Bago matulog…ilan munang pagmumuni-muni
- Tama ang hula ko! Sina Robi, Nikki, Beauty at Ejay nga ang Teen Big Four. Sayang at natanggal si Alex. Pero ganun talaga – Ejay peaked at the right moment.
- Forecast? It will be Robi, Nikki, Beauty, Ejay — in descending order. Hintayin na lang natin ang Sabado para malaman kung may future talaga ako fortunetelling business.
- Bakit kaya pagnagtratransform from human to lobo ang mga lobo sa Lobo (gulo!) ay nawawala ang damit? San ito napupunta? Pagnagtransform back naman sila to human form ay nakikita nila ulit ito. Hmm.. weird
- Bakit kaya si Lyka (played by Angel Locsin) ay laging naka-dress or palda. Alam naman niya na malaki ang chance na mapapalaban siya or magtatakbo. Bakit hindi na lang siya mag pants + rubber shoes. Di ba mas comfortable naman yun?
- Bakit kaya si Gabby (o Gabi? played by Shaina Magdayao) ay laging mukhang constipated sa Lobo? Yun ba ang role niya? Pag ba binasa natin ang script niya ay may nakalagay na “look constipated”?
- May new favorite ako ngayon… Family Guy. Naadik na ako sa adult cartoon na ito. O.. wag madumi ang isip. Hindi ito adult dahil kabastusan…. para siyang Simpsons….. Ang sama lang – 12:30 ng madaling araw sa Starworld ang time slot nito. Anyway – oks lang. Hindi naman ako nakakatulog ng maaga e. For more info on The Family Guy –
- Sa mga wala sa Pinas at hindi pa nakikita ang “controversial” Meralco commercial ni Judy Ann. Nagtataka lang ako at tinanggap ito ni Judy Ann. Wala bang nagsabi sa kanya na this is a disaster waiting to happen. Kahit sinong sikat at respected na nilalang pa ang mapanood sa ganitong commercial e medyo magiging nega ang dating. Medyo eng-eng din ang nagconceptualize ng commercial na ito. Hay.
- Ano? Anong concept ang gagawin ko? I would not defend the “system loss” charges. Ililihis ko ng kaunti — magfocus ako more on what the normal pinoys can do to minimize system loss which will then lower the system loss fee. Hindi mo pwedeng sabihin sa tao na dapat silang magbayad ng mataas sa bill nila dahil sa “legal ito” at “lahat naman naninigil nito”. Aiyah – hindi porke’t legal ay tama. Lalo na’t hindi dahil sa lahat ginagawa ito — will mean tama lang itong gawin. Hay ulit. They should explain system loss – maybe pahaging na by law ay kailangang bayaran ng consumer ang percentage nito — focus on yung percentage na binabayaran ng Meralco… then finish it with the possible ways na pwede pababain ang system loss charges. End the commercial on a positive note. Hay naku.
- Naku… baka tumaas lang ang aking blood pressure. Matulog na nga ako!
Sa muli…. 

Posted by rollypollypanini