
Bago ko simulan ang entry na ito – nais ko munang bigyang babala ang lahat —- masungit po ako ngayon. Yup – more than the usual kasungitan. May dahilan naman po ng aking pagsusungit. Wag naman kayo muna masyadong judgemental. I am on my 4th day in my quest for greatness — este Chinese New Year resolution. Naku – tiyak na marami na namang katanungan ang nasa inyong isipan ngayon. Dahil sa magaling akong mag-anticipate ng mga future queries (isa ito sa aking mga strength – if ever may nagbabasa nito na nag-iisip na mag-offer ng trabaho sa akin) ay sasagutin ko ang mga katanungan na yan kahit hindi nyo pa tinantanong.
Unang tanong – Bakit Chinese New Year resolution ? Ang sagot — Kasi naisip kong gawin ito nung Chinese New year… so technically hindi ito new year resolution based on the western calendar. Kasi hindi ko naman ito naisip nung mag January 1, 2009 e. So Chinese New Year resolution sya.
Ikalawang tanong – Ano naman itong resoulution na ito? Ang sagot — Naisip ko na hanggat makakaya ko — kailangang nasa opisina ako ng 9:00 a.m. at umuwi ng 6:00 p.m.
Ikatlong tanong – Bakit itong bagay na ito ang naisip kong gawing resolution? Ang sagot — 3 dahilan.
- Due to the global financial crisis. Opo. Crisis na kasi. At ramdam na ramdam ko ang crisis na yan. Financially. Emotionally. Physically. Actually more on financially. Talagang kinakailangan magbawas ng mga bisyo. Tulad ng bisyo ko — ang mag-taxi. Kailangan ko nang mag-public transport. At dahil sa tamad akong mag-MRT – kinakailangan kong abutin ang special express bus na dumadaan malapit sa aming bahay at humihinto sa harap ng aking opis. Yun nga lang — dahil special — kaunti lang biyahe…. 3 biyahe sa umaga between 7:50 to 8:00 am. Sa uwian naman ay 2 biyahe lang 6:15 at 6:40. Para mahabol ko ang mga biyahe na ito – kailangang maaga akong gumising… at maaga rin akong umuwi. Otherwise – taxi na naman ako. And again — mahal pa naman ng taxi. (Repeate to myself multiple times hanggang mag-sink in.)
- Para maaga akong makauwi. Epekto pa rin ito ng global financial crisis. Dahil sa crisis – maraming mga pagbabago, pag-iikot-ikot, pagpapalitan ng silya sa mga kumpanya —- mine included. Actually – nangunguna ang aking opisina sa musical chairs na yan. Dahil dito – medyo may mga pagbagao sa aking work-load. Nawala ito… kinuha ng iba. Hmp. At wala pang masyadong naibibigay sa akin. Kaya medyo marami akong libreng oras. Nakakabato tuloy dito sa aking upuan. Kaya nais kong umuwi ng maaga.
- To heal the world and make it a better place. Wala lang. Uso ngayon ito e. “In” ang maging nature advocate. Kaya join din ako. Joke lang. Hindi ko ito talaga dahilan. Pero naisip ko lang na dahil sa naunang 2 dahilan ko — nagkakaroon ito ng indirect effect para sa kalikasan. Dahil sa pagsakay ko sa bus instead of taxi — nakakatulong ito na mabawasan ang aking carbon footprint. With the same amount of gasoline – mas maraming natransafer na nilalang ang bus kaysa sa Taxi. Not unless singlaki ng bus ang inyong taxi. Pag ganun – e same lang. May indirect effect din ito sa aking electicity usage. Dahil maaga ako pumapasok – mas napapatay ko ng maaga ang aircon at ilaw. Tipid. Sa office din – instead na nakatunganga ako at nag-aaksaya ng kuryente —- umuwi na lang ako ng maaga. Okay – medyo stretch na ito – pero you got to admit… kahit papaano ay pwede nang pagtiyagaan ito and be considered as efficient energy usage.
Ikaapat na tanong – Hanggan kailan mo kaya magawa itong resolution na ito? Ang sagot — Hmmm.. siguro mga 5 or 5 days. O. Wag namang kumontra. Pragmatist lang ako. Alam kong hindi ko kakayanin na palaging gawin na pumasok at umuwi ng maaga. Umuwi siguro – pwede pa… pumasok — yan ang problema. Kaya nga realistic resolution ang ginawa ko. And take note — mayroon akong disclaimer sa resolution ko — “hanggat makakaya ko”. So kung 5 to 6 days ko lang makakaya — e sa yun lang nakayanan ko e. Pero sana naman —- makayanan ko ito ng maraming araw. Hindi naman kailangang araw-araw….. once or twice a week will be good. Small steps sabi nga. Slowly but surely – ok fine… for my case – slowly… yun lang.. kasi kahit slowly hindi ko pa rin masabing surely ay makakayanan ko na.
Ikalimang tanong – Bakit ka nga ulit masungit than usual? Ang sagot — Related pa rin ito sa pagpasok ng maaga. Dahil sa kailangan kong pumasok ng maaga… syempre kailangan kong gumising ng maaga. Mahirap namang pumasok ng tulog. Baka masagasaan pa ako. Kaya ayun – by 7:00 a.m. ay nanggigising na ang aking alarm. Hay. I am only on my second day of waking up early pero feeling ko pwede na akong magbida sa Night of the Living Dead — hindi na kailangan ng prostethics! Feeling ko ay napakalaki na ng aking eyebags — sa sobrang laki ay hindi na pwedeng gawing handcarry at kailangan ko na itong i-check-inn. Eye-luggage na dapat ang tawag. O wag nang kumontra. Blog ko ito at ako lang ang may karapatang maging-OA. Inaantok din ako palagi and no amount of coffee can jolt me to function as a normal individual. Hay. Sabagay – ikalawang araw ko pa lang… I need to give my body a chance to adjust. Tagal din kasi nyang nasanay na gumigising ng 10 hehehe. At dahil sa kulang ako sa tulog — grumpier than usual ako. Buti na lang at wala akong masyadong mga nakakadaupang palad. Kaunti lang ang nagiging recipient ng aking wrath! Kaya nga nagbibigay ako ng babala — if you don’t want your head to be bitten off ….. wag kayong masyadong haharang-harang sa aking daanan. Joking? Bakit hindi nyo subukan?
Yan ang mga katanungan na naisip ko. Malamang – lalo na yung mga taong ayaw lang magpatalo – ay may mga katanungan pa kayong maisip. Kung hindi ito related sa aking mga sinabi — e wag nyo nang subukan pang itanong. Bakit – please see 5th question above. Pero kung talagang naghahanap lang kayo ng sakit ng katawan or masochist kayo by nature — e di sige itanong nyo.
P.S.
Nagbalik Pinas ako for 1 week nung nakaraang linggo — at ito sana ang aking ikwento. Yun nga lang – naisip ko bigla ang magbigay ng babala… at dahil sa pag-aanticipate ng further questions — ay medyo nalihis ako ng landas at iba ang naisulat ko. Hmm…. epekto pa rin siguro ito ng kakulangan sa tulog. Pero no worries – pag medyo sinipag ako ay ikwento ko in painstaking detail ang aking Pinas escapade —- hint – majority ng kwento ko ay tungkol sa pagkain! Yum! Yum!
February 11, 2009 at 3:22 am
HAHAHA! night of the living dead…
tiisin mo na..mahal talaga ang taxi.