Can’t fight with an Eclipse….

January 21, 2009

shadow_wolfSa wakas — natapos ko na rin ang ikatlong aklat sa Twilight saga  - Eclipse.  Alam ko – medyo mabagal – pasensya na po. Medyo busy lang. Pero dahil sa mga pangyayaring ayaw ko na munang isipin – free as a bird ako this week. Kaya ayun — nagkaroon ako ng panahon na magbasa ng magbasa ng magbasa.  And finally nga – natapos ko na yung 3rd book.  Sisimulan ko na nga sana yung fourth book. pero naisip ko na mas mainam na isulat ko na muna ang mga nasa isipan ko bago ko simulan yung ikaapat na aklat. Wala lang. Baka kasi biglang magbago ang aking pag-iisip pag binabasa ko na yung kasunod. Alam nyo naman ako – paminsan ay pabago-bago ng isipan.

 

Unang-una — I have to admit something. I am now hooked with Twilight. Saw the movie (it was good). Read 3 of the 4 novels. And is excited to start with the 4th one.  Nung una – medyo nakakasuka kasi yung mga cheesier than real cheese na mga linya. Pero sabi ko nga – once you got over that — okay na naman. Pag wala na yung ick-factor  and you get to know the characters… you’ll be hooked, line and sinker! 

 

After reading the 3 novels — ito ang mga nasa isipan ko  :

 

1.        Medyo naiinis na ako kay Bella. Kulit. Tigilan ang pagseself pity. Tigilan na ang pag-iisip na kasalanan nya lahat. Lalo lang gumugulo e.  

2.        Naawa ako kay Jacob. Hay…. ang kasalanan lang naman nya ay ang umibig (insert gagging sound here).

3.        Minsan sarap tadyakan ni Edward. Lagi na lang perfect gentleman.  Minsan kailangan din maging bad boy.

4.        Sabi sa Moulin Rouge – The greatest thing you’ll ever learn is just to love and be loved in return — same din kaya ito sa vampire/werewolf world?

5.        Pwede bang i-consider na “to love and be loved in return” ang sitwasyon nina Bella at Jacob? Love naman ni Bella si Jacob e.. Mas love nga lang nya si Edward.

6.        Bakit kaya Eclipse ang pamagat ng 3rd book. Hmm… dahil natakpan ng pagmamahal ni Edward ang pagmamahal ni Jacob?

7.        Pwede kayang magka-pet na aso ang werewolf? O hindi nila ito pwedeng pet dahil sa kung tutuusin – same family sila?

8.        Pwede kayang magka-pet na aso ang vampire? O hindi dahil sa ang away nila ay with werewolves and other species of the same family?

9.        Parang mas gusto ko ang ability ni Alice to see the future kaysa sa ability ni Edward na maging mabils. Wala lang – kung sakali kasi — pwede akong maging fortuneteller. Sabagay – yung mabilis –  pwede akong sumali sa track and field. Kaso – hindi naman ako sporty.

10.     Tingin ko – mas pwede akong maging vampire — kasi mahilig ako sa malalamig na lugar. Ang problema lang – namumutla ako pag nakakakita ng maraming dugo. Hmmm… Meron kayang vampire na vegetarian?

11.     Hindi ako pwedeng werewolf — walang dahilan. Basta tingin ko hindi lang pwede. Hindi naman lahat ng bagay ay kailangang may dahilan.

12.     Mukhang hindi magaling na pulis si Charlie. Biro mo naman – gabi-gabing may ibang tao sa kwarto ng anak nya — wala syang nararamdaman. O biglang tumatahimik sina Bella at Edward pag papalapit sa kwarto si Charlie?

13.     Sabagay – nakakabasa nga pala ng isipan si Edward… so alam nila kung papalapit si Charlie. Hmm.. Okay.  Erase na muna yung sinabi ko sa #13.

14.     Magagalit ka ba kung sakaling bigyan ka ng mga vampire ng “cold shoulder treatment”?

15.     Nagtatalik kaya ang mga vampire? Kasi di ba lagi silang cold? E di hindi sila nagiging hot sa isa’t isa.

 

Yan na lang muna. Di ko na kayang pigilan ang aking sarili. Kailangang simulan ko nang basahin ang ikaapt na libro.  Bilang pangwawakas — iiwan ko sa inyo ang isang excerpt from the book Eclipse. Puno ito ng pagka-keso… pabayaan nyo na… Oks lang naman maging cheesy once in a while….

 

 

  “ He’s like a drug for you, Bella.” His voice was still gentle, not all critical. “I see that you can’t live without him now. It’s too late. But I would have been healthier for you. Not a drug; I would have been the air, the sun.”

 

The corner of my mouth turned up in a wistful half-smile. “I used to think of you that way, you know. Like the sun. My personal sun. You balanced out the clouds nicely for me.”

 

He sighed. “The clouds I can handle. But I can’t fight with an eclipse.”

 

- Excerpt from Eclipse – by Stephenie Meyer


In Memoriam

January 17, 2009

rip_1Tulad ng sinabi ko sa aking previous blog – dinala ko ang aking Ipod sa Apple Service Center. Ako ay umaasa pa rin na mai-extend nila ang buhay ng aking Ipod. Pero ako ay muling nabigo. Its confirmed — my Ipod is a Dead-Pod.  Maari raw nila itong ayusin — well sort of ayusin — but I have to pay a gazillion dollars. Fine – few hundred bucks. Bigyan daw ako ng replacement unit which can be a refurbished unit or brand new.  Hindi ko na lang kinagat itong offer nila — aba — for a hundred bucks more — I can buy a new Ipod Classic. Yung 120 GB. I decided to buy a new one — hopefully soon. Hindi pa ako makabili ngayon — poor pa ako e.  Isa pa — I need to give myself time to mourn for my recently “dead-Pod”. 

P.S.

Sa mga nais mag-”abuloy” para makabili ako ng bagong Ipod…. more than welcome po.


Dead-Pod

January 15, 2009

stewie_apple

Mukhang napapansin ng tadhana na nagiging masayahin ako nitong mga nakaraang araw. Para akong bright ray of sunshine. O. Wag nang magreact. Masaya na ako ng lagay na yan. Asan na ulit ako. Ayun. Sunshine. Alam nyo – medyo nagtataka ako at naging artista si Sunshine Dizon. O. Opinyon ko lang naman yan. Baka meron na naman ma-hurt dyan sa paligid ligid at mag-mega react. Kaniya-kaniya po tayo ng opnyon. Blog ko ito – logically – opinyon ko ang mababasa nyo dito. Alangan naman opinyon mo ang mabasa mo dito. Unless kapareho kita ng opinyon. Pero kung pareho tayo ng opinyo — e di sana ay hindi ka ma-hurt at mag-rereact. So logically – dahil sa nagreact ka ay hindi tayo pareho ng opinyon. Which means – hindi mo opinion ang mababasa mo dito. Dahil nga sa blog ko ito. Malinaw po ba?

 

Naku – nasaan na nga ba tayo ulit?Ginugulo nyo kasi ako e. Nalilito tuloy ako. Ayun – Sunshine ulit. Fine. Para wala na lang issue i-rephrase ko ulit….. Dahil sa isa akong ray of sunshine – ayon sa aking pamantayan – ay medyo napunta sa akin ang spotlight ni Tadhana. Naisip nya na masyado naman akong sinuserte. Cute and lovable na nga ako – e happy pa. Kaya ayun – nag-isip sya ng maaring makapagpa-spice sa aking buhay.  At yun na nga  Nauna muna ang pagbagsak… Kasunod nito ay ang pagkasunog.

 

Maaring itanong nyo (maari lang naman… pwede rin hindi) kung ano ang bumagsak… kung ano ang nasunog. At dahil sa naisip kong maari nyo itong itanong — ay sasagutin ko ito. Ala namang sense na hindi ko ito sagutin – e para saan pa at isinulat ko ang entry na ito. Okay – baka may atakihin pa sa suspense. Couple of days ago — naibagsak ko ang Ipod ko. Medyo may kaunting slide pa nga… Nag-cha-charge kasi ako that time tapos ay natabig ko ito. Ayun – nahugot sa pagkakasaksaka… nahulog.. at slight na slide. With the assumption na sanay na itong malaglag — isinaksak ko na lang ulit ito. Nakita ko naman na nag-cha-charge ulit.

 

Next day .. sa office…. Nang medyo hindi ko na makayanan ang kaguluhan sa aking paligid … naisipan ko na lunurin ang aking sarili sa saliw ng musika. Kung hindi kasi ay malamang na sa kulungan ko sinusulat ang entry na ito. Ngunit labis akong nagulat na ayaw mag-on ng aking  Ipod.  Medyo irritable ako. Ayaw ko pa namang maging isang criminal. Pero ang nag-iisang bagay na maaring makapigil sa akin na kumitil ng buhay – ay ayaw naman mabuhay. Pinayuhan ako ng isang kaibigan na i-charge ulit — tingnan ko lang kung mag-charge pa. Kahit USB lang ang meron ako dito sa office – sinubulan ko pa rin. Wala. Walang kahit ano mang signos ng buhay. Naisip ko nab aka mahina lang ang power ng USB. Subukan ko na lang sa bahay.

 

Sa bahay – siinubukan kong i-charge ito sa electic socket. Wala pa rin. Dead pa rin. No sign of life. Napag-isip-isip ko na hayaan na lang muna itong nakasaksak. Baka naman pag nagtagal ay mapag-isip-isip ng Ipod na ang purpose nya ay para magbigay musika. Na kapag siya ay isinaksak – dapat siyang mag-charge. Baka naman kailangan lang nya ng time. Ng space. Kaya pinabayaan ko muna. Pagkaraan ng isang oras ay binalikan ko ito para kumustahin. Baka sakaling tapos na ang kanyang pag-eemote. Labis akong nagulat sa aking nadatnan. Dead pa rin. Pero hindi yan ang kagulat-gulat. Nang hawakan ko ito — ay parang nilalagnat. Hmm.. At parang medyo may amoy sunog. Hmmm… Binalikan ko ang mga pangyayari —- nabagsak, nagslide, dead,  charged,  nag-init, amo sunog. Hmmm.. sa tingin ko may sira na ang Ipod ko. Tingin nyo?  Hmm…

 

Hay naku.  Si tadhana talaga. Alam naman niyang poor ako ngayon. Alam naman nya na maraming gastos. Alam naman niya na hindi ako mabubuhay ng walang musika.  Naku talaga. Hay. Kainis. So how. Wala na akong choice kung hindi dalhin ang aking Ipod sa Apple service center this weekend. Hay, Kung tama ang aking gut feelilng – malamang na dead on arrival na ang aking Ipod. Sabihan ako na pasensya na —wala na sila talagang magagawa. My Ipod is now a Dead-pod.  Hay. Naku. Kainis talaga.

P.S.

 

Nasa ikalawang araw ako na walang Ipod. Nagkopya na lang ako ng mga MP3 sa disc at inilagay ko dito sa aking office pc.  Balik media player ako. Ha? Anong pinapakinggan ko?  Lenka’s self titled album. Musta naman? Para siyang Evanesence (tama sana spelling) on Prozac.  So far — labs ko ang Like a Song at The Show. But the whole album is good.  Kept me sane for the entire day!

 

 


Nega-star

January 12, 2009

plus_minus

It’s another brand new year! Happy New year ulit sa lahat.  The other day – habang hinihintay ko ang uwian .. can’t help but let my minde wander. Muni-muni ng kung ano-ano. Isa sa napagmuni-munian ko ay ang new year. I decided that I like new years. Wala lang. Dati kasi ay medyo “nega” ako sa mga new-year new-year. Pero ngayon — napagdesisyunan ko na  labs ko na ang new year. Bakit? Wala lang. Naisip ko lang na new years can be considered as new beginnings. Para itong bell during your last periodical exam.  Finish or not finish pass your papers na.  Result of the exam can be good or dismal. Pero wala ka nang magagawa. Tapos na yun e.  Wala ka nang choice kung hindi tanggapin kung ano man ang resulta nito. Move on ika nga.  

 

Maaring sabihin nyo na wala nang bago sa sinasabi ko …. ang masasabi ko lang – walang pakialaman ng muni-muni. – este — pagpasensiyahan nyo na kung hindi na ito bago para sa inyo.  Para sa akin ay breakthrough ito. Me — the eternal pessimist — believing in new beginnings. That itself is a miracle. 

 

O… alam ko na ang susunod nyong sasabihin – wala po akong sakit. This is not a hallucination. I am not afflicted with the “Sharon Cuneta syndrome”. Talaga lang  medyo nasa positive mood ako sa pagpasok ng taon na to. Ako man ay nagugulat din. Napilitan tuloy akong mag-isip kung bakit… ang balikan ang 2008 at himay-himayin ang bawat pangyayari.  Pagakatapos ng muling pagmumun-muni —- I finally arrived at a conclusion. Positive ako ngayong 2009 —- kasi lahat ay negative.   Lahat na lang prophet of doom pag 2009 ang pinag-uusapan. Lahat sinasabing malas ang rabbit ngayong year of the ox. Lahat na lang na things will only get worst. Lahat na lang – mga “Nega-star”:  Kaya para maiba naman — positive ako. Lam nyo naman – I was not born to follow. Kaya hindi ako susunod sa “nega” wagon. Kaya ayun – medyo may tendency ako ngayon to see the good things amidst the sea of bad ones.  

 

Tulad na lang ng pagbabalik tanaw ko sa aking buhay last 2008. My 2008 is not that great. But its not bad either. Maraming problema – pero nagkakaroon naman ng solusyon. Maraming gastos —- pero may dumarating naman na panggastos. Di man Maradi ang salapi – pero sapat naman sa pangangailangan. The last quarter of 2008 is terrible. Everyone is on the edge of their seat waiting for the proverbial ax to fall. Pero pagkatapos ng lahat ng tsismis at stress…  I am still here… most of my friends are still here… Granting that its not the end of the ax-falling days … but still….. the point is we are still here.

 

Year-in and year out naman –  ang unos sa buhay ay laging dumarating. Minsan we end up winning. Minsan major looser tayo.  Corny man ng sobra — pero tutuo naman… kaya sabihin ko na din…. ang importante —- you become a better person pagkatapos. nito.

 

Babala : Ang blog entry na ito ay isinulat upang ibahagi ang kasalukuyang nasa isipan ng may akda. Hindi nito sinasabing hindi na magiging nega ang may-akda. Kung kilala nyo siya — mas malamang sa hindi ay malilumutan nya ang lahat ng “crap” na sinabi nya sa entry na ito pagkaraan ng isa o dalawang araw. Tandaan – you can’t teach old dogs if all you have are young ones.