Half-Up

September 6, 2009

pixar-up-poster

I know. It’s been more than a month since my last entry. Fine. Sue me.  Masyado lang busy couple with katamaran at patuloy na pakikilaban sa buhay — ayan.. walang entry. Kaya nga eto – kahit gabi na ay naisipan kong sumulat. 

I love the weekend – more so these past few days. Stress level is through the roof kung kaya’t weekends are a welcome break. This weekend — I decided to watch Up. The buzz on this movie is quite good and karamihan ng kakilala kong nanood ay nalibang. I have been meaning to watch this movie kaso laging hindi fit sa schedule. Pero finally — yesterday —  nakakuha rin ng magandang schedule… or so I thought.

Dahil sa may 4 weeks na itong palabas dito ay medyo mahirap nang magahanap ng sinehan na palabas ito.  Pero dahil sa talagang desisido akong panoorin ito — I agreed to watch this movie in a moviehouse on the other side of the island. As in the other side of the island — hmp.  I particularly like my side of the island and I see no reason to go to the other side.  Kaya for me to agree to watch this movie in the other side of the island is quite a big deal.  Sabi ko nga – it better be worth the travel. 

We booked our tickets online and got ready. Since tagtipid kami — we decided to take the bus. So we left the house 1 hr and 20 mins before the start of the movie. Should be enought time. Or so we thought.   We arrived at the mall around 15 mins before the start of the movie — pero kahit anong gawin naming ikot sa mall ay hindi namin makita ang sinehan. Suddenly — naisip ko na baka nasa mali kaming lugar. I mentioned to my friend the name of the movie house na naalala kong binilihan ko ng ticket.  Apparently — we are in the wrong place.

5 minutes before showtime — we hopped into the mrt as the place I mentioned is around 4 stations away.  We kept on thinking bakit naming naisip pumunta sa mall na una naming pinuntahan considering na di kami dun nagbook ng ticket online. We arrive at the moviehouse 15 past showtime and decided to still watch the movie. Nung i-claim na namin ang ticket — hindi makita ng tikitera ang aming booking. Odd. Sinabi na namin lahat ng info — credit card used, I.D., mobile phone number. Nada. Wala daw. Tumataas na ang blood pressure ko at medyo nasa sungit mode na ako. They asked if we want to buy another ticket instead – kahit nagsimula na ang movie. Fine. Matapos na lang. Hmp. Bwisit. Nung binigay na sa amin ang ticket — the movie is already closed to the middle which is odd since dapat ay mga 1o mins pa lang or so. Hmmm…. odd.  Since may ticket na — no choice but to watch Up —well the middle of Up. Hmp.

Nasa middle na ng movie ng pumasok kami — pero oks na rin. Let go of the past and move on. Life is too short to be angry. So ayun — tried to enjoy the remaining half of the movie.  The remaining half is good — would have been better if I saw the whole movie.  Pero ganun talaga.   Panoorin ko na lang yung remaining half pag lumabas na ito in DVD.  Review of the movie? Saka na — pag napanood ko na ito in  its entirety. Para fair.

P.S.

Apparently — we are on the right place the first time. Nakahiwalay pala sa mall yung movie house kaya hindi namin nakita. At kung bakit ko naisip yung 2nd place na pinuntahan namin —- I charged it to my short term memory. Lesson learned? Never watch a movie on that part of the island. Ay… oo nga pala — at tandaan kung saan nagbook ng ticket.  :)


Si HP at ang Superhero Syndrome

August 2, 2009

hp6

I was able to watch the much awaited movie of 2009 (sa aking pananaw lang naman) last Saturday. Pahuhulaan ko sana kung anong movie – kaso sobrang obvious na.  Pero naisip ko rin na minsan may mga tao na medyo “blur blur” ang pag-iisip at malamang ay hindi alam kung anong pelikula ang sinasabi ko. So – now it’s a choice between telling the obvious or pahulaan ko pa rin. Pero – naisip ko ulit – pwede rin namang gawing pareho…..

 

Sa mga taong gustong hulaan ang much awaited movie of 2009 — please sms  “Movie name” space “Name”  Space “Address” sa 2366 for Smart and Talk and Text. 2377 for Globe.

Sa mga taong kasalukuyang umiikot ng 360 degrees ang eyeball at sinasabing “So obvious what” – please disregard item 1.

 

Anyway – para matuloy na ang entry na ito –  the much awaited movie of 2009 for me is “BFF – Best Friends Forever” hehehehe… joke…. pasuspense lang.  Syempre – Harry Potter and the Half Blood Prince. Sabi ko nga sa aking mga ka-berks… ito ang highlight nang aking taon. Ganyan kaboring ang aking buhay. Ayaw nyo maniwala? Second highlight nang aking buhay ay ang napipintong pagangat ng aking level sa Farmtown. Ano? Naniniwala na kayo?

 Naligaw na naman ako – balik tayo kay Harry.  Hindi masyadong mataas ang expectation ko sa  movie na ito compared with the past 5 movies. Kung ipaprank kasi sa akin ang mga Harry Potter books e medyo nasa last itong libro na ito. Don’t get me wrong – it is still a good book. Labs ko rin sya to the last page. This book for me sets the stage in preparation for Book 7. Pero syempre — in every ranking – merong last place. Hindi naman pwede na 1st lahat dib a. Kaya ayun — wala masyadong expectations. Which I think is the main reason — na unlike the others who have seen the movie – I was not disappointed. I liked the movie. Hindi ako inantok. Yun nga lang — tingin ko – those who have read the book will appreciate it more. Malamang mabitin yung mga hindi nagbasa. Pero opinion ko lang naman ito. Go see the movie and form your own opinion.

 Seeing Harry Potter reminded me of a conversation  with some friends tungkol sa Superhero complex. Kung susuriin mo kasing mabuti ang personality ni Harry — he is reeking of Superhero complex. Lahat na lang ay kailangan nyang iligtas. Siguro dahil sa lagi syang inaapi at nahihirapan. Ang tendency tuloy ay naisin nya na wag mapahamak yung mga mga mahal nya sa buhay. Kaya ayun – kahit na isalang pa nya ang kaniyang buhay – he can’t help but save those in grave danger. Minsan nga naisip ko – what could have happened kung hindi nya sinagip si Sirius dun sa Harry Potter and the Prisoner of Azkaban.  Would Dumbledore intervened and saved Sirius himself? Kung hinayaan na lang nya si Cedric at kinuha nya yung Triwizard Cup. E di sana hindi namatay si Cedric. Yun nga lang – hindi magagawa ni Cedric yung Twilight The Movie.  Kawawa naman kung sakali si Bella.   

 Bakit nga kaya nagkakaroon ng superhero complex ang isang tao. Dahil nga kaya sa hirap na naranasan sa buhay? O dahil sa kaapihan? May effect kaya ang pagpapalaki ng magulang? Ang superhero complex ba ay isang strenght? Or dapat ituring na isang weakness?

 Hmmm… Daming mga katanungan na for sure ay napakaraming magkakaibang kasagutan. Pero amidst all these questions and subjective opinions —- isa lang ang tutuo – Harry won’t be harry without the superhero complex. 


Good Intentions

June 30, 2009

Musta na mga  ka-berks? Bago ang lahat isa munang katanungan — uso pa ba ang salitang “berks”? I have been in my own bubble for quite a while kung kaya’t hindi ko na sure kung ano ang usong tawagan ngayon. Anyway – it has been a while since my last entry — akala nyo siguro ay tuluyan ko nang kinalimutan ang aking first love – acting.. este ang pagsusulat ng mga walang kwentang bagay. Hindi pa naman. Medyo bisi-bisihan lang ng kaunti. The past few weeks have been uninteresting. You’ll be bored our of your wits kung ikwento ko pa ito. Sabihin na lang natin na I’ve been busy with :

Work office_cartoons

A little sick (pero hindi AH1N1 ha..) cough

Farmtown Farmtown1 

 Yoville Yovile1

 TV Series TV

 Movies Movies

 Anyway – ulit — hindi yan ang gusto kong ibahagi sa inyo aking dear reader/s.  Naligaw lang ako – mahina ako sa directions e. Pasensya na ulit. Hmm.. nasaan na ba ako.. hmm.. ayun.. nangyari na ba sa inyo yung you did something with  nothing but good intentions pero ended up doing some other thing? Mukhang yan ang nangyayari sa akin ngayon. I wake up early and went to the office early (which by itself is already a miracle—- tutuo ang himala!!!!) with all the intention of working hard. Dami na kasing mga lumalagpas sa deadline – which is so not me. I am usually a hardworker – di lang halata. Pramis – masipag talaga ako… mukha lang hindi. J

 Ayun na nga – I arrived early sa opis. All ready for a full day of non-stop working. Work like a dog ika nga. With my Kopi-C siew-tai (Coffee with Evaporated milk – less sweet) – hinarap ko na ang aking computer. Read all my e-mails to get this our of the way. Nilabas ko na ang aking ipod to drown all the noise in the environment. And started working… for five minutes or so. Yup… I started will all good intentions – pero nabigo ako. Parang tinatamad ako e. Parang feeling ko may kailangan pa akong gawin bago ko simulan ang aking trabaho. Spent 5 minutes or so na pagmumuni-muni when it finally dawned on me.  Yup. Alam ko na kung ano ang dapat ko munang gawin. I need to write this entry.  And here I am – writing this entry which you are reading right now.  At dahil sa nasulat ko na ang entry na ito – isa lang ang dapat kong gawin. I need to end this entry and start with work. Walang choice e.. need to bring home the bacon. O sya… sa muli.

 P.S.

 Bilang tribute sa  namayapang King of Pop – I decided to listen to his music for the entire day. Yup. MJ the entire day. Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa.


In theaters – July 15. Can’t wait!

April 21, 2009

hp6_med


Can’t fight with an Eclipse….

January 21, 2009

shadow_wolfSa wakas — natapos ko na rin ang ikatlong aklat sa Twilight saga  - Eclipse.  Alam ko – medyo mabagal – pasensya na po. Medyo busy lang. Pero dahil sa mga pangyayaring ayaw ko na munang isipin – free as a bird ako this week. Kaya ayun — nagkaroon ako ng panahon na magbasa ng magbasa ng magbasa.  And finally nga – natapos ko na yung 3rd book.  Sisimulan ko na nga sana yung fourth book. pero naisip ko na mas mainam na isulat ko na muna ang mga nasa isipan ko bago ko simulan yung ikaapat na aklat. Wala lang. Baka kasi biglang magbago ang aking pag-iisip pag binabasa ko na yung kasunod. Alam nyo naman ako – paminsan ay pabago-bago ng isipan.

 

Unang-una — I have to admit something. I am now hooked with Twilight. Saw the movie (it was good). Read 3 of the 4 novels. And is excited to start with the 4th one.  Nung una – medyo nakakasuka kasi yung mga cheesier than real cheese na mga linya. Pero sabi ko nga – once you got over that — okay na naman. Pag wala na yung ick-factor  and you get to know the characters… you’ll be hooked, line and sinker! 

 

After reading the 3 novels — ito ang mga nasa isipan ko  :

 

1.        Medyo naiinis na ako kay Bella. Kulit. Tigilan ang pagseself pity. Tigilan na ang pag-iisip na kasalanan nya lahat. Lalo lang gumugulo e.  

2.        Naawa ako kay Jacob. Hay…. ang kasalanan lang naman nya ay ang umibig (insert gagging sound here).

3.        Minsan sarap tadyakan ni Edward. Lagi na lang perfect gentleman.  Minsan kailangan din maging bad boy.

4.        Sabi sa Moulin Rouge – The greatest thing you’ll ever learn is just to love and be loved in return — same din kaya ito sa vampire/werewolf world?

5.        Pwede bang i-consider na “to love and be loved in return” ang sitwasyon nina Bella at Jacob? Love naman ni Bella si Jacob e.. Mas love nga lang nya si Edward.

6.        Bakit kaya Eclipse ang pamagat ng 3rd book. Hmm… dahil natakpan ng pagmamahal ni Edward ang pagmamahal ni Jacob?

7.        Pwede kayang magka-pet na aso ang werewolf? O hindi nila ito pwedeng pet dahil sa kung tutuusin – same family sila?

8.        Pwede kayang magka-pet na aso ang vampire? O hindi dahil sa ang away nila ay with werewolves and other species of the same family?

9.        Parang mas gusto ko ang ability ni Alice to see the future kaysa sa ability ni Edward na maging mabils. Wala lang – kung sakali kasi — pwede akong maging fortuneteller. Sabagay – yung mabilis –  pwede akong sumali sa track and field. Kaso – hindi naman ako sporty.

10.     Tingin ko – mas pwede akong maging vampire — kasi mahilig ako sa malalamig na lugar. Ang problema lang – namumutla ako pag nakakakita ng maraming dugo. Hmmm… Meron kayang vampire na vegetarian?

11.     Hindi ako pwedeng werewolf — walang dahilan. Basta tingin ko hindi lang pwede. Hindi naman lahat ng bagay ay kailangang may dahilan.

12.     Mukhang hindi magaling na pulis si Charlie. Biro mo naman – gabi-gabing may ibang tao sa kwarto ng anak nya — wala syang nararamdaman. O biglang tumatahimik sina Bella at Edward pag papalapit sa kwarto si Charlie?

13.     Sabagay – nakakabasa nga pala ng isipan si Edward… so alam nila kung papalapit si Charlie. Hmm.. Okay.  Erase na muna yung sinabi ko sa #13.

14.     Magagalit ka ba kung sakaling bigyan ka ng mga vampire ng “cold shoulder treatment”?

15.     Nagtatalik kaya ang mga vampire? Kasi di ba lagi silang cold? E di hindi sila nagiging hot sa isa’t isa.

 

Yan na lang muna. Di ko na kayang pigilan ang aking sarili. Kailangang simulan ko nang basahin ang ikaapt na libro.  Bilang pangwawakas — iiwan ko sa inyo ang isang excerpt from the book Eclipse. Puno ito ng pagka-keso… pabayaan nyo na… Oks lang naman maging cheesy once in a while….

 

 

  “ He’s like a drug for you, Bella.” His voice was still gentle, not all critical. “I see that you can’t live without him now. It’s too late. But I would have been healthier for you. Not a drug; I would have been the air, the sun.”

 

The corner of my mouth turned up in a wistful half-smile. “I used to think of you that way, you know. Like the sun. My personal sun. You balanced out the clouds nicely for me.”

 

He sighed. “The clouds I can handle. But I can’t fight with an eclipse.”

 

- Excerpt from Eclipse – by Stephenie Meyer


Pahabol lang…..

December 31, 2008

deadline1

Dahil sa ilang buwan na rin ako na medyo madalang  akong magsulat – naisipan kong magkaroon ng isa pang entry bago matapos ang taong ito. Isang entry ito na wala talagang tema – yun kung ano lang ang pumasok sa isipan ko. Pwede ko ring isama dito ang ilang mga pangyayari na hindi ko naisulat dahil sa ako ay busy or nagkukunwaring busy or tinatamad.     

 

- There is one entry sa blogsite kong ito na medyo hindi maganda ang dating sa ilang mga nakakabasa. May isang sentence daw kasi na medyo racist ang dating. Anong sentence. Well – nabanggit kasi ako tungkol sa isang suggestion ko na pwedeng pagkuhaan ng alternative source of energy.  Bilang tugon sa mga paalala kong natanggap — i-update ko po itong entry na ito. Sa mga mga mambabasa – kung medyo may na-hurt sa aking entry – pasensya na po.

 

- Tutal nasa racist na tayong usapan. Avenue-Q had its run in Singapore last Oct-Nov. Ang maganda — it was staged by the same people who did the Avernue-Q run sa Pinas.  Most of the cast are Pinoys. I can’t recall the names now (except for Frenchie D and Aiza Seguerra) but they were all quite good. I become a fan of Avenue Q when a friend suggested that I listen to the sound track. But watching it live is definitely way-way better kaysa sa pakikinig lang. Sobrang nakakatawa talaga. All the songs are great – but the songs “It Sucks to be Me”, “Everyone’s a little bit racist” and “The Internet is for Porn” is hilarious. Nakakatawa talaga lalo na pag makikita mo yung mga actions. Hay.  Schadenfreude!       

 

- I saw the Twilight movie last week. It’s surprisingly good —- siguro kasi ay hindi sila masyadong nag-deviate from the book. I particularly like the scene na naglalakad si Bella then followed by Edward papunta sa gubat without talking to each other. Then some fancy cameraworks. Galing. Parang ang dami nasabi nung dalawa sa isa’t-isa without really saying the words. I’m now reading the second book – New Moon. I guess I am officially caught by the Twilight fever.    

 

- I read from somewhere na binili daw ng ABS-CBN ang rights to turn Twilight into a telenovela.. Nung una ko itong nabasa – I can’t help but roll my eyes in disbelief. Asa pa. Couple of days ago – I read that Perz Hilton (quite well known American showbiz blogger) wrote an entry tungkol sa Pinoy Twilight. The pinoy version will be entitled “Takipsilim” and will have Rayver Cruz and Shaina Magdayao playing Edward and Bella. My reaction – wala lang. Let’s wait and see kung ano ang kalalabasan.  

 

- Still with Takipsilim —- binasa ko yung mga iniwang comments dun sa blog entry. I’m actually expecting the Twilight die hards to spew fire with the Pinoy Twilight idea. Ang medyo – for the lack of a better word – interesting ay yung mga iniwang comments ng ating mga  fellow pinoys. Better if your read it yourself — baka naman ako lang ang medyo napataas ang kilay….. link to the article (http://perezhilton.com/2008-12-23-filipino-version-of-twilight-to-begin-production-soon)

 

 

- Tuwing New Year ay maraming pamahiin na sinusunod. Unang-una na dito ang pagbabayad ng utang  before the year-end para debt free ka sa pagpasok ng bagong taon. Pag debt free ka daw sa pagpasok ng taon — the entire year ay madali ang pasok ng pera and hindi mo na kailangan mangutang pa. It’s actually a good superstition kasi napipilitan ang lahat – ok… ang ilan – na magbayad ng utang.  Anyway – just today – a couple of my friends settled their utang sa akin (lunch, taxi fare etc).  Para daw hindi sila abutan ng New Year na may utang. Dahil sa may pagka-antipatiko talaga ako — I reminded them na techinically – hindi pa rin naman sila debt free. They still have the credit card purchases which – kahit hindi pa kasama sa due – ay technically utang na rin. Hindi pa nga lang due – but still — utang ito. Then there’s the housing loan sa bangko. For 10 or 15 years — may utang ka.. So — it doesn’t really matter kung bayaran nila ako sa utang nila sa akin or hindi. Kung titingnan mo talaga — until the last amortization sa housing loan is paid — if naniniwala ka sa pamahiin na ito — you are destined for financial difficulties. Hehehehe.  Suggestion ko — pumunta ka Joyce Lim ng Charms and crystals. Marami siyang binebenta na pangkontra!

 

- Isa pang pamahiin ay ang pagbili ng 12 types of round fruits. Swerte daw ito.  We did this nung papasok pa lang ang 2008. Unfortunately — nabulok lang yung ibang prutas dahil sa dami. Since malas ang mag-aksaya ng pagkain — sa tingin ko ay na-cancel out nito ang swerte na dala ng 12 prutas. Kaya ayun – 2008 is not that financially rewarding. Moral lesson — you have to buy the fruits and eat it too. At least – di man maging swerte — napakinabangan naman ng katawan mo ang vitamins at iba pang nutrients nito.

 

-  Hindi pa man din pumapasok ang 2009 ay puro negative na ang sinasabi ng lahat dito. Oo nga…. kasama ako dito….  Lahat nga e…. Pero napag-isip-isip ko na unfair itong masyado kay 2009. Hindi pa siya dumarating ay na-judge na sya. Dapat hindi tayo masyadong judgemental. Sabi nga – positivity attracts positive energy. Kaya dapat — we welcome 2009 with a positive attitude. Para positive ang energy na ma-attract natin. Tingin nyo?  A ewan ko sa inyo — basta ako — I’m giving 2009 a chance to prove itself — sabi nga – wag tayong masyadong “NEGA”!

 

 

- Muli…. Happy New Year….  


Takipsilim

December 11, 2008

twilight-poster2

 

 

 

                                                                                                                     

For the past few weeks – I have been noticing all the hype surrounding

the movie Twilight. I know nothing about the Twilight saga book kaya I

was quite intrigue with all the hoopla.  Dahil sa akin curious nature

— fine…. likas na pagiging tsismoso – I decided to rent the first book couple of weeks ago.

 

Finally – I finished the book today. Alam ko ang nasa sa isipan nyo – aiyah.. so slow what. Pasensya na po – medyo busy.. sick pa.. kaya hindi ko natapos agad. Patawarin nyo na ako – tao lang… minsan mabagal magbasa.  Anyway – it’s no Harry Potter (Harry Rules!!!) – but I have to admit – it’s not a waste of time. Once you get passed the gagging reflex brought about by the mushy lines — its really not that bad. Storyline may not be that original. Pero the way na isinulat yung kwento – napakasimple  na parang may kakwentuhan ka lang kaibigan.  I may have finish the first book but it is still early to tell if I will be hit by the twilight bug.

 

 

 

Anyway – I am to start on the second book – New Moon. Tingnan natin kung ano ang mangyayari….   I would like to end this entry with an excerpt from the Twilight novel… Bakit ito napili ko. Wala lang. Simple lang kasi. But it says a lot……

 

“You’re wrong, you know,” he said quietly.

“What?” I gasped.

“I can feel what you’re feeling now – and you are worth it.”

“I’m not,” I mumbled. “If anything happens to them, it will be for

nothing.”

“You’re wrong,” he repeated, smiling kindly at me.

 

 P.S. Should I see the movie? Need to check my calendar…medyo busy e… probably a twilight screening (pun intended)… salamat sa 24 hours cinema!


Mamma Mia! Here I Go Again…..

September 28, 2008

Long time no blog ah. Pasensya na ulit. Medyo bisi-bisihan ang inyong lingkod. Mahirap talaga pag kinakailangan na magpasikat. Alam nyo naman ang sitwasyon ngayon. Lahat ay nasa gilid ng bangin – isang tulak lang ng mga amo – dead na. Kaya ayun – work lang ng work. Para sa ikabubuti ng kumpanya.

Anyway – hindi yan ang usapan. Actually – wala naman talagang pag-uusapan. Naisip ko lang na magbigay update. Baka naman sabihin nyo ay snobbish na ako. Di pa naman. Pag uber yaman na ako – yan ang panahon na magiging snobbish ako.

Anyway (again) – wala naman masyadong bago sa aking buhay. Same-same ika nga. Last weekend – went out to buy supplies…. e sobrang nakakatamad — nagka-ayaan tuloy na manood ng movie. Ang catch – ang papanoorin ay kung ano man ang palabas na magsisimula na. So walang pili-pili. Kung ano man yun – pangit o maganda., basta yun ang papanoorin. The lucky movie – Mamma Mia.

Okay. I’m not an ABBA fan. I know that there’s a group named ABBA – pero hanggang dun na lang…. I don’t know how many there are. Or what songs they sang. Okay.. may mga familiar songs naman sa akin…. Pero hindi ko alam na sila pala ang kumanta nun. I saw the preview of this movie before and did not hate it. With an open mind – and nothing else to do – tinuluyan na naming ang panonood.

Surprisingly – the movie is good. Gasgas na ang storyline pero entertaining pa rin naman. Story? Hmm… single mother trying to do everything for her daughter…. daughter getting married to good looking chap.…invited 3 of her mother’s lovers expecting one of them is her father… 3 lovers realized they might be the father…. lots of singing… dancing queens (pun intended)… in the end daughter decided not to get married…. Mother married one of her former lovers… singing and dancing again…. And ending with more singing and dancing and saying thanks to the music.

Habang nanonood ako – madalas kong sabihin na “ahhh… sila pala kumantan niyan….”. There was a song na sabi ko – bakit parang ginaya nila yung tunog nung kanta ni Madonna.. hehehe.. nacorrect tuloy ako nung kasama ko na it’s the other way around. Fine.

Kung nakakaentertain ang movie…. entertaining din ang mga nanonood. Meron kasing English and Chinese subtitle yung movie… so parang videoke di ba. Kaya ayun… daming kumakanta… feeling nila walang nakakarinig… pero sa dami… e parang merong choire sa loob. Hinihintay ko na lang nga na may biglang tumayo at sumigaw ng “altogether now!!!!”. May isang instance pa nga (The Winner Takes It All yata yung song)… na emote ang lahat dahil confrontation scene ni Meryll Sterep at Pierce Brosnan…. Syempre mega-emote si Aling Meryll… with matching hand gestures…. Sabay nung patapos na medyo binitin nya yung kanta….. na hindi ini-expect nung manonood … kaya ayun…. nauna sila kay Aling Meryll…. katawa nga e. Feel na feel pa naman nila….

All in all – hindi naman nasayang ang ibinayad ko. Napasaya naman nila ako kahit papaano. The songs are infectious. The whole cast delivered a wonderful performance. There are no idle moments. It was rather entertaining – both onscreen and off…


Why So Serious?

July 27, 2008

Napanood nyo ba ba ang The Dark Knight? I was able to watch it with a few friends couple of Fridays ago. Dahil sa first week of showing — hirap makakuha ng good seat sa sinehan – yun bang dead center of the cinema and medyo likod. Pero just the same – call us fortunate as we still manage to snag a set middle of the cinema – sa left side nga lang. Not the best place — but not so bad either. Ika nga – pwede nang pagtiyagaan. Kaysa naman center nga pero kita mo naman hanggang kahuli-hulihang tigyawat nung bida sa sobrang lapit mo sa screen.

Anyway – balik sa Dark Knight – siguro naman ay alam ng lahat na si Batman ang Dark Knight na pinag-uusapan natin. Yung hindi nakakaalam – e ngayon alam nyo na. Yung hindi par rin nakakaalam kahit na sinabi ko na — wala na tayong magagawa. Mahirap gamutin kung ang sakit mo ay katangahan. Okidoks?

Anyway – ulit — balik tayo sa Dark Knight – ulit — I would suggest to those who have not seen it yet to go see it. Sabi nga – it’s a must see. Sobrang nagandahan ako sa pelikula na ito. This is Heath Ledger’s last movie before he died — and all I can say is that he ended it with a bang. Sobrang galing talaga niya sa pelikula na ito. Ibang klase ang atake niya sa role as the Joker. Jack Nicholson was wonderful as the Joker in one of the old Batman movies —– but Heath Ledger was ten times more. His portrayal is worthy of an Oscar nomination.. and possibly a win. He was so good na dapat — the movie title should be changed to Joker with the Dark Knight. He definitely stole the limelight from Christian Bale. By the middle of the movie – I no longer see Ledger playing Joker. I only see and loathed Joker. That’s how effective he is.

Christian Bale for me is the best Batman so far. I liked his subtle arrogance – yung mga simpleng clenching of the jaw or pagtinging-tingin. His eyes effectively convey the pain and dilemma of being Batman.

What’s good about the movie is that they were able to humanize the characters. They where able to show who Joker really is – a villain who is doing all these terrible things just for the pure fun of it. Joker saying “You complete me!” is just plain genius. Goodbye Tom Cruise — hello Heath Ledger. Two-face may have been overshadowed by Joker in the movie – but his back-story is well written as well. Nakakaawa rin si Batman with his constant predicament on whether he’s doing the right thing or not. I also loved the film’s take on the innate goodness of human beings. The movie was able to show complex emotions minus the cliches.

If I need to say something bad about the movie — nitpicking na lang kung baga – it would be casting Maggie Gylenhall. She’s not bad actually. Nga lang – I do believe na there are other actresses who can play the part better. Medyo kasi hindi kapani-paniwala na pinag-aagawan siya nina Batman at Two-face. Second — Batman’s voice. Hmm… sobrang husky ha. Naalala ko tuloy si Lady Elle. Hmmm… Lobo anyone? Pero sabi ko nga – sinabi ko na lang ito para lang may masabing pangit.

After watching the movie – sobrang exhausted ako. I felt consumed by the film. Parang kasama akong tumatalon-talon at tumatakbo-takbo ni Batman. Hay. What a film. I so loved this film that I wanted everyone to see it. Kung hindi nyo pa ito napapanood — stop whatever it is you are doing and go to the cinema nearest you. Go watch this movie. O… ano pa hinihintay mo.. go.. watch. Wag nang makulit. Makuha kayo sa tingin!


Kaytagal

July 18, 2008

Medyo may katagalan na rin pala nang huli akong nagkaroon ng entry dito sa aking blog site. Pasensya na po aking loyal (?) reader/s. Medyo bisi lang po ng kaunti. Napansin na kasi ng aking amo na nag-eexist pala ako. Napag-isip-isip niya siguro na sayang naman ang minimum wage (ok.. fine.. a little higher than the minimum wage) na ibinabayad niya sa akin kung maghapon lang akong ngingiti dito sa aking cubicle. Kaya ayun – medyo sinusulit nila ako ng sobra. Hay. Kapagod.

Dahil sa lecheng work na ito — wala na tuloy akong panahon para sa iba pang mga bagay tulad ng sports (considered sport naman ang sleeping di ba?), travel (papunta sa mga cubicles ng mga kaibigan) and meaningful conversations (pakikipagtsismisan). Wala na rin akong time na magsulat dito sa aking minamahal na blog.

 

Maari ninyong itanong – hindi na ba ako bisi at nakapag-blog na ako? Bisi pa rin – pero nabagsakan po ako ng katam(aran). Kaya ako ay may sakit sa bato(gan). Saka naawa rin naman ako sa iilang tao na may interes malaman kung ano ang nangyayari sa aking walang excitement na buhay. O yung mga ilang nilalang na nagnanais malaman ang aking nasa isipan upang kanila itong maging gabay sa paglalakbay sa daan na kung tawagin natin ay buhay.

 

Ano-ano nga ba ang mga karunungan na nais kong ibahagi ngayon :

1. Kahit na hindi man nakapasok sa Wimbeldon finals ang aking asawa  – ay mahal na mahal ko pa rin siya. Sino ang asawa ko? Nope hindi po si Mauresmo. Alam naman ng lahat na ilang taon na rin kaming hiwalay ni Martina (Hingis po hindi Navatrilova). Akala ko nga ay hindi na ako iibig pang muli — pero ako ay nagkamali. Kailan lang ay lihim kaming nagpakasal ni Ana Ivanovic. O… wag kayong maingay ha. Secret yan. Sa aking minamahal na Ana – oks lang yun – French Open champion ka na naman e. Saka maganda ka naman e.  Pabayaan mo nang manalo yung mga hindi kagandahan. Isipin mo na lang – mahal naman kita e.

2. Sulit na sulit ang aking pagpupuyat sa Wimbeldon finals. Galing galing. Medyo worried na ako nung isa-isang natatanggal ang mga seeded players. Buti na lang at nakabawi sa dulo. As usual – the Williams sister delivered first class tennis. Husay. Medyo matamlay lang si Serena. Parang kulang sa hunger. Kaya medyo sablay siya. It was Venus moment talaga.  Galing din ng men’s finals. Galing nina Nadal at Federrer. Gusto ko sana si Federrer ang manalo – para mabreak niya yung longest consecutive Wimbeldon wins. Pero ganun talaga.  He’s not himself on the first 2 sets. Pero bumawi naman siya sa dulo. Nga lang – medyo kapos. Nanalo tuloy si Nadal a.k.a. Wedgie boy.  Pramis. Medyo disturbing ang lagi niyang paghawak sa kaniyang booty. Sugestión ko lang sa kaniya – one size bigger undies… para walang wedgie.. para hindi na kalabit ng kalabit ng booty. Sabagay – baka nandun ang swerte.

 

3.  After much delay – I was able to watch the highly anticipated (well for some) SATC – The Movie. Ano masasabi ko? Sabihin na lang natin na – parang ang tagal nung movie. Magagandang damit – fine. Magagandang sapatos – who cares.  Where’s the nudity?  (hey.. throw the male viewers a bone or two..)Where’s the snappy lines? Where’s the story? One thing’s for sure –all the designer clothes, skyscraper shoes and ridiculous hats cannot hid the film’s lack of substance. It pales in comparison to the series. Let’s just hope that Friends – the movie will not follow the same fate.

 

4.  Sa usapang PDA – katawa si Bugoy. Mukhang in-love. Kanino kaya? Sabi niya kay Liezl daw. Hmm. Sige na nga. Naniniwala na nga ako. Hindi ko na sasabihin na ang suspetsa ng nakararami ay either si Hanser or Van or both.  Anway – kahit papaano ay hindi pa rin naman ako inis kay Bugoy. Sana lang ay tigilan na niya ang love-love at friendship-friendship na yan. He should follow Miguel’s advice. Never loose track on the reason why he entered the Academy. To sing. To improve on his craft. Financial stability. Fame and Fortune. Hindi to make new friends. Bakit? Balak ba niyang manalo na Ms. este Mr. Friendship?

 

5. Dahil sa patuloy na pagtaas ng aking sweldo – este gasolina (o.. baka may maniwala naman na pataas ng pataas ang aking sweldo…  dyok lang po iyon. Kayo naman… di na kayo mabiro) — meron na ring fuel surcharge ang taxi dito sa Land of Black Pepper Crab. Yup. Para na rin siya ngayong eroplano. Susunod pati ang bus magkakaroon na rin. Tapos MRT. Siguro naman ang bisikleta e hindi magkakaroon no? Magkano? 30 cents lang naman kaya wala pang masyadong nag-aaklas. Ang hindi ko gusto ay yung “ will be adjusted depending on the price of oil from the world market”. Hay – bakit ba kasi wala pang mag-aral na gamitin ang body odor ng mga ***** bilang alternative source of energy e. (Naku – wala naman sanang na-offend.)

 

6. Music updates? Hmm.. sa ngayon —  Viva La Vida (Coldplay), Crank That (Soulja Boy), 4 Minutes (Madonna/Justin Timberlake), Bubbly (Colbie Caillat), No Air (Jordin Sparks/Chris Brown), Always Be My Baby (David Cook).

 

7. Kilala nyo na ba si Moymoy Palaboy? Ako nung una – hindi rin…until I recently come across an article in the Phil Daily Inquirer. Apparently – they are the newest toast of You Tube-town. Nacurious tuloy ako. Kayo? Sa mga na-curious — I included below the link to the Inquirer article. Isinama ko na rin ang ilang You Tube links.  Sa mga hindi na-curious — I included below the link to the Inquirer article. Isinama ko na rin ang ilang You Tube links. Sa mga hindi pa makapagdecide kung na-curious sila o hindi — I included below the link to the Inquirer article. Isinama ko na rin ang ilang You Tube links. Sa mga nakakakilala na kay Moymoy and is currently rolling their eyes while thinking – aiyah – old news what — I included below the link to the Inquirer article. Isinama ko na rin ang ilang You Tube links. Clear?

 

http://showbizandstyle.inquirer.net/entertainment/entertainment/view/20080709-147434/Moymoy-Palaboy-superstar

http://www.youtube.com/watch?v=IVrIV4SkXYY

 

http://www.youtube.com/watch?v=sJzUsiOx36w&feature=related

 

http://www.youtube.com/watch?v=EI6QR6hAaR0&feature=related