Bakit?

June 26, 2008

Bakit? Yan ang tanong nga ilan sa akin. Bakit daw ako inis sa mga PDA Scholars Season 2 na sina Bea, Apple, Inaki at Christian.  Bakit? Magpaliwanag ka? Yan ang sigaw ng ilan sa akin. Hmmm. E bakit ba kayo nakikialam. Sa gusto kong mainis sa kanila! 

Joke lang – meron po akong magandang dahilan kung bakit. Pero bago ko ito himay-himayin…. Meron pa pala akong idadagdag sa listahan na ito — yup… meron na naman isang Scholar na medyo gusto kong palayasin na. Sino? Si Jet.(Previous blog updated – isinama ko na picture ni Jet). Siya ang kumumpleto sa aking Circle of 5 scholars na mas magandang ipadala sa buwan at wag nang pabalikin. 

Iisa-isahin ko ang mga scholars na ito at bakit ko sila kinaiinisan. Tandaan — ang pagkakasunod-sunod ay batay sa kung sino ang least kong kinaiinisan hanggang sa pinaka-kinaiinisan ko — as of this writing… pwede pang magbago ito sa padaan ng panahon. Malay nyo – pagdating ng panahon… baka ikaw din at ako… baka tibok ng puso ko’y maging tibok ng puso mooooo……..  Pasensya na – na-carried away lang. San na nga ba ako — hmm… ayun.. sa Cicle of 5.

5th spot – Christian. Wala lang. Tigilan na ang kaiiyak. Nakakairita na. Fine. Lasenggero ang Tatay mo. Fine – hindi ka lumaki. Well — shit happens. Hindi lang ikaw ang nakaranas ng mga masasamang bagay sa iyong buhay. Hindi mo na kailangan na ihayag ito sa lahat ng nilalang.  It would have been better if you own this bad experiences and use it pag nagpeperform ka. Tama na ang pa-awa effect. Sa PBB lang yun nagwowork.

4th spot – Apple. I don’t find her pretty. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit ko siya ayaw. Medyo may pagkamaarte po ang batang ito. Ramdam niya na maganda at magaling siya. Vocally – not that impressive. Looks – so-so.  Performance – walang sincerity. Parang every movement is pinagisipan. Pinag-aralan. Natatandaan nyo ba yung bata sa Little Big Star na naging kapatid ni Sarah Geronimo sa Bituing Walang Ningning. Micah yata ang pangalan nun. Kung natatandaan nyo — pag medyo tumanda na ang batang yun – si Apple ito.  Ugali wise – di rin kagandahan. Bait-baitan. Pero pag may tsismisan naman – ayun for sure ay kasama siya.  Para ding anino ni Bea — hehehe – de ja vu…. Saicy ? Is that you?

3rd spot – Jet. Nung una kong nakita itong scholar na ito sa top 30 – naisip ko na mukhang hidi boring ang personality nito.  Voice wise ay passable naman. May looks naman kahit papaano. Nung nakapasok — parang okay lang. I was wrong. Mas mainam pala na hindi siya nakapasok. Lagi tuloy malamig sa loob ng bahay. Grabe sa yabang ang tao na ito. Medyo sumobra sa confidence. When he said that he’ll join One Voice kasi magagaling ito at kung sa Pupilars siya sasali ay baka mag-depend lang ito sa kanila — whoa …. may feeling great. Sabi ko nga – sobra naman ito…. Pero he proved me wrong — hindi lang pala hangin ang dala niya… twister! Habang dumadaan ang panahon – lalong lumalabas na Hambog ang middle name niya. Medyo ma-feeling. Just yesterday – Uberture showed him — saying na partida pa raw yung performance niya last Saturday since it’s not his niche song. As in pag kinanta na raw niya yung expertise nya— the jurors will surely feel it… parang whoaaaa feeling daw. Hmmm….. first and foremost — his performance last week is comedic… hindi po siya magaling.  Secondly – walang masamang magbuhat ng sariling bangko – pero bangko lang. Hindi sinabing magbuhat ng sariling sofa set… or dining set. Tsk..tsk.. hindi pa nga sumisikat — ma-ere na. Ano pa kaya kung sumikat ito. Sa mga fans ng taong ito – wag nyo siya regaluhan ng sombrero – mukhang malaki pa ang ilalaki ng ulo ng taong ito.

2nd spot – Bea. Valdez ba ang surname ng scholar na ito? Kaugali kasi ni Wendy e. At least si Wendy – galing squatter … kaya salat sa breeding. E itong si Bea – what’s her excuse? Di ko magets kung bakit niya pinagdidiskitahan si Laarni. Okay – fine – granting na medyo weirdo si Laarni — e bakit pa niya pinapatulan. Bakit hindi na lang niya deadmahin. Bakit siya insecure masyado. Wala namang issue ang pagiging mataray — pero may difference ito sa kasamaan ng ugali. Insecure siguro itong Bea-tch (sorry… hindi ko na talaga mapigilan) na ito kasi pasable lang ang boses niya samanatalang si Laarni ay sinabiha na one of the two grirls with the best voice. Hindi naman siguro siya insecure sa looks ni Laarni — kasi … kahit inis ako sa kaniya… maganda naman siya. Yun nga lang — pangit on the inside. Hmp.  Pansin ko lang – gusto niya lagi na siya ang center of attention. Mahilig mag-bait-baitan. Feeling niya lagi na “good” ang intentions niya and yung ibang tao ang mali… sabi nga ni Josef — Helloooooo!!!! Mukhang kailangan na medyo batukan itong scholar na ito para magising sa katotohanan na hindi siya ganun ka-espesyal. 

1st spot – Inaki.  Or also know as “InYUCKIE”. Yuckie talaga ang scholar na ito. I am really wondering bakit ito nakapasok.  His voice  is mediocre. Walang dating. His performance is terrible. Wala talaga. Sa loob ng bahay —- he rivals Jet sa kayabangan. He feels that he is above everyone else. Feeling gwapo. Feeling great – looking bad naman.  Wala siyang redeeming quality para sa akin.  Isa lang ang dapat niyang gawin para maging maligaya ang mga manonood —- get out of the academy and never … EVER… show his face in public again. 

Yan ang aking Circle of Five – na kinakainisan.  Para sa akin ay mga valid reasons yan para kainisan ko sila. At lahat ng 5 ito ay nasa One Voice…. kaya lagi akong kampi sa Pupilars! Sana nga ay magpalipat na lang si Laarni sa Pupilars – baka medyo mabawasan ang pag-iyak nito at pag-self  pity…..

Sa mga fans naman  ng limang ito… opinyon ko lang naman po ito. Baka naman malaman ko na lang na pinaghaha-hanap nyo na pala ako. Kaniya-kaniya lang ng opinyon. Kung may opinyon kayo — isulat nyo sa blog nyo. Understand?