
Ilang araw na lang – tapos na ang 2008. 2008 started very promising – ang ending — hindi naman completely bad. Let’s just say that it was an interesting year. Kumpleto ang sangkap. May saya at lumbay. May action at suspense. I am actually quite happy that 2008 is nearing it’s end. But at the same time medyo anxious din with all the predictions of doom for 2009. Lam nyo naman ako – sigurista. Kaya medyon fish out of the water ako with all these uncertainties. Pero ganun siguro talaga — kailangan ng uncertainties para naman medyo exciting ang buhay. Truth is – wala naman talagang sigurado sa buhay. Yun nga lang — may mga bagay lang na alam mo kung sino ang llamado kaya dun ka tataya. Pero ngayong mga panahon na to kasi wala kasiguraduhan ang lahat. Pwedeng purihin ka to the mega max ngayon – pero itapon kang like yesterday’s newspaper the following day. Kaya ako – as much as possible – I try to be thankful to what I have … to what is given to me. Yung i-enjoy yung kung ano ang meron ngayon without forgetting na kailangan din na magprepare for tomorrow. Wala naman masama na maging handa. But that shouldn’t stop us from enjoying the ”now”. Iwanan muna natin ang mga drama —- happy-happy muna tayo. Pinoy tayo e. Kahit ano pang unos ang dumaan – kaway to the max pa rin tayo pag may mga press camera na dumadaan.
P.S. Binalikan ko yung mga “predictions” ko for 2008. Nakakakilabot na lahat ng sinabi ko ay nagkatotoo. Tingin nyo? Pwede na ba akong mgabitiw sa aking day job at kareerin ang pagiging manghuhula? Ano? Ano ang mga hula ko for 2009? Hmmm… please refer to my 2008 predictions. Palitan nyo lang ng 2009 ang lahat ng 2008 at yun na ang aking fearless predictions for 2009. Wala lang. Katamad mag-type ulit e. Same-same lang naman. Muli – Happy New Year!