no place in normal day to day conversation.

 

I was wrong.  Magmula ng nagsimula ang mga kabulastugan sa global finance ay naging common topic na ito sa aming circle. Siguro nga – dahil sa nakasalalay sa mga pangyayaring ito ang kinabukasan ng ating lahi. I’m not kidding nor am I being dramatic. Alam nyo naman kaming mga OFW — maraming mga dependents at scholars. Kinakailangang laging may raket kung hindi – force diet ang lahat. Since this crisis is very close to home — kinakailangan na medyo aware kami sa mga pangyayari at maaring mangyayari. We need the info in formulating our short term and long term goals and actions. Mahirap na ma-caught unaware. Again – force diet ang lahat kung sakali. Kaya ayun – bigla naming naging kaibigan sina Bloomberg, CNN Money at CNBC.  Looking at the bright side — as in looking – craning your neck to see the bright side— kahit pa by force – nakatulong ang force-awareness na ito sa amin.  We can make use of this awareness sa aming mga desisyon regarding investments and retirement fund. Napilitan din kaming i-review an g aming mga financial standings at mag-reprioritize ng needs at wants. In short – we were forced to grow-up and kahit papaano mature in our financial decisions. I am still a long way bago ma-achieve ang financial decision maturity pero kahit papaano naman ay may change ika nga.  I aint liking it but no choice lah.   

 

Anway – marami pang pwedeng mangyari sa “reality-serye” na ito. Sabi nga ng mga financial experts (which I am beginning to doubt kung experts nga) – it’s still a long long long way to go. Kaya suggestion lang – don’t hold your breath in anticipation. Baka maubusan lang kayo ng hininga at madedo.  What we need to do is to stop (ang walang mga kwentang paggasta), look (for ways to save…save…save…) and listen (sa mga bali-balita sa paligid). Hmm… mukhang listening lang ang kaya ko ah. Hirap nung stop and look e. Aiyah

 


120/90

March 27, 2008

Dahil sa palagi akong naha-highblood – I decided a few weeks ago that I must do something about it. After all – Health is Wealth. Wala na nga akong financial wealth — wala pang health. Kawawa naman akong masyado. Ayun na nga —- itinigil ko na ang isang bagay na nakakapag-pataas ng aking presyon. Nope – hindi ako tumigil sa pagtratrabaho. Oo nga’t malaking factor ito – pero mas tataas kasi ang blood pressure ko pag dadagdagan ko pa ng problemang pinansyal. Ang itinigil ko na ngayon ay ang panonood ng news programs mula Pinas (e.g. TV Patrol, Bandila, 24 Oras, Saksi).

Tuwing nanonood na lang kasi ako ng balita ay nararamdaman ko na unti-unting umiinit ang aking ulo. Each news segment adds up sa init ng ulo ko —- para syang weighing scale na pataba ng pataba yung nagtitimbang. Numero unong kinaiinisan ko ay ang mga pulitikong pulpol. Oposisyon man o administrasyon o yung mga confused. Ang hilig kasi nilang magbalatkayo na ang mga ginagawa nila ay para sa taong-bayan. Siguro – kung tutuo lang na ang nagsisinungaling ay tatamaan ng kidlat —– ang Pilipinas na ang may hawak ng world record sa pinakamaraming tinamaan ng kidlat. Mapapatunayan din dito na lightning does strike twice – actually multiple times. At magiging mabilis ang palit ng mga politicians dahil sa dami ng namamatay dahil tinamaan ng kidlat.

Maraming nagsasabi na maka-administrasyon daw ako — na labs na labs ko daw si Ate Glue. Hindi yan tutuoo. Naniniwala ako na alam ni Ate Glue na corrupt pa sa buwayang pulis ang kanyang asawa at anak. Maari ding paminsan-minsan ay nakakakuha sya ng pang merienda. Fine. Nga lang — siya ang nakaupo ngayon e. Kahit aminin man ng iba o hindi — umaayos naman ang lagay ng Pinas. So – pabayaan na natin sya. Sa 2010 — aalis na rin naman yan sa high-chair nya.

Sa mga Oposisyon — mas madalas ako mahigh-blood. Walang sinabi kung hindi paalisin… paalisin. E kahit naman yata sino maupo – gusto nila paalisin. Pag sila na ang nakaupo – for sure sila naman ang paalisin. Hmp. Kung ako sa kanila – titigil na ako kasisira sa imahe ni Ate Glue. Actually – wala na namang sisirain e. Magfocus na lang sila sa kung ano ang gagawin nila for 2010. Magdesisyon sila ng 1 tao na tatakbong presidente para mas makasiguro ang panalo ng oposisyon. Pero sa tingin nyo ba mangyayari yan — asus. Baka mauna pa akong mangayayat at maging miyembro ng Coverboys+ kaysa mangyari yan. Tatakbo silang lahat – dahil daw sa clamor ng mga tao. Tapos – pagdating ng bilangan – talo…. dahil nadaya. E kung hindi ba naman kayo gunggong at kalahati – kung nung 2004 isa lang ang tumakbong oposisyon – e di sana kayo na nakaupo sa Malakanyang — at kayo naman ang pinapaalis. Syempre pa — para sa mga engots na oposisyon – experience is not the best teacher. Mas naniniwala sila sa kasabihang “Just do it!”. Hello! Nike ba ang suot nyong shoes? Di naman di ba? So anong do it … do it kayo dyan. Hay naku.

Sa mga feeling presidentiables… naku…. Umiinit din ang ulo ko. Mr. Palengke —- hindi lahat ng dumadaang jeep – sinasakyan. Hello. E tuwing may issue na lang — laging nasa tv at dyaryo pagmumukha mo. Naku — there is such thing as “over exposure”. Wala bang nagpapayo sa yo? Yung isa pang presidentiable — ang lakas ng loob magsalit ng mga expose —– sa “privilege speech”. Ayun – dakdak ng dakdak kasi alam nyang di sya pwedeng mademanda. Tingin ko — tapos na ang novelty nya sa tao. Senador mananalo sya … Vice President pwede pa rin. Pero President? Naku – medyo mahihirapan sya. Kaya siguro ngayon pa lang – speech na sya ng speech. Expose ng expose. Hay. Eto pang isa – dahil hindi sya tiyak maconsider na VP candidate… naglipat bakod … ayan VP candidate na sya… yung nga lang — talunan…. dahil dinaya ….. Sure? Meron pa dyan – feeling presidentiable. Publicity whore (for a lack of a better term — pasensya na po.. sorry) lang naman. Sabi nga nung iba – mas mabilis daw kasi ang bibig nya kaysa sa utak. Kaya pasensyahan na natin. Basta may issue — ayun nakikisawsaw din. Sana may magsabi sa kanya – ang issue hindi patis… kaya wag sya sawsaw ng sawsaw. Hmp.

Anyway — nainis na naman ako. Balik tayo sa ibig ko talagang sabihin. Mahigit one month din akong di nanood ng balita. I still read the paper — pero mas controlled ko yung inis ko pag diyaryo. Di ko kasi nakikita yung mga pagmumukha ng mga eng-eng. Pag tv kasi – kitang kita mo – flesh and blood ang mga kurimaw. San na nga ulit ako ….ayun…. dahil sa manageable na ang aking blood pressure – I decided na it’s time … tama na ang panahon upang manood ulit ng balita. Parang medyo tahimik na ang lahat e. Para bang calm before the storm. Since calm naman — manood ng news… pagdating ng storm… tigilan. Yan ang aking naging pamantayan. Kaya ayun – kagabi – nanood ako ng Bandila. Isang malaking pagkakamali.

Unang balita – yung supreme court decision na i-uphold yung executie privilege ni Neri. Syempre pa –daming galit. Kasi kung hindi magiging testigo si Neri — kailangan nilang maghanap ng ibang witness to do a Lozada. Yung kasing surprise witness nila after Lozada — ay surprisingly walang alam sa mga pangongotong na iniibistigahan daw nila . (Investigation ba yun kung assumed guilty na yung nasasakdal? Inquisition pwede pa). Pag walang makuha — mababawasan na ang free media mileage nila. May nagsalita ng na the decision daw of the supreme court overrides the power of the senate and congress to conduct investigation in aid of legislation. Asus. In aid of legislation ka dyan. Yun ngang cheap medicine act… hanggang ngayon act pa rin….. e alam naman natin na this will be good for the masa. Uunahin pa ang mga in-aid in-aid of legislation na yan. Itong batas na makaka-aid sa tao — mukhang forever nang nakabinbin. Saka — supreme court na nga yung nagsabi. Kung hindi nyo gusto – mag-appeal kayo. Wag na kayo painterview-interview pa na mali ang hatol. Mali – kasi hindi pabor sa inyo. Naku talaga… Supreme court nga e…. Supreme…… Kaya may Supreme. Kasi Supreme sila. So – sa ayaw nyo man at sa gusto…. supreme sila.

Ikalawang balita – connected pa rin yata sa unang balita….. may ininterview na sinabing kulang daw sa demokrasya sa Pilipinas? Ha? Kulang pa? Sure? E nasasabi nyo naman lahat ng sinsasabi nyo. Nakakapag-rally naman kayo kung saan-saan. Majority ng karapatan nyo e nae-exercise nyo naman. Ano pang gusto nyo? If we really stop and think about it – meron bang bansa dito sa mundo that is fully democratic? Wala no. May mga laws and such pa rin naman. By nature kasi – man can be destructive. Kaya minsan kailangan ng kaunting pagpigil sa karapatan para medyo manahimik. Mind you – democracy means for the people…. majority of the people….. not for the few who shouts louder than the rest. Minsan nga – isip ko lang… mas mainam kung ang mga Pinoy will be rules with an iron fist. Hindi kasi tayo palasunod – not unless strict ang nagpapatupad.

Ikatlong balita — a certain bishop was being interviewed… well fine…. lagi naman.. Galit sya kay Ate Glue …. fine pa rin….. prerogative nya na magalit at mag-voice out ng opinion nya. Sabi nya wag raw pakasiguro si Ate Glue about the bishops…. Sa 100+ something na bishops… parang less than ten ang gusto nang paalisin si Ate Glue.. 8 or so ang pro-administrasyon.. while the rest of the majority ay wala pa rin daw decision… so wag daw pakasiguro si Ate Glue na kami sa kanya ang mga bishops. Hmmm… sa tinagal-tagal ng kaguluhan na ito… sa dinami-dami na ng mga maka-teleseryeng pangyayari… majority of the bishops are not decided yet on which side to choose…. Hmmm…. Di kaya yung mga majority ay hindi talaga partisan? Which means that they have better things to do – like spread the Good News – kaysa magpagamit sa mga pulitiko? Si Mr. Bishop – wala naman issue sabihin nyo ang inyong personal point of view — pero kung sa pagsaalita nyo — sort of sinasabi nyo na marami talaga kayong mga bishops na pabor na patanggalin si Ate Glue — are you not misleading the people? Mga tao na naniniwala na with your guidance – they will be brought to the right road? Siguro — minsan… kailangan isipin natin (yung honest to goodness na pag-iisip ha) yung mga tao. Ano ba talaga ang makakabuti sa kanila. Pero di pa dyan natapos si Mr. Bishop — he blatantly said na hindi nya kayang bigyan ng communion ang isang public sinner… sorry na lang daw… but hindi nya pwedeng gawin ito sa makasalanan na hindi umaamin ng pagkakasala nya. Napa —- whattttttttt!!!!!!!!! - talaga ako dito sa comment na ito. Teka lang. Hindi ba isa sa mga teachings ay judge not so that you won’t be judged? How did you know na makasalanan talaga si Ate Glue? Has it been proven? Innocent until proven guilty di ba? Wag na yung batas-batas dahil wala din naman akong masyadong kaalaman dyan —- you won’t give communion because she’s a sinner? Whatever happened to acceptance? Forgiveness? Love thy neighbor? Jesus died for all of us – to redeem us all from our sins. Si Jesus nga — hindi selective…. who died and gave you the right not to give communion to “public sinners”? Paano kung private sinner … kasama ba ito sa hindi mo bibigyan ng communion? O – since private sinner ito – and you have no way to know if he killed an entire village — e bibigyan mo siya ng communion? Ano ba difference ng private at public sinner? Pareho lang naman silang sinner di ba? Ikaw ba – are you not a sinner? We all have sinned – malaki man… maliit…. Bottomline – we sinned. Saka paano mo nalaman na Ate Glue have not repented for her sins? E hindi lang naman ikaw ang pari na pwedeng pag-confession-an no. Nakakagulat lang na the person who have been teaching about living the Christian way of life would say something so un-Christian. You are pillaging Ate Glue of her lack of leadership…but the truth is — you are not different. Si Father naman — at nagtataka kayo bakit kumokonti ang nagpupunta sa simbahan.

Ikaapat —- wala nang ikaapat. Nilipat ko na yung channel. Wala akong plano na sirain ang aking gabi. Hmp. Manonood ba ulit ako ng balita – hindi na muna siguro. Ngayon pang nasa-manageable level na ang blood pressure ko. Ililipat ko na lang ulit sa TFC kapag Maging Sino Ka Man Na. Naku — patapos nap ala this week ang Maging Sino Ka Man! So sad……. Bilang pagtatapos sa blog entry na ito — let us pay pay homage to this show :

You and I will pass away someday my love

But the love we have come to share will never die

It will live on… and live it will

It will endure through the years unfolding

And others will know of it

For the rain will sing our melody

And in this song we shall live on.

And live…. We will.

P.S. Miss ko na si Celine.


Mula sa Karimlan, Patungo sa Tamang Daan

February 19, 2008

lobokungfukidspalos_collage_small-300.jpg

Dahil sa hindi maganda ang oras ng pagpapalabas ng mg telersery ng Kapuso dito sa Land of 24X7 Kopitiam – nananatili akong tagasubaybay ng Kapamilya Primetime bida. Sabay-sabay na inumpisahan ang Kung Fu Kids, Lobo at Palos. Hindi pa ako nakapanood ng Kung Fu kids dahil sa hindi ko na ito inaabutan – pero kahit papaano ay napapanood ko ang Palos at Lobo. Syempre nandyan pa rin ang Maging Sino Ka Man. Hmp. Kainis na talaga itong si Corazon. Lagi nyang inaapi si Celine. Hmp. Buti na lang nandun si Onay the Monay. At labs pa rin sya ni JB. Anyway – naligaw na naman ako —- maaring tinatanong nyo — o.. e ano naman ngayon sa amin kung ano ang pinapanood mo. Sagot ko dyan — tama kayo… wala… for sure ay di kayo affected…..pero dahil sa blog ko ito —- ako masusunod kung ano isusulat. Hmp. Isama ko kayo kay Corazon e.

Palabok lang naman ang paragraph sa taas. Para maset lang ang mood bago dumating sa main course. Ano ang main course? Teleserye Disease. Di ba nabanggit ko sa aking isang blog na tayong mga Pilipino (me included) ay mayroong “teleserye disease”. Ano ang teleserye diseas? Ayon sa aking thesaurus na hindi pa naililimbag kaya ako pa lang ang nakakaalam —- ang teleserye disease ay isang bacteria na nabibigay sa atin ng ilusyon na ang buhay natin ay isang malaking teleserye. Yup. In other words — nabubuhay tayong mga Pilipino sa drama. Para tayong mga bad actors sa isang Pinoy melodrama series.

Case point — ang kasalukuyang hit na hit na teleserye — “Mula sa Karimlan , Patungo sa Tamang Daan – the ZTE Scandal”. Isang classic na example kung saan makikita mo ang lahat ng rekado ng isang Pinoy teleserye. Tulad ng Mara Clara at Aguila — medyo matagal tagal na rin ang itinatakbo ng series na ito. Marami-rami na ring media mileage ang nakukuha ng mga nilalang (mga trapo, oposisyon, administrasyon, di-tiyak o yung mga hindi raw oposisyon at hindi rin admistrasyon, makaka-kaliwang grupo, maka-kanang grupo, intellectual, feeling intellectual atbp) na at one point or another ay sumawsaw sa issue na ito. Tulad din ng mga Pinoy teleserye – pag medyo bumababa na ang rating — biglang may ipapasok na tauhan para mas gumulo ang kwento. Ginagawa rin ito para magtagal pa sa ere ang series. Di dyan nagtatapos ang pagkakapareho —- para mas malinaw … gumawa tayo ng check list ….

Bida na mahirap (daw) na inaapi (check)
Kontrabidang mayaman (check na rin)
Corrupt na pulis (check lalo)
Corrupt na pulitiko (maraming check)
Love interest ng bida (check na din)
Illicit affairs (a couple of check)
Concerned (daw) bystanders pero wala namang ginagawa (madami-daming check)
Mga nagmamagaling pero palpak (mas madaming check)
Kidnapan (check.. depende sa kung sino kausap)
May magka-amnesia (check na rin)
Bribery (check din..pero meron din cash hehehe)
Masama na magiging mabait (check na din at mukhang madadagdagan pa)
Scene sa simbahan (check na check)
Anak sa labas / Magkapatid pala (hmmmm… ekis)

So… batay sa aking check-list …. isa na lang ang hinihintay natin. Hindi kaya sa dulo ng ZTE issue ay malalaman ni De Venecia Jr. na ang tunay pala nyang tatay ay si Abalos? Pag nangyari ito… sobra na talaga.

O… maaring itanong nyo – love interest at illicit affairs? Meron. Pero tsismis lang naman. Di nyo alam? Ano ba yan. Huli na kayo sa tsismis. Buti pa si Jamby alam. Sige sasabihin ko — pero dahil sa ayaw ko namang mademanda iibahin ko ang mga pangalan at lugar. Nung una – sinabi nila na si Ambo daw ay may anak sa isang reporter na taga somewhere (di ko na matandaan). Ngayon – kung ano ang relasyon nito sa ZTE – ewan. Baka napilitan si Ambo na manghingi ng milyong dolyar pangdagdag sa child support or something. Kung ganun nga – e may relevance naman. Recently naman — tinanong ni Jamby si Whitey-shirt kung may “relasyon” sila ni Erin tulad ng relasyon ni Erin kay Rod something. Hmmm….Brokeback mountain ba. Ano relasyon nito sa ZTE – ewan ulit — unless na nagbreak sina Erin at Whitey-shirt kung kaya’t nagkaroon sya ng “moral conscience” bigla — e may relevance nga. Kung hindi naman – e itanong na lang natin kay Senadora Jamby. Baka may alam syang relevance.

Anyway — hindi ko masyadong sineseryosoang issue na ito — slight lang…. Bakit? Kasi truth be told – lahat naman ng cast ng serye na ito ay walang credibility. Alam kong maaring maraming magalit — pero opinyong ko lang naman yan. Kung may iba kayong opinion — isulat nyo sa blog nyo… or magpatawag kayo ng press conference. Balik tayo sa mga cast… di nyo ba pansin – bukod sa iilang bagong mukha – sila-sila rin naman ang kasali. Sila-sila rin ang nagbabatuhan ng akusasyon. Yun bang mga dating issue nila ay naresolve na? Hindi naman – pagkatapos ng walang humpay na grandstanding — nalimutan na nila ito and they have moved on with another issue. Reason? Ewan – possible kayang nawalan na ng interest ang tao dun sa nauna nilang awayan — and walang add-on sa kanila na ipagpatuloy ito?

Isa pang dahilan ko — bago natin isipin lahat ng pangyayari –san ba ito nagsimula… nagsimula ang lahat kasi hindi nakuha nung anak ni JDV ang Broadband project nung nag-bid sya dito. Hmmm…. Wala ako masyadong alam sa mga batas-batas… pero di ba bawal magbid sa government projects ang mga kalahi ng mga pulitiko? Bakit hindi binawalan ni JDV ang anak nya? Bakit parang hindi napag-uusapan ang issue na ito ngayon? Kung sakali bang nanalo sa bidding ang anak ni JDV… meron kayang scandal ngayon? Nakatulog kaya siya at nagising isang araw para i-expose ang katiawalian na sa kanya ibinigay ang project? Does this make him a sinner or a saint? Sa instance na ito — tutuo ba na huli man daw at magaling ay naihahabol din? Hmmm… basta ang alam ko — huli man daw at magaling — huli pa rin. Syempre – believer din ako ng palasak na kasabihang “the end does not justify the means”. Pasensya na po sa mga supporters nya — pero hindi ako masyadong convinced sa tao na ito. At the end of the day — hindi ko kailangan ang sinabi nya na sabi ni kung sino man. Hard evidence ang kailangan – documents, phone records, receipts, bank statements etc. Kung wala sya nito — at ang meron lang sya ay ang sinabi nyang sinabi ng kung sino mang pilato — e wait and see lang din ako.

Nang medyo sawa na tayo sa mga sinasabi ni JDV Jr. at Abalos… at deadma na rin si Neri —–in true pinoy teleserye — may darating na panibagong “witness”. Enter si Mr. Lozada . Fresh from his shopping spree in Hongkong (courtesy daw of Malakanyang) — mas ginulo nya ang storya. Medyo bumabagal na kasi — para macapture ang interest ng tao — medyo binilisan ang storyline. Ilang araw lang —- marami agad ang nangayari —– na-kidnap sa NAIA… or Abduct…. or kinuha para bigyan ng proteksyon ng PNP (depende sa kung sino ang kausap mo) — nawala, biglang lumitaw sa piling ng ating mga Father and Sisters…. Fast forward agad sa Senate Bureau of Investigation. Di pa dyan nagtatapos —- medyo madami-daming pangalan syang idinawit —- na syempre mag-rereact. Dahil sa medyo mainit ulit ang issue —- kanya-kanya na namang sakayan sa Kalesa ni Lozada. Kanya-kanyang statement — ang Catholic Church, iba pang sekta ng relihiyon, mga Businessmen, Kababaihan, Kabataan, Black and White, Black and Blue, Maka-Nora, Maka-Vilma, Maka-Sharon at kung sino-sino pa. Yung iba sabi umalis si Ate Glue, Yung iba sabi umalis yung mga gabinete but not Ate Glue. Yung iba sabi alisin lahat at ipalit si Kabayan Noli. Yung iban sabi alisin lahat pero ayaw nila si Kabayang Noli ang pumalit – kung sino – well pag-iisipan pa nila. Yung iba – isinisigaw na ibalik ang tambalang Guy and Pip. Pwede rind aw ang Vi and Bot. Pero ayaw nila ng Sharon-Gabby. Baka daw ma-hurt lang si KC. Ewan. Daming statements. Daming mga gusto.

Is Jun Lozada a credible witness as what the pro-Lozada is saying. Mahirap sagutin. Bakit? Kasi pakiramdam ko – masyadong maraming nakikialam sa kanya. Hindi ko na tuloy masabi kung sa kanya nga ba talaga galing ang sinasabi nya. Isa pa — pansin ko rin kasi na ang mga nakapaligid sa kanya ay medyo wala rin credibility. Di ba – tell me who your friends are — and I will know them… este I will know who you are? Lastly — sa mga lumalabas na storya — (pinakinggan ko both sides… para patas) – he is beginning to fall in the same box as JDV Jr. Sabi nya — gusto nyang mapag-ayos sina JDV Jr at sina Abalos. Same question — kung nagkaayos ba ang dalawang ito — maiisip nya kaya na “i-save ang kanyang soul”? If he really is kidnapped or abducted — bakit hindi sya nag-sms sa family and friends nya na “Help naman dyan…..”. Wala na ba syang load? Why did he not make a scene sa NAIA? Sa dami ng tao sa airport — for sure may makakapansin sa kanya. If he really is a very important star witness — bakit hindi man lang gumastos ang Senate para magpapunta ng tao sa Hongkong para sunduin sya — at samahan pauwi for his protection? Cost cutting? Sa dami ng pork barrel ng mga senador — wala man lang nag-isip magdonate? O baka naman gusto talaga nilang may mangyari kay Lozada so that they have something na pang-inis kay Ate Glue? Do the senators really believe to what he is saying dahil sa tutuo ito or dahil he is saying what they wanted him to say? Bakit may pangbayad sya ng pang-member sa Wack-wack golf and country club? Nag-christmas bonus ba sya? O baka naman gift? Nung nasa Hongkong sya — bakit sya nag-shopping spree considering na takot na takot daw sya at gulong gulo ang isipan? Therapy ba nya ang shopping? Kung magsasalita na talaga sya against the government – bakit tinanggap nya ang pang-shopping na mula daw sa government? Nagsalita ba sya because he wants to — o naisip lang nya na the boat is fast sinking — and it’s better to jump off now rather than be buried in the seabead with the boat? Sa dinami-dami ng supporters nya – wala bang nakaisip na bilhan sya ng kahit short sleeves polo man lang before going out on interviews. Sabi nya – di pa sya nakakauwi ng bahay kaya wala syang masuot —- hindi ba pwedeng makiusap sa mga kaanak nya na dalhan sya ng damit? Or bumili sa SM? Or pahiramin ng mga pari? Bakit kinakailangan naka-white undershirt lang sya — feeling Piolo Pascual? O nagpapaawa? Kung sakaling nagpapaawa sya — ibig ban yang sabihin na ang mahihirap ay walang sense when it comes to proper dressing? Kasi – marami naman sa ating mahihirap na kahit papaano — alam na pag ikaw ay makikiharap sa tao – you should at least be presentable. Hindi para madiscover at gawing artista — kung hindi it’s the right thing to do. It’s a sign of respect sa mga tao na makakakita sa yo. If you are really telling the truth — why do you still need all this drama? Ayos lang sa akin ang pag-iyak —– kahit naman siguro ako maiiyak sa stress kung sakaling ako ang nasa posisyon nya. Pero wearing a white undershirt is medyo OA na. Again… do I believe him? I want to — but somehow I have my hesitations.

Eto namang mga senador at ilang pulitiko na nakikisakay —- wag naman masyadong garapal… slight-slight lang. Sige kayo – baka sa kakapapel nyo mainis ang tao sa inyo. Hay. Do I still believe that the senators are impartial? No. Hindi ako kampi sa administrasyon. Do I believe na mayroong suhulang nangyari. Posible. Nga lang — innocent until proven guilty. Sa ayaw man natin o sa hindi — we should follow this. The whistleblowers should provide concrete evidences. Mahirap ang kwentong kutsero. Di ba ang sabi ng mga nakakatanda — ang maniwala sa sabi-sabi… gullible. Do I still trust the government? Slight – naniniwala pa rin naman ako na may mga tao sa government na truly gustong mag-serve sa mga mamamayan. At meron ding mga ganid na walang ginawa kung hindi ang magnakaw. Do I trust the opposition? May ilan — pero karamihan hindi. Bakit? Kasi naman – most of them have been already given a chance to serve in the government — pero wala rin naman silang nagawa di ba? Nung sila ba ang naupo – nabawasan ang corruption? Hindi. So bakit ngayon kailangan maniwala ako na things will be different kung kayo ang ipalit ko. Most of them are just former bida na nalaos at ngayon ginagawa ulit ang lahat para bumalik sa pagiging bida. Madalang ako pumanig kay Miriam — pero sa issue na ito… medyo may tama (as in correct ha… hindi topak) yata siya. You can summarize this teleserye in one sentence — Usapan lang ito ng mga taong hindi nabigyan ng tamang lagay. Tama din ang katanungan nya — wala nang kontrata…. Ano pang pinag-uusapan natin? San ito tutungo? Para malamang daw ang katotohanan sabi ng iba. Tanong ko naman — katotohanan sa kwento nino? Does anyone honestly believe na in the end we will know the truth? Taas ang mga kamay ng naniniwala —- para macongratulate ko kayo for your optimism. Ako – pessimist e. Hindi ako naniniwala na ang gusto ng mga opposition senators ay ang true truth. They had an opportunity na masira ang administrasyon kaya go…go..go… sila. The same way na kung ang administrasyon naman ang nakahanap ng masama laban sa oposisyon — punta rin sila ng media. Sino ang kawawa — yung mga kapwa nating Pilipino na naniniwala at nagagamit in the process. Wish ko? A credible witness who has hard evidence on the issue —- and a true impartial investigation… minus the circus and the monkeys running it. Kaya lang – that’s too much to ask for siguro.

Medyo mukhang mahaba-haba ang teleserye na ito. Magpapalit na siguro ang Primtimebida ng ABS pero itong serye na ito — going strong pa din. Malamang hanggang 2010 pa ito. Do I take this serye seriously —- di masyado. Bakit hindi? Dahil ang sumeryoso dito –malamang mental ang sapitin. Dapat — we should look into this issue for what it is —- isang malaking teleserye na lahat gusto sila ang bida. Sa dulo sino ang kawawa — e di tayong mga mamamayang Pilipino ulit. Pero oks lang yun — mahilig naman tayong magpakawawa. Tingnan nyo si Judy Ann… laging inaapi — pero sa dulo nagwawagi!

P.S.

May ininterview na isang madre sa special tapatan show sa ABS. Tinanong sa kanya yung isang tanong na gustong-gusto ko rin itanong —- paano nila nasabi na Lozada is telling the whole truth and nothing but the truth. Medyo nanghina ako sa sagot …….. GUT FEELING daw nila na he is telling the truth. Hmmm…. Gut feeling? Hmmm ulit…… Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa gut feeling ni sister —- pero kasi ang gusto nyong gawin naming mamamayan ay makiisa sa pagpapaalis sa administrasyon etc..etc….. and all this is based on a GUT FEELING? Magkakagulo ang buong Pilipinas — with strong effect on the economy dahil sa GUT FEELING? Wala akong issue sa pagkupkop nila kay Lozada — as that is the Christian thing to do. Pero ang paniwalaan sya dahil sa gut feeling — sorry po … pero hindi ako masyadong sang-ayon dito. Masyado naman pong mabigat ang hinihingi nyong gawin ko —- dahil lang feeling nyo nagsasabi sya ng tutuo. Pasensya nap o —- may hangganan kasi ang paniniwala ko sa tao. Kaya minsan — naghahanap din ako ng concrete evidence.

Isa pang medyo hindi maganda ang dinig ko —- sabi ni Lozada… ang gobyerno daw kasi natin utang ng utang tapos hinahayaan na ang nagpapautang ang magset ng terms. Dapat daw tayong nangungutang ang mag-set ng terms. Hmmm…. Pautang naman ng isang milyon — at babayaran ko in 200 years with 0.01 interest. Ano… papautangin mo ba ako o hindi? Ha? Ha? I may not be that business savy nor maalam sa government dealings — pero naniniwala ako na possible nga na may mga instance na yung nangungutang ang mag-set ng terms….. pero papayag lang ang nagpapautang kung win pa rin sila sa situation. Kunwari — umutang ang China sa Singapore —- pwedeng sabihin ng China na gusto ko lang 1% ang interest….. pero papayag ako na makapasok ang local banks mo sa China. Malamang sa hindi – papayag ang Singapore— not because hinayaan nila ang China —- pero dahil mas panalo kung makapasok ang local banks nila sa China since its an untapped market with billions of people. E ang Pinas — ano ba pwede nating ipang-bargain? Ang galing natin sa pagkanta?

P.S. Ulit :

Pasensya na sa haba…. Hindi ko kasi masyadong sineseryoso…. Pero pasalamat na rin kayo — Isipin nyo na lang – Paano kung sineryoso ko pa ito? Baka Next year pa kayo matapos magbasa. ☺


Beyond Reasonable Doubt

September 13, 2007

Verdict is in. Guilty! Guilty beyond reasonable doubt si Erap — of bad acting…. este of  Plunder pala. Surprised? Not really. Elated? Hmmm OA naman pag elated. More of  relief siguro. A “not guilty” verdict will mean more trouble. Mas magkakagulo.  For sure kasi na gagamitin ito ng opposition para mapaalis si Ate Glo sa high-chair nya.  Syempre – di naman papayag si Ate Glo.  So ang resulta … EDSAx where “x” depends on the number of times someone is protesting on the street of EDA.       

I hear d about the news during lunch. Kaya ayun – pagkatapos na pagkatapos kumain — internet agad inatupag naming. Gusto naming makitsismis sa mga pangyayari e. I was actually expecting major kaguluhan. Isip ko – tiyak na magkakagulo sa Makati (where Binay distributes permit to rally sa mga opposition supporters na para bang flyer ng isang bagong bukas na resto) or sa Mendiola (near Malacanang – mas may impact… not to mention the historical events na sa Mendiola lagi nanggagaling) or sa EDSA ( para maincrement ang EDSAx… at matraffic ang ayaw sumali!). But to my surprise – relatively peaceful ang lahat. Good… it seems that the Filipinos are slowly maturing in relation to politics.  I also downloaded the full Sandigan Bayan decision and read it. Di ko man naintindihan ang lahat – I can say that my curiosity on how the Sandiganbayan come up with the decision has been quenched.

When I arrived home – nanood ako ng TV Patrol. As expected – its Erap everywhere.  They did a good  coverage – much of  the sectors are interviewed/featured. They even have a feature on the reporters/press people. Isa lang sa pintas ko — they should do away with the sensationalized reporting.  I agree na kailangan ipakita ang mga Erap fanatics na nagkakanda-himtay sa iyak… pero parang sobrang tagal naman ng exposure. Oo na… the message have been received…. di na kailangan pang-i-OA!

Habang pinapanood ko yung mga news features — I can’t help but feel sad.  Naawa ako dun sa mga kababayan nating mahihirap na nagpunta pa sa rally. Yung mga umiiyak na akala mo ay anak nila ang na-convict. Talagang iniisip nila na Erap is their savior who can do no wrong.  Pinipilit ko ngang intindihin how they were able to come up with that belief.  Pansin na pansin din ang divide ng social class ng mga Pinoy na Maka-erap at yung mga naniniwala na he committed a major crime. Halos Class C/D ang mga maka-Erap. Masa talaga.  Talagang blind followers sila — which is pretty obvious when they were asked kung alam nila ang ibig sabihin ng “Plunder”.  Halos walang makasagot. Ano yun? Where they misinformed? Kung ako kasi yun – I would need to know ano ba yung Plunder… bakit sya pinaparatangan ng Plunder etc. What is the difference between my way of  thinking and their way of thinking? Education? Probably….  Pero I doubt naman na lahat ng pro-Erap ay di nakapag-aral. Economic Status ?  Possibly – given that Erap is very much supported by the Masa and not by the upper class.  Anyway – each person has the right to choose who to support. I-respeto na lang natin ang choice nila. Sana lang ay irespeto din nila ang choice nating mga naniniwala that Erap is guilty – both of  plunder… and bad acting.         

Pahabol…

I often hear comments like “ Hindi lang naman si Era pang nagnanakaw. Bakit sya ikukulong”… or something to that effect. Isa lang masasabi ko dito – focus….. this is the Estrada plunder case. We should focus and decided if he committed plunder or not. Tapos. Of course may iba pang magnanakaw.  Pero hindi ito pwedeng gamitin dahila para hindi i-convict si Erap.  He did something wrong — and he has to pay for it. If in case napatunayan din a nangungurakot si Ate Glo – then she has  to be charged and convicted as well – seperately.  Ewan — minsan nakakaiinis ang ganitong pag-iisip nating mga Pinoy….  


Guilty or Not Guilty?

September 11, 2007

Isa akong taong walang kadala-dala. Kahit na tumataas ang blood pressure ko tuwing magbabasa ng diyaryo — basa pa rin ako ng basa. As most pinoys know – bukas (Wednesday) na ibaba ng Sandigang bayan ang verdict sa Joseph Estrada plunder case. Hot topic tuloy ito sa dyaryo ngayon. De-demahin ko na sana … kaso di ko lang talaga mapigilan mag-comment. Below are some excerpts from an article in the Philippine Star today.

“We are prepared for whatever verdict the Sandiganbayan will come out with. But we are expecting the worst, because according to some reliable sources we have talked to and who have given us vital information, there is no way that my father can get an acquittal even though there is no evidence against him,” – Jinggoy Estrada
— No evidence? Hmm…. As in no evidence? Sigurado ka? Hanga rin ako minsan sa kapal ng mukha ng mga pulitikonatin — kaya talaga nilang tumingin sa ating mga mata at magsinungaling without any effort at all! Tsk..tsk…sabagay… practice makes perfect!

“If people believe in one witness whose credibility is questionable, he should have won in the last elections. It came from a polluted source,” – Jinggoy Estrada
— A eh.. sir… hindi po porke’t di nanalo sa election ay di na kapani-paniwala. Tulad ni Cesar Montano. Naniniwala akong lab nya si Sunshine – pero hindi ako naniniwala na pwede syang Senador. Gets? Polluted source? Bakit? San ba galing yung source? Sa Pasig river? Ay… polluted nga! ☺

“So we have very clear paths, whether it will be conviction or acquittal. In both cases, there will be no destabilization attempts, no violence. If they go to the streets, then that is their constitutional right. But Erap said it should be peaceful,” – Rodriguez
– Asus…di ko alam kung sino sya… pero… constitutional rights ka dyan… minsan iniisip ko ano kaya akala ng mga ito sa ating mga Pilipino.. Eng-eng? Sabagay…in fairness… nanalo si Jinggoy-just-add-panget and Loi. Baka nga.

“Also, if the former president would not be found guilty, why is the government on red alert and so busy preparing for security for the promulgation?” – Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz
– Father… meron pong tinatawag na “preparation”. Paano kung hindi sila maghanda – tapos nagkagulo. Sasabihin nyo naman hindi sila prepared. Minsan… hirap nyo iplease. Ewan.

But Bacani, who served as spiritual adviser of Estrada during his three-year presidency, said he believes the former president is innocent.
– Hindi ito quote… pero minsan iniisip ko… maniniwala pa kaya ako kung ang magpayo sa akin ay si Bishop Bacani pagkatapos nyang sabihin ito? Sabagay….. innocent until proven guilty. Mahirap mag-judge. Hindi naman book si Erap e.

“We will comment accordingly,” declared Bayan Muna Rep. Satur Ocampo
– O… bakit ngayon mag accordingly-accordingly kayo nalalaman. Dati – walang hataw kayo kako-comment! Hmm… bakit kaya? Abangan!

“Let’s wait for the ruling,” said his colleague Rep. Teddy Casiño – Akbayan
– O.. bakit ngayon wait-wait for the ruling. Dati wala kayong sinigaw kung hindi “Resign! Resign! Impeach! Impeach!”…. asus….. nagagawa nga naman ng posisyon…..

“In the end, whatever the court decides, we believe that President Estrada must be accorded the respect and dignity of a former head of state, voted by our people to the highest seat of the land,” – Senator Francis Pangilinan
— Kay Kiko tayo! Hehehe… Alam nyo.. kahit na minsan gusto kong itali si Erap sa puno, paliguan ng honey at tambakan ng fire ants…. Iniisip ko pa rin na naging Presidente natin sya. Kailangan talaga bigyan pa rin sya ng respect as a former President. Hay…. it’s the right thing to do. Yun nga lang.. pag nakikita ko na sina Just-add-panget at kung ano-ano sinasabi – tumataas ang blood pressure ko. Hay.

Anyway – yan.. medyo kalmado na ako… nailabas ko na ang inis ko e. Hmp. Buti na lang may blog! Bilang pagtatapos – nangako ako na babatiin ko ang bago kong mga fans… sina Rhemand at Rose Carpio. Ayan… 3 na fans ko.

Sa mga interesado – Full article at http://www.philstar.com/index.php?Headlines&p=49&type=2&sec=24&aid=20070910127