This incident happened a week ago. Sobrang busy lang ang nitong mga nagdaang araw (don’t ask… long story…) kaya hindi ko nai-blog agad. Pero this incident is sooo funny that it’s a mortal sin if not shared. Warning lang pala – kung hindi kayo matawa — be worried. Malamang ay nangangailangan kayo ng professional help! Ganun ito sobrang nakakatawa. Ok.. Kwento ko na. Baka sa sobra nyong excitement ay maihi pa kayo sa inyong mga salawal.
Tulad ng aking nabanggit – last week – nagpunta kaming hausmates to this pinoy food stall para bumili ng pansit malabon. Since we are already in the area ay bumisita na rin kami sa isang pinoy store selling pinoy items. That time ay pinay na may-edad ang nagbabantay. Tawagin na lang natin syang Aleng Tindera. Syempre – Ms. Friendship si Aleng Tindera. Asikaso talaga nya kami. Habang nag-iikot-ikot ako ay kinakausap nya kami. Marami-rami na rin akong nabili (Longganisa, tinapang bangus, Del Monte pineapple juice, 555 Spanish sardines) pero hindi ko makita yung last item na gusto kong bilhin. Ikot ako ng ikot … paroot-parito… pero hindi ko pa rin makita yung huling item na gusto kong bilhin. Double check. Triple check. Wala pa rin.
Napansin siguro ni Aling Tindera ang aking mga ikinikilos kung kaya’t di na sya nakatiis – tinanong na nya sa aking kung ano ang hinahanap ko. Dahil sa mahiyain ako sa personal (pramis.. tutuo na mahiyain ako) ay ngiti lang ang aking isinagot sa kaniyang tanong at nagpatuloy sa pagtingin-tingin. Hindi na talaga makayanan ni Aling Tindera ang kaniyang curiosity at muli siyang nagsalita, “ Ano ba talaga yung hinahanap mo….kung nagtatanong ka na sa akin ay matutulungan kita.’ Napilitan tuloy akong sumagot, “ Meron ho ba kayong Dinuguan na nasa lata”.
Tiningnan lang ako ni Aling Tindera. Wala akong makitang emosyon sa kaniyang mukha. Tikom ang kaniyang bibig — itinuro nya ang isang bond paper sign na nun ko lang napansin. Akin itong binasa :
”WALA KAMING TINDA NA DINUGUAN AT RENO. WAG NANG MAGTANONG DAHIL SA AKO AY NAKUKULITAN NA”.
I paid for the items I purchased and went out of the store ng pailing-iling. Ako na nga ang pinilit matanong – ako pa ang makulit. Hay. Can’t win anything these past few days. J
March 30, 2009 at 11:52 am
Hahaha. Ang kulit mo nga naman kasi.. ROFL.
Saka teka, mahiyain. Akala ko mali ang pagkakabasa ko, pero… mahiyain!! Tamaan ka ng kidlat oi.