Nang Magtanong Ako Kung Nasaan Ang Katarungan

The building where I am currently working has upgraded their elevator system (or lift – I may use this interchangeably sa blog nito- Bakit? Wala lang… para fair sa British at American people) . Medyo hi-tech na ito. Your domain floor is already in the system — so pagscan mo ng id pass sa may entrance — sasabihin na sa iyo ng system which lift you should use. The system keeps track of where the lifts are and the destination of the people…. It assigns people who are going the same floors to the same lift kaya bawas ang stop-over. If you are not going to your default floor — you can override it by pressing a calculator-like-thingy (wala nang up/down buttons). You just enter which floor you like to go and it will give back the lift that you should use. You just proceed to your designated lift and presto — dadalhin ka na nito sa floor na gusto mong puntahan. Tinanggal na rin nila yung mga floor buttons sa loob ng elevator. So kung nagabo ang isip mo – just get out of the lift…press the calculator-like-thingy and enter your desired floor. Kung pababa ka naman — you just have to press a calculator-like-thingy. The system will tell you which lift to use. It was quite good actually —–technically – if we are living in a perfect world — hindi mo na kailangan pang makipag-agawan ng elevator.

But we do not live in the perfect world. We are here — living in the real world. It’s far from perfect – but it’s the only one (for now) that we have. I love the new elevator system in my office building. It simplifies elevator life — well.. most of the time. Minsan — nakakainis din. Hindi ako actually naiinis sa bagong sistema. Ang nakakainis ay yung mga taong hindi marunong sumunod sa sistema. Naku — specially during lunch time. Simple lang naman ang process — pindutin ang floor na pupuntahan (for this case ground floor…)… hintayin ang assigned lift… pasok sa lift… baba sa lift. Ano ba naman ang mahirap dun. Pero hindi —- may mga tao na hindi ko alam kung tanga or tamad na ayaw pang sumunod. Minsan basta na lang makikisakay kahit hindi pa sya nakakapindot sa calculator-like-thingy. Minsan 200 sila pero isa lang ang pipindot… tapos lahat sila sasakay. Dahil sa ang alam ng sistema ay isa lang yung pinasakay na – mag-aallow pa sya ng ibang tao sa ibang floors para sumakay. So – maiinis ngayon yung mga tao sa ibang floor bakit dun sila na-assign e puno na. Sasabihin nila na hindi rin pala okay yung bagong sistema. E ano magagawa nung sistema kung may mga tangang nilalang na hindi marunong sumunod sa rules and regulations. Kadalasan ay nararanasan ko ito — dahil sa convenient yung bagong sistema — I do follow the process. Nga lang minsan – kailangan ulitin ang pagpindot ng ilang beses dahil sa yung naka-assign na lift sa akin ay puno na. What I really hate about it is that I followed the rules — and this morons who did not was able to board the lift that was supposed to be mine. Well – baka sabihin nyong OA — pero di ba nakakainis yun? Kung baga sa kasabihan nung mga kaibigan kong matatanda (di ko na sabihin… alam na nila kung sino sila ) “ Ikaw ang nagsaing — iba ang kumain”. It may be a small thing — pero still…. it’s not fair.

Another instance —- (not involving the lift ) — just this morning – it was really raining hard. Since umuulan — I decided to hail a cab sa may bus stop. Kita ko ang mga parating na taxi — at makikita nila ako. It was a perfect plan. Nung una — I was alone sa may bus stop. Okay pa. Then may dumating na nilalang (di ko na sabihin kung anong nasyon at baka maparatangan akong racist – sabihin na lang natin na karamihan sa kanila kailangang maligo…). Anyway – pumapara ako ng cab tuwing may dumadaan — minsan may sakay kaya di humihinto. Suddenly — may isang cab at the opposite side of the road na parating — walang sakay. Syempre sobrang ligaya ko habang pinapara ko ito. Huminto naman si mamang taxi — pero nung medyo lalakad na ako — bigla akong inunahan ni Mr. Whoeverheiswhoneedstotakeabath! Kainis talaga. As in obvious naman na nauna ako sa kanya. Pero hindi – inunahan pa nya ako. Naku. Inis talaga —- pero dahil sa umaga pa nun – at mabait ako… I let is pass. There are other cabs. Hindi siguro para sa akin yun. Anyway — naiwan na naman akong mag-isa sa bus stop…… hintay ng parating na taxi. After a minute or so — may dumating sa bus stop na isa pang nilalang. (Hindi ko na sasabihin kung anong nasyon sya.. baka sabihan pa akong racist… sabihin na lang natin na kaunti lang ang kita nya…) . Deadma lang din ulit ako — patuloy ako sa pagpara ng taxi…… nang may parating na naman na taxi cab. Pinara ko ito – at sinenyasan na magmaniobra para hindi ako masyadong mabasa. Sumenyas na si Mr. Drayber na ok… wait lang. Happy na ulit ako —- pero panandalian lang. Itong si Ms. Iambetterthanalltherestsincecitizenakosabansangito — biglang tumawid — at pinara yung taxi na nagmamaniobra papunta sa akin. Wala nang choice si Mr. Drayber kung hindi huminto kasi masasagasaan nya si Ms. Iambetterthanalltherestsincecitizenakosabansangito. Singbilis ni Flash na binuksan nya ang pinto at sumakay sa taxi. Medyo nabigla din si Mamang Driver…. At sinenyasan ako na pasensya na. Siguro naisip nya na alangan namang pababain pa nya e malakas ang ulan. Kawawa naman si Miss Iambetterthanalltherestsincecitizenakosabansangito – baka mabasa. Hmp — well she deserves to get soaked…. What she did is rather bi*chy. Pero syempre — dinedma ko na lang. Maybe the cab really wasn’t meant for me. Baka nagmamadali sya dahil na-eebs sya or something. Anyway – after a minute or so …. May dumaan na taxi… at nakasakay na rin ako sa wakas.

Ano relevance nitong 2 instances na ito —- well it only shows na we don’t always get what we deserve. Kahit ano pang sunod mo sa rules —- minsan you’ll get the bad end of the deal. Minsan mas pinagpapala pa yung mga nilalang na hindi sumusunod sa sistema. And this is true mula sa mga maliliit na bagay tulad ng mga sumisingit sa pila — to the huge things like mga pulitikong milyon-milyon kung mangotong. What can we do about it? Well – pwede nating patulan, pwede nating palampasin, pwede nating deadmahin. Whaterver it is that we do — ang sigurado lang ako – that won’t be the last time na mararansan natin ito. Is this bad? Of course. Is it fair? Of course not. Pero this is real life — and dito sa reality … life isn’t fair.

One Response to “Nang Magtanong Ako Kung Nasaan Ang Katarungan”

  1. denz Says:

    haha..dami ko na palang na-miss.. as usual nag-enjoy ako sa kakabasa..
    bwisit na mga mang-aagaw ng taxi yan…arggh..inaatake na naman yata ako sa puso..hehehe..

Leave a Reply