San na nga ba? San na nga ba? San na nga bang barkada ngayon?
This Apo Hiking Society song was very popular during my high school days. Gusto ko itong kanta ito kasi maganda ang lyrics and simple lang ang timpla ng melody. Yun lang.
Fast forward to present day. For the past few months – I have been exchanging mails with three of my high school chums. Wala lang. Kumustahan. Laitan. Tsismisan. At syempre reminiscing. For the past week or so – napunta ang usapan naming sa mga nakakatawang pangyayari nung high school pa kami. Mga misadventures… first impressions… fashion don’ts… at kung ano-ano pa. Pagkatapos naming pagtawanan ang isa’t-isa ng slight at laitin till the high heaven ang ibang di kasama sa usapan — a question suddenly pop in my mind. Eto kaming apat at tawa ng tawa — pero nasan na nga ba yung iba? Nasan na nga ba? Nasan na nga ba ang barkada ngayon?
I started drafting a mail — where I listed down all my high school barkadas. Isa-isa ko ding inisip when was the last time we communicated with each other – personal man, via phone or mail (both e and snail). The list made me a little sad. Karamihan – years ago pa nung huli kong makita. Yung iba – I last saw them nung High School graduation.. It was really really sad. Iniisip ko nga how did we end up like this. We were like brothers and sisters nung high school. Ngayon – maswerte na kung may mabalitaan ka about them — or makita mo ang picture nila sa friendster accounts nila… o matsismis sa rumor mill…. One can’t help but ask —ano nga ba nangyari?
Well — life happened. Its like a tale as old as time. Formed a strong bond during high school — magkakasama sa kalokohan — magkakaramay sa kalungkutan. Each promised to be a friend till the end — ika nga ng mga kabataan ngayon – BFF! Then high school ended and College began — everyone promised to keep in touch. Well — some kept their promise for a while — there are the cheery mails… phone calls…. Get together pag nagkataong nasa probinsya ang lahat. After four years - college ended. Everyone was forced to face the real world. Real life na kung baga — wala na ang protection ng 4 walls of the school — it’s a dog-eat-dog word and everyone was forced to survive. Nawala na ang paminsan-minsan. Nagsimula na kasi ang bagong buhay ng lahat. Yung quest for successful careers.. Mga nagseryoso sa lovelife… Migrating to other countries…. The continued quest of earning a decent living.
Siguro ganun talaga. Siguro talagang darating ang panahon na mawawala ang mga kaibigan. Siguro ito ang dahilan kung bakit nauso ang pag-aasawa. Yung pagpapakasal. Naninigurado yung mga ninuno natin that they’ll never end up alone. Pwede naman na humayo na lang sila at nagpakarami — pero hindi – pinauso nila ang pagpapakasal. Iba na nga naman ang sigurado.
Pagkatapos ng pag-momoment na ito – I can’t help but be thankful. Biro nyo – I have three friends from high school who I am in constant communications with. A few na once or twice a year ay nakakamustahan ko. Nandyan din ang mga college friends… friends from Pinas… friends dito sa land of ban mian. Maswerte pa rin ako – marami man ang nawala – marami man ang hindi ko na nakikita or nakakausap… yun namang mga tao who really matters have decided to stay…. BFF? Sana… pero mahirap magsabi ng forever e…. kasi alam naman nating lahat may katapusan.
Looking back – high school seems like ages ago. Hindi ko na nga kilala kung sino ako noon. Ang alam ko na lang ay kung sino ako ngayon.
