
(11-Feb-09) Sobrang antok pa rin ako. Aga ko kasing nagising at pumasok – e late na akong natulog. I was watching the US Congress grill the financial company CEOs sa Bloomberg till around 2:00 a..m. Hmm.. Nagulat kayo no. Hindi nyo ba ako ma-picture in front of the television watching Bloomberg intently? Well – ako man. But desperate times need desperate measures! Knowledge is power! Sabi nga ni Ka Ernie (SLN) – pag walang knowledge — walang power! Truth be told – hindi ko rin naman naiintindihan lahat nung mga pinagsasabi nila. Pero dahil sa malaki ang effect ng mga pangyayaring ito sa akin — napipilitan akong makiusyoso. O – alam ko na ang sasabihin nyo – tsismoso naman talaga ako by nature. Fine. I admit that. Pero yung mga interesting tsismis naman. Tulad ng nabuntis yung pinsan ng kapatid ng manugang ny biyenan ng pinsan ng kapitbahay ng classmate ng friend ng kaopisina ko. Yan. Medyo interesting. Pero kung tungkol sa mga credit flow, Troubled Asset Relief Program, Financial market meltdown etc….etc… Malamang ay tulugan ko lang yan. O ilipat sa Cartoon Network or TFC ang tv. Nasa isip ko kasi na pang-geek lang yang mga ganyang usapan. Hindi naman lalabas sa normal na usapan yang mga yan. Sige nga – kunwari nagkwekwentuhan ang grupo tungkol sa latest episode ng Tayong Dalawa at bigla akong sumabat para itanong kung ano ang opinion ng bawa’t isa tungkol sa bailout package ng US government sa mga Banks na considered as “too big to fail” . Ano sa tingin nyo ang magiging reaction ng sangkatauhan? Malamang ay tingnan ako ng masama at deadmahin – or worst batuhin ng sapatos ala Bush. Such news have no place in normal day to day conversation.
I was wrong. Magmula ng nagsimula ang mga kabulastugan sa global finance ay naging common topic na ito sa aming circle. Siguro nga – dahil sa nakasalalay sa mga pangyayaring ito ang kinabukasan ng ating lahi. I’m not kidding nor am I being dramatic. Alam nyo naman kaming mga OFW — maraming mga dependents at scholars. Kinakailangang laging may raket kung hindi – force diet ang lahat. Since this crisis is very close to home — kinakailangan na medyo aware kami sa mga pangyayari at maaring mangyayari. We need the info in formulating our short term and long term goals and actions. Mahirap na ma-caught unaware. Again – force diet ang lahat kung sakali. Kaya ayun – bigla naming naging kaibigan sina Bloomberg, CNN Money at CNBC. Looking at the bright side — as in looking – craning your neck to see the bright side— kahit pa by force – nakatulong ang force-awareness na ito sa amin. We can make use of this awareness sa aming mga desisyon regarding investments and retirement fund. Napilitan din kaming i-review an g aming mga financial standings at mag-reprioritize ng needs at wants. In short – we were forced to grow-up and kahit papaano mature in our financial decisions. I am still a long way bago ma-achieve ang financial decision maturity pero kahit papaano naman ay may change ika nga. I aint liking it but no choice lah.
Anway – marami pang pwedeng mangyari sa “reality-serye” na ito. Sabi nga ng mga financial experts (which I am beginning to doubt kung experts nga) – it’s still a long long long way to go. Kaya suggestion lang – don’t hold your breath in anticipation. Baka maubusan lang kayo ng hininga at madedo. What we need to do is to stop (ang walang mga kwentang paggasta), look (for ways to save…save…save…) and listen (sa mga bali-balita sa paligid). Hmm… mukhang listening lang ang kaya ko ah. Hirap nung stop and look e. Aiyah