The End 1

March 30, 2008

The end has finally arrived… Last Friday – napanood ng lahat (na nanonood) ang much anticipated (well… yung mga nag-anticipate)) finale ng Maging Sino Ka Man Book 2. It was good — could have been great – pero oks na rin. Bilang aking pamamaalam —- I would be devoting a couple of blog entries.

First entry — I saw it in one of the blogs … from JB to Celine … with love…

One day I will disappear completely.


The letters will mean nothing.


The world will ge tired of me. 


You will get tired of me.


I will get tired of myself, and die.


But I, I will never get tired of you. 



For you, there will be no endings. 


I will say your name over and over, like a refrain–my prayer to no one. 


Then i’ll be a flower, the one you’ll never pick. 


And will endure the breathless waiting till boundaries disappear. 



With nothing to do, I make new constellations. 


Images of you as I remember - Dancing. Sitting. Walking…


There are stars from a different view. 


But still, i see nothing but you. 


Unfurling like a flower. 


Swiveling like a leaf… 



I once watched you sleep beside me. 


It was dark then, but the darkness is deeper now. 


Tonight in my dreams I will see you, my lady, clothed only in light…



Like a kite, I’ve given myself up to the wind. 


I made friends with the sun. 


Confused the birds with strange and distant voyages. 


But it is you that ties the thread and hauls me down. 



Like a kite, I will forever hold your hand. 


And with a burning human longing, in your hands, I surrender. 


I will never get tired of you. 


For you there will be no endings. 


I will say your name over and over… 


Celine… Celine… like a refrain. My prayer to no one. 



You know I will never get far.


And there is no need for my return. 


I’ve never been a traveler. 


For I have never left. 


I am lost, simply. 


Wanting to be in a place I’ve never been, and will never be.



Of all destinations, I long to be lost in the fields of your hair, 


lost among your thoughts as you are already in mine. 


You are my imperative to live. 


My life started when I loved you. 


And that’s how I want it to end.


Hmmm…. Isa lang ang masasabi ko….. Celine —- our love… it was the best …….. J


120/90

March 27, 2008

Dahil sa palagi akong naha-highblood – I decided a few weeks ago that I must do something about it. After all – Health is Wealth. Wala na nga akong financial wealth — wala pang health. Kawawa naman akong masyado. Ayun na nga —- itinigil ko na ang isang bagay na nakakapag-pataas ng aking presyon. Nope – hindi ako tumigil sa pagtratrabaho. Oo nga’t malaking factor ito – pero mas tataas kasi ang blood pressure ko pag dadagdagan ko pa ng problemang pinansyal. Ang itinigil ko na ngayon ay ang panonood ng news programs mula Pinas (e.g. TV Patrol, Bandila, 24 Oras, Saksi).

Tuwing nanonood na lang kasi ako ng balita ay nararamdaman ko na unti-unting umiinit ang aking ulo. Each news segment adds up sa init ng ulo ko —- para syang weighing scale na pataba ng pataba yung nagtitimbang. Numero unong kinaiinisan ko ay ang mga pulitikong pulpol. Oposisyon man o administrasyon o yung mga confused. Ang hilig kasi nilang magbalatkayo na ang mga ginagawa nila ay para sa taong-bayan. Siguro – kung tutuo lang na ang nagsisinungaling ay tatamaan ng kidlat —– ang Pilipinas na ang may hawak ng world record sa pinakamaraming tinamaan ng kidlat. Mapapatunayan din dito na lightning does strike twice – actually multiple times. At magiging mabilis ang palit ng mga politicians dahil sa dami ng namamatay dahil tinamaan ng kidlat.

Maraming nagsasabi na maka-administrasyon daw ako — na labs na labs ko daw si Ate Glue. Hindi yan tutuoo. Naniniwala ako na alam ni Ate Glue na corrupt pa sa buwayang pulis ang kanyang asawa at anak. Maari ding paminsan-minsan ay nakakakuha sya ng pang merienda. Fine. Nga lang — siya ang nakaupo ngayon e. Kahit aminin man ng iba o hindi — umaayos naman ang lagay ng Pinas. So – pabayaan na natin sya. Sa 2010 — aalis na rin naman yan sa high-chair nya.

Sa mga Oposisyon — mas madalas ako mahigh-blood. Walang sinabi kung hindi paalisin… paalisin. E kahit naman yata sino maupo – gusto nila paalisin. Pag sila na ang nakaupo – for sure sila naman ang paalisin. Hmp. Kung ako sa kanila – titigil na ako kasisira sa imahe ni Ate Glue. Actually – wala na namang sisirain e. Magfocus na lang sila sa kung ano ang gagawin nila for 2010. Magdesisyon sila ng 1 tao na tatakbong presidente para mas makasiguro ang panalo ng oposisyon. Pero sa tingin nyo ba mangyayari yan — asus. Baka mauna pa akong mangayayat at maging miyembro ng Coverboys+ kaysa mangyari yan. Tatakbo silang lahat – dahil daw sa clamor ng mga tao. Tapos – pagdating ng bilangan – talo…. dahil nadaya. E kung hindi ba naman kayo gunggong at kalahati – kung nung 2004 isa lang ang tumakbong oposisyon – e di sana kayo na nakaupo sa Malakanyang — at kayo naman ang pinapaalis. Syempre pa — para sa mga engots na oposisyon – experience is not the best teacher. Mas naniniwala sila sa kasabihang “Just do it!”. Hello! Nike ba ang suot nyong shoes? Di naman di ba? So anong do it … do it kayo dyan. Hay naku.

Sa mga feeling presidentiables… naku…. Umiinit din ang ulo ko. Mr. Palengke —- hindi lahat ng dumadaang jeep – sinasakyan. Hello. E tuwing may issue na lang — laging nasa tv at dyaryo pagmumukha mo. Naku — there is such thing as “over exposure”. Wala bang nagpapayo sa yo? Yung isa pang presidentiable — ang lakas ng loob magsalit ng mga expose —– sa “privilege speech”. Ayun – dakdak ng dakdak kasi alam nyang di sya pwedeng mademanda. Tingin ko — tapos na ang novelty nya sa tao. Senador mananalo sya … Vice President pwede pa rin. Pero President? Naku – medyo mahihirapan sya. Kaya siguro ngayon pa lang – speech na sya ng speech. Expose ng expose. Hay. Eto pang isa – dahil hindi sya tiyak maconsider na VP candidate… naglipat bakod … ayan VP candidate na sya… yung nga lang — talunan…. dahil dinaya ….. Sure? Meron pa dyan – feeling presidentiable. Publicity whore (for a lack of a better term — pasensya na po.. sorry) lang naman. Sabi nga nung iba – mas mabilis daw kasi ang bibig nya kaysa sa utak. Kaya pasensyahan na natin. Basta may issue — ayun nakikisawsaw din. Sana may magsabi sa kanya – ang issue hindi patis… kaya wag sya sawsaw ng sawsaw. Hmp.

Anyway — nainis na naman ako. Balik tayo sa ibig ko talagang sabihin. Mahigit one month din akong di nanood ng balita. I still read the paper — pero mas controlled ko yung inis ko pag diyaryo. Di ko kasi nakikita yung mga pagmumukha ng mga eng-eng. Pag tv kasi – kitang kita mo – flesh and blood ang mga kurimaw. San na nga ulit ako ….ayun…. dahil sa manageable na ang aking blood pressure – I decided na it’s time … tama na ang panahon upang manood ulit ng balita. Parang medyo tahimik na ang lahat e. Para bang calm before the storm. Since calm naman — manood ng news… pagdating ng storm… tigilan. Yan ang aking naging pamantayan. Kaya ayun – kagabi – nanood ako ng Bandila. Isang malaking pagkakamali.

Unang balita – yung supreme court decision na i-uphold yung executie privilege ni Neri. Syempre pa –daming galit. Kasi kung hindi magiging testigo si Neri — kailangan nilang maghanap ng ibang witness to do a Lozada. Yung kasing surprise witness nila after Lozada — ay surprisingly walang alam sa mga pangongotong na iniibistigahan daw nila . (Investigation ba yun kung assumed guilty na yung nasasakdal? Inquisition pwede pa). Pag walang makuha — mababawasan na ang free media mileage nila. May nagsalita ng na the decision daw of the supreme court overrides the power of the senate and congress to conduct investigation in aid of legislation. Asus. In aid of legislation ka dyan. Yun ngang cheap medicine act… hanggang ngayon act pa rin….. e alam naman natin na this will be good for the masa. Uunahin pa ang mga in-aid in-aid of legislation na yan. Itong batas na makaka-aid sa tao — mukhang forever nang nakabinbin. Saka — supreme court na nga yung nagsabi. Kung hindi nyo gusto – mag-appeal kayo. Wag na kayo painterview-interview pa na mali ang hatol. Mali – kasi hindi pabor sa inyo. Naku talaga… Supreme court nga e…. Supreme…… Kaya may Supreme. Kasi Supreme sila. So – sa ayaw nyo man at sa gusto…. supreme sila.

Ikalawang balita – connected pa rin yata sa unang balita….. may ininterview na sinabing kulang daw sa demokrasya sa Pilipinas? Ha? Kulang pa? Sure? E nasasabi nyo naman lahat ng sinsasabi nyo. Nakakapag-rally naman kayo kung saan-saan. Majority ng karapatan nyo e nae-exercise nyo naman. Ano pang gusto nyo? If we really stop and think about it – meron bang bansa dito sa mundo that is fully democratic? Wala no. May mga laws and such pa rin naman. By nature kasi – man can be destructive. Kaya minsan kailangan ng kaunting pagpigil sa karapatan para medyo manahimik. Mind you – democracy means for the people…. majority of the people….. not for the few who shouts louder than the rest. Minsan nga – isip ko lang… mas mainam kung ang mga Pinoy will be rules with an iron fist. Hindi kasi tayo palasunod – not unless strict ang nagpapatupad.

Ikatlong balita — a certain bishop was being interviewed… well fine…. lagi naman.. Galit sya kay Ate Glue …. fine pa rin….. prerogative nya na magalit at mag-voice out ng opinion nya. Sabi nya wag raw pakasiguro si Ate Glue about the bishops…. Sa 100+ something na bishops… parang less than ten ang gusto nang paalisin si Ate Glue.. 8 or so ang pro-administrasyon.. while the rest of the majority ay wala pa rin daw decision… so wag daw pakasiguro si Ate Glue na kami sa kanya ang mga bishops. Hmmm… sa tinagal-tagal ng kaguluhan na ito… sa dinami-dami na ng mga maka-teleseryeng pangyayari… majority of the bishops are not decided yet on which side to choose…. Hmmm…. Di kaya yung mga majority ay hindi talaga partisan? Which means that they have better things to do – like spread the Good News – kaysa magpagamit sa mga pulitiko? Si Mr. Bishop – wala naman issue sabihin nyo ang inyong personal point of view — pero kung sa pagsaalita nyo — sort of sinasabi nyo na marami talaga kayong mga bishops na pabor na patanggalin si Ate Glue — are you not misleading the people? Mga tao na naniniwala na with your guidance – they will be brought to the right road? Siguro — minsan… kailangan isipin natin (yung honest to goodness na pag-iisip ha) yung mga tao. Ano ba talaga ang makakabuti sa kanila. Pero di pa dyan natapos si Mr. Bishop — he blatantly said na hindi nya kayang bigyan ng communion ang isang public sinner… sorry na lang daw… but hindi nya pwedeng gawin ito sa makasalanan na hindi umaamin ng pagkakasala nya. Napa —- whattttttttt!!!!!!!!! - talaga ako dito sa comment na ito. Teka lang. Hindi ba isa sa mga teachings ay judge not so that you won’t be judged? How did you know na makasalanan talaga si Ate Glue? Has it been proven? Innocent until proven guilty di ba? Wag na yung batas-batas dahil wala din naman akong masyadong kaalaman dyan —- you won’t give communion because she’s a sinner? Whatever happened to acceptance? Forgiveness? Love thy neighbor? Jesus died for all of us – to redeem us all from our sins. Si Jesus nga — hindi selective…. who died and gave you the right not to give communion to “public sinners”? Paano kung private sinner … kasama ba ito sa hindi mo bibigyan ng communion? O – since private sinner ito – and you have no way to know if he killed an entire village — e bibigyan mo siya ng communion? Ano ba difference ng private at public sinner? Pareho lang naman silang sinner di ba? Ikaw ba – are you not a sinner? We all have sinned – malaki man… maliit…. Bottomline – we sinned. Saka paano mo nalaman na Ate Glue have not repented for her sins? E hindi lang naman ikaw ang pari na pwedeng pag-confession-an no. Nakakagulat lang na the person who have been teaching about living the Christian way of life would say something so un-Christian. You are pillaging Ate Glue of her lack of leadership…but the truth is — you are not different. Si Father naman — at nagtataka kayo bakit kumokonti ang nagpupunta sa simbahan.

Ikaapat —- wala nang ikaapat. Nilipat ko na yung channel. Wala akong plano na sirain ang aking gabi. Hmp. Manonood ba ulit ako ng balita – hindi na muna siguro. Ngayon pang nasa-manageable level na ang blood pressure ko. Ililipat ko na lang ulit sa TFC kapag Maging Sino Ka Man Na. Naku — patapos nap ala this week ang Maging Sino Ka Man! So sad……. Bilang pagtatapos sa blog entry na ito — let us pay pay homage to this show :

You and I will pass away someday my love

But the love we have come to share will never die

It will live on… and live it will

It will endure through the years unfolding

And others will know of it

For the rain will sing our melody

And in this song we shall live on.

And live…. We will.

P.S. Miss ko na si Celine.


Kaibigan, Usap Tayo (via e-mail)

March 24, 2008

———————————————————-

R, C, J,

San na nga ba? San na nga bang barkada ngayon?

M

———————————————————-

M (C, J),

Ako nandito sa S*******e. Si C –kumakain na siguro ng Pho Ba Noodles something sa V*****m. Si J – nevermind. Di naman nakikisali sa usapan yun e.

Ikaw? Depende siguro. Pwedeng nandyan ka sa C********n… o nasa imaginary world mo.

R

———————————————————————————————————

R, M, J,

Hi Pips!

Greetings from V*****m!

I’m still staying sa hotel, wala pa bahay so medyo di pa ako settled. But so far so good. Love the food here, especially Pho…lapit din ako sa beach, 5 minute-drive from my workplace.

Visit kayo dito!

C

———————————————————————————————————

C

Wala namang kwenta greeting — as in “Hi Pips” ang greeting nila dyan? Akala ko may local language sila dyan?

Masarap nga daw pagkain dyan — sa simula — pero isipin mo kung isang taon na puro Pho–whatever ang kakainin mo hehehehe… mamimiss mo rin ang adobo… dinuguan… bopis… hmmm.. parang masarap ang bopis…. makakain nga bukas….

Pero sbagay — marami na rin namang pinoy dyan di ba? Meron din ba silang “Little philippines” dyan?

Pag settled ka na — punta ako dyan!!!! Yehey!!!! Plane ticket lang gastos ko!!!! Pwede bang isama ang 2 kong housemate? So dapat malaking bahay kuhain mo… 4 bedroom… para may own rooms kaming tatlo pag pumunta kami dyan… hehehe…..

M,

Ang tanong naman ngayon — nasaan ka?

J,

Hindi ko na itatanong kung nasaan ka — alam ko ang sagot… kasama si Bulak… sabay kayong nawawala di ba?

R

———————————————————————————————————

R,

As always andito lang ako. Kinatamaran ko lang mag-open ng mail yesterday at ayokong ma-disappoint. Baka wala pa ring galing from you guys. Napanood mo na ba ‘yong pagsasabog na ginawa ng ating future representative sa Miss World. Hynako. May public outrage dito sa Pinas ngayon — bukod pa sa NBN-ZTE deal. The other day andito si US ambassador Kristie Kenney. Very congenial ang lola. Hindi pa-importante ang dating. Sana lang natandaan n’ya ko and serious s’ya nung sabihin n’yang tutulungan niya ko ‘pa’g nagpa-sked ako ng interview sa US embassy. Kapal nga daw ng mukha ko sabi ng mga tao dito. Aba! pagkakataon ko na ‘yon. One doesn’t get the chance to meet people like that everyday kaya dapat grab the opportunity. Di ba?!!

C,

Hi Pips!

J,

Regards to Bulak

M

———————————————————————————————————

Xin chao!

O ayan R, masaya ka na? May alam na ako na V********* word, hehehe.

Last weekend I had my first excursion in the city of D*****. It is a quaint city, not as nosiy and busy as ***********. I prefer it here, I have never been fond of big cities. Nagpunta pala ako sa museum nila. Mostly artifacts like the ones you can see sa Angkor Wat sa Cambodia. Well, once you have seen Angkor Wat, it kind of spoils everything for you, so di ako masyado impressed, hehehe.

It feels like home here. Kaninang umaga, I finally had the guts to try some of the food they serve for breakfast. To my delight, I discovered binatog, or kinulti as we call it sa bahay. Kahapon, naglalakad ako, nakakita ako ng puno ng talisay. Nagpunta din ako sa palengke, maraming danggit, atis, caimito, at mangga. Sa menu nila, kangkong din ang tawag nila, at mas masarap pa sa kangkong with oyster sauce ng Chowking. Kagabi, hapunan ko ay siopao pero di ako masyadao nasarapan. The best pa rin ang siopao ng **, hehehe. Then I went to a supermarket. I have never seen so many varieties of bagoong and patis.

The best part of all, I found a place where they sell Haagen Daaz ice cream na macha flavor.

What I dont like, I am still to meet a V********* guy who is taller than me. Ang liliit nila, at super payat. Super taba ko compared sa kanila. Pano na ako hahanap ng V********* na fafa? hehehe. Kanina na meet ko bago lecturer from Myanmar. In fairness, cute siya, hehehe.

M dear, what time ka ba nag o-online? Di kasi tayo mag abot.

J, wala lang, hehehe

Chao
C

———————————————————————————————————

M,

Pabayaan mo na si Bb. Pilipinas World….. She’s just seventeen… hahahahhehehhihihi…. It’s her first pageant….. hahahahehehehihihi….. She can’t believe she’s in the “tuff” ten… hahahehehehihihi…..

Katawa talaga sya…. pag tumingin ka nga sa youtube — meron nang version na ala-MTV… bwahahaha… basta kagaguhan nangunguna ang pinoy……

Pero dapat wag natin syang i-judge —”she’s not a book”……. saka beauty pageant naman sinalihan nya…. hindi Qiz Bee o Debate…. hahahaha…….

Bakit mo nga pala kailangan ng US VISA? Plano mong mag-tnt sa US?

C,

Xin-chao? hehehe… dito ang xin-cao —- black gulaman hahahahaha….

Ano ba work mo dyan? Taga-bilog ng spring roll? San ka base? sa ***********?

Masarap nga ang V********* na fish sauce…. yan yung dati naming binibili dito … medyo mabaho lang talaga…… kaya bumalik kami kay aling Rufina… kangkong din tawag dito sa kangkong —- meron din ba dyang “sambal kangkong”….. yum…yum….. partner sa pritong galunggong….. tingnan mo rin ang dessert nila — malamang may local version din sila ng ginataang munggo at ginataang bilo-bilo…… siguro kasi pare-parehong nasa SE Asia kaya maraming pagkakapareho.

Marunong na ba sila mag-ingles dyan? sa pagkakaalam ko kasi medyo hirap din sila di ba?

Ska don’t worry —- hindi pa ako nakapunta sa C*******… nor do I have any immediate plans of going there — so pag navisit ako dyan — may possibility na ma-amaze pa rin ako!

Nga pala — kailangan ko itong itanong — ang pinakaimportanteng tanong sa lahat —- Musta ang shopping? Mura ba?

J,

Wala lang… Baka maleft-out ka lang pag di kita nabanggit….

R

———————————————————————————————————

R,

Punta ko US kasi sabi ng friend ko lakas daw kumita mga Las Vegas nightwalkers lalo na if you’re Asian and fluent sa English. Yun daw ang uso ngayon dun - Exotic. He’s the same guy na nakakita kay Antoinette Taus sa stripper house. Kaya lang tumigil daw the minute pumutok ang balita dito sa Pinas. siguro, hanggang ngayon eh may pagnanasa sa mga cellulites ko ang maniac na ‘yon. haaay. sabagay, nung andito nga ‘yon makakita lang nga pepe ng dogey e natu-turnon na.

C,

Nag-o-online ako pag trip lang at pag may friends akong online. kadalasan naman salungat mga sked naming lahat. E siguro naman magtatagpo na din tayo sa holy Thursday at maghapon lang ako sa house at makikipagtitigan sa pinakamagandang lalaking aking minahal sa buong milky way. Haynako. ayaw man lang mag-swimming sa Easter kahit man lang sa banyera. Magsho-shorts daw kasi ako. Natural. May nagsu-swimming bang naka-jogging pants??? Eka pa ng impakto, meron daw. Dahil may classmate daw sila non sa PE nila na naka-jogging pants. E sabi ko baka may gales-aso ang putcha kaya gano’n. sabi, “Ay, baka nga mahal. kasi ‘pag naka-uniform na siya makapal siyang mag-stocckings kahit mahaba ‘yong palda niya. Eewwww!!!”

J,

happy halloween!

M

———————————————————————————————————

M,

Nightwalkers? Para namang vampires or something hahaha…. So kukuha ka ng “tourist visa” para i-tour sa mga Kano ang cellulites mo? Hmm… mukhang patalo yang venture na yan…. hahahaha…..

Plano ko ding pumunta sa states…. baka end of next year….. kaso gusto ko din bumalik sa Europe… fall in love with Paris — again….. Hay… so many places to go….. and no money…. Hay….. bakit ba hindi tayo pinanganak na Hilton (para libre lagi sa hotel room) o Tan (para libre sa airfare) o Sy (para libre sa SM). Life’s not fair!

C,

Ano na? Ilang spring roll na nabilot mo? Meron ba kayong quota per day? O per spring roll na nabilot ang bayad sa yo?

J,

Musta naman dyan?

———————————————————————————————————

R,

Nightwalkers term nila sa pungak, pokpok, hostes in other words e putcha. Hehehehe. Iyong American dream na ‘yon eh mukhang malayo sa katotohanan ‘yon. Magbabadminton nga lang ako sa mga court sa amin or bibili ng isaw sa may kanto eh kailangan pa ng special permit to purchase commodity known as isaw. Hindi ako malaya. ‘yong S********** dream ko nga eh in the making pa. Ewan ko ba kung ano meron sa punja ko. Friends ko here they couldn’t do anything. Takot silang lahat sa kanya. Mga kapatid ko naman enjoy na enjoy pa at “he” keeps me grounded daw. Haynako. A basta, marami akong plano na sana huwag manatiling plano lang. Like umakyat sa Mt. Everest, makipaghabulan sa mga llama, magpagulung-gulong sa damuhan, manood ng concert ni Bjork habang sumisigaw ng Tibet! Tibet! habang kinakanta nya ang liberation, mag-aral magbisikleta, mag-aral gumamit ng sceintific calculator, ma-interview si Britney Spears at matanong sa kanya kung paano niya naa-achieve such close shave sa kanyang vajayjay, maturuang mag-english ang Bb. Pilipinas-World para umabot man lang siya kahit sa tuff ten ng Miss World, ang kanyang second time in a beauty pageant, you know guys.

Mabawbaw lang naman kaligayahan ko. Ayokong maging hilton kasi sayang mga panty ko. Ang ku-cute pa man din nung iba. Iyong tipong labelled from monday-sunday. ayokong maging Tan. Ano? Forever cronie na lang tatay ko ng lahat ng nagiging pangulo ng Pilipinas? Ayoko ring maging sy. may lahi silang Mongoloid (no offense to C dahil galing siya ng Mongolia), as if i’m not mongoloid enough. Ayoko rin apo ni Queen Elizabeth. Binabala sa Afghanistan. Mukhang mas malaki tsansa kong maampon ni Angelina Jolie at Brad Pitt. hehehehe.

C,

Holy Week na dito. Nothing compares pa rin sa the best Holy Week natin a fews years ago sa Tuguegarao. Feel na feel ko talaga ang bakasyon. wahahaha. Holy week these days is like any ordinary week. Marami pa ring tao sa kalsada. Bukas at puno pa rin mga malls. At higit sa lahat operational pa rin mga gimikan. Unlike when were younger - ulam puro ginisang mungo at pritong galunggong. Dasal at magnilay lang. Nag-iis-station of the cross pa kami ng nanay ko. Ako naman pretend na I actually like it at baka tamaan ako ng kidlat. Hindi puwedeng lumabas. Hindi puwedeng maglaro. Hindi puwedeng tumawa ng malakas kasi patay daw ang Diyos. Minsang tanungin ko kung patay si God bakit umiikot pa din mundo at sumisikat pa rin araw? Di ba kontrolado niya lahat? Napalo pa ‘ko ng nanay ko. Buti ngayon the Catholic church has cleared a lot of misunderstood concepts about Holy Week. Pati ‘yong pagpapako sa krus at paghahagupit ng sarili, they don’t encourage that anymore. Okey pa din pagpapasyon (isa sa paborito kong activity ‘pag mahal na araw). Distant singing nga has been lulling me to sleep. It has a calming effect on me. Sana huwag mawala ang pasyon. Kaya lang may ate and I were just talking about how ten years from now e baka wala nang kakanta sa pasyon. Kasi ang mga kabataan ngayon would just go to the pabasa para makipagligawan and makipagkita sa mga texrmates nila. Excuse na nila ‘yong makapag-overnight sa labas ng bahay kasi religious daw kuno. Haynako. Generation ng mga bata ngayon puro ma-L. Buti pa nung kapanahunan natin. Malayung-malayo sa isipan natin ‘yang mga bagay na ‘yan. hehehehe.

J,

<3 <3 <3

M

———————————————————————————————————

M,

Wag ka na magreklamo…. Sinagot mo yan e… E di pagtyatyagaan mo…. Ngayon kung di mo na kaya pagtyagaan… E di hiwalayan… Which i’m sure ay di mo naman kayang gawin… Hehehehe…..

Tungkol naman sa mga plano mo… dapat maging flexible and realistic ka…….

  1. Umakyat sa Mt. Everest —- change to Mt. Arayat… kahit sa paanan lang
  2. Mmakipaghabulan sa llama —- pwede na rin siguro makipaghabulan sa mukhang llama.
  3. Magpagulong-gulong sa damuhan — pwede itong gawin…. kung walang damo… pumunta sa bukid at gumulong sa bagong tanim na palay….. wag ka lang pahuhuli sa mga magsasaka.
  4. Manood ng concert ni Bjork habang sumisigaw ng Tibet! Tibet! Tibet! Habang kinakanta nya ang liberation — hmm… manood ka na lang ng amateur singing contest…. at dun ka magsisigaw ng Tibet! Tibet! habang kinakanta nung contestant ang I’ve Been Waiting for You ala Sarah Geronimo.
  5. Mag-aral magbisikleta — pwede rin itong gawin. no revision needed.
  6. Mag-aral gumamit ng scientific calculator — di na uso ang scientific calculator ngayon… kaya ang pag-arala mo na lang ay ang kung paano i-spell ang “scientific calculator” habang nagbibisikleta…. ayan.. 2 birds with one stone pa yan….
  7. Interview with britney spears tungkol sa pagshave ng vajayjay — malamang brazilian wax ang paraan nya… hirap naman yata kung shaver ang gamit nya….
  8. Maturuan mag English ang Bb. pilipinas world —- wag mo na naisin pa yan… ayon sa balita — willing daw syang turuan ni Melanie Marquez….. kung ako sa yo… ilocalize mo itong dream na to…. subukan mong turuan ang mga contestant ng Ms. Barangay Bagong Sibol or something… marami din dun hindi marunong mag-english.

Tungkol naman sa Holy Week —- Masarap nga ang Holy Week dyan sa Pinas…..mahaba pa ang bakasyon. Dito Good Friday lang ang walang pasok. Dahil mas marami ang hindi katoliko — deadma lang sila lahat. Ang mga Pinoy naman patuloy pa rin sa mga nakasanayan nang gawin pag holy week —- nagbibisita Iglesia pa rin… saka simba sa Easter Sunday….

Nung Good Friday ay “no meat” muna kami — ginisang tahong at pritong galunggong ang ulam namin. Yun nga lang — nawala sa isip namin na bawal ang masasayang tugtugin — habang kumakanta si Rihanna ng Please Don’t Stop the Music — ay naalala rin namin. Kaya pinatay namin ang music. Yung nga lang — after lunch ay nag Sex and the City marathon kami. May nabili kasi akong japeyks dyan sa Pinas….. sa sobrang japeyks…. may ilang episode na naka-Espanol…. buti na lang at nanonood ako ng Dora the Explorer….. at may subtitle na English…. :)

Wala ditong pabasa — hindi tuloy ako makapunta para makakita ng mga bagong text-meyts.

C,

musta ang mga lumpia?

J,

:)

R

——————————————————————————————————–

M

Pahabol —- paano pag may sumungkit sa “wednesday” na panty mo? Meron ka bang spare? O ang isusuot mo ay ang Thursday?

R


Nang Magtanong Ako Kung Nasaan Ang Katarungan

March 6, 2008

The building where I am currently working has upgraded their elevator system (or lift – I may use this interchangeably sa blog nito- Bakit? Wala lang… para fair sa British at American people) . Medyo hi-tech na ito. Your domain floor is already in the system — so pagscan mo ng id pass sa may entrance — sasabihin na sa iyo ng system which lift you should use. The system keeps track of where the lifts are and the destination of the people…. It assigns people who are going the same floors to the same lift kaya bawas ang stop-over. If you are not going to your default floor — you can override it by pressing a calculator-like-thingy (wala nang up/down buttons). You just enter which floor you like to go and it will give back the lift that you should use. You just proceed to your designated lift and presto — dadalhin ka na nito sa floor na gusto mong puntahan. Tinanggal na rin nila yung mga floor buttons sa loob ng elevator. So kung nagabo ang isip mo – just get out of the lift…press the calculator-like-thingy and enter your desired floor. Kung pababa ka naman — you just have to press a calculator-like-thingy. The system will tell you which lift to use. It was quite good actually —–technically – if we are living in a perfect world — hindi mo na kailangan pang makipag-agawan ng elevator.

But we do not live in the perfect world. We are here — living in the real world. It’s far from perfect – but it’s the only one (for now) that we have. I love the new elevator system in my office building. It simplifies elevator life — well.. most of the time. Minsan — nakakainis din. Hindi ako actually naiinis sa bagong sistema. Ang nakakainis ay yung mga taong hindi marunong sumunod sa sistema. Naku — specially during lunch time. Simple lang naman ang process — pindutin ang floor na pupuntahan (for this case ground floor…)… hintayin ang assigned lift… pasok sa lift… baba sa lift. Ano ba naman ang mahirap dun. Pero hindi —- may mga tao na hindi ko alam kung tanga or tamad na ayaw pang sumunod. Minsan basta na lang makikisakay kahit hindi pa sya nakakapindot sa calculator-like-thingy. Minsan 200 sila pero isa lang ang pipindot… tapos lahat sila sasakay. Dahil sa ang alam ng sistema ay isa lang yung pinasakay na – mag-aallow pa sya ng ibang tao sa ibang floors para sumakay. So – maiinis ngayon yung mga tao sa ibang floor bakit dun sila na-assign e puno na. Sasabihin nila na hindi rin pala okay yung bagong sistema. E ano magagawa nung sistema kung may mga tangang nilalang na hindi marunong sumunod sa rules and regulations. Kadalasan ay nararanasan ko ito — dahil sa convenient yung bagong sistema — I do follow the process. Nga lang minsan – kailangan ulitin ang pagpindot ng ilang beses dahil sa yung naka-assign na lift sa akin ay puno na. What I really hate about it is that I followed the rules — and this morons who did not was able to board the lift that was supposed to be mine. Well – baka sabihin nyong OA — pero di ba nakakainis yun? Kung baga sa kasabihan nung mga kaibigan kong matatanda (di ko na sabihin… alam na nila kung sino sila ) “ Ikaw ang nagsaing — iba ang kumain”. It may be a small thing — pero still…. it’s not fair.

Another instance —- (not involving the lift ) — just this morning – it was really raining hard. Since umuulan — I decided to hail a cab sa may bus stop. Kita ko ang mga parating na taxi — at makikita nila ako. It was a perfect plan. Nung una — I was alone sa may bus stop. Okay pa. Then may dumating na nilalang (di ko na sabihin kung anong nasyon at baka maparatangan akong racist – sabihin na lang natin na karamihan sa kanila kailangang maligo…). Anyway – pumapara ako ng cab tuwing may dumadaan — minsan may sakay kaya di humihinto. Suddenly — may isang cab at the opposite side of the road na parating — walang sakay. Syempre sobrang ligaya ko habang pinapara ko ito. Huminto naman si mamang taxi — pero nung medyo lalakad na ako — bigla akong inunahan ni Mr. Whoeverheiswhoneedstotakeabath! Kainis talaga. As in obvious naman na nauna ako sa kanya. Pero hindi – inunahan pa nya ako. Naku. Inis talaga —- pero dahil sa umaga pa nun – at mabait ako… I let is pass. There are other cabs. Hindi siguro para sa akin yun. Anyway — naiwan na naman akong mag-isa sa bus stop…… hintay ng parating na taxi. After a minute or so — may dumating sa bus stop na isa pang nilalang. (Hindi ko na sasabihin kung anong nasyon sya.. baka sabihan pa akong racist… sabihin na lang natin na kaunti lang ang kita nya…) . Deadma lang din ulit ako — patuloy ako sa pagpara ng taxi…… nang may parating na naman na taxi cab. Pinara ko ito – at sinenyasan na magmaniobra para hindi ako masyadong mabasa. Sumenyas na si Mr. Drayber na ok… wait lang. Happy na ulit ako —- pero panandalian lang. Itong si Ms. Iambetterthanalltherestsincecitizenakosabansangito — biglang tumawid — at pinara yung taxi na nagmamaniobra papunta sa akin. Wala nang choice si Mr. Drayber kung hindi huminto kasi masasagasaan nya si Ms. Iambetterthanalltherestsincecitizenakosabansangito. Singbilis ni Flash na binuksan nya ang pinto at sumakay sa taxi. Medyo nabigla din si Mamang Driver…. At sinenyasan ako na pasensya na. Siguro naisip nya na alangan namang pababain pa nya e malakas ang ulan. Kawawa naman si Miss Iambetterthanalltherestsincecitizenakosabansangito – baka mabasa. Hmp — well she deserves to get soaked…. What she did is rather bi*chy. Pero syempre — dinedma ko na lang. Maybe the cab really wasn’t meant for me. Baka nagmamadali sya dahil na-eebs sya or something. Anyway – after a minute or so …. May dumaan na taxi… at nakasakay na rin ako sa wakas.

Ano relevance nitong 2 instances na ito —- well it only shows na we don’t always get what we deserve. Kahit ano pang sunod mo sa rules —- minsan you’ll get the bad end of the deal. Minsan mas pinagpapala pa yung mga nilalang na hindi sumusunod sa sistema. And this is true mula sa mga maliliit na bagay tulad ng mga sumisingit sa pila — to the huge things like mga pulitikong milyon-milyon kung mangotong. What can we do about it? Well – pwede nating patulan, pwede nating palampasin, pwede nating deadmahin. Whaterver it is that we do — ang sigurado lang ako – that won’t be the last time na mararansan natin ito. Is this bad? Of course. Is it fair? Of course not. Pero this is real life — and dito sa reality … life isn’t fair.