Sa wakas — natapos ko na rin ang ikatlong aklat sa Twilight saga - Eclipse. Alam ko – medyo mabagal – pasensya na po. Medyo busy lang. Pero dahil sa mga pangyayaring ayaw ko na munang isipin – free as a bird ako this week. Kaya ayun — nagkaroon ako ng panahon na magbasa ng magbasa ng magbasa. And finally nga – natapos ko na yung 3rd book. Sisimulan ko na nga sana yung fourth book. pero naisip ko na mas mainam na isulat ko na muna ang mga nasa isipan ko bago ko simulan yung ikaapat na aklat. Wala lang. Baka kasi biglang magbago ang aking pag-iisip pag binabasa ko na yung kasunod. Alam nyo naman ako – paminsan ay pabago-bago ng isipan.
Unang-una — I have to admit something. I am now hooked with Twilight. Saw the movie (it was good). Read 3 of the 4 novels. And is excited to start with the 4th one. Nung una – medyo nakakasuka kasi yung mga cheesier than real cheese na mga linya. Pero sabi ko nga – once you got over that — okay na naman. Pag wala na yung ick-factor and you get to know the characters… you’ll be hooked, line and sinker!
After reading the 3 novels — ito ang mga nasa isipan ko :
1. Medyo naiinis na ako kay Bella. Kulit. Tigilan ang pagseself pity. Tigilan na ang pag-iisip na kasalanan nya lahat. Lalo lang gumugulo e.
2. Naawa ako kay Jacob. Hay…. ang kasalanan lang naman nya ay ang umibig (insert gagging sound here).
3. Minsan sarap tadyakan ni Edward. Lagi na lang perfect gentleman. Minsan kailangan din maging bad boy.
4. Sabi sa Moulin Rouge – The greatest thing you’ll ever learn is just to love and be loved in return — same din kaya ito sa vampire/werewolf world?
5. Pwede bang i-consider na “to love and be loved in return” ang sitwasyon nina Bella at Jacob? Love naman ni Bella si Jacob e.. Mas love nga lang nya si Edward.
6. Bakit kaya Eclipse ang pamagat ng 3rd book. Hmm… dahil natakpan ng pagmamahal ni Edward ang pagmamahal ni Jacob?
7. Pwede kayang magka-pet na aso ang werewolf? O hindi nila ito pwedeng pet dahil sa kung tutuusin – same family sila?
8. Pwede kayang magka-pet na aso ang vampire? O hindi dahil sa ang away nila ay with werewolves and other species of the same family?
9. Parang mas gusto ko ang ability ni Alice to see the future kaysa sa ability ni Edward na maging mabils. Wala lang – kung sakali kasi — pwede akong maging fortuneteller. Sabagay – yung mabilis – pwede akong sumali sa track and field. Kaso – hindi naman ako sporty.
10. Tingin ko – mas pwede akong maging vampire — kasi mahilig ako sa malalamig na lugar. Ang problema lang – namumutla ako pag nakakakita ng maraming dugo. Hmmm… Meron kayang vampire na vegetarian?
11. Hindi ako pwedeng werewolf — walang dahilan. Basta tingin ko hindi lang pwede. Hindi naman lahat ng bagay ay kailangang may dahilan.
12. Mukhang hindi magaling na pulis si Charlie. Biro mo naman – gabi-gabing may ibang tao sa kwarto ng anak nya — wala syang nararamdaman. O biglang tumatahimik sina Bella at Edward pag papalapit sa kwarto si Charlie?
13. Sabagay – nakakabasa nga pala ng isipan si Edward… so alam nila kung papalapit si Charlie. Hmm.. Okay. Erase na muna yung sinabi ko sa #13.
14. Magagalit ka ba kung sakaling bigyan ka ng mga vampire ng “cold shoulder treatment”?
15. Nagtatalik kaya ang mga vampire? Kasi di ba lagi silang cold? E di hindi sila nagiging hot sa isa’t isa.
Yan na lang muna. Di ko na kayang pigilan ang aking sarili. Kailangang simulan ko nang basahin ang ikaapt na libro. Bilang pangwawakas — iiwan ko sa inyo ang isang excerpt from the book Eclipse. Puno ito ng pagka-keso… pabayaan nyo na… Oks lang naman maging cheesy once in a while….
“ He’s like a drug for you, Bella.” His voice was still gentle, not all critical. “I see that you can’t live without him now. It’s too late. But I would have been healthier for you. Not a drug; I would have been the air, the sun.”
The corner of my mouth turned up in a wistful half-smile. “I used to think of you that way, you know. Like the sun. My personal sun. You balanced out the clouds nicely for me.”
He sighed. “The clouds I can handle. But I can’t fight with an eclipse.”
- Excerpt from Eclipse – by Stephenie Meyer
Posted by rollypollypanini 
Posted by rollypollypanini 
Posted by rollypollypanini 
