
I was able to watch the much awaited movie of 2009 (sa aking pananaw lang naman) last Saturday. Pahuhulaan ko sana kung anong movie – kaso sobrang obvious na. Pero naisip ko rin na minsan may mga tao na medyo “blur blur” ang pag-iisip at malamang ay hindi alam kung anong pelikula ang sinasabi ko. So – now it’s a choice between telling the obvious or pahulaan ko pa rin. Pero – naisip ko ulit – pwede rin namang gawing pareho…..
Sa mga taong gustong hulaan ang much awaited movie of 2009 — please sms “Movie name” space “Name” Space “Address” sa 2366 for Smart and Talk and Text. 2377 for Globe.
Sa mga taong kasalukuyang umiikot ng 360 degrees ang eyeball at sinasabing “So obvious what” – please disregard item 1.
Anyway – para matuloy na ang entry na ito – the much awaited movie of 2009 for me is “BFF – Best Friends Forever” hehehehe… joke…. pasuspense lang. Syempre – Harry Potter and the Half Blood Prince. Sabi ko nga sa aking mga ka-berks… ito ang highlight nang aking taon. Ganyan kaboring ang aking buhay. Ayaw nyo maniwala? Second highlight nang aking buhay ay ang napipintong pagangat ng aking level sa Farmtown. Ano? Naniniwala na kayo?
Naligaw na naman ako – balik tayo kay Harry. Hindi masyadong mataas ang expectation ko sa movie na ito compared with the past 5 movies. Kung ipaprank kasi sa akin ang mga Harry Potter books e medyo nasa last itong libro na ito. Don’t get me wrong – it is still a good book. Labs ko rin sya to the last page. This book for me sets the stage in preparation for Book 7. Pero syempre — in every ranking – merong last place. Hindi naman pwede na 1st lahat dib a. Kaya ayun — wala masyadong expectations. Which I think is the main reason — na unlike the others who have seen the movie – I was not disappointed. I liked the movie. Hindi ako inantok. Yun nga lang — tingin ko – those who have read the book will appreciate it more. Malamang mabitin yung mga hindi nagbasa. Pero opinion ko lang naman ito. Go see the movie and form your own opinion.
Seeing Harry Potter reminded me of a conversation with some friends tungkol sa Superhero complex. Kung susuriin mo kasing mabuti ang personality ni Harry — he is reeking of Superhero complex. Lahat na lang ay kailangan nyang iligtas. Siguro dahil sa lagi syang inaapi at nahihirapan. Ang tendency tuloy ay naisin nya na wag mapahamak yung mga mga mahal nya sa buhay. Kaya ayun – kahit na isalang pa nya ang kaniyang buhay – he can’t help but save those in grave danger. Minsan nga naisip ko – what could have happened kung hindi nya sinagip si Sirius dun sa Harry Potter and the Prisoner of Azkaban. Would Dumbledore intervened and saved Sirius himself? Kung hinayaan na lang nya si Cedric at kinuha nya yung Triwizard Cup. E di sana hindi namatay si Cedric. Yun nga lang – hindi magagawa ni Cedric yung Twilight The Movie. Kawawa naman kung sakali si Bella.
Bakit nga kaya nagkakaroon ng superhero complex ang isang tao. Dahil nga kaya sa hirap na naranasan sa buhay? O dahil sa kaapihan? May effect kaya ang pagpapalaki ng magulang? Ang superhero complex ba ay isang strenght? Or dapat ituring na isang weakness?
Hmmm… Daming mga katanungan na for sure ay napakaraming magkakaibang kasagutan. Pero amidst all these questions and subjective opinions —- isa lang ang tutuo – Harry won’t be harry without the superhero complex.
Posted by rollypollypanini