
Namishka. J Pasensiya na at medyo natagalan bago ako muling nakadalaw. Medyo maraming mga pangyayari sa teleserye ng aking tutuong buhay. Bukod pa dito – I got sick again. Don’t worry – isasalaysay ko rin ang naging karanasan ko sa pagkakasakit na ito. Para naman medyo mahaba-haba ang mabasa ninyo. Makabawi man lang ba sa pangungulilang naramdaman ninyo sa tuwing bibisita kayo sa site ko at wala kayong nakikitang kahit anong bago. O. Wala na munang kokontra. Nakikibasa na lang kayo e.
May isa pala muna akong babala – wala akong logical train of thought sa ngayon. Kung kaya’t isusulat ko kung ano ang nasa isipan ko. Sa mga maglalakas loob na mag-basa — keep up ok. Wala akong panahon na magpaliwanag. Hindi dahil sa busy ako. Wala lang akong tiyaga.
Dahil sa napag-usapan na ang pagiging sick – ikwento ko na rin ang aking karanasan sa pagkakasakit. Bukod sa pagtaaas ng aking blood pressure — hindi naman ako masyadong sakitin na nilalang. Well – until these past few weeks. Naisulat ko naman na nagkasakit ako few weeks ago — usual ubo, sipon, sakit ng ulo, trangkaso. Pero hindi ko naman ito masyadong ininda – ganun talaga. Minsan nagkakasakit. Lalo na at masyadong moody ang weather dito sa Land of Pay Cut. Minsan sobrang init… tapos ulan… not to mention ang paglabas masok sa aircon na lugar. Kaya ayun – natuwa na naman ang mga makers ng Tuseran.
A week after na medyo nakakarecover na ako — bigla na lang ako nanghina at gininaw. Alam nyo ba yung feeling ng pinagtatadyakan ng sampung kabayo? Well – di ko rin alam ang feeling nun – pero dahil sa mahilig akong mag-exaggerate —- yung ang feeling ko. Wednesday night yun.
Thursday morning — pinilit ko pa ring pumasok — hindi dahil masipag ako. May big announcement kasi sa opis at kinakailangan na nandun ako para mareceive ko ito. Kaya ayun – pasok pa rin. Uuwi nga sana ako ng maaga – pero syempre may mangbwibwisit. Ayun – may meeting pa ako till 7:00 p.m. Pag-uwi ko nang bahay – knock out na naman ako. Sa sobrang taas ng lagnat ko – feeling ko ay may lalabas na init sa mata ko pag tinanggal ko ang salamin ko. That was the first time that I experienced such high fever. Pero syempre – di pa rin ako nagpadoktor. Lam nyo naman tayong mga Pinoy — may doctoral. Ayun – ang sabi ko sa sarili ko — trangkaso lang ito. Panadol lang at lots of liiquid and I’ll be as good as new. Medyo punas-punas ng alcohol sa katawan… cold compress sa noo…. Bumaba naman ang lagnat ko.
Friday — hindi ko na kaya talaga. I stayed at home. Di ko maigalaw ang buo ko katawan. Para akong inupuan ng sampung elepante. O.. wag mag-react. “Para” lang naman. Pero dahil pinoy ako…. hindi pa rin ako pumunta sa duktor. Hindi nga ako makatayo — punta pa ng duktor. So self medication pa rin ako. Tipid.
Saturday ng madaling araw — mga 5:30 a.m. siguro… inaapoy ulit ako ng lagnat. Ayan… medyo kinakabahan na ako hehehe…. kinatok ko ang aking hausmate at nagpasama na ako sa ospital. Hindi na kaya ng aking knowledge ang sakit na ito. Pagdating sa ospital – kinuhaan ako ng temperature… tinanong kung nagtravel ako overseas at saka pinaupo sa isang isolate na lugar. Akala siguro nila ay may dala akong SARS virus or Bird Flu. Honestly – hindi ako bilib sa mga duktor dito sa Land of Chicken Rice. Pero dahil sa nagdedeliryom na ako sa taas ng lagnat – no choice. Ayun – lalong na-seal ang aking belief na walang enta ang mga duktor dito. After all the poking measuring, blood test and x-ray —– finally… nalaman ko na ang aking sakit. Drum roll please…….. hindi sya Dengue…. Drum roll please……. Bacterial Infection …. Yup. Bacterial infection. Anong klaseng bacteria? Hindi nila sinabi sa akin e. Basta Bacterial infection. 5 to 7 days lang daw at gagaling na ako. Paracetamol at antibiotics lang. Pag dating daw ng 5th day at hindi pa rin ako magaling – i-confine na raw ako for observation. Well – since wala naman akong ibang choice — sinunod ko lang lang sila. I spent the whole Saturday resting… drinking liquid… eating… and the likes. Kinagabihan — high fever na naman! Hay…. Fine – 5 to 7 days naman daw.
Sunday – I’m feeling a little better. Hindi na masyadong mataas ang fever ko. Still have body pain … pero parang 2 kabayo na lang ang tumadyak sa akin. Continue pa rin ako sa rest… liqiud.. eating…
Monday — 5th day…. Hindi pa rin ako pumasok. Feeling better na. Pero baka mabinat… hehehe… may MC naman ako…. kaya I decided to take the day off … and rest. Lam nyo – nakakapagod pala ang rest ng rest. As in. Parang sumasakit na ang likod ko kahihiga. Kaya medyo lakad-lakad ako.. sa mall… Hehehe… joke lang. Syempre hindi pa rin ako lumabas ng bahay. Dahil sa 5th day — I decided that I am already feeling well. Mind over matter. Kung mapaniwala ko ang sarili ko na magaling na ako — mapapaniwala ko ang katawan ko na magaling na ako. 5th day e… ayaw ko ma-confine. Baka matulad lang ako sa ibang mga kaibigan ko na na-confine for investigation. Ayun – wala namang mga nakita…. Bacterial infection lang daw… hahahaa… Joke lang po. Pero mahilig nga mag-confine ang mga duktor dito for obsesrvation. Tapos paglabas mo – wala naman silang nakita….. pero ang laki ng kanilang kinita. Physically may sakit ka na — dadagdagan pa nila ng financially. Mga #$$!@#$#.
Tuesday —- back to office na. Wala na akong leave e. Kaya kahi medyo groggy pa… go..go..go… na. No choice. Kailangang kumita. Paano na lang ang mga tao sa Pilipinas. Oppsss… I wouldn’t want to go to that road muna. Ibang blog entry nay an. Medyo maraming issues na maaring mabuklat. Hehehe…..
Ayan – medyo mahaba-haba ang entry na ito. Sana naman ay medyo nakabawi na ako. Yung mga ibang drama sa teleserye ng aking buhay – sa mga susunod na araw na lang muna. Baka maubusan ako ng isusulat. Bilang pangwakas — iiwanan ko kayo ng isang quotable quote…. wala lang… Nakakrelate kasi ako sa linya na ito… lagi ko kasi itong nababanggit e…. O.. pangungunahan ko na … yung mga may reklamo – mag-file sa barangay. Ok. Sa muli…….
“You are intoxicated by my very presence…..”
Edward Cullen …Twilight…