I’ll make this short…. and sweet…. WALA NA SI INYUCKIE ! 


Musta mga reader/s? Medyo matagal-tagal din akong walang entry. Naghintay kasi ako na may dumating sa akin na inspirasyon upang magsulat. Alam nyo naman kaming mga artistic people — kinakailangang matrigger an gaming emotion upang makagawa or makasulat ng masterpiece. In other words — tinatamad po ako these past few days. Di ko nga alam bakit ako sobrang tamad ako ngayon. Naisip ko nga na siguro ay tamad lang talaga ako by nature. Hmm…. Posible.
It’s that time of the year na naman. Well – for me at least. Evaluation time na naman dito sa aking mahal na opis. Mixed emotion ako sa evaluation. Sa isang banda – malalaman mo kung ano talaga ang nasa isipan ng iyong amo. Sa isang banda rin – gusto mo ba talagang malaman kung ano ang nasa isipan ng iyong amo. Di mo kasi alam kung ano ang sasabihin ng amo mo. Nakapasa ba sa panglasa niya ang iyong performance? Ano-anong mga kakulangan mo ang kaniyang ihahighlight — minsan in bold letters at underline pa! Ano kayang mga pagkakamali mo ang kaniyang natandaan at alin ang nakalimutan. Minsan – naisip ko — the annual performance evaluation was discovered para ilegitimize ang pagiging judgemental ng mga mo. Para makaganti sa mga hindi mo pagsunod sa kanila at pag-uwi mo ng maaga.
Anyway – I had may evaluation yesterday. Dapat last week pa pero nakaliban ang aking amo kaya nabago ang schedule. Hindi naman ako kinakabahan sa evaluation ko. Tingin ko naman ay medyo okay naman ang aking mg pinagagagawang pagkukunwari since last year. Lam nyo naman – nagpakadalubhasa ako sa pagkukunwari. Di naman ako nabigo – from 1 to 5 (1 being the highest) – I got a 1…. Di po ako nagyayabang — well okay… slight. Pero di naman ito kagulat-gulat. Maraming iba na nakakakuha din ng 1. But still – it’s a nice evaluation. I’m glad.
Glad? Maari nyong itanong — bakit glad lang? How about happy? Ecstatic? Etc..etc… Well.. glad lang po… Masaya naman ako at mataas ang nakuha kong marka…. na na-aappreciate ng aking mga supervisors ang aking effort …..Pero siguro… magiging happy o ecstatic lang ako pag nakita ko na ang increase (kung meron man) ng sweldo. Hehehe.. Lam nyo naman ako — minsan ay mukhang money. Ang kasiyahan ko ay nasusukat sa laki ng aking sweldo hahahaha. Naku… baka sabihin nyo naman ay masyado akong materialistic. Unang-una — walang pwedeng magsabi nito… dahil di naman kayo kasali sa evaluation. Nakikibasa lang kayo. Bawal ang judgemental. Ikalawa — importante naman talaga na maganda ang sweldo dib a? Of course importante din na masaya ka sa trabaho mo etc..etc… Pero sa panahon ngayon na mahal na ang lahat….kailangan na hindi lang puro happiness… dapat tingnan din ang bulsa. Mahirap maging happy pag walang money. Hehehe…. Promise. Subukan nyo pa.
Dahil dito – napag-isip-isip ko… bakit dati — kahit hindi naman mataas ang sweldo — basta na acknowledge anng iyong kagalingan ay super happy ka na. Ngayon — kulang na lang ay sabihan mo sila ng “Show me the moneyyyyyyyyy”. Ano nagbago? Habang nagkakaeda… este nagmamature ka ba talaga ay lalo kang nagiging jaded? Hmm… ewan — basta ang mahalaga… maganda dapat ang increase. Happy naman ako na maganda ang evaluation … but I can be happier…. show me the moneyyyyyy…..

Muli na namang napatunayan na wala akong future sa fortune telling business. Last week ay nagbigay ako ng aking fearless forecast sa naiisip kong kalalabasan ng “Showstopper” gala presentation ng mga PDA scholars. At tulad ng dati kong mga hula – mas marami dito ay mali. Out of the 6 face-off (including Laarni/Poy) – I was only able to predict 2 correctly. Opo – 2 lang. 4 ang mali. Sablay na sablay talaga. Hindi man lang pumasa. Buti na lang at hindi muna ako nagbigay ng down payment dun sa bakanteng pwesto sa may labas ng simbahan ng Quiapo. Sayang – akala ko pan aman ay pagkakataon ko Nang mag-shift ng career.
Balikan muna natin ang mga pangyayari nung nakaraang Sabado. Last Saturday’s gala presentation was very much hyped. For the entire week – pinakita sa atin ang mga pananaw ng mga mentors kung sino sa tingin nila ang liyamado at sino ang dehado. Aligaga ang mga tambay sa kanto sa pagtatalo sa kung sino sa tingin nila ang mananalo sa tapatan. Lahat ay hinihintay ang gala presentation which is promised to be a real showstopper.
Dumating ang Sabado — huminto ang mundo ng lahat… okay fine… ng mga sumusubaybay lang. The excitement is at it’s peak. Simula na!
Bunny vs Cris – hmm… kailangan ba talagang mamili? Hindi ba pwedeng bottom na lang sila pareho? Bunny’s performance is forgettable. Cris as expected did not deliver. Dahil lang sa kailangan talagang pumili – I thought Cris will be in the bottom 5.
Hansen vs Van – hmm ulit. Alam ba ni Hansen na singing competition ito —- baka kasi akala niya ay “mumbling” competition. He mumbled his way to the end of the song — ending it with a terrible falsetto (teka.. yun ba ang tawag sa boses nay un). Then came Van – equally horrible. Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan – yun bang areglo nung kanta o siya. I was initially thinking kung ano iyong kinakanta nya – nung chorus na saka lang ako napa-ahhh…. Through the Fire. Since kailangan akong pumili – I chose Hansen – only because sa tingin ko he was able distract the judges with the dance routine.
Miguel vs Inyaki – Miguel’s performance is not that bad. It’s not good either. Para lang siyang nasa bahay at kumakanta. One problem with Miguel’s performance is that he was not able to include the audience in his performance. Vocally – the performance is weak. Boring in most parts. Inyuckie! Ok.. I’ll be nice – Inyaki. Una kong naisip nung nakita ko si Inyaki – ano naman gusto nilang palabasin sa make-up nay an… na para lang natutulog si Inyaki? Bukod sa bangkay like make-up — hmmm.. muscle shirt… para kay Inyaki? Kung sino naman nag-isip ng wardrobe nitong tao na to ay mukhang nangangailangan ng mag-resign. Inyaki’s performance is as what I was expecting. Pumped with attitude – lacking in voice quality. I was actually cringing with every note he sing. Both performance is weak – but I think vocally – Miguel’s is slightly better.
Bugoy vs Apple –Bugoy’s performance is a disappointment. His appearance – tinipid. Sabi nga ng iba – kalabaw na lang ang kulang – diretso bukid na ulit si Bugoy. His singing is not that bad — but not “Bugoy”. Parang biktima si Bugoy ng body snatcher that evening at ang kumakanta ay si alien Bugoy. Apple’s performance is mildly interesting. Outfit is laughable. I find it disturbing everytime she sings “family”. Parang slang na di mo mawari. Anyway – kahit mas gusto ko si Bugoy – feeling ko that time he will be on the bottom five.
Laarni vs Liezl. The muich awaited pagtatapat. I like Laarni’s performance. Puro kanta – walang mga nakakagulo na mga back-up dancers or fireworks. It’s all her. Vocals was good — well until the last part. Isang malaking panghihinayang ang naramdaman namin sa bahay. Kulang din sa edginess yung kanta ni Laarni. Kulang sa attitude. Malamang binuwakaw ni Inyaki ang lahat. Wala na tuloy natira para sa iba. Pagkatapos ng sabit na last part – I assumed na si Liezel ang safe – not unless pumiyok din siya. Liezel’s performance was good. Vocals was good – medyo manipis sa high notes… but okay naman. Malinis on most areas. Ang di ko lang gusto — yung mga ibinabang notes pag dapat ay pataas na. Halatang-halata kasi. Para tuloy bitin. Sabi ko nga dun sa kasama ko — hmm… nadaya tayo dun ha. Liezel’s performance is good – but not great. At tulad ng iba niyang performance – hindi ito tumatak sa isipan ko. Forgettable. Kulang kasi talaga siya sa presence. Pero still – alam ko na si Laarni ang mapunta sa bottom 5.
Poy – she’s good. Natural ang mga galaw niya. Palaban din ang vocals nya – daig pa yung karamihan sa mga scholars na ilang linggo nang nasa loob ng Academy. Feeling ko that time — may laban siya for Star Scholar.
Laarni vs Poy – Among all the performances of the night — this was the best. Galing nilang dalawa! Husay! Yun nga lang — medyo nakalamang si Laarni dito. The attitude is there.. sakto ang vocals… at alam ang lyrics hehehe.. Medyo nawala kasi si Poy nung nakalimot siya ng lyrics. Pansin din na medyo bumamaba ang confidence nya after that. But still – it’s the best performance of the season so far. Sayang at walang bearing ito sa grades.
Tapos nang lahat ng performances — result time na! Liezel was the Star scholar. No surprise there. Poy did well pero ganun talaga. Isa-isa nang sinabi ang bottom 5 – Laarni (expected), Apple (even Bugoy was surprised), Miguel (kainis!!! Ligtas na naman si Inyuckie!), Van (sabi ko na nga ba) and Bunny (oks lang – pareho naman kasing pangit ang performance).
I was expecting the (de)mentors to save Laarni. Kung ang basis kasi ay performance for the night — compared to the other 4 – Laarni’s performance is way better. 2 pa yun ha. Pero surprises of all surprises – the (de)mentors saved Bunny. Ha? Bakit? Why? Sa anong kadahilanan? Ano ang basehan? Hindi naman siguro alphabetical — kasi si Apple dapat ang na-save. According to height? E di dapat si Miguel. According to Beauty? E di dapat si Van. Hmm — presence of cyst? Aba – si Bunny nga dapat. If there is one showstopper that night – it’s this very controversial decision.
As expected – Van was saved by the scholars. Bakit expected – kasi naman – sure na ang vote ni “friend” Hansen at Bugoy… saka si Cris. Yung iba – mahahati na kina Miguel at Apple. Siyempre walang magtangkang mag-save kay Laarni. Hay. Yung nga ang nangyari.
Ang daming nainis sa mga (de)mentors. Actually – wala namang issue na manalo si Liezel against Laarni. Ang issue lang – sa dami ng pwedeng i-save — why Bunny? Siguro tanggap pa kung si Van – since madali itong ibenta. Pero si Bunny? Inis din ako – pero sabi ko – hintayin natin ang explanation ng mg (de)mentors. Ayun – Bunny was chosen because she is the most improved scholar daw. Ha? Most improved? Teka lang ha — kung most improved – bakit lagi siyang nasa bottom nung bunch? Naniniwala naman ako na nag-improve na na si Bunny — but to be the “most improved” — anong basis? Sabagay – isa lamang akong hamak na tagapanood. Baka naman may mga nakikita ang mga mentors na di ko nakikita. Baka hindi pa trained ang aking eyes and ears to appreciate true talent. Baka bulag lang ako sa pagkilatis ng isang true talent in the rough. Posible di ba?
Pagkatapos ng lahat ng kahuluhang ito — one thing’s sure — Laarni needs to strive harder than the others. Otherwise — goodbye Laarni na. Kasi naman – di na siya trip ng mga co-scholars nya (for reasons na maaring kasalanan din naman niya… pero minsan ay hindi rin naman). Parang di rin siya ang favorite ng Jurors . Acknowledged ng mga (de)mentors that she’s good — but not good enough to be saved. Kaya kailangan din niyang magpakitang gilas sa mga ito. She needs to prove herself more – kahit na minsan parang unfair na. Ganun talaga ang buhay – madali para sa iba… mahirap para sa ilan. Unsolicited advice —- kailangan isapuso ni Laarni ang kinanta niya last Saturday. She needs to make everyone realize that she’s there to fight and stay until the very end – the one to beat! Kailangan niyang makuha ang atensyon ng lahat — sabay sigaw — And I am telling you… I’m not going! I’m staying! I’m staying! And you.. and you… Sa ayaw nyo man o sa gusto —- Your’e gonna love me!