Gaya ng Dati
Ngayong hapon – habang nanginginain ako ng aking French fries, umiinom ng Café Latte at nakikipag-huntahan sa aking mga peers – napag-isip-isip ko …. Yup… Kaya kong gawin ang lahat ng ito ng sabay-sabay. Isa yan sa mga skills na naipamana sa akin ng Siyudad. San na tayo? Ayun – habang ginagawa kong lahat ang sinabi ko sa unang pangungusap ng blog entry na ito — napag-isip-isip ko ang mga mumunting bagay na hindi ko na nagagawa. Munti man ito kung tingnan – ngunit – sa aking pagkakatanda - lubos na kasiyahan naman ang aking nararamdaman tuwing gagawin ko ito. Naisip ko rin – wala naman akong kapaki-pakinabang na ginagawa sa mga panahon na ito – why not try to squeeze one or two of them every now and then. Ano-ano ba itong mga bagay na ito. As usual – sa ayaw at sa gusto ninyo – ililista ko ito isa-isa :
1. The Singing Bee- Nung namigay ang Maykapal ng talento sa pagkanta – mukhang in deep sleep ako. Kung kaya’t sa kasalukuyan - kailangan soundproof ang kuwarto at extremely close friends lang ang nakakarinig pag ako ay magtatangkang kumanta. Mas kaya kasi nilang pigilan ang sarili nila na huway ibato sa akin ang anumang bagay na hawak nila sa oras na ibinuka ko na ang aking bibig. Ang irony ng lahat ng ito – tulad ng karamihang Pinoy – medyo mahilig sana ako kumanta. Bumili pa nga ako ng Magic Sing e. Pero mukha talagang kahit anong magic – I can’t sing. Ngunit-datapwat-subalit – mula ngayon – susubukan kong kumanta kahit na walang hilig ang pagkanta sa akin. Singing Bee? Wag naman – may hangganan ang pangarap.
2. Dance Dance Revolution. – I used to be an ok dancer nung ako ay medyo bata-bata pa …at thousand pounds lighter. Hindi naman ala-street boys or pang Step-up. Yung pag-groove-groove lang sa “disco”. Yung medyo pa-sway-sway side to side. I-spell ang YMCA using my hands. That kind of “dance” stuff”. Now that “disco” is a thing of the past – parang nasama na rin dito ang aking hilig na mag-party till the break of dawn. But still every now and then — I have this urge to go out – step on the dance floor – and “groove” like I’m back in the late 90’s. Well – napag-isip-isip ko – why not act on this urge? Siguro naman – hot pa rin sa dancefloor ang “Hey” ni Fatima Rainey. In pa rin naman siguro ang maki-spell ng YMCA. Ricky Martin? Fine – alam ko.. may hangganan. Sayang – trip ko pa namang isayaw ang Livin La Vida Loca.
3. Dial a Friend – I used to do this a lot . Pag bored and walang magawa — I’ll dial a friend’s number and asked them to go out for coffee or movies. Ngayon – di na. Bakit? During weekdays – wala ako sa mood na lumabas pa after a terrible day at the office. All I want to do is go home and be the couch potato that I always dream of becoming. During weekends – aside from the usual chores and hassles – sobrang tamad din ako lumabas. Wala naman kasi mapuntahang kakaiba dito sa land of Stephanie Sun. Alam ko – nagdadahilan na lang ako. Ang tutuo – tamad talaga ako. Anyway – one of this weekends – I’ll surprise old friends – call them for no particular reason and ask them to just hang-out. No shop talk as much as possible (though I think this is inevitable since ito ang big part of our life nowadays). Pwedeng trip to memory lane… pintasan ang mga ibang tao… and the likes. So kung friend kita – at binabasa mo ang blog na ito – you better watch out… you better not cry… you better not pout.. and I am telling you why…. I’m calling you one of these days… and I won’t take “No” for an answer !… Fine….Pwede ang “No” kung valid reason.
4. LOL - Nope. Hindi poi to shortcut ng pinoy cuss word na U*OL. Sa mga oldies na hindi naranasang mag-chat – LOL is Laughing Out Loud. I actually missed the days na tumawa ng sobrang lakas na everyone who heard it will say na ang saya mo naman sobra. Actually – hindi pala tawa — kung hindi halakhak… yung malutong na malutong na halakhak. Ha? Of course tumatawa pa rin naman ako…. minsan malakas…. minsan pangiti-ngiti lang. Ang gusto ko sigurong maranasan ulit – ay yung mga halakhak nung nasa kolehiyo pa or early years of working. Yung bigla na lang magtatawan kayong magkakaibigan… to the core na kaligayahan ba — Bakit to the core? Kasi wala pang mga problema.. responsibilities… ika nga not yet an Adult. Kaya yung halakhak mo ay genuine na halakhak. Magulo ba? Mahirap lang kasi siguro ipaliwanag. Di ko rin alam kung masyado ko lang pinag-iisipan. After all – ang halakhak ay halakhak. Ano ang kaibahan. Hmm. Ewan. Basta meron. At pangako ko – I’ll try my best to re-capture that elusive halakhak.
5. Full Volume – Remember nung teenager days pa —- ang sarap pakinggan ng Erasheads “cassette tape” with full volume on. Yun bang alam hanggang kabilang purok na kamukha ni Aling Nena si Paraluman.. well…nung sya ay bata pa. Tapos eto ang iyong ina at ama – medyo Bella Flores at Max Alvarado ang dating – pahihinaan ang volume dahil “noise” daw ito. Fast forward to now — minsan – ikaw na yung nasa role ni Bella Flores or Max Alvarado. Ikaw na kasi yung naiingayan. Sad di ba? Kaya ngayon – bilang panimula — medyo nilalakasan ko na ang volume pag ako ay naka Ipod. Sinusubukan ko na ring lawakan ang aking music exposure. Pag may narinig akong bagong music or name ng singer – nag-check ako sa Wikipedia or You Tube sa mga songs nila and see if magugustuhan ko ito. Ang di ko pa lang nagagawa — ang magpatugtog ng malakas na malakas. Bakit? Natatakot kasi akong tumawag ng pulis ang mga kapitbahay ko at ireklamo ako. Alam nyo naman dito sa Land of Mediacorp TV…. Kaunting ingay lang – pulis agad ang katapat.
Dahil sa tapos na ang teabreak – itong lima lang na ito ang aking naisip. Marami pa siguro akong maiisip — pero mainam na rin na lima na lang muna ang aking nailista. Mahirap naman ma-overwhelm tapos in the end – walang nagawa. Slowly but surely kung baga. Siguro may mga nag-iisip – yung limang inilista ko ay napakadali namang gawin. O pwede rin na kasalukuyan pa ring ginagawa ng iba. Unang-una — tingin ko – ang makakarelate lang dito ay yung mga tao na ka-edad ko. Kung kaya’t sa mga ipinanganak na si Cory na ang presidente – you might find this entry weird. Well – this is not meant for you naman.. so move along…. Sa mga naabutan si Marcos – at hindi makarelate — good for you. That means – you have not lost the child in you. Good. Yan ang dapat. Sa mga nakakarelate naman — don’t fret. Turn that frown upside down (hmm.. san ko ba narinig ang cheesy line na ito….). May panahon pa para maibalik natin ang lahat ng ito… Kailangan lang ng kaunting positive thinking …will-power…. at medyo maraming kakapalan ng mukha.
