The One with the Burger

April 25, 2009

beef_doublewestern
I am starting this entry with a flashback. Couple of Fridays ago — Friday night to be exact – I’m at home… in front of the tube… having dinner while watching the 4th season of How I Met Your Mother. There’s this episode where Marshall is looking for the place where he had the best burger. For the whole episode – they did nothing but eat burger from one place to another. And every time they bite into that thick juicy burgers – I can’t help but crave… for a thick juicy burger. And you know me – once I crave for something — I gotta have it. There ain’t no mountain high enough. Ain’t no valley low enough. Ain’t no river wide enough. To keep me from getting a thick juicy burger. Singbilis ni Flash na ako ay gumayak — at tumalilis. Isa lang ang aking goal buy a burger. And the best fastfood burger there is – Carl’s Junior’s Double Western Bacon Cheeseburger. Yun nga lang – the nearest Carl’s Junior from my place is the newly opened outlet an MRT station away. Pero hindi ito naging sagabal sa aking misyon. Pushing and kicking all those in my way – I finall arrived. It took forever – nakarating din ako. Pumila ako in all excitement – thinking of all the langhap-sarap goodness that I am to eat. Nung ako na ang oorder – I excitedly said — 1 Double Western Bacon Cheeseburger – no pickles – no onions. The staff smiled at me and said – I’m sorry sir – we only serve chicken and fish today. @#*^$%^%$# naman o. Who the hell eats fish burger? Or Chicken burger? Ok fine — marami.. including me. Pero that time – I want a double western bacon cheeseburger… and I want it now. Pero bigo ako bigo. Umuwi akong bahag ang mundo dala dala ang aking Double Cheeseburger from Mc Donalds. And I am telling you…. It was not the same. It did not satisfy me at all…..

Which leads to today. I am watching – well – the 3rd season of How I Met Your Mother ( I know… I have no life) and there’s this episode again with Marshall about to eat a burger. Lo and behold — the craving returns. Muli – singbilis ni flash na ako a muling gumayak. In no time – nasa mall na ulit ako. I am so excited to eat the best (that I can afford) burger in town ng mapadaan ako sa isang bagong bukas na Sandwich shop. Hmmm… Grilled Ciabata bread – egg, cheese and corned beef. Hmmm…

P.S.

I never made it to Carl’s Jr…. I had the sandwich… and it was Legen —- wait for it — Dary! Man… I need to stop watching How I Met Your Mother – even if it’s Awesome!


Vision 20/Astigmatism

April 21, 2009

clockblur
Medyo long overdue na ang “news” na ito. Slightly bilasa na kung tutuusin. Pero sabi nga ng matatanda – na amerikano – better late than never. Kaya it’s better that I share this piece of stale news kaysa naman hindi ito malaman ng aking milyong-milyong fans (sa panaginip — actually bilyon pa nga e… ayawa ko lang mag-exaggerate). Naku – kung saan-saan na naman napunta ang usapan. Anyway – late last year – dahil sa financial crisis – I decided na ito na ang tamang panahon upang maging malinaw ang lahat. Kaya ayun – pikit mata (este dilat mata pala) akong nagpaschedule for Lasik surgery. I had my surgery a day after Christmas. Sobrang bilis – the actual surgery is over in 10 mins or so. I went home – pop a couple of sleeping pills and slept. Nung magising ako the next day – I can already see without the need for glasses. I returned to the doctor for check-up and he did some minor adjustment sa corneal flap (yun yata tawag dun) ng aking right eye. Medyo kailangan daw i-flat mabuti. Parang yung naglalagay ng protector sa cellphone. Kailangan walang bubbles. J 3rd day – I’m good to go. I need to lubricate my eyes every hour for a month – then afterwards as needed. Other than that — okay naman. It’s a small inconvenience —- considering I have been wearing glasses since I was in Grade 4. A 20/20 vision is not guaranteed. Sa simula pa lang ay sinabi na ito ng duktor. Dryness of the eyes is also a common occurrence after the surgery. Oks lang naman sa akin ito. Madali naman talagang mag-dry ang mata ko which is why I hate wearing contact lens. Fast forward — a couple of weeks ago – I returned for my 3rd check-up. Around 3 months kasi ay medyo nag-stabilize na ang grado ng mata. Nag-undergo ulit ako ng mga eye-test. Sinuri muli nang duktor ang aking mga mata . After all the reading and poking — the doctor confirmed that the surgery is a success. My eyes healed nicely. Vision? 20/Asigtmatism (L/R). Just a few grade shy of 20/20. Pero the doctor said that I should not worry since possible pa rin naman daw humabol ang aking right eye. I said I am not worried — 20/20 vision would be a treat… but 20/astigmatism is more that enough. I am just glad that after a long-long time — I can finally open my eyes in the morning, look at the wall clock and clearly see na late na naman ako.

Disclaimer: Naka-deferred payment ang aking surgery. 12 months to pay. Wag nang magtangka pang mangutang.


Bakit?

April 15, 2009

question-mark3a
Sa mga nagdaang araw – isang katanungan ang lagi kong naririnig sa mga milyon-milyon kong tagasubaybay. Fine. Isang tagasubaybay. Nangangarap lang naman. Masama na bang mangarap ngayon? Hmp. Anyway – balik sa katanungan…. Bakit? Yup. Bakit? Bakit ko daw binago ang header ng aking blogsite. Where’s the ranting-raving-reviewing Panini? Bakit ito pinalitan ni wicked-superman-wannabe–gravity-defying-nobody.

Well unang-una… I’m not a total nobody. I’m somebody to some. Nobody to most — pero ang imporatante ay somebody to some. J Second – I’m still the same ranting, raving, reviewing lunatic na minamahal ng lahat. No amount of site header change can remove these qualities from me. I’m still the same old me — but with new a blogsite header. J Lastly — napapanahon lang talaga ang pagbago ng blog header. Isinasabay ko ito sa agos ng buhay… sa ihip ng hangin. Sa isang sudden realization na it’s time for a change — a new header to mirror what life is giving you at the moment. Lalim ba? Masyado bang pinag-isipan? Actually – pinag-isipan ko talaga yan. Stone na stone kasi ako ngayon dito sa kulungan este opis kaya nag-iisip-isip na lang ako.

Anyway next question na — bakit defying gravity? Sabihin na lang natin na for the past few years —- I have this feeling that gravity is doing its best to pull me down to the earth’s core. As in full blast gravitational pull. And for the past few years – well till now – I’ve been giving all might to defy gravity. I’ve been doing my darnedest to prevent this gravitational pull from burying me to the ground. Ganun naman talaga ang buhay di ba? You’ll get to encounter obstacles in your journey — and the only thing you can do is do your best to overcome all these obstacles. Do our best to defy gravity! Not let anyone or anything pull us down.

Naku – masyado nang seyoso ang entry na ito. Makakasira na ito sa aking image. Kailangan tigilan na ang pag-eemote. Sabagay – that’s life… minsan kailangan medyo serious. Pero wag dapat laging serious. Dadami lang ang frown lines. Yayaman na naman sina Belo at Calayan nyan.


Defying Gravity

April 2, 2009

cape1

“Ev’ryone deserves the chance to fly!”
And if I’m flying solo
At least I’m flying free
To those who’d ground me
Take a message back from me
Tell them how I am
Defying gravity
I’m flying high
Defying gravity
And soon I’ll match them in renown
And nobody in all of Oz
No Wizard that there is or was
Is ever gonna bring me down!

- Defying Gravity, Wicked -


Quarter End

March 31, 2009

Long time no blog. Pasensya na po. Pasenya? Puro na lang pasensya! Ayan – inunahan ko na kayo ng pagalit. Yan ang aking pre-emptive measure para hindi ako mapagalitan. Pero hindi yan ang aking ikwento sa inyo. Nais ko lang magkaroon ng blog entry dahil ngayon ay quarter end. Ito ang aking quarter end report. Pagbabayad utang ko na rin ito sa aking paminsa-minsan na pagkalimot na sumulat sa site na ito.

Bago ang quarter end report — nais ko munag i-greet ang aking site. Happy 2nd anniversary! 2 years na akong nagsusulat ng mga bagay-bagay na walang halaga sa karamihan ngunit makabuluhan sa iilan. Bilis ng panahon no? Couple of years ago — nakaupo ako sa aking upuan sa opisina at nag-iisip ng maaring magagawa. Fast forward – it’s been 2 years of blogging and blog-nots. Well – here’s to 2 years of blogging and looking forward to more years! (Insert champagne glasses clicking sound here)

champagne_cheers_glasses

Okay.. enough of the celebration. Let’s go back to business. Dahil sa tagal ko na ring walang entry — I decided not to have any single subject. Basta kung ano na lang ang pumasok sa isipan ko. Wala lang. Minsan mainam din yung walang structure. Yung spontaneous. Para may kaunting thrill.

- Last Saturday — I had no choice but to face the inevitable. Kailangan gawin ko na ang isang bagay na I’ve been dreading always. I need to have a haircut. Bakit dreaded? Kasi – after every haircut – I think I look weird. Yung I got used to how I look for a couple of months then suddenly – voila – a different look. Minsan bad… Minsan good. Minsan hindi pansinin. But to me – I still look weird and I need a couple of weeks to get used to it again. Hay. How’s the haircut you may asked. Hmm… the stylist (yan ang tawag sa kanila dito) told me that I’m beginning to “hair problem”. Kailangan daw aware para ma-cure or something. I cut his litany short dahil alam ko naman na bebentahan nya lang ako ng kung ano-anong produkto. Pero – I made a mental note to minimize on hair products. Mahirap nang makalbo. Magastos sa facial wash. The haircut? Well – nothing earth shattering. Trim lang. I look weird as expected. But still – I had worst.

- Magulo pa rin ang ikot ng mundo sa teleserye ng aking buhay — well trabaho wise. May mga ilang magagandang balita akong natanggap the past few days which is a big welcome. Feeling ko kasi – for the past few weeks ay lagi akong nasa “looser” corner. Pero the past few days – slightly winner corner naman ako. Tutuo nga ang sabi ni Santino…. May bukas pa! Thankful to the max talaga ako. Salamat Bro!

- Speaking of Santino — kagabi habang nanonood ako ng May Bukas Pa…. I can’t help but wonder – kailan kaya pupunta si Santino dito sa Singapore? Para naman masabi nya kay Bro – na sana wag mawalan ng trabaho ang mga Pinoy dito. Sabagay – pwede naman tayo lahat dumiretso kay Bro. Sabi nga – ask and you shall receive. Pero ingat din sa paghingi — sabi nga ni Daughtry — “Be careful what you wish for ‘cause you might get it all, you just might get it all”. Mamaya ibigay sa atin tapos hindi naman pala natin alam kung ano ang gagawin dito. Kaya dapat bago humingi – mag-isip muna.

- Again – speaking of answered prayers… dahil na rin sa good news na aking natanggap —- naisipan ko na there’s only one way of celebrating this. I need a new “baby”. Pangtanggal ng stress. Panglunod sa mga hindi kanais-nais na bagay sa paligid. Sa aking mga masugid na tagasubaybay — matatandaan nyo sa isa kong entry ang tungkol sa pagkawala ng isang mahalagang bagay sa aking buhay a couple of months ago. At dahil sa kasalukuyang krisis ay nagdadalawang isip ako kung papalitan ko pa ba ito. Nanghingi ako ng sign from above — sabi ko kung April ay may good news para sa akin — isa itong sign na dapat kong palitan ang mahalagang bagay na ito. Alam kong wala pang April — pero dahil sa ibinigay na sa akin ang “sign” —sino ba naman ako para hindi tumupad sa nakatakda. Kaya ayun – kagabi – right after office….. I bought a new (and improved!!!) Ipod Classic. Silver. 120 gb. Finally – nagbalik na ang musika sa aking buhay!!!!! May isa pa akong sign na hihihintay — para naman ito sa Wii Fit. Sabihin ko sa inyo sakaling I’ll again see the sign!

- Dahil sa music ang napapag-usapan — kailangan banggitin ko ang American Idol Season 8. I particulary like Megan. Very unique voice. Yung pag narinig mo yung kanta ay alam mo na siya ang kumanta nito. I admit na slim ang chance nya na manalo as the new American Idol. Kung makapsok sya sa 6 ay swerte na. Pero kahit ganun pa man – I still prefer her kaysa dun sa ibang sampu-samapera na magaling nga kumanta pero salat naman sa individuality.

- At dahil sa may Ipod na ako ulit (naks!!!!) — my current playlist:
Twilight: The Score album
Songs Rediscovered 2 – Jed Madela
Lonely Road – The Red Jumpsuit Apparatus

Yan na lang po muna… Sa muli

stewie_ipod


This is a job for….

March 10, 2009

doraemon-cosplay-34-superman

Finally — a blog entry.  Pasensya na. Sabihin na lang natin na medyo “interesting”  ang aking mga nagdaang araw.  Mga pangyayaring medyo mahaba kung ikwento ko pa. Sabihin na lang nating medyo close to home na talaga ang mga pangyayaring inaasahan kong mangyayari pero nung nangyari na ay medyo hindi maganda ang pangyayari. Yan. Linaw nyan.  At dahil sa pangyayari na ito ay kailangan ko na namang ipakita kung ano ang kaya kong gawin. Akala ko ay tapos na ako sa pagpapakilala ng kakayahan… pero hindi pa pala.  Meron na namang isang nilalang na nangmamaliit sa aking kakayahan. Nung una — medyo naiirita ako. As in. Kulang na lang ay sabihin kong — excuse me lang….. kilala mo ba kung sino ang kausap mo? Pero hindi ko na sinabi ito…. kasi apparently ay hindi nya ako kilala. And — I don’t think na gagawa itong nilalang na ito ng paraan para alamin ang nakaraan upang makilala nya ako. Sabi nga nya – iba ang kaniyang pamantayan.Kaya ngayon — here I am again… back to square one. Kailangan na namang magpakitang gilas. Maari nyong isipin – who the hell cares kung ano man ang sinasabi ng nilalang na ito. Well — I do.  Hindi dahil sa gusto kong magmagara — pero more on not giving this person the satisfaction of thinking na hindi ko nga kayang abutin ang pamantayan nya.   Sa pagtatapos ng pakikipaglaban na ito —- makikilala nya na AKO  ang kausap nya —I’m more than a man — I’m Superman!


[poz-i-tiv-i-tee]

February 25, 2009

Habang dumadaan ang bawat araw ay patuloy na tumataas ang aking paghanga kay Ate Shawie. Tulad ng nabanggit ko – gusto kong isabuhay ang positive attitude attracts positive things mantra. Ngunit sa bawat araw na lumilipas ay lumilipas din ang aking pasensya. Mahirap pala talagang maging positive palagi. Ang daming mga bagay dito sa mundong ibabaw na isang malaking test of patience. Naisip ko tuloy – baka makatulong kung isulat ko ito. Baka sakali lang naman. Wala namang mawawal kung subukan ko. Kung hindi man maging effective – at least may blog entry ako. Kung maging effective – nabawasan na ang inis ko — may blog entry pa ako. Minsan talaga sobrang talino ko. J

- Krisis.. krisis.. krisis…. No explanation needed

- Mga nilalang na hirap umintindi. Ano ba ang mahirap intindihin sa salitang krisis. Kainis. Hindi naman ito isang secret na pangyayari. Laman naman ito dyaryo at news sa tv. Unless nakatira ka sa ilalim ng bato – walang dahilan para hindi mo malaman ito. Kaya dapat —mag-adjust. Di ba nga may kasabihan na “Kapag maiksi ang kumot – matutong mamaluktot”. Gets? Mamaluktot! Hindi sinabing kapag maiksi ang kumot ay bumili ng bago at mas malaking kumot! Hmp. Hello. Not unless may pangbili ka – mamaluktot dapat!

- Mga nilalang na walang ”sense of urgency”. Sabagay – parang default ito minsan nating mga Pinoy. Cultural thing? Di naman siguro. Pero minsan nga – napapansin naming na ang ilang nilalang sa Pinas ay walang sense of urgency. Lagi na lang pinagpapabukas ang mga bagay-bagay. Minsan nga ang sarap tanungin – may full time job ka ba? Isa ka bang ina/ama na may mga inaalagaang anak? Mayroon ka bang mga hobby na kumakain sa iyong oras? Kung wala ang sagot mo sa mga tanong na ito — wala kang karapatang mag-bisi-bisihan. Marami kang free time para gawin ang mga bagay-bagay at hindi mo kailangang ipagpabukas ito. Di bale sana kung pag nagkaproblema ay sasarilinin mo. Hindi – syempre pag problema na — shared responsibility na. Kung hindi naman kahalagahan ang gawain ay okay namang ipagpabukas. Pero kung peperhuwisyo ito ng iba – mag-isip-isip naman.

- Mga nilalang na kulang-kulang ang impormasyon. Di ba nakakairita pag meron kang tinatanong tapos hindi ito nasasagot? Fine… minsan mataas talaga ang aking expectation sa mga nilalang — pero minsan din naman ay fair lang ang hinihingi ko. Kunwari sasabihin mong kailangan mag lagay ng tulay – obviously ang itatanong na kasunod ay bakit kailangang maglagay ng tulay. Syempre dapat na-anticipate na ang tanong na ito. E minsan – hindi. Ang isasagot lang ay basta – kailangan ng tulay. Ganun? Sorry na lang. Not unless makapagbibigay ka ng 10,000 word essay tungkol sa kahalagahan ng tulay na yan — e walang tulay na maitatayo. O.. reminder lang… ang tulay ay isa lamang metaphor. Hindi ito kailangang itake literally.

- Mga nilalang na hindi sumasagot sa e-mail ng ilang buwan at tapos ay maninisi ng ibang nilalang. Etong isang ito ay mainit-init pa. Ilang minuto lang ang nakaraan. Umattend ako bilang isang silent participant. May iba na kasing gumagawa ng proyekto na iyon. Moral support na lang ako kung baga. Syempre pa – may isang nilalang (na hindi ko na lang sasabihin kung anong nasyon at baka masabihan pa akong racist) na hindi sumasagot sa mga emails at telepono ang nagrereklamo. Hindi kasi sila makakapag-deliver as scheduled dahil daw sa may mga impormasyon na hinihintay sila na hanggang ngayon ay hindi ibinibigay. Syempre kailangan itong maghanap ng masisisi. At dahil sa tahimik kami – kami ang napili nilang sisihin. Nung una ay ayaw naming patulan – pero talagang mega-sisi itong nilalang na ito. Sad to say – pansamantala akong naging nega — pinutol ko ang aking pananahimik at nagsalita ng medyo may pagkainis. Kainis talaga. Ilang buwan silang no-problem ng no-problem tapos ngayong crunch time na e maninisi sila. Mga !@#$#!$. Hmp. Pasalamat sila at nasa ”positive” mood ako.

Ayan. 5 lamang iyan sa mga bagay na nagiging isang malaking balakid sa aking quest for positivity. Pag may mga ganitong bagay — medyo natatalo ng negativity ang positivity. Sabagay – ilang araw pa lang naman akong nagsisimulang maging positive. Expected naman na paminsan minsan ay madadapa ako. Ang importante ay ang bumangon ako sa pagkakadapang ito ng nakangiti. Wala namang positive na tao ng nakasimangot di ba?

P.S.

Matagal tagal na rin akong hindi nagbibigay ng aking playlist. May isang kanta na lagi kong pinapakinggan – Natasha Bedingfield’s Unwritten. Its a very good uplifting song. Dapat sundin nating lahat ang mensahe ng kanta na ito…

I break tradition, sometimes my tries, are outside the lines
We’ve been conditioned to not make mistakes, but I can’t live that way

Staring at the blank page before you
Open up the dirty window
Let the sun illuminate the words that you could not find

Reaching for something in the distance
So close you can almost taste it
Release your inhibitions
Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins


Ctrl/K B

February 23, 2009

wordstar

Magandang start of the week sa lahat!!!! J  O.. why the questioning looks. Yup Ako pa rin ito. Naninibago ba kayo dahil sa aking cheerful disposition?  Sabi kasi — start the week right para daw it will end right. Kaya kailangan mag-effort ako na start the week na positive and cheerful. Para makahatak ng mga good karma. Alam nyo naman – sa panahon ngayon – we need all the help I can get para maiwasan ang masamang sumpa ng krisis. Kaya nga lahat ng maaring makatulong sa pag-unlad – pinapatulan na naming yan. Syempre hindi mawawala ang faith at prayers. Pero aside from this – pinapatulan/papatulan na rin naming ang charms and crystal (wala pa pala ako nito… pero yung iba kong mga kasama ay meron na!), chain mail (pag sinabing forward – forward!) at feng-shui (gusto ko sanang iharap ang aking cubicle sa west where the sun rises – kaso mukhang hindi ako papayagan ng management).  Ang latest sa aming sinusubukan ay ang pagiging positive at happy para maka-attract ng mas maraming  positive vibrations at maka-repel ng mga nega na pangyayari.  Honestly – mahirap maging positive at happy palagi. Nagkaroon nga ako ng newfound respect kay Ate Shawie e. Mahirap ngumiti kung ang gusto mo talaga ay sungitan at sigawan ang mga nilalang na sabi nga ng isang kaibigan -  ang tanging purpose sa buhay ay ang bwisitin ang iyong araw. Pero tulad ng pagpasok ng maaga — I’ll try my best… and I hope my best is good enough.

 

Pero hindi yan ang aking ikwento. Ikwento ko lang ang isang pangyayari na panandaliang nagpa-alala sa akin na ako ay pwede nang iconsider na matan… hmm.. mature. Brief background sa mga hindi masyadong pamilyar sa aking kasalukuyang kalagayan – krisis, walang proyekto, maraming freetime, nasa panganib. Ok? Everyone on the same page now? Dahil sa kasalukuyang kalagayan – madalas kaming magpalitan ng mga walang kwentang e-mail ng aking mga kagrupo. Kani-kanina lang — business as usual… palitan ng mail. Sa isa kong mail – nagbiro ako at sinabi kong – rectify and revert. Sumagot ang isa kong kagrupo ng pabiro din na “wow.. shift f7 ito!”.  The reply baffled me. Feeling slow – tinanong ko kung ano ibig sabihin.  Lalo tuloy akong ininis – hindi ko daw alam… ibig sabihin ay hindi ko kailangan gamitin. Kung gusto ko daw malaman ay subukan ko sa ms word. Syempre pa – dahil sa likas akong tsismoso – sinubukan ko….at nalaman ko kung ano ginagawa nito. Ano? Kung hindi mo alam – subukan mo rin. Aba.. alangan naman ako lang ang mag-effort… 

 

Anyway – sa mga nakaka-alam at naka-alam ….. ang Shift-F7 ay ang shortcut for Thesaurus. Yup. Hindi ko rin alam – hindi dahil sa hindi ko kailangan. Mali. Hindi ganun kalawak ang aking vocabulary para malaman lahat ng kahulugan ng salit. Ang siste – hindi ko lang alam ang short cut. Long cut ako – Tools =>Language=>Thesaurus. Gets? Nung sinasagot ko na ang mail —- sasabihin ko sana na hindi ko alam ang short cut at hirap akong tandaan ang mga shift keys at control keys. At hindi ito recent occurrence. College pa lang ako ay ganito na ako. Kaya nga dati ay hirap ako sa Wordstar.

 

Hmm.. natigilan ako. Hmmm ulit.  Naisip ko kung makarelate kaya itong mga kagrupo sa Wordstar.  Naabutan pa kaya nila ang Wordstar? Which then reminds me na sa mga ganitong pagkakataon – lumalabas na talaga ang edad. The technology that you use is directly proportional to your age. Hindi mo maitatago yan. Kunwari – pag tinanong ka – anong ginagamit mo pag gumagawa ka ng mga book report at term papers nung highshcool/college ka? Typewriter? Computerized – Wordstar? Computerized – Word? That’s 3 different “times” na agad.  Yung mga typewriter pa ang gamit — malamang ay nasa late 40s na ngayon. Yung mga nakaabot sa Wordstar malamang ay Late 30s to early 40s. Yung mga MS Word na ang inabutan – yan ang mga nasa 20s and below. Ako – sabihin na lang natin na inabutan ko ang Wordstar nung patapos na ang reign nito.. napalitan ng Word Perfect… then MS Word. At least – umabot pa ako sa Word. Which makes me — well kaniya-kaniyang compute na lang.  Batay sa aking calculator – ako ay nasa mid-20s … sa pag-iisip! Actually – hindi naman mga spring chicken ang aking mga kagrupo.  They are just a few years younger than me — pero still I can’t help but wonder kung naabutan ba nila ito or hindi. Wala lang. Sayang naman ang punchline ng aking witty joke kung hindi lang nila maiintindihan.  Sabi nga – know thy audience.

 

I decided to reply without the Wordstar reference. Wala lang. Pagkatapos kong mag-isip ng sobra. At mapunta ang aking isipan sa kung saan saan at kung ano-ano na hindi naman talaga importante — napag-isip-isip ko na it doesn’t really matter kung isama ko man ito or hindi. Ang naisip ko lang – this would be a good topic for a blog entry. Kaya ayun – isinulat ko ang entry na ito.  At yan ang alamt ng blog entry na ito. Yun lang.  Sa muli.

 

P.S.

Ctrl/K K


Munting Pangarap

February 17, 2009

oval_office1

 

Isa sa mga pangarap ko nung bata pa ako ay maging isang “executive”. Nakikita ko ang sarili ko na naglalakad sa kalye na mayroong nagtataasang gusali.  Tanda ko pa nga kung ano ang suot ko – crease-free black slacks, crisp white long-sleeves polo, navy blue necktie, black socks and black shoes. Syempre – meron akong dalang itim na attaché case. Every morning ay papasok ako sa isang mataas na building where my office is located. Syempre may sarili akong office/room. My office has this big mahogany table and swiveling black leather chair. Makikita sa table ko ang tambak na files sa aking in-tray and some finished papers sa aking out-tray. Syempre meron ding mga wooden shelves/cabinets sa  aking office. Nakadisplay sa shelves ang aking mga knick-knacks, books, picture ng family and friends, awards and a lava lamp (yup – won’t be complete without the lava lamp). Meron ding malaking glass window ang aking office with a very good view of the cityscape. Madalas akong tumitingin dito when I’m in deep thought or gusto ko lang marelax .Just outside of my room is my very own secretary. Pagpasok ko sa room — in just a few minutes ay papasok din ang aking secretary with my black coffee and messages. Basahin din nya ang aking schedule for the day. Afterwards iutos ko sa kanya na ipadala na sa respective departments ang mga papers sa aking out-tray and schedule a meeting with someone.  I’ll then start the day’s work.

 

Bakit ko naisip ang childhood dream na ito. Wala lang. Ganyan talaga siguro pag puro crisis ang nasa paligid mo. Mula sa dyaryo, tv, Internet hanggang sa tindahan ni Aling Nena – krisis ang pinag-uusapan. Kaya ayun — napapag-isip-isip tuloy ang mga tao. At dahil sa at marami akong free time dito sa opis (isang hindi magandang pangitain lalo na sa mga panahon ng krisis)  — marami akong time upang mag-isip-isip. At ito nga ang aking naisip. Ano naman ang napala ko sa pagbabalik tanaw na ito. Meron din naman. Nalaman ko na :

 

- Kung mangangarap na rin lang – lubus-lubusin na. Okay na sana ang pangarap ko e… medyo sablay lang sa ”naglalakad”. Hindi ko man lang isinama sa pangarap ko ang magkasasakyan. Hay.

- Bata pa lang ay mukha na akong tv. Kita nyo naman ang pangarap ko – parang scene ng isang pelikula. Kulang na lang ay orange juice!

- Hanggang sa pangarap ay tamad ako –  tambak ang in-tray, kaunti lang ang nasa out-tray. Meron pang secretary na taga-timpla ng kape.

- Bata pa lang ako ay “detail” oriented na ako. Tingnan nyo naman ang pangarap ko – hanggang sa kasangkapan ng opisina to be kasama.  

- May fashion sense naman pala ako kahit papaano – black socks on black shoes. Hindi ko lang gusto ang aking attire. Di ba ganyan ang suot ng mga nag-preach sa kalye?

- Attaché case? Definitely not in this lifetime!

- Crease-free slacks…. Crisp  white longsleeves polo — hanggan pangarap – may pagka–OC ako.

 

Ngayon – maari nyong itanong – ano  naman ang importansya ng pangarap na ito sa aking buhay ngayon. Wala naman masyado. Naisip ko lang na marami pala akong pangarap na nananatiling pangarap lang. Hindi ko naman sinasabing wala na itong pag-asang magkatotoo – meron pa rin naman. Pero sa ngayon – parang hindi na importante sa akin na magkaroon ng office with a view or own secretary. After careful re-evaluation of this childhood dream of mine – isa lang naman ang importante sa akin ngayon. It would be nice kung magkatotoo ang lahat ng ito. Pero hindi ito ang end-all and be-all ng lahat. Ang pinakaimportante sa akin ngayon — lalo na ngayong panahon ng crisis — ang magkaroon ng lava lamp. Iyun lang – well for now. 

 


X-O!

February 13, 2009

Nabanggit ko sa isang previous entry na ilalahad ko ang aking mga escapades nitong huli kong pagbabalik Pinas. Pero dahil sa tinatamad ako – O wag muna magreact — tamad lang ako… hindi ako sinungaling. San na nga ulit ako – ok.. dahil sa tinatamad ako — e hindi ko na ito isasalaysay pa in words. In photos na lang. Yun nga lang – tatlo lang yatang photo ang nakuha ko hehehe….. kaya pasensya na – tao lang. Minsan tamad.

Ok. Eto na. My first photoblog. There’s this place in SM City – The Block na kinainan namin which serves really good food. The servings are huge. Price is okay. Taste — sarap!!!!! No wonder it’s called “Extraordinary Philippines”.  Isa lang ang regret ko — di ko nakunan ng picture yung 2 kakanin na inorder namin. The sapin-sapin is so good. I forgot the name of the other kakanin we ordered — its like maja blanca na mais which was made of gatas ng kalabaw.  I’m salivating habang tinitipa ko ang entry na ito.  Hay. Eto na talaga.  Sabi nga — a picture is worth a thousand words.  Here are  5 pictures.

extra2extra4extra21extra3extra11