Wandering Thoughts

Natatamad na naman akong magtrabaho. Correction pala — nagtratrabaho ako… I’m trying out this front-end system na ginagamit ng mga users… and I lost my patience. Kung ano-anong error lumalabas. Kainis. Walang kwenta ang mga messages na pinapakita. Hmp. Branch required daw – wala namang input field for Branch! Pag di ko pa tinigilan ito – baka makarinig na lang bigla ang lahat ng tunog na ibinatong monitor. No wonder ayaw ng mga users mag-test! Hmp.
Pag mga ganitong sitwasyon — para hindi ako mahigh-blood…. I just let my mind wonder… nakatingin lang ako sa monitor (na dapat magpasalamat dahil hindi ko siya ibinato)… letting my mind go wherever it wants to go. I listed down some of the things na niliparan ng aking pagmumuni-muni…..
1. Ano kaya ang surname nina Dexter at DeeDee? Hindi naman siguro Laboratory no?
2. Ano kaya ang full birth date ni Harry Potter?
3. Bakit Harry James Potter ang full name ni Harry? Bakit hindi Harry Evans Potter since Lily Evans ang maiden name ng Nanay niya?
4. Kung ang matira na lang kaya sa bahay ni kuya ay sina Robi, Rona, Ejay, at Nan – may manonood pa kaya?
5. Bakit kaya sa Lobo – pag nagtratransform from human to wolf – nawawala yung damit? San napupunta?
6. Bakit kaya ang mga anaps – ang hilig magholding hands kahit kapwa sila lalaki? Sweet lang ba talaga sila sa isa’t-isa?
7. Kung magiging X-men kaya ako sino ang gusto kong mutant power – si Wolverine o si Cyclops. Okay sana si Wolverine kasi he can heal himself .. kaya lang maganda mga shades ni Cyclops e.
8. Kung kaya ni Wolverine na i-heal yung external na body nya – kaya rin kaya niyang kayang iheal yung mga internal organs nya? Ibig sabihin ba nito – hindi sya magkaka-ulcer kahit lagi syang nalilipasan ng gutom?
9. Bakit kaya ang mga Pinoy superheroes kailangan pang gumawa ng kung ano-ano bago magtransform. Kailangan pa ng bato, barbel, bawang, itlog etc..etc.
10. Kung kailangan ni Captain Barbell na mag-travel via airplane — ilagay nya kaya ang barbell nya sa hand carry or i-check in?
11. I know I’ll never love this way again. So I keep holding on. Before the good is gone….. lalalala… hmm..
12. Kailan kaya nararanasan ang midlife crisis? Kasi hindi mo naman alam kung kailan ka mamamatay di ba? If you do experience the signs of mid-life crisis at the age of 40 — ibig sabihin dapat 80 ka mamatay?
13. Bakit kaya ang Meralco — pinababayaran sa mamamayan ang cost ng electricity lost (due to nakaw etc). Kasalanan ba ng mga nagbabayad na nanakawan sila? Bakit dun naman sa SM – pag may nag-shop lift – hindi naman sinisingil sa paying customers yung cost nung na-shoplift? Kung dagdagan kaya ng Meralco yung guardiya nila?
14. Whatcha doing?
15. Umuwi kaya ako sa Pinas? Parang masarap mag-Bora. Hmmm.
16. Sweldo na pala bukas! Galit na kaya yung mga pinagkakautangan ko?
17. Bakit kaya parang galit si Mariel kagabi sa PBB Teen Edition Plus? Malamang inaway ni Bianca. At si Bianca ang may kasalanan.
18. Hmm. Ano na nga ba yung huling movie na napanood ko?
19. Parang masarap ang daing na galunggong. Saka munggo. San kaya pwede makabili nun.
20. Nung unang panahon kaya – hindi rin accepted sa society ang may bad breath?
21. Bakit kaya tinawag na Monitor ang monitor? Bakit hindi Viewer? Or TV like something. Bakit monitor? Hmm.. Dahil sa mino-monitor mo ito? Bakit ang TV hindi Monitor?
Naku…. 8:00 p.m. na pala. Uwian na. Muntik na akong maging-OT! Titigilan ko na itong pagmumuni-muni. Bukas na lang ulit! J