Sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para sagutin ang mga katanungan na aali-aligid at lilipad-lipad sa paligid. Below are my answers sa top 5 questions na madalas tanungin sa akin. Kung wala sa listahan ang inyong katanungan – just leave a comment… at pag tingin ko ay karapat-dapat itong sagutin… sasagutin ko… kung mga isang taon na at wala pa akong sagot…. Malamang hindi ko na ito sasagutin. 1.
Bakit Rollypollypanini ang title ng blog-site mo? Actually — 3 words po ito na pinagkabit-kabit. Isa-isahin natin….. Rolly — obvious naman bakit isinama ko ito. Sa mga di pa nakagets – take a hike! Wala akong panahon sa katangahan. Hmp… Polly — Sa mga may isip na nung 80’s… gets na gets nyo ito. Sa mga medyo “blur-blur” — there was a candy called “Rolly Polly Magic Candy” …. Di ko na matandaan bakit sya Magic candy… or bakit pinangalanan syang Rolly Polly… Ang alam ko lang – simula nang pangiinis sa akin magmula na ipinakilala sa market ang candy na ito. Hanggang ngayon —basta sinabi ang pangalan ko… may magdudugtong at magdudugtong ng “Polly Magic Candy” na para bang kasama ito sa full name ko. Panini — this originated during my Solidbank days. Di ko na rin matandaan ang pinagsimulan — basta may ilang kaibigan na tinatawag akong Panini. Nope.. di ako masyadong mahilig sa Panini — siguro pareho lang kaming “Yummy” hehehehehe….. kung meron man nakaka-alala…. Sabihin nyo sa akin.. .. lam nyo naman ako.. malilimutin pa kay Dory! 2. Gaano kalawak ang reach ng iyong blog site? Napakalawak. As in buong cyberspace. Yung multiply site ko ay open lang for my networks. Ang wordpress blog-site ko naman ay open for all. Kaya malawak talaga. Pero kung ang tatanungin nyo ay ang actual number of readers. Well… ah.. eh…. More than 2! My multiply site is being read by 3 or so friends. My wordpress site — a couple of friends confirmed that they read my entries…. Ayan… ganyan kalawak ang aking avid readers. Ang dami no? O.. wala nang kokontra… pag more than 2 … marami na yun. 3. Bakit ka nagsusulat sa iyong blog? Nung simula — dahil wala ako magawa dito sa aking new job. Kaya sa sobrang bato — pinatulan ko na ang blogging. Pangpalipas oras ba. Pero ngayon — kahit medyo bisi-bisihan ako dito sa office – isinisingit ko pa rin ang pag-sulat. Wala lang… naisip ko kasi na kawawa naman ang aking avid fans (5 and counting!!!!) Alam kong itong blog site ko ang source of information nila. Paano na lang sila kung titigil ak sa pagsusulat? What if masyado silang madepress at magsuicide sila… kunsensiya ko pa yun. 4. Bakit kadalasan ay walang sense ang entries mo? Kung gusto nyo ng may sense —- National Geographic ang basahin nyo. Pero kung gusto nyo ng mga walang kwenta… marami ako nyan. Lam nyo naman ako… slightly deranged. .. off my rocker…. Ano naman ang iniexpect nyo. Kung hinihintay nyo na magsulat ako ng mga makabuluhang bagay… naku… mabibigo lang kayo. Tanggapin nyo na lang ang katotohanan na mas mauuna pang maghirap si Kris Aquino bago ako gumawa ng makabuluhang blog entry. 5. What are your strengths and weaknesses? My strengths : I am a positive person. I see to it that even in the low moments of my life – I try to look at the positive things. I also love dealing with people. My weakness : Lying about my strengths. J