
Magandang start of the week sa lahat!!!! J O.. why the questioning looks. Yup Ako pa rin ito. Naninibago ba kayo dahil sa aking cheerful disposition? Sabi kasi — start the week right para daw it will end right. Kaya kailangan mag-effort ako na start the week na positive and cheerful. Para makahatak ng mga good karma. Alam nyo naman – sa panahon ngayon – we need all the help I can get para maiwasan ang masamang sumpa ng krisis. Kaya nga lahat ng maaring makatulong sa pag-unlad – pinapatulan na naming yan. Syempre hindi mawawala ang faith at prayers. Pero aside from this – pinapatulan/papatulan na rin naming ang charms and crystal (wala pa pala ako nito… pero yung iba kong mga kasama ay meron na!), chain mail (pag sinabing forward – forward!) at feng-shui (gusto ko sanang iharap ang aking cubicle sa west where the sun rises – kaso mukhang hindi ako papayagan ng management). Ang latest sa aming sinusubukan ay ang pagiging positive at happy para maka-attract ng mas maraming positive vibrations at maka-repel ng mga nega na pangyayari. Honestly – mahirap maging positive at happy palagi. Nagkaroon nga ako ng newfound respect kay Ate Shawie e. Mahirap ngumiti kung ang gusto mo talaga ay sungitan at sigawan ang mga nilalang na sabi nga ng isang kaibigan - ang tanging purpose sa buhay ay ang bwisitin ang iyong araw. Pero tulad ng pagpasok ng maaga — I’ll try my best… and I hope my best is good enough.
Pero hindi yan ang aking ikwento. Ikwento ko lang ang isang pangyayari na panandaliang nagpa-alala sa akin na ako ay pwede nang iconsider na matan… hmm.. mature. Brief background sa mga hindi masyadong pamilyar sa aking kasalukuyang kalagayan – krisis, walang proyekto, maraming freetime, nasa panganib. Ok? Everyone on the same page now? Dahil sa kasalukuyang kalagayan – madalas kaming magpalitan ng mga walang kwentang e-mail ng aking mga kagrupo. Kani-kanina lang — business as usual… palitan ng mail. Sa isa kong mail – nagbiro ako at sinabi kong – rectify and revert. Sumagot ang isa kong kagrupo ng pabiro din na “wow.. shift f7 ito!”. The reply baffled me. Feeling slow – tinanong ko kung ano ibig sabihin. Lalo tuloy akong ininis – hindi ko daw alam… ibig sabihin ay hindi ko kailangan gamitin. Kung gusto ko daw malaman ay subukan ko sa ms word. Syempre pa – dahil sa likas akong tsismoso – sinubukan ko….at nalaman ko kung ano ginagawa nito. Ano? Kung hindi mo alam – subukan mo rin. Aba.. alangan naman ako lang ang mag-effort…
Anyway – sa mga nakaka-alam at naka-alam ….. ang Shift-F7 ay ang shortcut for Thesaurus. Yup. Hindi ko rin alam – hindi dahil sa hindi ko kailangan. Mali. Hindi ganun kalawak ang aking vocabulary para malaman lahat ng kahulugan ng salit. Ang siste – hindi ko lang alam ang short cut. Long cut ako – Tools =>Language=>Thesaurus. Gets? Nung sinasagot ko na ang mail —- sasabihin ko sana na hindi ko alam ang short cut at hirap akong tandaan ang mga shift keys at control keys. At hindi ito recent occurrence. College pa lang ako ay ganito na ako. Kaya nga dati ay hirap ako sa Wordstar.
Hmm.. natigilan ako. Hmmm ulit. Naisip ko kung makarelate kaya itong mga kagrupo sa Wordstar. Naabutan pa kaya nila ang Wordstar? Which then reminds me na sa mga ganitong pagkakataon – lumalabas na talaga ang edad. The technology that you use is directly proportional to your age. Hindi mo maitatago yan. Kunwari – pag tinanong ka – anong ginagamit mo pag gumagawa ka ng mga book report at term papers nung highshcool/college ka? Typewriter? Computerized – Wordstar? Computerized – Word? That’s 3 different “times” na agad. Yung mga typewriter pa ang gamit — malamang ay nasa late 40s na ngayon. Yung mga nakaabot sa Wordstar malamang ay Late 30s to early 40s. Yung mga MS Word na ang inabutan – yan ang mga nasa 20s and below. Ako – sabihin na lang natin na inabutan ko ang Wordstar nung patapos na ang reign nito.. napalitan ng Word Perfect… then MS Word. At least – umabot pa ako sa Word. Which makes me — well kaniya-kaniyang compute na lang. Batay sa aking calculator – ako ay nasa mid-20s … sa pag-iisip! Actually – hindi naman mga spring chicken ang aking mga kagrupo. They are just a few years younger than me — pero still I can’t help but wonder kung naabutan ba nila ito or hindi. Wala lang. Sayang naman ang punchline ng aking witty joke kung hindi lang nila maiintindihan. Sabi nga – know thy audience.
I decided to reply without the Wordstar reference. Wala lang. Pagkatapos kong mag-isip ng sobra. At mapunta ang aking isipan sa kung saan saan at kung ano-ano na hindi naman talaga importante — napag-isip-isip ko na it doesn’t really matter kung isama ko man ito or hindi. Ang naisip ko lang – this would be a good topic for a blog entry. Kaya ayun – isinulat ko ang entry na ito. At yan ang alamt ng blog entry na ito. Yun lang. Sa muli.
P.S.
Ctrl/K K
February 24, 2009 at 12:36 am
Naabutan ko rin yan pero more on Lotus and Dbase ang trabaho ko, kasabayan ng Wordstar tama estimation mo late 30’s ang gumamit nyan. I’m 37