Hula who?
Maligayang Bagong Taon sa lahat!!!! Another year ended… another year starting… another year to look forward to. Ano kaya ang mga pwedeng mangyari sa taon na ito. Ayon sa ating mga kapatid na Tsino – 2011 is the year of the metal rabbit. And unfortunately (pun not intended) ay malas ako sa taong ito. Yup. A not so fortunate year lies ahead of me. Filled with trials and misfortunes. Pero – sabi rin ng mga kaibigan nating Tsino – swerte ang mga Libra this year. Swerte daw sa travel at work. Wow. Isang taon na swerte. So – kung papaniwaalan natin — mamalasin ako this year dahil sa pinanganak ako sa year of the rabbit — pero magiging swerte ako dahil sa araw ng kapanganakan ko! Wow. So one negates the other — ending it will be an okay year for me! Yey! Pero sabi nga nila – ang mga bagay na yan ay mga gabay laman. Nasa sa atin pa rin kung ano ang magiging kinabukasan natin. It is our decisions that dictates our future. Kailangan lang talaga ng malinaw na pag-iisip at pananamapalataya kay Bro!
Ok. Tapos na tayo sa obligatory “horoscope” muni-muni — kailangan ko naman gumawa ng predictions for this year – 2011! Pero naisip ko pala na mayroon na akong entry couple of years ago na gumawa ako ng predictions. Mag-back read na lang kayo – yun ulit ang hula ko! Fine – para maiba – hihimayin natin ang mga karaniwang hula ng mga eksperto at sasabihin ko ang aking masasabi tungkol dito.
1. Daranas ng bagyo, lindol at maaring pagputok ng bulkan ang Pilipinas - isa ito sa mga obvious na hula. Syempre – nasa Typhoon belt at Pacific Ring of Fire ang Pinas e. So – syempre magkakaroon ng bagyo, lindol at pagsabog ng bulkan. Mas maniniwala pa ako na magaling manghula kung ang hula niya ay walang darating na bagyo. Ayan – at least naglakas loob na ilagay ang kredibilidad sa alanganin.
2. May mga beteranong actor at actress ang mamamatay – Asus. Syempre – old age na e. Malaki na talaga ang chance na mamatay. Mas maniniwala ako kung papangalanan nila kung sino yung beteranong actor o actress. Mas exciting kasi talagang hihintayin nating lahat kung mamamatay nga .
3. May mga teenstars na mabubuntis. – Isa pang waley na hula. E kahit ako na hindi manghuhula ay alam kong may mga teenstars na mabubuntis. Meron din mga hindi teenstars na mabubuntis. Meron ding mga may asawang mabubuntis. Maraming mabubuntis!
4. Maaring ikasal si ganito pero nasa sa kaniya pa rin ito – Hello. Syempre – nasa sa tao yun. Alangan naman nasa atin. Kung huhula na rin lang ng kasal – dapat specific. Ikakasal si ganito kay ganito ng ganitong petsa. Yan. Yan ang hula.
5. Maaring magkaroon ng malubhang karamdaman si ganito pag di siya nag-ingat. – Ganun? Obviously – kahit sino pag di nag-ingat ay maaring magkaroon ng malubhang karamdaman! Duh!
6. Patuloy pa rin na maghihirap ang mga Pilipino – Taon-taon naman. Actually – kahit na medyo umaangat na ang mga Pilipino — sasabihin pa rin natin na naghihirap tayo. As in. Lahat tanungin mo – naghihirap – kahit lima-lima ang kotse at sa Ateneo nag-aaral ang mga anak e sinasabing naghihirap. Ang paghihirap ay isang perspective. Saka ang mga Pinoy ay mahilig mag-OA. Pinoy po ako – kaya kasama ako sa mahilig mag-OA.
7. Malaki ang tsansa na matupad ng Pangulo na magawa ang mga ipinangako kung walang magiging balakid – Di nga? Pag may mga balakid mahihirapan ang Pangulo?Wehh.Waley na Waley!!!!
8. Magkakaroon ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan – Talaga? E yun ngang tag-araw may mga lugar pa rin na baha e. Obviously – pag tag-ulan ay malaki ang chance ng baha. Di na kailangan hulaan ito. Common sense lang.
9. Magkakaroon ng water shortage sa panahon ng tag-init – Galing naman. Sabagay. At least hindi hinulaan na magkakaroon ng tagtuyot sa panahon ng tag-init. Mas nakakainis yun.
10. Pag hindi nasolusyunan ang problema sa ______ ay patuloy na mararanasan ito. – Wehh.. di nga? Hindi ba ito mawawala na lang parang bula? As in pag dinedma ay aalis na lang? Ha? Ha?
Ayan — sampu pa lang yan sa mga walang katorya-toryang hula. Napapagod na lang akong maging sarcastic kaya hihinto na ako sa sampu. Sayang lang effort e. Pero naisip ko — nood pa rin naman tayo ng nood sa mga hula hula na yan. Kaya naisip ko rin – sino ang mas engot – yung mga nanghuhula – or yung mga nanonood na pwede namang patayin ang tv. Sino?
Nga pala… bago ko malimutan. In relation to my last post — opo… bumili ako ng mansanas at ubas. Sinamahan ko rin ng orange. Ayun – hanggang ngayon – existing pa rin yung mga binili ko. Sabi ko na nga ba at walang kakain nun. Pero okay na rin – naging maganda naman ang hapag-kainan dahil sa kanila. Saka swerte daw yun e…. kaya oks na rin.
Muli – Happy New Year. New year’s resolution? Ang hindi na magkaroon ng new years resolution. Sa muli — Kung Hei Fat Choi!!!