Maaring itanong nyo – ano ba ang significance ng 8:45 a.m.? Importante ba ito sa aking buhay? Ganun ba ito kahalaga to merit one full entry devoted entirely to it? Ano? Ano? Sumagot ka? Anooooo?
O siya. Tama na ang drama. 8:45 a.m. Yan ang oras nang pagdating ko sa opisina ngayong araw na ito. J Hmm. Ibaba ang mga kilay. O… wag nang igulong ang mga itim ng mata. Tulad nga ng lagi kong sinasabi — walang pumipilit na basahin ninyo ang blog kong ito.
Anyway —- balik sa 8:45 a.m. Maaring magtanong kayo ulit — e ano naman ngayon kung 8:45 a.m. ako dumating sa aking opis. E 8:30 a.m. nga ang aking official office time. Kung tutuusin ay late pa nga ako ng 15 minutes.
Well —– (pansin nyo.. parang magandang simulan ang isang pangungusap ng “well”… wala lang… parang maganda ang sasabihin ng pangungusap….well e… ako lang ba ang nakaisip nito? O kayo din?) —- balikan natin ang 8:45. Isang momentous event para sa akin ang dumating ng 8:45 a.m. Sabihin na lang natin na kung ako ay naging isang ibon – malamang na wala akong naabutan na bulate araw-araw. Kung kaya’t malaki ang aking pasasalamat na hindi ako isang ibon. Bukod sa may phobia ako sa heights — mamatay din ako sa gutom dahil sa hindi ko laging maabutan ang early worms. Unless – may late worms din! Aha.. Hindi ko naisip yun. But still —- ayaw ko namang makilala na ibong mababa ang lipad. Lalo na kung kalapati ako. Unless (ulit!) isa akong ostrich. So hindi talaga ako lumilipad. At mabilis pa akong tumakbo. Hmm.. Maybe being a bird is not that bad after all.
Teka lang. Bakit ba napunta sa ibon ang usapan. 8:45 a.m. Yan ang dapat nating maging focus. Maari ninyong itanong muli – bakit naman maaga ako dumating sa aking selda..este opis (I love my work. I love my work – repeat 10x). Well (ulit!) – yun kasing bago naming amo — medyo OA. Mayroon kaming group meeting ng 9:30 a.m. Hmp. Wala bang nakapagsabi sa kaniya na walang matinong tao na nagpapameeting ng 9:30! Ha! Ha!
Dahil sa may kalayuan ang aking tirahan sa aking opis – kinakailangan na maabutan ko ang 8:00 na special express bus na dumadaan sa bus stop malapit sa aming bahay at dumadaan din sa harap ng aking opis. Mayroon lang 3 trips in the morning – yung route kasi nito ay papunta sa businesss district. Special siya para sa mga nag-ooffice sa CBD. Pag naabutan ko ang bus na ito – guaranteed na nakaupo ako (parang sinehan ba – guaranteed seats… no standing allowed). Bakit guaranteed seats – mahal din kasi ang bayad – SGD$ 4. Travel time will take around 30 to 45 minutes. Express pa yan ha.
I can actually take the MRT. Much cheaper.. will probably cost half of that. Kaso – I have to walk couple of blocks from our house to the MRT station (which is actually okay)… take the MRT na punuan na dahil sa rush hour…. Travel for around 30+ minutes… baba.. transfer to a free shuttle …. baba.. opis na. Ang ayaw ko dito – daming lipat-lipat. And nakatayo pa sa MRT. Mas mura nga – pahirap naman. Kaya I still prefer the Expess Bus. Para maabutan ko ang 8:00 bus – I need to wake up around 7:15 a.m. Ligo.. ayos… bihis. Need to leave the house around 7:55 … para pagdating sa bus stop…eksakto sa dating nung bus.
I can also take the cab which is usually what I do – from bahay to opis - cab fare costs around SGD$14.. non-peak ito. Pag peak hour (7:30 am to 9:30 am) —aiyah…. sobrang mahal. May normal flag down na SGD$2.80 (or 90.. di ko matandaan)…. then yung normal na rate…. Pero on top of that you need to pay 30% of the normal rate for the rush hour charge. Di pa diyan nagtatapos — you have to pay pa the ERP or the road tax. May bayad ang paggamit ng daan sa CBD during peak hours (7:30 to 10:00 a.m.) . The rate differs depende sa time ng pagdaan… pag mga 8:30 -9:00… around SGD$2.50 in total… 2 kasing ERP gantry ang dadaanan bago makarating sa opis ko. Suma-tutal — mga SGD$22 siguro. Depende pa yan sa traffic ha — contrary to what others think – may traffic din dito sa land of Zoe Tay. Aiyah — nagtataxi naman ako — pero parang hindi ko makayanan magbayad ng ganito kataas.
Bakit ako masyadong affected? Anong oras ba ako dumarating sa opis? Do I really need to tell? Baka kasi isumbong nyo ako sa amo ko e. Ang pag-usapan na lang natin ay kung anong oras ako gumigising. Anong oras ako gumigising? Hmm.. sabihin na lang natin na halos araw-araw ay ginigising ako ni Ellen Degeneres dahil magsisimula na ang show niya sa Starworld. Kung Pinas point of view naman — naku.. di ko alam … pero for sure – tapos na ang Umagang Kayganda ay hindi pa nagsisimula ang umaga ko.
Ano? Late naman ako sobrang pumasok? Hindi ba ako nahihiya sa kumpanya? Bakit hindi pa ako natatanggal? O…teka lang… hinay-hinay ang tanong. Wag masyadong judgemental. Sabi nga ni Melanie Marquez – Don’t judge my brother.. he’s not a book. Para lang akong encyclopedia sa dami ng kaalaman…. pero tao talaga ako (hindi isang Lobo!). May paliwanag (o palusot.. depende kung kaninong point of view). I work late naman. I normally go home around 8:00 p.m. Yung work ko kasi ay very active maka-lunch till early evening — since I am more involve sa mga panahon ngayon sa Middle East and European countries. Isa pa — hirap din ako gumising ng maaga dahil I normally go to sleep around 2:00-3:00 a.m. For some reason — hindi ko kayang matulog nga maaga pag dumating na ako sa bahay. Hindi ba ako nahihiya sa aking mga bossing? Nahihiya din naman – sometimes…. Kaya dapat puro quality work ang aking ibigay… work smart ika nga….. Kapag maayos ang work – napapagbigyan na rin naman nila yung aking pagiging habitual later comer. Bakit hindi pa ako natatanggal? Kasi ako may-ari ng kumpanya — hehehe… joke…. ewan. Maybe because I am doing a good job naman kahit lagi akong late.
Hay naku. Ganyan na talaga siguro ang buhay. Hirap siguro talaga ako gumising ng maaga. May kaniya-kaniya tayong ugaling hindi kagandahan — ang pagiging “huli” ang isa sa marami-rami ko ring masamang ugali. Hehehehe.
Meron nga palang sinabi si bagong amo naming dun sa pulong. Ito raw pulong na ito – ay magiging isang regular na weekly pulong na. Tuwing Biyernes ay may pulong kami na magsisimula ng 9:30 a.m. ng umaga. @#%#@#@ — yang lang ang masasabi ko. Namiss ko tuloy yung dati kong amo – saan man siya narooroon ngayon. Ngayon – tuwing biyernes — kailangan kong hilahin ang aking hindi kaliitan na katawan pabangon sa aking higaan para lang pumasok ng maaga at makipagpulong ng mga walang kwentang bagay. As in tuwing biyernes. Ito ba ang parusa sa akin ni Remus? Hello – hindi ako lobo… hindi ako Luna… Ang bilis talaga ng karma. Hay naku.. ano yung sinabi ko sa isang blog entry ko dati? Favorite ko ang Friday? TGIF? TGIF your face! I hate Friday!
P.S.
Lalong napatunayan ang haka-haka ng lahat na hindi ako morning person. Sabi ng isa kong kagrupo – wala daw akong ginawa kung hindi mag-scowl kanina sa pulong. Buti na lang daw at nasa gilid ako nakaupo at hindi kita ng sangka-amuhan. Isa lang ang sagot ko diyan — magbiro na kayo sa lasing – wag lang sa akin na maagang nagising! J
Posted by rollypollypanini