Face-Off

July 30, 2008

PDA S2 update muna tayo. Mukhang exciting ang darating na gala night ah. Labanan kung labanan ika nga. Though a little unfair – (Laarni or Liezel on the bottom 5?) – it gave excitement to the season that I almost gave up on. Sa waka – ang iniintindi na ng mga scholars ay ang kanilang style sa pagkant at ang technique sa tamang paghinga. Akala ko matatapos ang season na ang highlight ay ang unrequited love ni Bugoy, ang loveteam na Van at Hansen o ang hindi pag-on ng freezer ni Laarni. Finally – hindi na PBB ang palabas.

Bilang preparasyon sa mahigpit na salpukan sa darating na Sabado. Repasuhin muna natin ang mga magkakatunggali.

1. Fight to watch out for? Kailangan pa bang itanong – Liezel v.s. Laarni. They are definitely 2 of the top 3 scholars sa season na ito. Liezel has a very good voice – no doubt about that. Nga lang – medyo kulang sa personality itong scholar na ito. Hindi sya masyadong nagmamarka. Kahit nga lagi siyang star scholar – I often forget her name. Lalo na nung nasa loob pa si Sheng. Nalilito ako sa kanilang dalawa. Nag-grow naman sa akin si Laarni. Siguro dahil sa lagi na lang siyang inaapi nina Inyuckie. Hmp. Unang dinig ko sa boses nya — hmmm swabeng-swabe ang dating a. Kulang lang sa confidence. During the first few weeks – we saw Laarni’s worst. Walang confidence. Iyak ng iyak. Walang pakisama etc. etc. Pero somehow – pagkatapos ng kaniyang meltdown – a new Laarni emerged. Yung Laarni na determinado. Yung may tiwala sa sarili. I see hunger in her eyes. She’s determined to win this. And it shows in her singing. Would Liezel make us Listen? Or sabihin natin na Hindi natin kayang tanggapin na mawala si Laarni sa piling natin? – My verdict— well Liezel have the “favorite ng juror” luck on her side but I do think it will be Laarni’s night.

2. Bugoy vs Epal este Apple. I don’t like Apple. Epal siya. Hilig pang magpa-cute. But I will try my very best to be objective. Apple is a “middle” performer. Hindi magaling. Hindi rin naman walang boses. Ang hindi ko gusto sa kaniya ay ang lack of sincerity with her performance. Yun bang hindi ako naniniwala na naniniwala siya sa kinakanta niya. Bukod pa sa talagang ayaw ko siya (pasensiya na… di ko napigilan). Bugoy… he’s my early favorite. Voice? Galing! Itsura? Galing ng voice! Bugoy’s voice is his main edge. Natural talent kasi. Tapos ngayon tinuturuan pa siyang mag-relax ni Teacher Kitchie – you can only expect him to get better. Medyo kailangan lang niyang mag-focus more sa pagkanta at tigilan muna ang pag-iisip ng sobra. Hirap lang kasi – mukhang medyo nagdadalaga…este nagbibinata si Bugoy. Mukhang in-love e. Hopefully – he’ll be able to learn to focus more on his diction which is his waterloo. Medyo bawas-bawasan din ang kulot-kulot na kanta. He’s good at this – pero it’s high time he can sing straight (pun not intended) as well. Ang tanong (ang sagot!) – matuwa kaya tayo at sabihin kay Apple na “we are family” o sabihin nating hindi Nakapagtataka na si Bugoy ang manalo. Tingin ko – go go Bugoy!

3. Van-Sen no more?. Isa ito sa mahirap na banggaan. Halos pantay kasi ang kakayahan ng dalawang ito. Voice quality is good… not great… but good. Van is on a slighter edge as he can do more with his voice. Mas edgy din siyang tingnan when performing. Hansen is too “nice”. At sabi nga – nice boys finish last. Will Van’s performance put us through the fire or will Hansen shed his nice boy image and shake his bon-bon to victory. My vote – Van will win… by a mole.

4. Bunny-Cris Cat-fight. Cris is a disappointment. Meron siyang tendency to choke during gala presentation. Pag practice — seksing-seksi…. Pero pag actual na – akward. Her voice shows little improvement. Parang takot na takot siyang ibigay ng todo. Bunny is slowly reinventing herself. She’s trying to use her problem (the cyst in her throat) to her advantage. Medyo natutuwa na ako sa boses niya. It has this certain texture na madalang natin marinig. A velvety voice … and some sexy moves – she can definitely be the dark horse. Will we be Satisfied with Bunny’s performance or forgive Cris for making it rain men.

5. Miguel/Inyaki Face-off. Okay. Congratulate me. I wrote Inyaki… not Inyuckie. And that takes a lot of self control on my side. Miguel is the serious scholar. Siya lang ang nakikita ko dati na nagseseryoso sa mga lessons sa loob ng Academy. Kita mo sa kaniya na he really wants to learn.. to improve on his craft. His only hindrance – he’s a little boring. Voice quality is okay. Personality is not really a dud…. Pero boring. Parang si Ronnie Liang. Yun bang you’d rather knit… than watch his performance. Buti na lang at sinabi sa kaniya ito ni Direk Joey. Hopefully – this will wake him up and try to have a little fun. Inyuckie – lack of self confidence is never his problem. He’s got truckloads of them. His voice is mediocre – at best. His attitude – well he’s definitely far from sainthood. Will Inyaki (again.. congratulate me) do anything for the Love of the audience or Miguel’s performance be so good the Doves will cry? My bet – Miguel may have an edge – as I am expecting Inaki (whoa.. three times in a row….) will over-sing and over-perform.

Opps….. hindi pa tapos… 1 more face-off… 1 more winner to predict.

6. Laarni en Poy. Holly-holly-hoy! Poy’s got the powerful birit voice. Yun nga lang – she’s got the weapon but is not yet educated enough to use it. Laarni has 6 weeks of advance learning and the familiarity of the stage. She’s on the advantage here. Nga lang – Poy has the gulat factor on her side. We are yet to see kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay for a performance. This Saturday – who will be the one to tell us that she’s not going – that she’s here to stay. My bet – Laarni will triumph and become the night’s Dreamgirl.

Muli – ang lahat po ng ito ay akin lamang sariling opinion. Sariling pagmumuni-muni. Sariling pagninilay-nilay. Kung may mga hindi sang-ayon — expected. Di naman natin pwede i-please ang lahat. Ang sa akin lang — manood na lang tayong lahat sa darating na Sabado. Tingnan natin kung magkakatotoo nga ang aking mga fearless forecast. Alam kong medyo sablay ako sa pagpredict ng future – pero usapan lang naman ito. Walan seryosohan. Tulad ng dati — sa muli!


Why So Serious?

July 27, 2008

Napanood nyo ba ba ang The Dark Knight? I was able to watch it with a few friends couple of Fridays ago. Dahil sa first week of showing — hirap makakuha ng good seat sa sinehan – yun bang dead center of the cinema and medyo likod. Pero just the same – call us fortunate as we still manage to snag a set middle of the cinema – sa left side nga lang. Not the best place — but not so bad either. Ika nga – pwede nang pagtiyagaan. Kaysa naman center nga pero kita mo naman hanggang kahuli-hulihang tigyawat nung bida sa sobrang lapit mo sa screen.

Anyway – balik sa Dark Knight – siguro naman ay alam ng lahat na si Batman ang Dark Knight na pinag-uusapan natin. Yung hindi nakakaalam – e ngayon alam nyo na. Yung hindi par rin nakakaalam kahit na sinabi ko na — wala na tayong magagawa. Mahirap gamutin kung ang sakit mo ay katangahan. Okidoks?

Anyway – ulit — balik tayo sa Dark Knight – ulit — I would suggest to those who have not seen it yet to go see it. Sabi nga – it’s a must see. Sobrang nagandahan ako sa pelikula na ito. This is Heath Ledger’s last movie before he died — and all I can say is that he ended it with a bang. Sobrang galing talaga niya sa pelikula na ito. Ibang klase ang atake niya sa role as the Joker. Jack Nicholson was wonderful as the Joker in one of the old Batman movies —– but Heath Ledger was ten times more. His portrayal is worthy of an Oscar nomination.. and possibly a win. He was so good na dapat — the movie title should be changed to Joker with the Dark Knight. He definitely stole the limelight from Christian Bale. By the middle of the movie – I no longer see Ledger playing Joker. I only see and loathed Joker. That’s how effective he is.

Christian Bale for me is the best Batman so far. I liked his subtle arrogance – yung mga simpleng clenching of the jaw or pagtinging-tingin. His eyes effectively convey the pain and dilemma of being Batman.

What’s good about the movie is that they were able to humanize the characters. They where able to show who Joker really is – a villain who is doing all these terrible things just for the pure fun of it. Joker saying “You complete me!” is just plain genius. Goodbye Tom Cruise — hello Heath Ledger. Two-face may have been overshadowed by Joker in the movie – but his back-story is well written as well. Nakakaawa rin si Batman with his constant predicament on whether he’s doing the right thing or not. I also loved the film’s take on the innate goodness of human beings. The movie was able to show complex emotions minus the cliches.

If I need to say something bad about the movie — nitpicking na lang kung baga – it would be casting Maggie Gylenhall. She’s not bad actually. Nga lang – I do believe na there are other actresses who can play the part better. Medyo kasi hindi kapani-paniwala na pinag-aagawan siya nina Batman at Two-face. Second — Batman’s voice. Hmm… sobrang husky ha. Naalala ko tuloy si Lady Elle. Hmmm… Lobo anyone? Pero sabi ko nga – sinabi ko na lang ito para lang may masabing pangit.

After watching the movie – sobrang exhausted ako. I felt consumed by the film. Parang kasama akong tumatalon-talon at tumatakbo-takbo ni Batman. Hay. What a film. I so loved this film that I wanted everyone to see it. Kung hindi nyo pa ito napapanood — stop whatever it is you are doing and go to the cinema nearest you. Go watch this movie. O… ano pa hinihintay mo.. go.. watch. Wag nang makulit. Makuha kayo sa tingin!


Kaytagal

July 18, 2008

Medyo may katagalan na rin pala nang huli akong nagkaroon ng entry dito sa aking blog site. Pasensya na po aking loyal (?) reader/s. Medyo bisi lang po ng kaunti. Napansin na kasi ng aking amo na nag-eexist pala ako. Napag-isip-isip niya siguro na sayang naman ang minimum wage (ok.. fine.. a little higher than the minimum wage) na ibinabayad niya sa akin kung maghapon lang akong ngingiti dito sa aking cubicle. Kaya ayun – medyo sinusulit nila ako ng sobra. Hay. Kapagod.

Dahil sa lecheng work na ito — wala na tuloy akong panahon para sa iba pang mga bagay tulad ng sports (considered sport naman ang sleeping di ba?), travel (papunta sa mga cubicles ng mga kaibigan) and meaningful conversations (pakikipagtsismisan). Wala na rin akong time na magsulat dito sa aking minamahal na blog.

 

Maari ninyong itanong – hindi na ba ako bisi at nakapag-blog na ako? Bisi pa rin – pero nabagsakan po ako ng katam(aran). Kaya ako ay may sakit sa bato(gan). Saka naawa rin naman ako sa iilang tao na may interes malaman kung ano ang nangyayari sa aking walang excitement na buhay. O yung mga ilang nilalang na nagnanais malaman ang aking nasa isipan upang kanila itong maging gabay sa paglalakbay sa daan na kung tawagin natin ay buhay.

 

Ano-ano nga ba ang mga karunungan na nais kong ibahagi ngayon :

1. Kahit na hindi man nakapasok sa Wimbeldon finals ang aking asawa  – ay mahal na mahal ko pa rin siya. Sino ang asawa ko? Nope hindi po si Mauresmo. Alam naman ng lahat na ilang taon na rin kaming hiwalay ni Martina (Hingis po hindi Navatrilova). Akala ko nga ay hindi na ako iibig pang muli — pero ako ay nagkamali. Kailan lang ay lihim kaming nagpakasal ni Ana Ivanovic. O… wag kayong maingay ha. Secret yan. Sa aking minamahal na Ana – oks lang yun – French Open champion ka na naman e. Saka maganda ka naman e.  Pabayaan mo nang manalo yung mga hindi kagandahan. Isipin mo na lang – mahal naman kita e.

2. Sulit na sulit ang aking pagpupuyat sa Wimbeldon finals. Galing galing. Medyo worried na ako nung isa-isang natatanggal ang mga seeded players. Buti na lang at nakabawi sa dulo. As usual – the Williams sister delivered first class tennis. Husay. Medyo matamlay lang si Serena. Parang kulang sa hunger. Kaya medyo sablay siya. It was Venus moment talaga.  Galing din ng men’s finals. Galing nina Nadal at Federrer. Gusto ko sana si Federrer ang manalo – para mabreak niya yung longest consecutive Wimbeldon wins. Pero ganun talaga.  He’s not himself on the first 2 sets. Pero bumawi naman siya sa dulo. Nga lang – medyo kapos. Nanalo tuloy si Nadal a.k.a. Wedgie boy.  Pramis. Medyo disturbing ang lagi niyang paghawak sa kaniyang booty. Sugestión ko lang sa kaniya – one size bigger undies… para walang wedgie.. para hindi na kalabit ng kalabit ng booty. Sabagay – baka nandun ang swerte.

 

3.  After much delay – I was able to watch the highly anticipated (well for some) SATC – The Movie. Ano masasabi ko? Sabihin na lang natin na – parang ang tagal nung movie. Magagandang damit – fine. Magagandang sapatos – who cares.  Where’s the nudity?  (hey.. throw the male viewers a bone or two..)Where’s the snappy lines? Where’s the story? One thing’s for sure –all the designer clothes, skyscraper shoes and ridiculous hats cannot hid the film’s lack of substance. It pales in comparison to the series. Let’s just hope that Friends – the movie will not follow the same fate.

 

4.  Sa usapang PDA – katawa si Bugoy. Mukhang in-love. Kanino kaya? Sabi niya kay Liezl daw. Hmm. Sige na nga. Naniniwala na nga ako. Hindi ko na sasabihin na ang suspetsa ng nakararami ay either si Hanser or Van or both.  Anway – kahit papaano ay hindi pa rin naman ako inis kay Bugoy. Sana lang ay tigilan na niya ang love-love at friendship-friendship na yan. He should follow Miguel’s advice. Never loose track on the reason why he entered the Academy. To sing. To improve on his craft. Financial stability. Fame and Fortune. Hindi to make new friends. Bakit? Balak ba niyang manalo na Ms. este Mr. Friendship?

 

5. Dahil sa patuloy na pagtaas ng aking sweldo – este gasolina (o.. baka may maniwala naman na pataas ng pataas ang aking sweldo…  dyok lang po iyon. Kayo naman… di na kayo mabiro) — meron na ring fuel surcharge ang taxi dito sa Land of Black Pepper Crab. Yup. Para na rin siya ngayong eroplano. Susunod pati ang bus magkakaroon na rin. Tapos MRT. Siguro naman ang bisikleta e hindi magkakaroon no? Magkano? 30 cents lang naman kaya wala pang masyadong nag-aaklas. Ang hindi ko gusto ay yung “ will be adjusted depending on the price of oil from the world market”. Hay – bakit ba kasi wala pang mag-aral na gamitin ang body odor ng mga ***** bilang alternative source of energy e. (Naku – wala naman sanang na-offend.)

 

6. Music updates? Hmm.. sa ngayon —  Viva La Vida (Coldplay), Crank That (Soulja Boy), 4 Minutes (Madonna/Justin Timberlake), Bubbly (Colbie Caillat), No Air (Jordin Sparks/Chris Brown), Always Be My Baby (David Cook).

 

7. Kilala nyo na ba si Moymoy Palaboy? Ako nung una – hindi rin…until I recently come across an article in the Phil Daily Inquirer. Apparently – they are the newest toast of You Tube-town. Nacurious tuloy ako. Kayo? Sa mga na-curious — I included below the link to the Inquirer article. Isinama ko na rin ang ilang You Tube links.  Sa mga hindi na-curious — I included below the link to the Inquirer article. Isinama ko na rin ang ilang You Tube links. Sa mga hindi pa makapagdecide kung na-curious sila o hindi — I included below the link to the Inquirer article. Isinama ko na rin ang ilang You Tube links. Sa mga nakakakilala na kay Moymoy and is currently rolling their eyes while thinking – aiyah – old news what — I included below the link to the Inquirer article. Isinama ko na rin ang ilang You Tube links. Clear?

 

http://showbizandstyle.inquirer.net/entertainment/entertainment/view/20080709-147434/Moymoy-Palaboy-superstar

http://www.youtube.com/watch?v=IVrIV4SkXYY

 

http://www.youtube.com/watch?v=sJzUsiOx36w&feature=related

 

http://www.youtube.com/watch?v=EI6QR6hAaR0&feature=related


8:45 a.m.

July 6, 2008

Maaring itanong nyo – ano ba ang significance ng 8:45 a.m.? Importante ba ito sa aking buhay? Ganun ba ito kahalaga  to merit one full entry devoted entirely to it? Ano? Ano? Sumagot ka? Anooooo?

 

O siya. Tama na ang drama. 8:45 a.m. Yan ang oras nang pagdating ko sa opisina ngayong araw na ito. J  Hmm. Ibaba ang mga kilay. O… wag nang igulong ang mga itim ng mata. Tulad nga ng lagi kong sinasabi — walang pumipilit na basahin ninyo ang blog kong ito.

Anyway —- balik sa 8:45 a.m. Maaring magtanong kayo ulit — e ano naman ngayon kung 8:45 a.m. ako dumating sa aking opis. E 8:30 a.m. nga ang aking official office time.  Kung tutuusin ay late pa nga ako ng 15 minutes.

Well —– (pansin nyo.. parang magandang simulan ang isang pangungusap ng “well”… wala lang… parang maganda ang sasabihin ng pangungusap….well e… ako lang ba ang nakaisip nito? O kayo din?) —- balikan natin ang 8:45. Isang momentous event para sa akin ang dumating ng 8:45 a.m.  Sabihin na lang natin na kung ako ay naging isang ibon – malamang na wala akong naabutan na bulate araw-araw. Kung kaya’t malaki ang aking pasasalamat na hindi ako isang ibon.  Bukod sa may phobia ako sa heights — mamatay din ako sa gutom dahil sa hindi ko laging maabutan ang early worms. Unless – may late worms din! Aha.. Hindi ko naisip yun. But still —- ayaw ko namang makilala na ibong mababa ang lipad. Lalo na kung kalapati ako. Unless (ulit!) isa akong ostrich. So hindi talaga ako lumilipad. At mabilis pa akong tumakbo. Hmm.. Maybe being a bird is not that bad after all. 

 

Teka lang. Bakit ba napunta sa ibon ang usapan. 8:45 a.m. Yan ang dapat nating maging focus. Maari ninyong itanong muli – bakit naman maaga ako dumating sa aking selda..este opis (I love my work. I love my work – repeat 10x). Well (ulit!) – yun kasing bago naming amo — medyo OA. Mayroon kaming group meeting ng 9:30 a.m. Hmp. Wala bang nakapagsabi sa kaniya na walang matinong tao na nagpapameeting ng 9:30! Ha! Ha!

 

Dahil sa may kalayuan ang aking tirahan sa aking opis – kinakailangan na maabutan ko ang 8:00 na special express bus na dumadaan sa bus stop malapit sa aming bahay at dumadaan din sa harap ng aking opis. Mayroon lang 3 trips in the morning – yung route kasi nito ay papunta sa businesss district. Special siya para sa mga nag-ooffice sa CBD. Pag naabutan ko ang bus na ito – guaranteed na nakaupo ako (parang sinehan ba – guaranteed seats… no standing allowed). Bakit guaranteed seats – mahal din kasi ang bayad – SGD$ 4.  Travel time will take around 30 to 45 minutes. Express pa yan ha. 

 

I can actually take the MRT. Much cheaper.. will probably cost half of that. Kaso – I have to walk couple of blocks from our house to the MRT station (which is actually okay)… take the MRT na punuan na dahil sa rush hour…. Travel for around 30+ minutes… baba.. transfer to a free shuttle …. baba.. opis na. Ang ayaw ko dito – daming lipat-lipat. And nakatayo pa sa MRT. Mas mura nga – pahirap naman. Kaya I still prefer the Expess Bus. Para maabutan ko ang 8:00 bus – I need to wake up around 7:15 a.m. Ligo.. ayos… bihis. Need to leave the house around 7:55 … para pagdating sa bus stop…eksakto sa dating nung bus.

 

I can also take the cab which is usually what I do – from bahay to opis  - cab fare costs around SGD$14.. non-peak ito. Pag peak hour (7:30 am to 9:30 am) —aiyah…. sobrang mahal. May normal flag down na SGD$2.80 (or 90.. di ko matandaan)…. then yung normal na rate…. Pero on top of that you need to pay 30% of the normal rate for the rush hour charge. Di pa diyan nagtatapos — you have to pay pa the ERP or the road tax. May bayad ang paggamit ng daan sa CBD during peak hours (7:30 to 10:00 a.m.) . The rate differs depende sa time ng pagdaan… pag mga 8:30 -9:00… around SGD$2.50 in total… 2 kasing ERP gantry ang dadaanan bago makarating sa opis ko. Suma-tutal — mga SGD$22 siguro. Depende pa yan sa traffic ha — contrary to what others think – may traffic din dito sa land of Zoe Tay.  Aiyah — nagtataxi naman ako — pero parang hindi ko makayanan magbayad ng ganito kataas.

 

Bakit ako masyadong affected? Anong oras ba ako dumarating sa opis? Do I really need to tell? Baka kasi isumbong nyo ako sa amo ko e. Ang pag-usapan na lang natin ay kung anong oras ako gumigising. Anong oras ako gumigising? Hmm.. sabihin na lang natin na halos araw-araw ay ginigising ako ni Ellen Degeneres dahil magsisimula na ang show niya sa Starworld. Kung Pinas point of view naman — naku.. di ko alam … pero for sure – tapos na ang Umagang Kayganda ay hindi pa nagsisimula ang umaga ko.

 

Ano? Late naman ako sobrang pumasok? Hindi ba ako nahihiya sa kumpanya? Bakit hindi pa ako natatanggal? O…teka lang… hinay-hinay ang tanong. Wag masyadong judgemental. Sabi nga ni Melanie Marquez – Don’t judge my brother.. he’s not a book.  Para lang akong encyclopedia sa dami ng kaalaman…. pero tao talaga ako (hindi isang Lobo!). May paliwanag (o palusot.. depende kung kaninong point of view). I work late naman. I normally go home around 8:00 p.m. Yung work ko kasi ay very active maka-lunch till early evening — since I am more involve sa mga panahon ngayon sa Middle East and European countries. Isa pa — hirap din ako gumising ng maaga dahil I normally go to sleep around 2:00-3:00 a.m. For some reason — hindi ko kayang matulog nga maaga pag dumating na ako sa bahay.  Hindi ba ako nahihiya sa aking mga bossing? Nahihiya din naman – sometimes…. Kaya dapat puro quality work ang aking ibigay… work smart ika nga….. Kapag maayos ang work – napapagbigyan na rin naman nila yung aking pagiging habitual later comer. Bakit hindi pa ako natatanggal? Kasi ako may-ari ng kumpanya — hehehe… joke…. ewan. Maybe because I am doing a good job naman kahit lagi akong late. 

 

Hay naku. Ganyan na talaga siguro ang buhay. Hirap siguro talaga ako gumising ng maaga. May kaniya-kaniya tayong ugaling hindi kagandahan — ang pagiging “huli” ang isa sa marami-rami ko ring masamang ugali. Hehehehe.

 

Meron nga palang sinabi si bagong amo naming dun sa pulong. Ito raw pulong na ito – ay magiging isang regular na weekly pulong na. Tuwing Biyernes ay may pulong kami na magsisimula ng 9:30 a.m. ng umaga. @#%#@#@ — yang lang ang masasabi ko. Namiss ko tuloy yung dati kong amo – saan man siya narooroon ngayon.  Ngayon – tuwing biyernes — kailangan kong hilahin ang aking hindi kaliitan na katawan pabangon sa aking higaan para lang pumasok ng maaga at makipagpulong ng mga walang kwentang bagay. As in tuwing biyernes. Ito ba ang parusa sa akin ni Remus? Hello – hindi ako lobo… hindi ako Luna…  Ang bilis talaga ng karma.  Hay naku.. ano yung sinabi ko sa isang blog entry ko dati? Favorite ko ang Friday? TGIF? TGIF your face! I hate Friday!

 

P.S.

 

Lalong napatunayan ang haka-haka ng lahat na hindi ako morning person. Sabi ng isa kong kagrupo – wala daw akong ginawa kung hindi mag-scowl kanina sa pulong. Buti na lang daw at nasa gilid ako nakaupo at hindi kita ng sangka-amuhan.  Isa lang ang sagot ko diyan — magbiro na kayo sa lasing – wag lang sa akin na maagang nagising! J