June 30, 2009
Musta na mga ka-berks? Bago ang lahat isa munang katanungan — uso pa ba ang salitang “berks”? I have been in my own bubble for quite a while kung kaya’t hindi ko na sure kung ano ang usong tawagan ngayon. Anyway – it has been a while since my last entry — akala nyo siguro ay tuluyan ko nang kinalimutan ang aking first love – acting.. este ang pagsusulat ng mga walang kwentang bagay. Hindi pa naman. Medyo bisi-bisihan lang ng kaunti. The past few weeks have been uninteresting. You’ll be bored our of your wits kung ikwento ko pa ito. Sabihin na lang natin na I’ve been busy with :
Work 
A little sick (pero hindi AH1N1 ha..) 
Farmtown
Yoville 
TV Series 
Movies 
Anyway – ulit — hindi yan ang gusto kong ibahagi sa inyo aking dear reader/s. Naligaw lang ako – mahina ako sa directions e. Pasensya na ulit. Hmm.. nasaan na ba ako.. hmm.. ayun.. nangyari na ba sa inyo yung you did something with nothing but good intentions pero ended up doing some other thing? Mukhang yan ang nangyayari sa akin ngayon. I wake up early and went to the office early (which by itself is already a miracle—- tutuo ang himala!!!!) with all the intention of working hard. Dami na kasing mga lumalagpas sa deadline – which is so not me. I am usually a hardworker – di lang halata. Pramis – masipag talaga ako… mukha lang hindi. J
Ayun na nga – I arrived early sa opis. All ready for a full day of non-stop working. Work like a dog ika nga. With my Kopi-C siew-tai (Coffee with Evaporated milk – less sweet) – hinarap ko na ang aking computer. Read all my e-mails to get this our of the way. Nilabas ko na ang aking ipod to drown all the noise in the environment. And started working… for five minutes or so. Yup… I started will all good intentions – pero nabigo ako. Parang tinatamad ako e. Parang feeling ko may kailangan pa akong gawin bago ko simulan ang aking trabaho. Spent 5 minutes or so na pagmumuni-muni when it finally dawned on me. Yup. Alam ko na kung ano ang dapat ko munang gawin. I need to write this entry. And here I am – writing this entry which you are reading right now. At dahil sa nasulat ko na ang entry na ito – isa lang ang dapat kong gawin. I need to end this entry and start with work. Walang choice e.. need to bring home the bacon. O sya… sa muli.
P.S.
Bilang tribute sa namayapang King of Pop – I decided to listen to his music for the entire day. Yup. MJ the entire day. Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa.
1 Comment |
Movie, Muni-muni, Music, Office, PhotoBlog, Sari-sari, TV |
Permalink
Posted by rollypollypanini
April 2, 2009

“Ev’ryone deserves the chance to fly!”
And if I’m flying solo
At least I’m flying free
To those who’d ground me
Take a message back from me
Tell them how I am
Defying gravity
I’m flying high
Defying gravity
And soon I’ll match them in renown
And nobody in all of Oz
No Wizard that there is or was
Is ever gonna bring me down!
- Defying Gravity, Wicked -
Leave a Comment » |
Conversations, Muni-muni, Music, Uncategorized |
Permalink
Posted by rollypollypanini
March 31, 2009
Long time no blog. Pasensya na po. Pasenya? Puro na lang pasensya! Ayan – inunahan ko na kayo ng pagalit. Yan ang aking pre-emptive measure para hindi ako mapagalitan. Pero hindi yan ang aking ikwento sa inyo. Nais ko lang magkaroon ng blog entry dahil ngayon ay quarter end. Ito ang aking quarter end report. Pagbabayad utang ko na rin ito sa aking paminsa-minsan na pagkalimot na sumulat sa site na ito.
Bago ang quarter end report — nais ko munag i-greet ang aking site. Happy 2nd anniversary! 2 years na akong nagsusulat ng mga bagay-bagay na walang halaga sa karamihan ngunit makabuluhan sa iilan. Bilis ng panahon no? Couple of years ago — nakaupo ako sa aking upuan sa opisina at nag-iisip ng maaring magagawa. Fast forward – it’s been 2 years of blogging and blog-nots. Well – here’s to 2 years of blogging and looking forward to more years! (Insert champagne glasses clicking sound here)

Okay.. enough of the celebration. Let’s go back to business. Dahil sa tagal ko na ring walang entry — I decided not to have any single subject. Basta kung ano na lang ang pumasok sa isipan ko. Wala lang. Minsan mainam din yung walang structure. Yung spontaneous. Para may kaunting thrill.
- Last Saturday — I had no choice but to face the inevitable. Kailangan gawin ko na ang isang bagay na I’ve been dreading always. I need to have a haircut. Bakit dreaded? Kasi – after every haircut – I think I look weird. Yung I got used to how I look for a couple of months then suddenly – voila – a different look. Minsan bad… Minsan good. Minsan hindi pansinin. But to me – I still look weird and I need a couple of weeks to get used to it again. Hay. How’s the haircut you may asked. Hmm… the stylist (yan ang tawag sa kanila dito) told me that I’m beginning to “hair problem”. Kailangan daw aware para ma-cure or something. I cut his litany short dahil alam ko naman na bebentahan nya lang ako ng kung ano-anong produkto. Pero – I made a mental note to minimize on hair products. Mahirap nang makalbo. Magastos sa facial wash. The haircut? Well – nothing earth shattering. Trim lang. I look weird as expected. But still – I had worst.
- Magulo pa rin ang ikot ng mundo sa teleserye ng aking buhay — well trabaho wise. May mga ilang magagandang balita akong natanggap the past few days which is a big welcome. Feeling ko kasi – for the past few weeks ay lagi akong nasa “looser” corner. Pero the past few days – slightly winner corner naman ako. Tutuo nga ang sabi ni Santino…. May bukas pa! Thankful to the max talaga ako. Salamat Bro!
- Speaking of Santino — kagabi habang nanonood ako ng May Bukas Pa…. I can’t help but wonder – kailan kaya pupunta si Santino dito sa Singapore? Para naman masabi nya kay Bro – na sana wag mawalan ng trabaho ang mga Pinoy dito. Sabagay – pwede naman tayo lahat dumiretso kay Bro. Sabi nga – ask and you shall receive. Pero ingat din sa paghingi — sabi nga ni Daughtry — “Be careful what you wish for ‘cause you might get it all, you just might get it all”. Mamaya ibigay sa atin tapos hindi naman pala natin alam kung ano ang gagawin dito. Kaya dapat bago humingi – mag-isip muna.
- Again – speaking of answered prayers… dahil na rin sa good news na aking natanggap —- naisipan ko na there’s only one way of celebrating this. I need a new “baby”. Pangtanggal ng stress. Panglunod sa mga hindi kanais-nais na bagay sa paligid. Sa aking mga masugid na tagasubaybay — matatandaan nyo sa isa kong entry ang tungkol sa pagkawala ng isang mahalagang bagay sa aking buhay a couple of months ago. At dahil sa kasalukuyang krisis ay nagdadalawang isip ako kung papalitan ko pa ba ito. Nanghingi ako ng sign from above — sabi ko kung April ay may good news para sa akin — isa itong sign na dapat kong palitan ang mahalagang bagay na ito. Alam kong wala pang April — pero dahil sa ibinigay na sa akin ang “sign” —sino ba naman ako para hindi tumupad sa nakatakda. Kaya ayun – kagabi – right after office….. I bought a new (and improved!!!) Ipod Classic. Silver. 120 gb. Finally – nagbalik na ang musika sa aking buhay!!!!! May isa pa akong sign na hihihintay — para naman ito sa Wii Fit. Sabihin ko sa inyo sakaling I’ll again see the sign!
- Dahil sa music ang napapag-usapan — kailangan banggitin ko ang American Idol Season 8. I particulary like Megan. Very unique voice. Yung pag narinig mo yung kanta ay alam mo na siya ang kumanta nito. I admit na slim ang chance nya na manalo as the new American Idol. Kung makapsok sya sa 6 ay swerte na. Pero kahit ganun pa man – I still prefer her kaysa dun sa ibang sampu-samapera na magaling nga kumanta pero salat naman sa individuality.
- At dahil sa may Ipod na ako ulit (naks!!!!) — my current playlist:
Twilight: The Score album
Songs Rediscovered 2 – Jed Madela
Lonely Road – The Red Jumpsuit Apparatus
Yan na lang po muna… Sa muli

Leave a Comment » |
Event, Gadgets, Muni-muni, Music, Office, Sari-sari, TV, Trivia |
Permalink
Posted by rollypollypanini
January 17, 2009
Tulad ng sinabi ko sa aking previous blog – dinala ko ang aking Ipod sa Apple Service Center. Ako ay umaasa pa rin na mai-extend nila ang buhay ng aking Ipod. Pero ako ay muling nabigo. Its confirmed — my Ipod is a Dead-Pod. Maari raw nila itong ayusin — well sort of ayusin — but I have to pay a gazillion dollars. Fine – few hundred bucks. Bigyan daw ako ng replacement unit which can be a refurbished unit or brand new. Hindi ko na lang kinagat itong offer nila — aba — for a hundred bucks more — I can buy a new Ipod Classic. Yung 120 GB. I decided to buy a new one — hopefully soon. Hindi pa ako makabili ngayon — poor pa ako e. Isa pa — I need to give myself time to mourn for my recently “dead-Pod”.
P.S.
Sa mga nais mag-”abuloy” para makabili ako ng bagong Ipod…. more than welcome po.
1 Comment |
Gadgets, Muni-muni, Music |
Permalink
Posted by rollypollypanini
January 15, 2009

Mukhang napapansin ng tadhana na nagiging masayahin ako nitong mga nakaraang araw. Para akong bright ray of sunshine. O. Wag nang magreact. Masaya na ako ng lagay na yan. Asan na ulit ako. Ayun. Sunshine. Alam nyo – medyo nagtataka ako at naging artista si Sunshine Dizon. O. Opinyon ko lang naman yan. Baka meron na naman ma-hurt dyan sa paligid ligid at mag-mega react. Kaniya-kaniya po tayo ng opnyon. Blog ko ito – logically – opinyon ko ang mababasa nyo dito. Alangan naman opinyon mo ang mabasa mo dito. Unless kapareho kita ng opinyon. Pero kung pareho tayo ng opinyo — e di sana ay hindi ka ma-hurt at mag-rereact. So logically – dahil sa nagreact ka ay hindi tayo pareho ng opinyon. Which means – hindi mo opinion ang mababasa mo dito. Dahil nga sa blog ko ito. Malinaw po ba?
Naku – nasaan na nga ba tayo ulit?Ginugulo nyo kasi ako e. Nalilito tuloy ako. Ayun – Sunshine ulit. Fine. Para wala na lang issue i-rephrase ko ulit….. Dahil sa isa akong ray of sunshine – ayon sa aking pamantayan – ay medyo napunta sa akin ang spotlight ni Tadhana. Naisip nya na masyado naman akong sinuserte. Cute and lovable na nga ako – e happy pa. Kaya ayun – nag-isip sya ng maaring makapagpa-spice sa aking buhay. At yun na nga Nauna muna ang pagbagsak… Kasunod nito ay ang pagkasunog.
Maaring itanong nyo (maari lang naman… pwede rin hindi) kung ano ang bumagsak… kung ano ang nasunog. At dahil sa naisip kong maari nyo itong itanong — ay sasagutin ko ito. Ala namang sense na hindi ko ito sagutin – e para saan pa at isinulat ko ang entry na ito. Okay – baka may atakihin pa sa suspense. Couple of days ago — naibagsak ko ang Ipod ko. Medyo may kaunting slide pa nga… Nag-cha-charge kasi ako that time tapos ay natabig ko ito. Ayun – nahugot sa pagkakasaksaka… nahulog.. at slight na slide. With the assumption na sanay na itong malaglag — isinaksak ko na lang ulit ito. Nakita ko naman na nag-cha-charge ulit.
Next day .. sa office…. Nang medyo hindi ko na makayanan ang kaguluhan sa aking paligid … naisipan ko na lunurin ang aking sarili sa saliw ng musika. Kung hindi kasi ay malamang na sa kulungan ko sinusulat ang entry na ito. Ngunit labis akong nagulat na ayaw mag-on ng aking Ipod. Medyo irritable ako. Ayaw ko pa namang maging isang criminal. Pero ang nag-iisang bagay na maaring makapigil sa akin na kumitil ng buhay – ay ayaw naman mabuhay. Pinayuhan ako ng isang kaibigan na i-charge ulit — tingnan ko lang kung mag-charge pa. Kahit USB lang ang meron ako dito sa office – sinubulan ko pa rin. Wala. Walang kahit ano mang signos ng buhay. Naisip ko nab aka mahina lang ang power ng USB. Subukan ko na lang sa bahay.
Sa bahay – siinubukan kong i-charge ito sa electic socket. Wala pa rin. Dead pa rin. No sign of life. Napag-isip-isip ko na hayaan na lang muna itong nakasaksak. Baka naman pag nagtagal ay mapag-isip-isip ng Ipod na ang purpose nya ay para magbigay musika. Na kapag siya ay isinaksak – dapat siyang mag-charge. Baka naman kailangan lang nya ng time. Ng space. Kaya pinabayaan ko muna. Pagkaraan ng isang oras ay binalikan ko ito para kumustahin. Baka sakaling tapos na ang kanyang pag-eemote. Labis akong nagulat sa aking nadatnan. Dead pa rin. Pero hindi yan ang kagulat-gulat. Nang hawakan ko ito — ay parang nilalagnat. Hmm.. At parang medyo may amoy sunog. Hmmm… Binalikan ko ang mga pangyayari —- nabagsak, nagslide, dead, charged, nag-init, amo sunog. Hmmm.. sa tingin ko may sira na ang Ipod ko. Tingin nyo? Hmm…
Hay naku. Si tadhana talaga. Alam naman niyang poor ako ngayon. Alam naman nya na maraming gastos. Alam naman niya na hindi ako mabubuhay ng walang musika. Naku talaga. Hay. Kainis. So how. Wala na akong choice kung hindi dalhin ang aking Ipod sa Apple service center this weekend. Hay, Kung tama ang aking gut feelilng – malamang na dead on arrival na ang aking Ipod. Sabihan ako na pasensya na —wala na sila talagang magagawa. My Ipod is now a Dead-pod. Hay. Naku. Kainis talaga.
P.S.
Nasa ikalawang araw ako na walang Ipod. Nagkopya na lang ako ng mga MP3 sa disc at inilagay ko dito sa aking office pc. Balik media player ako. Ha? Anong pinapakinggan ko? Lenka’s self titled album. Musta naman? Para siyang Evanesence (tama sana spelling) on Prozac. So far — labs ko ang Like a Song at The Show. But the whole album is good. Kept me sane for the entire day!
Leave a Comment » |
Gadgets, Muni-muni, Music, Office |
Permalink
Posted by rollypollypanini
May 2, 2008

Matagal na rin akong di nagsusulat kung ano ano ang mga pinapakinggan kong mga kanta nowadays. Malamang na hindi ka interesado – pero dahil naisip ko na i-share ito — wala ka nang magagawa pa. Kung ayaw mo malaman – wag mo basahin ang blog entry na ito. Wala namang pumipilit sa iyo…Madali lang naman ang solusyon di ba?
1. Bleeding for Leona Lewis. A friend was always mentioning this Bleeding Love song and I haven’t heard the song. In American Idol couple of weeks ago – Leona Lewis performed this song live and I was not that impress. I informed this friend that it was okay.. it was not an amazing performance.. just okay (ala Simon Cowell). This friend suggested that I check out the MTV of the song … pang-second opinion ba. Dahil sa masunurin at mabait akong bata – I did search for the MTV in You Tube. I can’t remember now what the MTV is about – but it did change my opinion on the song. It is a good. I even downloaded it in my Ipod. Life’s lesson — everybody do deserve a second chance. Maybe a good surprise will be waiting if you do.
2. I am now discovering the music of Rascal Flatts. This group is not known to me until a couple of days ago. I saw one You Tube video wherein the song What Hurts the Most (from the album Me and My Gang) was used as the background music. I instantly loved the song. I did some research and found out that they also sang Life is a Highway – from the Disney movie Cars. I downloaded 5 of their albums in my Ipod and have been listening to it the whole day today. Life’s realization — I used to think that country songs are only for old people or true blue cowboys. I am definitely no Marlboro man — therefore — I am o… .. ol…. hmmm.. Country music are for everyone pala! Trip-trip lang kung baga.
3. Another new find for me is the band The Red Jumpsuit Apparatus. I have been listening to the song Your Guardian Angel (from the album Don’t Fake It) over and over and over again. Nakaka-addict e. Medyo surprising na nagustuhan ko itong kanta na to — kasi may mga parts na medyo maingay ito. Lam nyo naman pag medyo o…ol…. Hmm… sophisticated ang choice of music — may certain level of ingay lang ang kayang itolerate. Life’s lesson — Songs of the younger generation does not always equate to noise pollution. Well – most of them are – pero paminsan minsan – may mga matitino din naman. Kaya dapat – we should try to give it a chance. Hinaan nyo na lang muna ang sound…… para iwas ear damage!
4. I was watching PBB Teen Edition Plus — and there’s this song na laging pinapatugtog pag may mga moments ang NicoSef or YoNic or whatever they want to call this loveteam. It was a nice song…. yung smooth lang …. Simple… walang masyadong palabok na mga sounds or makapatid litid na notes. Sa tulong ni Mr. Google — I learned that the song is Realize by Colbie Caillat (from the album Coco). Life’s realization — The Album Coco is perfect for quiet afternoons… tambay sa Starbucks… just you, your café latte grande, your favorite magazine and Coco.
Ayan ang aking update. Malamang lahat ng sinabi kong kanta ay alam nyo na. Kung alam nyo na – mainam…. Kung hindi pa – you can check it our.. or not…. Hindi ako affected dyan. Iba-iba naman kasi ang trip ng mga tao when it comes to music. Kaya mahirap ipagpilitan na pakinggan or gustuhin nyo ang mga ito. So.. paano? Sa muling music update na lang ulit. Kailan yun? Ewan. 
Leave a Comment » |
Muni-muni, Music |
Permalink
Posted by rollypollypanini
September 19, 2007

Schadenfreude — German for “Happiness at the misfortune of others”. O wag na masyadong magmalinis. Bad as it may seem — we have all felt this. Ang tumanggi — medyo may pagkaplastic. Kung may mga taong nang-iisa sa atin … tapos napahamak sya… di ba sabihin natin buti nga… ayan nakarma…. so in German pala Schadenfreude … ito ang tawag sa nararamadaman natin.
Lam ko.. walang sense na entry … pero bagong kaalaman lang kasi….. naririnig ko na kasi ito dati.. pero di ko maintindihan… ngayon alam ko na…
Special thanks sa Avenue-Q … kung hindi kasi masyadong maingay ang pinoy blogosphere tungkol sa opening ng Avenue-Q musical sa Pinas … hindi ako macurious bakit sila nagkakagulo… hindi ako maghahanap at makakakita ng original Brodway recording nung musical na ito…. Hindi ko mapapakinggan yung mga kanta… at hindi ko malalaman kung ano ibig sabihin ng Schadenfreude.
Lesson of the story —- minsan mainam din ang maging tsismoso…. ☺
More info on :
http://en.wikipedia.org/wiki/Schadenfreude
For Avenue-Q :
http://en.wikipedia.org/wiki/Avenue_Q
Leave a Comment » |
Muni-muni, Music |
Permalink
Posted by rollypollypanini