My Night with the Maestro

June 19, 2008

Medyo napapadalang ang aking pagsusulat sa blog kong mahal. Medyo marami kasing ginagawa e. Pasensya na po. Tao lang. Napapagod.  Nangangailangan ng inyong pang-unawa at habag. J Wow – sobrang drama. Hinihintay ko na lang na biglang makarinig ako ng background music — “Dito ba?…. Dito ba? Dito baaaaaaaaaaa……..”.

Anyway — tama na muna ang drama. Baka bumalik pa si Maningning at mapilitan akong patayin siya sa inis.  Mag-kwento muna ako. Game?

Last Friday – ay hindi ako umuwi diretso ng bahay. Yup. Tutuo po ang himala – kaya continue lang sa paniniwala. San ako nagpunta? I decided to spend a couple of hours with the Maestro. What a night. Pure nirvana with every touch.  Grabe. Ang galing ng bawat pindot…ng bawat haplos. It’s one orgas…este good experience.

O… bago kung ano pang isipin nyo — concert po ang pinuntahan ko. Ryan Cayabyab had a one day concert here in the land of  Increasing ERP Charges. Together with him is the Ryan Cayabyab Singers or RCS.  Ang galing talaga ni Mr. C. Talagang ramdam mo yung pagtugtog nya ng piano – considering na hindi pa grand piano ang gamit nya. The RCS? Hmm… nung mga simulang kanta – medyo hindi impressive. Dama kasi ng audience yung kanilang kaba. Vocally din ay parang medyo kulang pa sa harmony. But they did redeemed themselves nung medyo nagtatagal na yung concert. Siguro kasi naging confident na sila.

I loved the  “Kailan” rendition of Kyla. Sobrang nafeel ko yung emotions nya. Awang-awa nga ako sa kaniya to the point na gusto ko siyang puntahan sa stage at tanungin kung sino ba yung hindi pumapansin sa kaniya.  Gusto ko nang ako ang magpakilala kung sino man yun – para naman hindi na siya malungkot.  The best number for me is the “OPM love songs” medley. Pure genius ang arrangement nung medley na ito. Ang galing nung paglipat from one song to another – smooth na smooth ang transition. Hindi mo aakalain na they are singing 10 or so different songs kasi ang galing nung pagkakadugtong-dugtong. Another masterpiece from Mr. C.  Magaling din yung Les Miserables number nung RCS. They have shown great vocal range sa number na ito. Talaga lang nga siguro kabado sila nung first part of  the program kaya medyo hindi ganun ka-impressive ang mga boses.

There was a portion where Mr. C sang a few lines of his compositions/songs…. with matching audience participation pa.  Mukha ngang prepared and audience (including me) kasi we were able to sing-along with him.  Meron ding song na sinulat si Mr. C specifically for that show. Nakakatuwa din. Tungkol ito sa dahilan kung bakit siya pumayag mag-concert sa Singapore… why he agreed to meet friends etc…bottomline – he agreed only because of one thing – Singapore’s famous gastronomic treat— Pepper Crabs. Hehehe. Mahilig pala si Mr. C sa Pepper crabs — hmmm… personally I prefer the Chilli Crabs… with deep fried bread….. and ice cold Coke! Aiyah…. So hungry!!!! Hay… iniisip ko pa lang ay inaatake na ako sa puso…. ang gamot … bilis….

All in all — it was a great night. It was nice to hear OPM songs for a change.  Lalo na at nandito kami sa ibang bayan -  puro imported ang tugtog. Sakto din na katatapos lang ng June 12 – (Philippine Independence Day…. Para sa mga hindi nakakaalam). Para tuloy kaming nakasali sa Independence Day celebration. Of course — nakatulong din sa “independence day” feeling yung couple of  “nationalistic” songs na kinanta nila. Tagal ko na ring hindi narinig yung song na “Magkaisa”. Medyo  naisahan lang kami ni Mr. C dun sa final encore song of the night. It was a song written by Mr. C nung Centennial Celebration ng Phililppine Indepence Day… not sure of the title.  We were listening to the song —- tapos nung medyo patapos na ito – biglang singit sa Lupang Hinirang. O di ba? Tayuan tuloy kaming lahat – with matching kamay sa dibdib. Hehehe…. Ayun – the night ended with a standing ovation! Hehehehe…. Sneaky si Mr C.  Sabagay — may gimik man o wala — we would have given him a standing ovation. It’s the proper way… no.. let me rephrase that …. It’s the only way to end such a wonderful evening with a true Maestro.