Gaya ng Dati

May 14, 2008

Ngayong hapon – habang nanginginain ako ng aking French fries, umiinom ng Café Latte at nakikipag-huntahan sa aking mga peers – napag-isip-isip ko …. Yup… Kaya kong gawin ang lahat ng ito ng sabay-sabay. Isa yan sa mga skills na naipamana sa akin ng Siyudad. San na tayo? Ayun – habang ginagawa kong lahat ang sinabi ko sa unang pangungusap ng blog entry na ito — napag-isip-isip ko ang mga mumunting bagay na hindi ko na nagagawa. Munti man ito kung tingnan – ngunit – sa aking pagkakatanda -  lubos na kasiyahan naman ang aking nararamdaman tuwing gagawin ko ito. Naisip ko rin – wala naman akong kapaki-pakinabang na ginagawa sa mga panahon na ito – why not try to squeeze one or two of them every now and then. Ano-ano ba itong mga bagay na ito. As usual – sa ayaw at sa gusto ninyo – ililista ko ito isa-isa :

1. The Singing Bee- Nung namigay ang Maykapal ng talento sa pagkanta – mukhang in deep sleep ako. Kung kaya’t sa kasalukuyan - kailangan soundproof ang kuwarto at extremely close friends lang ang nakakarinig pag ako ay magtatangkang kumanta. Mas kaya kasi nilang pigilan ang sarili nila na huway ibato sa akin ang anumang bagay na hawak nila sa oras na ibinuka ko na ang aking bibig. Ang irony ng lahat ng ito – tulad ng karamihang Pinoy – medyo mahilig sana ako kumanta. Bumili pa nga ako ng Magic Sing e. Pero mukha talagang kahit anong magic – I can’t sing. Ngunit-datapwat-subalit – mula ngayon – susubukan kong kumanta kahit na walang hilig ang pagkanta sa akin. Singing Bee? Wag naman – may hangganan ang pangarap.     

2. Dance Dance Revolution. – I used to be an ok dancer nung ako ay medyo bata-bata pa …at thousand pounds lighter. Hindi naman ala-street boys or pang Step-up. Yung pag-groove-groove lang sa “disco”. Yung medyo pa-sway-sway side to side. I-spell ang YMCA using my hands. That kind  of “dance” stuff”. Now that “disco” is a thing of the past – parang nasama na rin dito ang aking hilig na mag-party till the break of dawn. But still every now and then — I have this urge to go out – step on the dance floor – and “groove” like I’m back in the late 90’s.  Well – napag-isip-isip ko – why not act on this urge? Siguro naman – hot pa rin sa dancefloor ang “Hey” ni Fatima Rainey. In pa rin naman siguro ang maki-spell ng YMCA. Ricky Martin? Fine – alam ko.. may hangganan.  Sayang – trip ko pa namang isayaw ang Livin La Vida Loca.   

3. Dial a Friend – I used to do this a lot . Pag bored and walang magawa — I’ll dial a friend’s number  and asked them to go out for coffee or movies. Ngayon – di na. Bakit? During weekdays – wala ako sa mood na lumabas pa after a terrible day at the office. All I want to do is go home and be the couch potato that I always dream of becoming. During weekends – aside from the usual chores and hassles – sobrang tamad din ako lumabas. Wala naman kasi mapuntahang kakaiba dito sa land of Stephanie Sun. Alam ko – nagdadahilan na lang ako. Ang tutuo – tamad talaga ako. Anyway – one of this weekends – I’ll surprise old friends – call them for no particular reason and ask them to just hang-out. No shop talk as much as possible (though I think this is inevitable since ito ang big part of our life nowadays). Pwedeng trip to memory lane… pintasan ang mga ibang tao… and the likes. So kung friend kita – at binabasa mo ang blog na ito – you better watch out… you better not cry… you better not pout.. and I am telling you why…. I’m calling you one of these days… and I won’t take “No” for an answer !… Fine….Pwede ang “No” kung valid reason.    

4.  LOL  - Nope. Hindi poi to shortcut ng pinoy cuss word na U*OL. Sa mga oldies na hindi naranasang mag-chat – LOL is Laughing Out Loud. I actually missed the days na tumawa ng sobrang lakas na everyone who heard it will say na ang saya mo naman sobra. Actually – hindi pala tawa — kung hindi halakhak… yung malutong na malutong na halakhak.  Ha? Of course tumatawa pa rin naman ako…. minsan malakas…. minsan pangiti-ngiti lang.  Ang gusto ko sigurong maranasan ulit – ay yung mga halakhak nung nasa kolehiyo pa or early years of working. Yung bigla na lang magtatawan kayong magkakaibigan… to the core na kaligayahan ba — Bakit to the core? Kasi wala pang mga problema.. responsibilities… ika nga not yet an Adult. Kaya yung halakhak mo ay genuine na halakhak. Magulo ba? Mahirap lang kasi siguro ipaliwanag. Di ko rin alam kung masyado ko lang pinag-iisipan. After all – ang halakhak ay halakhak. Ano ang kaibahan. Hmm. Ewan. Basta meron.  At pangako ko – I’ll try my best to re-capture that elusive halakhak.    

5.  Full Volume – Remember nung teenager days  pa —- ang sarap pakinggan ng Erasheads “cassette tape” with full volume on. Yun bang alam hanggang kabilang purok na kamukha ni Aling Nena si Paraluman.. well…nung sya ay bata pa. Tapos eto ang iyong ina at ama – medyo Bella Flores at Max Alvarado ang dating – pahihinaan ang volume dahil “noise” daw ito. Fast forward to now — minsan – ikaw na yung nasa role ni  Bella Flores or Max Alvarado.  Ikaw na kasi yung naiingayan. Sad di ba? Kaya ngayon – bilang panimula — medyo nilalakasan ko na ang volume pag ako ay naka Ipod. Sinusubukan ko na ring lawakan ang aking music exposure. Pag may narinig akong bagong music or name ng singer – nag-check ako sa Wikipedia or You Tube sa mga songs nila and see if magugustuhan ko ito.  Ang di ko pa lang nagagawa — ang magpatugtog ng malakas na malakas. Bakit? Natatakot kasi akong tumawag ng pulis ang mga kapitbahay ko at ireklamo ako. Alam nyo naman dito sa Land of  Mediacorp TV…. Kaunting ingay lang – pulis agad ang katapat.       

Dahil sa tapos na ang teabreak – itong lima lang na ito ang aking naisip. Marami pa siguro akong maiisip — pero mainam na rin na lima na lang muna ang aking nailista. Mahirap naman ma-overwhelm tapos in the end – walang nagawa. Slowly but surely kung baga. Siguro may mga nag-iisip – yung limang inilista ko ay napakadali namang gawin. O pwede rin na  kasalukuyan pa ring ginagawa ng iba. Unang-una — tingin ko – ang makakarelate lang dito ay yung mga tao na ka-edad ko. Kung kaya’t sa mga ipinanganak na si Cory na ang presidente – you might find this entry weird. Well – this is not meant for you naman.. so move along….  Sa mga naabutan si Marcos – at hindi makarelate — good for you. That means – you have not lost the child in you. Good. Yan ang dapat. Sa mga nakakarelate naman — don’t fret. Turn that frown upside down (hmm.. san ko ba narinig ang cheesy line na ito….). May panahon pa para maibalik natin ang lahat ng ito… Kailangan lang ng kaunting positive thinking …will-power…. at medyo maraming kakapalan ng mukha.


Josef Bids Adieu

May 12, 2008

Madami ang nagitla (wow lalim…. )ng napatalsik sa bahay ni Kuya si Lethal La Sallite last Saturday. Llamado sa tingin ng karamihan si Josef — with 3 previous nominations under his belt. 1st nomination – he was 1st in the votes with a large margin. 2nd– the voting was stopped as housemate and Kevin did a voluntary exit. 3rd time – he was 2nd to front runner Robi with a comfortable lead against 3rd placer Rona and 4th placer Jolas. For the 5th nomination, Josef was again nominated for the 4th time – however most was expecting that he again will be able to dodge the bullet. Even I was expecting that it will be a close fight between Rona and Nicole with Nicole eventually bowing out.

Ano nga ba ang nangyari last Saturday? Why was one of the front runners evicted? Bilang isang masugid na manonood – I have a few takes on why this happened.

1. Strong showing ni Josef sa previous nominations

– Mukhang naging kampante ang mga maka-Josef. Since sa tingin nila na shoo-in na si Josef…. they decided to save Nicole. Sabi nga sa Heroes…. Save Nicole… Save the Yonic (Or NicoSef depende sa fans club – pero sa blog na ito – stick na lang muna tayo sa YoNic). Tsk. Tsk. Tsk. Lesson learned — this saying is only true for cheerleaders. Magagalit sa inyo si Hiro nyan.

2. Yonic moments.

- Nang lumabas na si Guardian John — nawalan na ng ka-conflic si Tita Anna, Queen of the Filipinos. Wala na ring pwedeng tuliin or mga anak sa labas na pwedeng ilantad. In other words – wala nang storya. Boring na. Dahil dito — ang mga mahuhusay na creative staff ng PBB (sarcastic ako dito) decided to go for the sure-fire win formula – Loveteams. Before you can even say PBB….. Yonic moments are being shown non-stop sa Primetime at Uber. Talagang walang tigil – tinginan dito, ngitian dun, kagatan dito, holding hands dun, akapan dito, kilitian dun. They are everywhere. Dahil this was shown everyday – nagmukha tuloy na napakabilis na nagkagustuhan ng dalawang ito. Yung mga moments kasi na days apart — minsan isang primetime yun lang ang palabas. Dagdag pa diyan na medyo showy ang dalawa sa kanilang feelings. Marami tuloy ang naeskandalo – kasama na ang Nanay ni Nicole. This affected the public’s perception kina Josef and Nicole. So — kung may gusto man sisihin ang mga YoNic fans — ang mga magagaling na creative staff ng PBB — dahil sa ka-eedit — ayan… nadedit ang Josef.

3. Non-Ex Factor

- Non-ex… meaning current.. yup… both Nicole and Josef have significant others bago pumasok sa bahay. The Non-Ex-Factor + sobrang Yonic moments = Disaster. Marami ang nainis kay Nicole kasi she was supposed to be be the sweet and innocent one ala Kim Chiu – pero naging masyado siyang showy sa pagkagusto kay Josef. Josef was painted out as the horny teen leading Nicole on without any regard to her girlfriend outside. The word two-timer has been tossed a lot of times by the moral guardians – welll including those who are pretending to be of moral character… and those who are exploiting this issue to the high heavens to make their favorite teen look angelic. Di pa dun nagtapos – umikot din sa cyberworld ang blogsite ng mga Non-ex —- with matching I am too good for you entries. Di rin nakatulong ang pagkakabanggit nitong si Josef ng mga “happenings” nila ng kaniyang Non-ex. Hay.. young love… sweet and sour love….

4. All for one and one for all – Hatevotes

- If you do get to read the forums – kitang kita talaga dun na medyo kinaiinisan si Josef …. minsan for valid reasons like medyo mayabang ang dating… masyadong joker. Minsan naman – for nakakatawang reasons – tulad ng mas bagay sina Robi at Nicole kaya kailangan na sya maalis. Pwede ring dahil sa nakakainis na ang Yonic – kaya hindi na napapakita si Robi. Or ayaw dati matulog ni Josef kahit alam na nyang may secret task si Robi. Actually – if i-summarize ko ang mga dahilan – it either concerns Robi or Robi-Nicole. Ewan ko ba – may mga tao na masyadong siniseryoso ang Ateneo-La Salle rivalry. Ang maganda pa – hindi naman sila nag-aaral sa Ateneo or sa La Salle. Weird di ba? From the start – Josef is being pitted against Robi – and aminin man ng mga Robi fans or hindi – lumakas ang pagkainis nila kay Josef when Nicole started hanging out with Josef. Pano ba naman – wala na agad ang pinapangarap nilang RobiCole loveteam. Kaya ayun – they have to be contented with RoRo (ang tambalan ng mga huwarang kabataan!) or ang pinagpipilitang RoBeaut. Anyway — dahil dito — nagkasundo ang mga Anti-Josef (mga maka-Robi) at Anti-Yonic (mga maka-RobiCole) na iboto si Rona (or for some si Nicole). Ayun – si housemate Rona – na hindi kalakihan ang fan base – naging topnotcher with almost 40% of the votes (or 40+.. di ko na matandaan). It’s actually a good strategy – hanga ako sa mga fans na nag-iisip. Robi actually has the most to gain sa pagkawala ni Josef– kahit front-runner sya – with Josef out of the picture – mas naging malakas ang chance nya to be the big winner. Yung mga umaasa sa RobiCole – pagkakataon na ng dalawa na maging close since wala na ang guardia civil. It will also be a lot easier to evict Rona next. Pag nagkaganun – mag-isa na siyang leader in the house. Dahil wala nang Yonic – mas nadagdagan na ang chance ni Robi – at ng other housemates na makita si Primetime. Kaya ayun – napagkaisahan tuloy ang kawawang bata. Dapat talaga magpasalamat ang mga maka-Rona sa mga maka-Robi at RobiCole — kung wala itong dalawang grupo na ito – bye bye Rona sana ang nangyari.

5. Financial Difficulty

- Sa dalas ba namang manominate ni Josef – mauubusan ang kanyang mga fans ng salapi sa pagboto. Tandaan natin – most of those who are fanatics come from the masa. At ang masa – may hangganan ang bulsa. Kung siguro nung una — all out ang support… pag palagi na lang — matutuyuan din ang balon ng pera. Lalo na ngayon – mataas ang lahat from electricity to rice. Si Mahal na lang nga ang hindi tumataas… ay hindi pala… si Mura din!

Ito naman ay aking lamang opinyon. Pero kung track record ang pag-uusapan — marami na rin akong opinion na tama. (Fine – except sa opinyon ko na si Nicole ang matatanggal). Kung mababasa ito ng mga fans ng ibang housemates – marami tiyak ang mag-rereact. Alam mo naman – the truth hurts. Buti na lang at iilan lang ang aking loyal reader/s. Kaya kung magrereact man ang mga ito – manageable pa rin. Ayaw ko namang kainisan ng lahat no. Hindi naman ako si Wendy.

P.S.

Ngayon ko lang naisip – ngayong wala na si Josef – kulang na ang big four ko — Beauty, Alex, Nicole —- hmmm.. sino kaya ang pang-apat? Hmm.. Kailangan pag-isipan ito mabuti. Give me one week para pagnilay-nilayin ito.

P.S. ulit

Ang picture na ginamit ko sa blog na ito ay galing sa Pinoy Exchange Forum. Gusto ko lang ibigay ang credit – where credit is due. Mahirap nang mademanda.


ProblemA

May 9, 2008

It has been one “need to write this in my blog” week. Nope. My life is still the same – it’s as exciting as stale bread. Nga lang – this week – medyo may mga gumalaw sa bread. Parang medyo nabangga or inikot. May kaunting mga pangayayari ba.

I learned a couple of incidents that made me feel sad. First was the death of the brother of a dear friend. Kahit hindi naman kami close nung brother nya – we sometimes see him nung panay ang tambay naming magbabarkada sa bahay nila. Friend – again , my condolences. Just this morning naman – I received a mail from another friend. She’s 6 weeks pregnant na – kaya lang nalaman nya na the baby inside her is already dead. Ayun – as expected – she’s devastated. It’s her 2nd na anak sana. I called her up just to chat. I made it a point not to say stupid things such as … okay lang yan.. or isipin mo na lang na angel na sya … get my drift? Ang sabi ko lang – ganyan talaga ang buhay… may mga bagay na hindi natin kayang i-control. Sabi nga – bad things happen to good people. Wala na tayong magawa.

Yesterday naman – was my Mom’s death anniversary… kasabay din ito ng 1st year death anniversary ng nanay ng housemate ko. Hay naku. Years have passed – but I still miss my Mom. And there’s nothing like death anniversaries to make you remember that someone you so loved is already gone. Hay naku. Ano ba naman itong week na to. Puro pagkawala ang nangyayari.

Kahapon din – my Dad sent me an sms saying na nasa bahay ang Lola at Tita ko sa mother side. Nagpunta sila sa cemetery – lighted candles and offered prayers. Aside from that – may dala rin silang medyo hindi kagandahang news — I don’t have the full details yet as I am yet to talk to my Dad. Sabihin na lang natin na it involves properties and money. Naku. Problema ko na naman ito. May idea na ako actually — as I am already expecting that sooner or later maiisip nila yung piece of land sa likod ng bahay namin. The land is owned by my mom’s brother na unfortunately couple of years ago ay na-stroke. I know that they are in dire need of money – kaya naisip ko na darating ang time that they will sell it. Since nasa likod ng bahay namin –and may mga ilang structures na rin kaming naitayo – there’s not other choice but for me to buy the lot. Hay – and I was just mentioning few blogs ago of my financial standing. Anyway – not to go ahead …. Hintayin kong makausap ang aking butihing ama bago ko tunay na problemahin ito.

The above paragraphs all describes the bad news and problema na dumating sa akin ngayong week na ito. What surprises me is my attitude towards it. I was sad for the death of my dear friends loved ones – but I am also thankful that my family are okay. I am sad that my mom is no longer with me – but I am thankful that my Dad still is — kahit na I don’t agree with his decisions most of the times. I am on the edge with the unplanned need for a large sum of money — but I am thankful that I still have the capability to earn money. I am thankful na ang proproblemahin ko lang ngayon – ay pera. Unlike my friends who lost their loved ones. Kung iisipin kasi — madali naman masolusyunan ang problema sa pera. Pero ang pagkawala ng mga minamahal — walang solusyon dyan. The sadness will diminish in time — diminish – but won’t go away. It will always be with you – maybe until its your time to go.


Conversations

May 7, 2008

R: Musta naman dyan?
G: Eto bored. Naiirita ako sa Facebook. Ikaw?

R: Eto. Walang facebook account. Bored. Nagmumuni-muni ng failures sa buhay. J

G: Ano ba! Ako naman busy-busyhan sa homecoming namin sa Feb next year

R: Homecoming? College? My golly. Sign of old age ang mga homecoming homecoming na yan. Hehehe. Hindi naman siguro golden anniversary yan?

G: Gage! Silver pa lang ng High School classmates. Di pa ko busy sa shoots e.

R: Hahaha. Still. 25 years na pala since high school mo! Pag ganyang mga okasyon – can’t help but wonder – ano kaya ang iisipin nila Successful ba ako or failure? Reunion ang 2nd na most stressful na okasyon.

G: Ano be? Mas na-stress na ako sa Facebook. Mahirap lang makibagay sa marami. Iba-iba ugali ng classmates. May ayaw magpatalo at ayaw malamangan. Nakakatawa at ang cheap!

R: Bakit ka na-stress sa Facebook.

G: Di pa kasi ako familiar. May point system pa at kung ano-ano.

R: Hehehe. Kaya dapat stick ka na lang sa Friendster. Matingnan nga yang facebook na yan minsan.

G: Hmp. I’m sure meron ka na. E ikaw? Kamusta ka?

R: Eto. Wala pang Facebook account. Bored. Financially challenged. Hindi pa rin pumapayat. In other words same-same.

G: Pareho lang tayo noh. Nagmimid-life crisin na nga ako e. Take it easy.

R: Quarter life crisis lang ako. Hahahaha. Dinadaan ko na lang sa kapapanood ng TFC. Para tipid.

G: Sabihin ko pa naman na mag-Bohol or Palawan tayo. Di lang tipid. Hahaha.

R: Palawan? Bohol? E start na nga raw ng rainy season dyan. Baka bagyuhin tayo. Sa December tayo mag-Palawan! Sana makauwi ako! Hay. Magpa-burger ka naman! Buger! Burger!

G: Hahaha! Sige. Basta sa Jollibee!

R: Sure! Miss ko na Jollibee!

G: Sige! J Uwi ka na!

R: 8 uwi na ako. Invite na lang kita pag may Facebook account na ako. Itulog mo na lang yang midlife crisis mo!

G: Ikain na lang kaya! J

R: Pwede rin! Kaso paano makakapag-two-piece sa December?


Wandering Thoughts

May 7, 2008

Natatamad na naman akong magtrabaho. Correction pala — nagtratrabaho ako… I’m trying out this front-end  system na ginagamit ng mga users… and I lost my patience. Kung ano-anong error lumalabas. Kainis. Walang kwenta ang mga messages na pinapakita. Hmp. Branch required daw – wala namang input field for Branch! Pag di ko pa tinigilan ito – baka makarinig na lang bigla ang lahat ng tunog na ibinatong monitor. No wonder ayaw ng mga users mag-test! Hmp.

Pag mga ganitong sitwasyon — para hindi ako mahigh-blood…. I just let my mind wonder… nakatingin lang ako sa monitor (na dapat magpasalamat dahil hindi ko siya ibinato)… letting my mind go wherever it wants to go. I listed down some of the things na niliparan ng aking pagmumuni-muni…..

 

1. Ano kaya ang surname nina Dexter at DeeDee? Hindi naman siguro Laboratory no?

2.  Ano kaya ang full birth date ni Harry Potter?

3. Bakit Harry James Potter ang full name ni Harry? Bakit hindi Harry Evans Potter since Lily Evans ang maiden name ng Nanay niya?

4. Kung ang matira na lang kaya sa bahay ni kuya ay sina Robi, Rona, Ejay, at Nan –  may manonood pa kaya?

5. Bakit kaya sa Lobo – pag nagtratransform from human to wolf – nawawala yung damit? San napupunta?  

6. Bakit kaya ang mga anaps – ang hilig magholding hands kahit kapwa sila lalaki? Sweet lang ba talaga sila sa isa’t-isa?

7. Kung magiging X-men kaya ako sino ang gusto kong mutant power – si Wolverine o si Cyclops. Okay sana si Wolverine kasi he can heal himself .. kaya lang maganda mga shades ni Cyclops e.

8. Kung kaya ni Wolverine na i-heal yung external na body nya – kaya rin kaya niyang kayang iheal yung mga internal organs nya? Ibig sabihin ba nito – hindi sya magkaka-ulcer kahit lagi syang nalilipasan ng gutom?

9. Bakit kaya ang mga Pinoy superheroes kailangan pang gumawa ng kung ano-ano bago magtransform. Kailangan pa ng bato, barbel, bawang, itlog etc..etc.

10. Kung kailangan ni Captain Barbell na mag-travel via airplane — ilagay nya kaya ang barbell nya sa hand carry or i-check in?

11. I know  I’ll never love this way again. So I keep holding on. Before the good is gone….. lalalala… hmm..

12. Kailan kaya nararanasan ang midlife crisis? Kasi hindi mo naman alam kung kailan ka mamamatay di ba? If you do experience the signs of mid-life crisis at the age of 40 — ibig sabihin dapat 80 ka mamatay? 

13. Bakit kaya ang Meralco — pinababayaran sa mamamayan ang cost ng electricity lost (due to nakaw etc). Kasalanan ba ng mga nagbabayad na nanakawan sila? Bakit  dun naman sa SM – pag may nag-shop lift – hindi naman sinisingil sa paying customers yung cost nung na-shoplift? Kung dagdagan kaya ng Meralco yung guardiya nila? 

14. Whatcha doing?

15. Umuwi  kaya ako sa Pinas? Parang masarap mag-Bora. Hmmm.

16. Sweldo na pala bukas! Galit na kaya yung mga pinagkakautangan ko?

17. Bakit kaya parang galit si Mariel kagabi sa PBB Teen Edition Plus? Malamang inaway ni Bianca. At si Bianca ang may kasalanan.

18. Hmm. Ano na nga ba yung huling movie na napanood ko?

19. Parang masarap ang daing na galunggong. Saka munggo. San kaya pwede makabili nun.

20. Nung unang panahon kaya – hindi rin accepted sa society ang may bad breath?

21. Bakit kaya tinawag na Monitor ang monitor? Bakit hindi  Viewer? Or  TV like something. Bakit monitor? Hmm.. Dahil sa mino-monitor mo ito? Bakit ang TV hindi Monitor?

 

Naku…. 8:00 p.m. na pala. Uwian na.  Muntik na akong maging-OT! Titigilan ko na itong pagmumuni-muni.  Bukas na lang ulit! J


Update Lang

May 2, 2008

 

Matagal na rin akong di nagsusulat kung ano ano ang mga pinapakinggan kong mga kanta nowadays. Malamang na hindi ka interesado – pero dahil naisip ko na i-share ito — wala ka nang magagawa pa. Kung ayaw mo malaman – wag mo basahin ang blog entry na ito. Wala namang pumipilit sa iyo…Madali lang naman ang solusyon di ba?

1.  Bleeding for Leona Lewis. A friend was always mentioning this Bleeding Love song and I haven’t heard the song. In American Idol couple of weeks ago – Leona Lewis performed this song live and I was not that impress. I informed this friend that it was okay.. it was not an amazing performance.. just okay (ala Simon Cowell). This friend suggested that I check out the MTV of the song … pang-second opinion ba. Dahil sa masunurin at mabait akong bata – I did search for the MTV in You Tube. I can’t remember now what the MTV is about – but it did change my opinion on the song. It is a good. I even downloaded it in my Ipod.  Life’s lesson — everybody do deserve a second chance. Maybe a good surprise will be waiting if you do.

2.  I am now discovering the music of Rascal Flatts. This group is not known to me until a couple of days ago. I saw one You Tube video wherein the song What Hurts the Most (from the album Me and My Gang) was used as the background music. I instantly loved the song. I did some research and found out that they also sang Life is a Highway – from the Disney movie Cars. I downloaded 5 of their albums in my Ipod and have been listening to it the whole day today. Life’s realization — I used to think that country songs are only for old people or true blue cowboys. I am definitely no Marlboro man — therefore — I am o… .. ol…. hmmm.. Country music are for everyone pala! Trip-trip lang kung baga.        

3. Another new find for me is the band The Red Jumpsuit Apparatus. I have been listening to the song Your Guardian Angel (from the album Don’t Fake It) over and over and over again. Nakaka-addict e.  Medyo surprising na nagustuhan ko itong kanta na to — kasi may mga parts na medyo maingay ito. Lam nyo naman pag medyo o…ol…. Hmm… sophisticated ang choice of music — may certain level of ingay lang ang kayang itolerate.  Life’s lesson —  Songs of the younger generation does not always equate to noise pollution. Well – most of them are – pero paminsan minsan – may mga matitino din naman. Kaya dapat – we should try to give it a chance. Hinaan nyo na lang muna ang sound…… para iwas ear damage!    

4.  I was watching PBB Teen Edition Plus — and there’s this song na laging pinapatugtog pag may mga moments ang NicoSef or YoNic or whatever they want to call this loveteam. It was a nice song…. yung smooth lang …. Simple… walang masyadong palabok na mga sounds or makapatid litid na notes. Sa tulong ni Mr. Google — I learned that the song is Realize by Colbie Caillat (from the album Coco).  Life’s realization — The Album Coco is perfect for quiet afternoons… tambay sa Starbucks… just you, your café latte grande, your favorite magazine and Coco.   

Ayan ang aking update. Malamang lahat ng sinabi kong kanta ay alam nyo na. Kung alam nyo na – mainam…. Kung hindi pa – you can check it our.. or not…. Hindi ako affected dyan. Iba-iba naman kasi ang trip ng mga tao when it comes to music. Kaya mahirap ipagpilitan na pakinggan or gustuhin nyo ang mga ito.  So.. paano? Sa muling music update na lang ulit. Kailan yun? Ewan.