In Focus: Eli and Jackie

Eli

“Simple lang naman ang pangangailangan kung tutuusin.

  Palagi na lang dapat mong patunayan kung sino ka at kung ano ang kakayahan mo.

  Bakit? Hindi ba pantay-pantay naman tayong lahat?

  Bakit dapat magalit?

  Bakit kailangang mapuno ng inggit at kagustuhang makaisa… makaganti?

  Bakit kailangang maglihim… magkunwari?

  Bakit kailangang dumanas ng hirap… tiisin ang sakit?

 

  Dahil takot tayo.

  Dahil pinapayagan natin mangyari ang mga nagyayari.

  Dahil ‘di tayo makuntento.

  Kaya kuntento na tayo sa ganito? O dahil mga duwag tayo?

  Takot tayong harapin ang di pa natin nasusubukan…”

 

“Ano nga ba ang mas tama?

  Ang magbago ka para sa pagmamahal o hayaan ang pag mamahal na baguhin ka?

  Lahat tayo nakakagawa ng pag kakamali sa buhay natin.

  Minsan maliit.

  Yun yung mga tipong madaling mapatawad at makalimutan.

  Minsan malaki.

  Sa sobrang laki, pati tayo nahihirapan tayong patawarin ang sarili natin.

   Kaya pilit tayong nagbabago, naghahanap ng paraan para maitama ang mga mali.

   Para sa wakas maging karapat-dapat tayong mag mahal at mahalin…

 

“Kung may hihigit pa sa mahal kita…

  Iyon ang sasambitin ng mga labi ko….

  Ang magiging awit ng buhay ko…

  Katulad ng pagpatak ng ulan….

  Hindi masusukat ang pagmamahal ko para sa’yo..

  Hahawakan ko ang puso mo.. Jackie..

  Iiingatan ko ang pag-ibig mo…” 

 

Jackie

 

“Kaya kong mag-isa..

  Kaya ko kahit wala ka..

  Kayang sabihin ng isip ko…

  Pero hindi kailanman ng puso ko…

  Dahil hindi magwawakas ang pag-ibig ko..

  Kailan ba tama ang maiwan?

  Kailan hindi magiging masakit ang mawalan?

  Eli, kailan ako muling mabubuhay?”

 

“Once, I thought that silence was a friend.

  But it is no more.

  It has ceased to comfort me in my loneliness,

  Ceased to fill the emptiness in my heart.

  It has left me naked,

  Lying bare the rawness of my wounds.

  Now,

  Silence reminds me of my despair,

  The pain of my hopelessness…

  Why have I lost a friend I hold so dear?” 

 

Eli and Jackie

 

Eli: Ang bawat lungkot, napapawi ng isang ngiti mo.

Jackie: Sa bawat pagsubok, itatawid ako ng pag-ibig mo

Eli: Kasama ka sa bawat noon ko

Jackie: Kabahagi ka ng ngayon ko

Eli: Kadugtong ka ng buhay ko

Jackie: Eli, ikaw ang buhay ko

Eli: Jackie, ikaw ang puso ko

 

 

 

Leave a Reply