[poz-i-tiv-i-tee]

Habang dumadaan ang bawat araw ay patuloy na tumataas ang aking paghanga kay Ate Shawie. Tulad ng nabanggit ko – gusto kong isabuhay ang positive attitude attracts positive things mantra. Ngunit sa bawat araw na lumilipas ay lumilipas din ang aking pasensya. Mahirap pala talagang maging positive palagi. Ang daming mga bagay dito sa mundong ibabaw na isang malaking test of patience. Naisip ko tuloy – baka makatulong kung isulat ko ito. Baka sakali lang naman. Wala namang mawawal kung subukan ko. Kung hindi man maging effective – at least may blog entry ako. Kung maging effective – nabawasan na ang inis ko — may blog entry pa ako. Minsan talaga sobrang talino ko. J

- Krisis.. krisis.. krisis…. No explanation needed

- Mga nilalang na hirap umintindi. Ano ba ang mahirap intindihin sa salitang krisis. Kainis. Hindi naman ito isang secret na pangyayari. Laman naman ito dyaryo at news sa tv. Unless nakatira ka sa ilalim ng bato – walang dahilan para hindi mo malaman ito. Kaya dapat —mag-adjust. Di ba nga may kasabihan na “Kapag maiksi ang kumot – matutong mamaluktot”. Gets? Mamaluktot! Hindi sinabing kapag maiksi ang kumot ay bumili ng bago at mas malaking kumot! Hmp. Hello. Not unless may pangbili ka – mamaluktot dapat!

- Mga nilalang na walang ”sense of urgency”. Sabagay – parang default ito minsan nating mga Pinoy. Cultural thing? Di naman siguro. Pero minsan nga – napapansin naming na ang ilang nilalang sa Pinas ay walang sense of urgency. Lagi na lang pinagpapabukas ang mga bagay-bagay. Minsan nga ang sarap tanungin – may full time job ka ba? Isa ka bang ina/ama na may mga inaalagaang anak? Mayroon ka bang mga hobby na kumakain sa iyong oras? Kung wala ang sagot mo sa mga tanong na ito — wala kang karapatang mag-bisi-bisihan. Marami kang free time para gawin ang mga bagay-bagay at hindi mo kailangang ipagpabukas ito. Di bale sana kung pag nagkaproblema ay sasarilinin mo. Hindi – syempre pag problema na — shared responsibility na. Kung hindi naman kahalagahan ang gawain ay okay namang ipagpabukas. Pero kung peperhuwisyo ito ng iba – mag-isip-isip naman.

- Mga nilalang na kulang-kulang ang impormasyon. Di ba nakakairita pag meron kang tinatanong tapos hindi ito nasasagot? Fine… minsan mataas talaga ang aking expectation sa mga nilalang — pero minsan din naman ay fair lang ang hinihingi ko. Kunwari sasabihin mong kailangan mag lagay ng tulay – obviously ang itatanong na kasunod ay bakit kailangang maglagay ng tulay. Syempre dapat na-anticipate na ang tanong na ito. E minsan – hindi. Ang isasagot lang ay basta – kailangan ng tulay. Ganun? Sorry na lang. Not unless makapagbibigay ka ng 10,000 word essay tungkol sa kahalagahan ng tulay na yan — e walang tulay na maitatayo. O.. reminder lang… ang tulay ay isa lamang metaphor. Hindi ito kailangang itake literally.

- Mga nilalang na hindi sumasagot sa e-mail ng ilang buwan at tapos ay maninisi ng ibang nilalang. Etong isang ito ay mainit-init pa. Ilang minuto lang ang nakaraan. Umattend ako bilang isang silent participant. May iba na kasing gumagawa ng proyekto na iyon. Moral support na lang ako kung baga. Syempre pa – may isang nilalang (na hindi ko na lang sasabihin kung anong nasyon at baka masabihan pa akong racist) na hindi sumasagot sa mga emails at telepono ang nagrereklamo. Hindi kasi sila makakapag-deliver as scheduled dahil daw sa may mga impormasyon na hinihintay sila na hanggang ngayon ay hindi ibinibigay. Syempre kailangan itong maghanap ng masisisi. At dahil sa tahimik kami – kami ang napili nilang sisihin. Nung una ay ayaw naming patulan – pero talagang mega-sisi itong nilalang na ito. Sad to say – pansamantala akong naging nega — pinutol ko ang aking pananahimik at nagsalita ng medyo may pagkainis. Kainis talaga. Ilang buwan silang no-problem ng no-problem tapos ngayong crunch time na e maninisi sila. Mga !@#$#!$. Hmp. Pasalamat sila at nasa ”positive” mood ako.

Ayan. 5 lamang iyan sa mga bagay na nagiging isang malaking balakid sa aking quest for positivity. Pag may mga ganitong bagay — medyo natatalo ng negativity ang positivity. Sabagay – ilang araw pa lang naman akong nagsisimulang maging positive. Expected naman na paminsan minsan ay madadapa ako. Ang importante ay ang bumangon ako sa pagkakadapang ito ng nakangiti. Wala namang positive na tao ng nakasimangot di ba?

P.S.

Matagal tagal na rin akong hindi nagbibigay ng aking playlist. May isang kanta na lagi kong pinapakinggan – Natasha Bedingfield’s Unwritten. Its a very good uplifting song. Dapat sundin nating lahat ang mensahe ng kanta na ito…

I break tradition, sometimes my tries, are outside the lines
We’ve been conditioned to not make mistakes, but I can’t live that way

Staring at the blank page before you
Open up the dirty window
Let the sun illuminate the words that you could not find

Reaching for something in the distance
So close you can almost taste it
Release your inhibitions
Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins

3 Responses to “[poz-i-tiv-i-tee]”

  1. Chona Says:

    Dyan kay no problem nakakarelate ako, gusto ko ngang patayin na e, kaso lalake mas malakas sa akin. Laging bukang bibig walang problema as in alam na alam na ang ginagawa, in the end wala palang maiprepresent na report for the group, meron para sa sarili nya lang report(his own accomplishment), e teamwork kaya ang ginagawa namin.
    Kaya kong pagpasensyahan yan, kulang sa protina ang katawan e (kaya bobo),kahirapan, pero pagdating sa bisyo cash ang bayad, pero pananghalian nya utang.

  2. Chona Says:

    Dagdag pa, eto rin yong sumasali sa exchange gift monito/monita pero di nagbibigay. Kung ako ang nabunot nito sampal abutin nito sa akin.

  3. denz Says:

    hehe…aba 3 entries mo na pala ang muntik ko ma-miss..
    talaga? e diba hate mo c ate shawie? sabi mo, nde 22o ang mga ganung tao…hahaha…enwe, getz ko naman gusto mo gawin…panlaban sa stress at more stress

Leave a Reply