
Isa sa mga pangarap ko nung bata pa ako ay maging isang “executive”. Nakikita ko ang sarili ko na naglalakad sa kalye na mayroong nagtataasang gusali. Tanda ko pa nga kung ano ang suot ko – crease-free black slacks, crisp white long-sleeves polo, navy blue necktie, black socks and black shoes. Syempre – meron akong dalang itim na attaché case. Every morning ay papasok ako sa isang mataas na building where my office is located. Syempre may sarili akong office/room. My office has this big mahogany table and swiveling black leather chair. Makikita sa table ko ang tambak na files sa aking in-tray and some finished papers sa aking out-tray. Syempre meron ding mga wooden shelves/cabinets sa aking office. Nakadisplay sa shelves ang aking mga knick-knacks, books, picture ng family and friends, awards and a lava lamp (yup – won’t be complete without the lava lamp). Meron ding malaking glass window ang aking office with a very good view of the cityscape. Madalas akong tumitingin dito when I’m in deep thought or gusto ko lang marelax .Just outside of my room is my very own secretary. Pagpasok ko sa room — in just a few minutes ay papasok din ang aking secretary with my black coffee and messages. Basahin din nya ang aking schedule for the day. Afterwards iutos ko sa kanya na ipadala na sa respective departments ang mga papers sa aking out-tray and schedule a meeting with someone. I’ll then start the day’s work.
Bakit ko naisip ang childhood dream na ito. Wala lang. Ganyan talaga siguro pag puro crisis ang nasa paligid mo. Mula sa dyaryo, tv, Internet hanggang sa tindahan ni Aling Nena – krisis ang pinag-uusapan. Kaya ayun — napapag-isip-isip tuloy ang mga tao. At dahil sa at marami akong free time dito sa opis (isang hindi magandang pangitain lalo na sa mga panahon ng krisis) — marami akong time upang mag-isip-isip. At ito nga ang aking naisip. Ano naman ang napala ko sa pagbabalik tanaw na ito. Meron din naman. Nalaman ko na :
- Kung mangangarap na rin lang – lubus-lubusin na. Okay na sana ang pangarap ko e… medyo sablay lang sa ”naglalakad”. Hindi ko man lang isinama sa pangarap ko ang magkasasakyan. Hay.
- Bata pa lang ay mukha na akong tv. Kita nyo naman ang pangarap ko – parang scene ng isang pelikula. Kulang na lang ay orange juice!
- Hanggang sa pangarap ay tamad ako – tambak ang in-tray, kaunti lang ang nasa out-tray. Meron pang secretary na taga-timpla ng kape.
- Bata pa lang ako ay “detail” oriented na ako. Tingnan nyo naman ang pangarap ko – hanggang sa kasangkapan ng opisina to be kasama.
- May fashion sense naman pala ako kahit papaano – black socks on black shoes. Hindi ko lang gusto ang aking attire. Di ba ganyan ang suot ng mga nag-preach sa kalye?
- Attaché case? Definitely not in this lifetime!
- Crease-free slacks…. Crisp white longsleeves polo — hanggan pangarap – may pagka–OC ako.
Ngayon – maari nyong itanong – ano naman ang importansya ng pangarap na ito sa aking buhay ngayon. Wala naman masyado. Naisip ko lang na marami pala akong pangarap na nananatiling pangarap lang. Hindi ko naman sinasabing wala na itong pag-asang magkatotoo – meron pa rin naman. Pero sa ngayon – parang hindi na importante sa akin na magkaroon ng office with a view or own secretary. After careful re-evaluation of this childhood dream of mine – isa lang naman ang importante sa akin ngayon. It would be nice kung magkatotoo ang lahat ng ito. Pero hindi ito ang end-all and be-all ng lahat. Ang pinakaimportante sa akin ngayon — lalo na ngayong panahon ng crisis — ang magkaroon ng lava lamp. Iyun lang – well for now.
Posted by rollypollypanini