Musta sa lahat? Hope you are in a good condition upon receiving this letter of mine. Ngek. Hehehe… Wala lang. Di ko mapigilan. Pasensiya na. Anyway – sa mga gusting makaalam at kahit sa dun sa mga ayaw – medyo okay na ako. Still have the cough but I’m feeling a lot better. Still quite busy – kaya wala masyadong time to blog. Pero dahil sa minsan feeling ko ay umaapaw ang aking pag-iisip sa aking mga iniisip — naisip ko na isulat ang mga bagay-bagay na maari ko nang alisin sa aking isip para magbigay daan sa mga bagong bagay na dapat pag-isipan. Malinaw? Kung oo – mainam. Kung hindi – subukan nyong balikan ang pangungusap na isinulat ko at basahin ng dahan-dahan. Ayan… malamang naman nakuha nyo na. So—pwede na ba akong magsulat? Ha? Ha? Ha?
- Madalas sabihin sa atin ng ating mga magulang at guro — all we need to do is work hard and do our best and for sure the next step will be success. Sad to say — we are fooled. Yup. Niloloko nila tayo. Minsan – kahit anong hard pa ang iyong pag-work at kahit anong best pa ang gawin mo — it aint just enough. Believe me. Based on first hand experience yan. Hay.
- I’m beginning to feel at home in our new unit. Yup. It’s on the second floor which was initially an issue for me….. pero okay rin pala. Last weekend — I stayed at home to rest. I opened the door and windows para pumasok naman ang hangin. Ayun – new revelations…. First — there’s a small sort of park just in from of our building and you can hear the voice of the kids playing. Medyo okay din pala na may naririnig na tao sa labas — somehow ramdam mo na you have neighbors. Second — I looked out of the window which I don’t normally do….. and from our unit you can see people from the main road walking….. I am a fan of people watching. An our sala window is a good place to do so. You can see them — but they can’t see you.
- My heart was torn to pieces when I saw Anne Curtis’ tearful interview. Da*n that Sam Milby for making her cry! Opps…. Baka mabasa ito ng aking waswit… Sweetheart Ana (Ivanovic) – ikaw pa rin ang true love ko
- Speaking of my one and only Ana….. kawawa naman siya. She had to quit the WTA championship at Doha due to stomach problems. Hanggang sa sakit….compatible kami!
- Kailangan may politics —- congratulations to Obama for his big win. Pero personal opinion ko lang —- kahit siguro sino ang kalaban ni McCain mananalo. Parang kiss of death kasi ang endorsement ni Bush e. Good for Obama though.
- Ano? Fertilizer scam? Naku. Wag nyo na seryosohin yan. Malapit na kasi ang 2010… kaya kanya-kanya nang papogi ang mga lintik na Senador na yan. Mark my word — yang mga camera “huggers” na mga senador — either tatakbong President or Vice President. Mga KSP. Sa dami ng inimbistigahan nila – may natapos ba? Trial by publicity lang ang alam ng mga damuhong yan. Ang dapat dyan sa mga yan – deadmahin!
- I went to Orchard Road last Sunday. Stone na stone (batong-bato sa mga engots na di nakaintindi) na kasi ako sa bahay e. Naka-Pamas na ang Orchard Road. Can’t help but be bitten by the Christmas bug. Ayun – sarap tuloy mamili. Pero buti na lang at naalala ko na kailangan palang magtipid. Kaya hanggang window shopping na lang ako.
- Music list? I’m in a Christmas mood. Need a lot of “uplifting” tunes these past few days. Mix of old classics and new interpretations ang aking list. Jose Mari Chan’s Christmas in our Heart album, The Company’s Christmas Album, Jed Madela’s The Voice of Christmas Album and Ryan Cayabyab with the San Miguel Master Chorale’s Pasko album.
Yan na lang muna. Mag alas-dos na e. Antok na ako. Alam kong walang kwenta itong entry na ito. Pasensya na po. Talagang paminsan lang talaga – kailangan natin ng mga walang kwenta….para malaman natin ang importansya ng mga may kwenta. O… wag nang umapila pa…. Basta yan na yun. Teka… Kailangan pala may word of wisdom. Hmmm…. sa mga taong apektado ng Financial Crisis — isa lang masasabi ko…kahit ano pa ang mangyari — Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko!
Posted by rollypollypanini 
Posted by rollypollypanini 
Posted by rollypollypanini