Quarter End

March 31, 2009

Long time no blog. Pasensya na po. Pasenya? Puro na lang pasensya! Ayan – inunahan ko na kayo ng pagalit. Yan ang aking pre-emptive measure para hindi ako mapagalitan. Pero hindi yan ang aking ikwento sa inyo. Nais ko lang magkaroon ng blog entry dahil ngayon ay quarter end. Ito ang aking quarter end report. Pagbabayad utang ko na rin ito sa aking paminsa-minsan na pagkalimot na sumulat sa site na ito.

Bago ang quarter end report — nais ko munag i-greet ang aking site. Happy 2nd anniversary! 2 years na akong nagsusulat ng mga bagay-bagay na walang halaga sa karamihan ngunit makabuluhan sa iilan. Bilis ng panahon no? Couple of years ago — nakaupo ako sa aking upuan sa opisina at nag-iisip ng maaring magagawa. Fast forward – it’s been 2 years of blogging and blog-nots. Well – here’s to 2 years of blogging and looking forward to more years! (Insert champagne glasses clicking sound here)

champagne_cheers_glasses

Okay.. enough of the celebration. Let’s go back to business. Dahil sa tagal ko na ring walang entry — I decided not to have any single subject. Basta kung ano na lang ang pumasok sa isipan ko. Wala lang. Minsan mainam din yung walang structure. Yung spontaneous. Para may kaunting thrill.

- Last Saturday — I had no choice but to face the inevitable. Kailangan gawin ko na ang isang bagay na I’ve been dreading always. I need to have a haircut. Bakit dreaded? Kasi – after every haircut – I think I look weird. Yung I got used to how I look for a couple of months then suddenly – voila – a different look. Minsan bad… Minsan good. Minsan hindi pansinin. But to me – I still look weird and I need a couple of weeks to get used to it again. Hay. How’s the haircut you may asked. Hmm… the stylist (yan ang tawag sa kanila dito) told me that I’m beginning to “hair problem”. Kailangan daw aware para ma-cure or something. I cut his litany short dahil alam ko naman na bebentahan nya lang ako ng kung ano-anong produkto. Pero – I made a mental note to minimize on hair products. Mahirap nang makalbo. Magastos sa facial wash. The haircut? Well – nothing earth shattering. Trim lang. I look weird as expected. But still – I had worst.

- Magulo pa rin ang ikot ng mundo sa teleserye ng aking buhay — well trabaho wise. May mga ilang magagandang balita akong natanggap the past few days which is a big welcome. Feeling ko kasi – for the past few weeks ay lagi akong nasa “looser” corner. Pero the past few days – slightly winner corner naman ako. Tutuo nga ang sabi ni Santino…. May bukas pa! Thankful to the max talaga ako. Salamat Bro!

- Speaking of Santino — kagabi habang nanonood ako ng May Bukas Pa…. I can’t help but wonder – kailan kaya pupunta si Santino dito sa Singapore? Para naman masabi nya kay Bro – na sana wag mawalan ng trabaho ang mga Pinoy dito. Sabagay – pwede naman tayo lahat dumiretso kay Bro. Sabi nga – ask and you shall receive. Pero ingat din sa paghingi — sabi nga ni Daughtry — “Be careful what you wish for ‘cause you might get it all, you just might get it all”. Mamaya ibigay sa atin tapos hindi naman pala natin alam kung ano ang gagawin dito. Kaya dapat bago humingi – mag-isip muna.

- Again – speaking of answered prayers… dahil na rin sa good news na aking natanggap —- naisipan ko na there’s only one way of celebrating this. I need a new “baby”. Pangtanggal ng stress. Panglunod sa mga hindi kanais-nais na bagay sa paligid. Sa aking mga masugid na tagasubaybay — matatandaan nyo sa isa kong entry ang tungkol sa pagkawala ng isang mahalagang bagay sa aking buhay a couple of months ago. At dahil sa kasalukuyang krisis ay nagdadalawang isip ako kung papalitan ko pa ba ito. Nanghingi ako ng sign from above — sabi ko kung April ay may good news para sa akin — isa itong sign na dapat kong palitan ang mahalagang bagay na ito. Alam kong wala pang April — pero dahil sa ibinigay na sa akin ang “sign” —sino ba naman ako para hindi tumupad sa nakatakda. Kaya ayun – kagabi – right after office….. I bought a new (and improved!!!) Ipod Classic. Silver. 120 gb. Finally – nagbalik na ang musika sa aking buhay!!!!! May isa pa akong sign na hihihintay — para naman ito sa Wii Fit. Sabihin ko sa inyo sakaling I’ll again see the sign!

- Dahil sa music ang napapag-usapan — kailangan banggitin ko ang American Idol Season 8. I particulary like Megan. Very unique voice. Yung pag narinig mo yung kanta ay alam mo na siya ang kumanta nito. I admit na slim ang chance nya na manalo as the new American Idol. Kung makapsok sya sa 6 ay swerte na. Pero kahit ganun pa man – I still prefer her kaysa dun sa ibang sampu-samapera na magaling nga kumanta pero salat naman sa individuality.

- At dahil sa may Ipod na ako ulit (naks!!!!) — my current playlist:
Twilight: The Score album
Songs Rediscovered 2 – Jed Madela
Lonely Road – The Red Jumpsuit Apparatus

Yan na lang po muna… Sa muli

stewie_ipod


Kulit Kasi!

March 21, 2009

300px-sari-sari_storeThis incident happened a week ago. Sobrang busy lang ang nitong mga nagdaang araw (don’t ask… long story…) kaya hindi ko nai-blog agad. Pero this incident is sooo funny that it’s a mortal sin if not shared. Warning lang pala – kung hindi kayo matawa — be worried. Malamang ay nangangailangan kayo ng professional help! Ganun ito sobrang nakakatawa. Ok.. Kwento ko na. Baka sa sobra nyong excitement ay maihi pa kayo sa inyong mga salawal.

 

Tulad ng aking nabanggit – last week – nagpunta kaming hausmates to this pinoy food stall para bumili ng pansit malabon. Since we are already in the area ay bumisita na rin kami sa isang pinoy store selling pinoy items. That time ay pinay na may-edad ang nagbabantay. Tawagin na lang natin syang Aleng Tindera. Syempre – Ms. Friendship si Aleng Tindera. Asikaso talaga nya kami. Habang nag-iikot-ikot ako ay kinakausap nya kami. Marami-rami na rin akong nabili (Longganisa, tinapang bangus, Del Monte pineapple juice, 555 Spanish sardines) pero hindi ko makita yung last item na gusto kong bilhin. Ikot ako ng ikot … paroot-parito… pero hindi ko pa rin makita yung huling item na gusto kong bilhin. Double check. Triple check. Wala pa rin. 

 

Napansin siguro ni Aling Tindera ang aking mga ikinikilos kung kaya’t di na sya nakatiis – tinanong na nya sa aking kung ano ang hinahanap ko. Dahil sa mahiyain ako sa personal (pramis.. tutuo na mahiyain ako) ay ngiti lang ang aking isinagot sa kaniyang tanong at nagpatuloy sa pagtingin-tingin. Hindi na talaga makayanan ni Aling Tindera ang kaniyang curiosity at muli  siyang nagsalita, “ Ano ba talaga yung hinahanap mo….kung nagtatanong ka na sa akin ay matutulungan kita.’  Napilitan tuloy akong sumagot, “ Meron ho ba kayong Dinuguan na nasa lata”.  

 

Tiningnan lang ako ni Aling Tindera. Wala akong makitang emosyon sa kaniyang mukha. Tikom ang kaniyang bibig — itinuro nya ang isang bond paper sign na nun ko lang napansin. Akin itong binasa :

 

”WALA KAMING TINDA NA DINUGUAN AT RENO. WAG NANG MAGTANONG DAHIL SA AKO AY NAKUKULITAN NA”.

 

I paid for the items I purchased and went out of the store ng pailing-iling. Ako na nga ang pinilit matanong – ako pa ang makulit. Hay. Can’t win anything these past few days. J


This is a job for….

March 10, 2009

doraemon-cosplay-34-superman

Finally — a blog entry.  Pasensya na. Sabihin na lang natin na medyo “interesting”  ang aking mga nagdaang araw.  Mga pangyayaring medyo mahaba kung ikwento ko pa. Sabihin na lang nating medyo close to home na talaga ang mga pangyayaring inaasahan kong mangyayari pero nung nangyari na ay medyo hindi maganda ang pangyayari. Yan. Linaw nyan.  At dahil sa pangyayari na ito ay kailangan ko na namang ipakita kung ano ang kaya kong gawin. Akala ko ay tapos na ako sa pagpapakilala ng kakayahan… pero hindi pa pala.  Meron na namang isang nilalang na nangmamaliit sa aking kakayahan. Nung una — medyo naiirita ako. As in. Kulang na lang ay sabihin kong — excuse me lang….. kilala mo ba kung sino ang kausap mo? Pero hindi ko na sinabi ito…. kasi apparently ay hindi nya ako kilala. And — I don’t think na gagawa itong nilalang na ito ng paraan para alamin ang nakaraan upang makilala nya ako. Sabi nga nya – iba ang kaniyang pamantayan.Kaya ngayon — here I am again… back to square one. Kailangan na namang magpakitang gilas. Maari nyong isipin – who the hell cares kung ano man ang sinasabi ng nilalang na ito. Well — I do.  Hindi dahil sa gusto kong magmagara — pero more on not giving this person the satisfaction of thinking na hindi ko nga kayang abutin ang pamantayan nya.   Sa pagtatapos ng pakikipaglaban na ito —- makikilala nya na AKO  ang kausap nya —I’m more than a man — I’m Superman!