Good Intentions

June 30, 2009

Musta na mga  ka-berks? Bago ang lahat isa munang katanungan — uso pa ba ang salitang “berks”? I have been in my own bubble for quite a while kung kaya’t hindi ko na sure kung ano ang usong tawagan ngayon. Anyway – it has been a while since my last entry — akala nyo siguro ay tuluyan ko nang kinalimutan ang aking first love – acting.. este ang pagsusulat ng mga walang kwentang bagay. Hindi pa naman. Medyo bisi-bisihan lang ng kaunti. The past few weeks have been uninteresting. You’ll be bored our of your wits kung ikwento ko pa ito. Sabihin na lang natin na I’ve been busy with :

Work office_cartoons

A little sick (pero hindi AH1N1 ha..) cough

Farmtown Farmtown1 

 Yoville Yovile1

 TV Series TV

 Movies Movies

 Anyway – ulit — hindi yan ang gusto kong ibahagi sa inyo aking dear reader/s.  Naligaw lang ako – mahina ako sa directions e. Pasensya na ulit. Hmm.. nasaan na ba ako.. hmm.. ayun.. nangyari na ba sa inyo yung you did something with  nothing but good intentions pero ended up doing some other thing? Mukhang yan ang nangyayari sa akin ngayon. I wake up early and went to the office early (which by itself is already a miracle—- tutuo ang himala!!!!) with all the intention of working hard. Dami na kasing mga lumalagpas sa deadline – which is so not me. I am usually a hardworker – di lang halata. Pramis – masipag talaga ako… mukha lang hindi. J

 Ayun na nga – I arrived early sa opis. All ready for a full day of non-stop working. Work like a dog ika nga. With my Kopi-C siew-tai (Coffee with Evaporated milk – less sweet) – hinarap ko na ang aking computer. Read all my e-mails to get this our of the way. Nilabas ko na ang aking ipod to drown all the noise in the environment. And started working… for five minutes or so. Yup… I started will all good intentions – pero nabigo ako. Parang tinatamad ako e. Parang feeling ko may kailangan pa akong gawin bago ko simulan ang aking trabaho. Spent 5 minutes or so na pagmumuni-muni when it finally dawned on me.  Yup. Alam ko na kung ano ang dapat ko munang gawin. I need to write this entry.  And here I am – writing this entry which you are reading right now.  At dahil sa nasulat ko na ang entry na ito – isa lang ang dapat kong gawin. I need to end this entry and start with work. Walang choice e.. need to bring home the bacon. O sya… sa muli.

 P.S.

 Bilang tribute sa  namayapang King of Pop – I decided to listen to his music for the entire day. Yup. MJ the entire day. Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa.


To Read is to Believe

June 9, 2009

I know it’s been forever since my last entry. Pasensya na po. May mga makakating labi na nagbabasa ng blog ko na ito ang nagsumbong sa aking amo na madalas kong sabihin na wala akong ginagawa. Kaya ayun – binigyan ako ni bossing ng maraming gawain. Either that — or napansin lang nila na sayang naman ang pinapasweldo sa aking kung hindi naman nila ako papakinabangan. Kaya eto – busy as a bee. Or as an Ant. At dahil sa busy as a bee — or as an Ant… na ako —- wala na munang mga nakakatuwa at kagiliw-giliw na entries. Well — that is with the assumption na dati ay kagiliw-giliw ang aking mga dating entries.  :)

At dahil nga sa busy as a bee… or as an ant… ako —– hindi na muna ako magsusulat ng kung ano-ano pa. Naisip ko na sapat nang mag-iwan ako ng isang larawan na kagiliw-giliw.  Hindi ko na masyadong i-introduce ang picture na ipapakita ko… sabi nga — to read is to believe……

Ate2_A


Exhibit A

May 18, 2009

Naa-alala nyo pa ba si Aling Tindera na pinilit akong magtanong sa kaniya pagkatapos ay sinabihan akong wag nang magtanong dahil sa nakukulitan na siya? Ha? Ha? Na-aalala nyo pa sa? Sa mga hindi nakaka-alala – let me refresh your memory…

http://rollypollypanini.wordpress.com/2009/03/21/kulit-kasi/

Sa tingin nyo ba ay nagsasabi ako ng tutuo nung ikinwento ko ito? O akala nyo ay gumagawa lamang ako ng kwento para may maikwento ako sa inyo? Hmmm? Which is which? Anyway – para sa mga nagdududa dyan sa tabi-tabi — isa lang ang masasabi ko – A picture is worth a thousand words. Kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa… Exhibit A…..

Wala_Small


In theaters – July 15. Can’t wait!

April 21, 2009

hp6_med


X-O!

February 13, 2009

Nabanggit ko sa isang previous entry na ilalahad ko ang aking mga escapades nitong huli kong pagbabalik Pinas. Pero dahil sa tinatamad ako – O wag muna magreact — tamad lang ako… hindi ako sinungaling. San na nga ulit ako – ok.. dahil sa tinatamad ako — e hindi ko na ito isasalaysay pa in words. In photos na lang. Yun nga lang – tatlo lang yatang photo ang nakuha ko hehehe….. kaya pasensya na – tao lang. Minsan tamad.

Ok. Eto na. My first photoblog. There’s this place in SM City – The Block na kinainan namin which serves really good food. The servings are huge. Price is okay. Taste — sarap!!!!! No wonder it’s called “Extraordinary Philippines”.  Isa lang ang regret ko — di ko nakunan ng picture yung 2 kakanin na inorder namin. The sapin-sapin is so good. I forgot the name of the other kakanin we ordered — its like maja blanca na mais which was made of gatas ng kalabaw.  I’m salivating habang tinitipa ko ang entry na ito.  Hay. Eto na talaga.  Sabi nga — a picture is worth a thousand words.  Here are  5 pictures.

extra2extra4extra21extra3extra11