Dead-Pod

stewie_apple

Mukhang napapansin ng tadhana na nagiging masayahin ako nitong mga nakaraang araw. Para akong bright ray of sunshine. O. Wag nang magreact. Masaya na ako ng lagay na yan. Asan na ulit ako. Ayun. Sunshine. Alam nyo – medyo nagtataka ako at naging artista si Sunshine Dizon. O. Opinyon ko lang naman yan. Baka meron na naman ma-hurt dyan sa paligid ligid at mag-mega react. Kaniya-kaniya po tayo ng opnyon. Blog ko ito – logically – opinyon ko ang mababasa nyo dito. Alangan naman opinyon mo ang mabasa mo dito. Unless kapareho kita ng opinyon. Pero kung pareho tayo ng opinyo — e di sana ay hindi ka ma-hurt at mag-rereact. So logically – dahil sa nagreact ka ay hindi tayo pareho ng opinyon. Which means – hindi mo opinion ang mababasa mo dito. Dahil nga sa blog ko ito. Malinaw po ba?

 

Naku – nasaan na nga ba tayo ulit?Ginugulo nyo kasi ako e. Nalilito tuloy ako. Ayun – Sunshine ulit. Fine. Para wala na lang issue i-rephrase ko ulit….. Dahil sa isa akong ray of sunshine – ayon sa aking pamantayan – ay medyo napunta sa akin ang spotlight ni Tadhana. Naisip nya na masyado naman akong sinuserte. Cute and lovable na nga ako – e happy pa. Kaya ayun – nag-isip sya ng maaring makapagpa-spice sa aking buhay.  At yun na nga  Nauna muna ang pagbagsak… Kasunod nito ay ang pagkasunog.

 

Maaring itanong nyo (maari lang naman… pwede rin hindi) kung ano ang bumagsak… kung ano ang nasunog. At dahil sa naisip kong maari nyo itong itanong — ay sasagutin ko ito. Ala namang sense na hindi ko ito sagutin – e para saan pa at isinulat ko ang entry na ito. Okay – baka may atakihin pa sa suspense. Couple of days ago — naibagsak ko ang Ipod ko. Medyo may kaunting slide pa nga… Nag-cha-charge kasi ako that time tapos ay natabig ko ito. Ayun – nahugot sa pagkakasaksaka… nahulog.. at slight na slide. With the assumption na sanay na itong malaglag — isinaksak ko na lang ulit ito. Nakita ko naman na nag-cha-charge ulit.

 

Next day .. sa office…. Nang medyo hindi ko na makayanan ang kaguluhan sa aking paligid … naisipan ko na lunurin ang aking sarili sa saliw ng musika. Kung hindi kasi ay malamang na sa kulungan ko sinusulat ang entry na ito. Ngunit labis akong nagulat na ayaw mag-on ng aking  Ipod.  Medyo irritable ako. Ayaw ko pa namang maging isang criminal. Pero ang nag-iisang bagay na maaring makapigil sa akin na kumitil ng buhay – ay ayaw naman mabuhay. Pinayuhan ako ng isang kaibigan na i-charge ulit — tingnan ko lang kung mag-charge pa. Kahit USB lang ang meron ako dito sa office – sinubulan ko pa rin. Wala. Walang kahit ano mang signos ng buhay. Naisip ko nab aka mahina lang ang power ng USB. Subukan ko na lang sa bahay.

 

Sa bahay – siinubukan kong i-charge ito sa electic socket. Wala pa rin. Dead pa rin. No sign of life. Napag-isip-isip ko na hayaan na lang muna itong nakasaksak. Baka naman pag nagtagal ay mapag-isip-isip ng Ipod na ang purpose nya ay para magbigay musika. Na kapag siya ay isinaksak – dapat siyang mag-charge. Baka naman kailangan lang nya ng time. Ng space. Kaya pinabayaan ko muna. Pagkaraan ng isang oras ay binalikan ko ito para kumustahin. Baka sakaling tapos na ang kanyang pag-eemote. Labis akong nagulat sa aking nadatnan. Dead pa rin. Pero hindi yan ang kagulat-gulat. Nang hawakan ko ito — ay parang nilalagnat. Hmm.. At parang medyo may amoy sunog. Hmmm… Binalikan ko ang mga pangyayari —- nabagsak, nagslide, dead,  charged,  nag-init, amo sunog. Hmmm.. sa tingin ko may sira na ang Ipod ko. Tingin nyo?  Hmm…

 

Hay naku.  Si tadhana talaga. Alam naman niyang poor ako ngayon. Alam naman nya na maraming gastos. Alam naman niya na hindi ako mabubuhay ng walang musika.  Naku talaga. Hay. Kainis. So how. Wala na akong choice kung hindi dalhin ang aking Ipod sa Apple service center this weekend. Hay, Kung tama ang aking gut feelilng – malamang na dead on arrival na ang aking Ipod. Sabihan ako na pasensya na —wala na sila talagang magagawa. My Ipod is now a Dead-pod.  Hay. Naku. Kainis talaga.

P.S.

 

Nasa ikalawang araw ako na walang Ipod. Nagkopya na lang ako ng mga MP3 sa disc at inilagay ko dito sa aking office pc.  Balik media player ako. Ha? Anong pinapakinggan ko?  Lenka’s self titled album. Musta naman? Para siyang Evanesence (tama sana spelling) on Prozac.  So far — labs ko ang Like a Song at The Show. But the whole album is good.  Kept me sane for the entire day!

 

 

Leave a Reply