BATO
(19-Nov-2010) I’m back. Actually - I never really left – sabihin na lang natin na I lost my writer’s (O. wala nang kokontra. I do consider myself as a writer. Not a good one but a writer nonetheless!) mojo. Walang maisip isulat. Tapos sinamahan pa ng katamaran. Kaya ayun. No blog entry since – well since my last entry. Minsan nga naiisip ko – bakit nga ba wala akong maisulat. Wala naman masyadong nagbago sa buhay ko. Still the same old boring me. Pero dati – parang ang dami kong naiisip. Dami kong opinions. Dami kong gustong sabihin. Pero nitong mga nakaraang buwan – parang wala na masyado. Sabi nga – the lake is all dried up. Wala na. Na-El-Nino ang aking mga idea. Kaya rather than write some blog entry na mas walang sense kaysa sa usual – I decided not to write at all. Well – until now.
What changed? Wala. I’m just bored. Natatamad ako magtrabaho. The past few weeks were very hectic. Dami work. Ang saya nga e. Busy as a bee. After ilang months akong nakatunganga – finally doing something where I am being paid. Hehehe. Marami pa rin naming work. I have a few deadlines to meet. Papasok pa nga ako ng weekend e. Pero for some reason parang isang malaking malaki na katam ang bumagsak sa akin. Late ako dumating sa office – ok fine. Nothing new. Lagi naman akong late dumarating sa office — pero later than usual ako today. Tapos wala ako sa mood magtrabaho. Wala akong ginawa kung hindi ang tumingin sa oras. Ang tagal tagal matapos ng araw na ito. Bato to the max. One light in this dreary day ay nung nag-away at nasagutan ang ilan sa mga katrabaho ko. Tension has been building up for the past few weeks — and finally nasabi na nila ang mga gusto nilang sabihin sa isa’t isa. At mukhang dinamdam nila ang kanilan public confrontation dahil hindi sila sabay-sabay nag-coffee break. After the away moment – balik na naman ako sa pagtingin sa oras. Hay. I just can’t wait for this day to be over.
This entry is becoming to be a rambling entry. Yung walang patutunguhan. Walang coherence. Parang isinusulat lang kung ano ang nasa sa isipan. Which I think can be quite confusing for the readers. That is kung may readers. Kung wala – e anong magagawa. Kung meron – pasensya na po. Will definitely try to make the next entry a better one. Actually compared to this entry – the next one will definitely be better. Hindi na yun ang tanong. Ang dapat itanong – kailan naman kaya ang next entry. Bukas? Sa isang linggo? Sa isang buwan? Sa isang taon? O sa susunod na araw na tatamaan na naman ako ng pagkabato? Ewan. Abangan — sa The Buzz…. Este sa blog site na ito!