
Dahil sa ilang buwan na rin ako na medyo madalang akong magsulat – naisipan kong magkaroon ng isa pang entry bago matapos ang taong ito. Isang entry ito na wala talagang tema – yun kung ano lang ang pumasok sa isipan ko. Pwede ko ring isama dito ang ilang mga pangyayari na hindi ko naisulat dahil sa ako ay busy or nagkukunwaring busy or tinatamad.
- There is one entry sa blogsite kong ito na medyo hindi maganda ang dating sa ilang mga nakakabasa. May isang sentence daw kasi na medyo racist ang dating. Anong sentence. Well – nabanggit kasi ako tungkol sa isang suggestion ko na pwedeng pagkuhaan ng alternative source of energy. Bilang tugon sa mga paalala kong natanggap — i-update ko po itong entry na ito. Sa mga mga mambabasa – kung medyo may na-hurt sa aking entry – pasensya na po.
- Tutal nasa racist na tayong usapan. Avenue-Q had its run in Singapore last Oct-Nov. Ang maganda — it was staged by the same people who did the Avernue-Q run sa Pinas. Most of the cast are Pinoys. I can’t recall the names now (except for Frenchie D and Aiza Seguerra) but they were all quite good. I become a fan of Avenue Q when a friend suggested that I listen to the sound track. But watching it live is definitely way-way better kaysa sa pakikinig lang. Sobrang nakakatawa talaga. All the songs are great – but the songs “It Sucks to be Me”, “Everyone’s a little bit racist” and “The Internet is for Porn” is hilarious. Nakakatawa talaga lalo na pag makikita mo yung mga actions. Hay. Schadenfreude!
- I saw the Twilight movie last week. It’s surprisingly good —- siguro kasi ay hindi sila masyadong nag-deviate from the book. I particularly like the scene na naglalakad si Bella then followed by Edward papunta sa gubat without talking to each other. Then some fancy cameraworks. Galing. Parang ang dami nasabi nung dalawa sa isa’t-isa without really saying the words. I’m now reading the second book – New Moon. I guess I am officially caught by the Twilight fever.
- I read from somewhere na binili daw ng ABS-CBN ang rights to turn Twilight into a telenovela.. Nung una ko itong nabasa – I can’t help but roll my eyes in disbelief. Asa pa. Couple of days ago – I read that Perz Hilton (quite well known American showbiz blogger) wrote an entry tungkol sa Pinoy Twilight. The pinoy version will be entitled “Takipsilim” and will have Rayver Cruz and Shaina Magdayao playing Edward and Bella. My reaction – wala lang. Let’s wait and see kung ano ang kalalabasan.
- Still with Takipsilim —- binasa ko yung mga iniwang comments dun sa blog entry. I’m actually expecting the Twilight die hards to spew fire with the Pinoy Twilight idea. Ang medyo – for the lack of a better word – interesting ay yung mga iniwang comments ng ating mga fellow pinoys. Better if your read it yourself — baka naman ako lang ang medyo napataas ang kilay….. link to the article (http://perezhilton.com/2008-12-23-filipino-version-of-twilight-to-begin-production-soon)
- Tuwing New Year ay maraming pamahiin na sinusunod. Unang-una na dito ang pagbabayad ng utang before the year-end para debt free ka sa pagpasok ng bagong taon. Pag debt free ka daw sa pagpasok ng taon — the entire year ay madali ang pasok ng pera and hindi mo na kailangan mangutang pa. It’s actually a good superstition kasi napipilitan ang lahat – ok… ang ilan – na magbayad ng utang. Anyway – just today – a couple of my friends settled their utang sa akin (lunch, taxi fare etc). Para daw hindi sila abutan ng New Year na may utang. Dahil sa may pagka-antipatiko talaga ako — I reminded them na techinically – hindi pa rin naman sila debt free. They still have the credit card purchases which – kahit hindi pa kasama sa due – ay technically utang na rin. Hindi pa nga lang due – but still — utang ito. Then there’s the housing loan sa bangko. For 10 or 15 years — may utang ka.. So — it doesn’t really matter kung bayaran nila ako sa utang nila sa akin or hindi. Kung titingnan mo talaga — until the last amortization sa housing loan is paid — if naniniwala ka sa pamahiin na ito — you are destined for financial difficulties. Hehehehe. Suggestion ko — pumunta ka Joyce Lim ng Charms and crystals. Marami siyang binebenta na pangkontra!
- Isa pang pamahiin ay ang pagbili ng 12 types of round fruits. Swerte daw ito. We did this nung papasok pa lang ang 2008. Unfortunately — nabulok lang yung ibang prutas dahil sa dami. Since malas ang mag-aksaya ng pagkain — sa tingin ko ay na-cancel out nito ang swerte na dala ng 12 prutas. Kaya ayun – 2008 is not that financially rewarding. Moral lesson — you have to buy the fruits and eat it too. At least – di man maging swerte — napakinabangan naman ng katawan mo ang vitamins at iba pang nutrients nito.
- Hindi pa man din pumapasok ang 2009 ay puro negative na ang sinasabi ng lahat dito. Oo nga…. kasama ako dito…. Lahat nga e…. Pero napag-isip-isip ko na unfair itong masyado kay 2009. Hindi pa siya dumarating ay na-judge na sya. Dapat hindi tayo masyadong judgemental. Sabi nga – positivity attracts positive energy. Kaya dapat — we welcome 2009 with a positive attitude. Para positive ang energy na ma-attract natin. Tingin nyo? A ewan ko sa inyo — basta ako — I’m giving 2009 a chance to prove itself — sabi nga – wag tayong masyadong “NEGA”!
- Muli…. Happy New Year….
Posted by rollypollypanini 
Posted by rollypollypanini 
Posted by rollypollypanini 
