Tanikalang Sulat

February 27, 2008

chain_letter.jpg

I received a “chain-email” today and it made me think as well as feel nostalgic. Since ako ay isang complicated na nilalang — we do the nostalgic first… then go to the thinking later. Baka kasi maguluhan lang kayo.

Nostalgic — naalala nyo pa ba not so long ago … nung wala pa sa ating vocabulary ang salitang e-mail at ang telepono sa ating mga bahay ay hindi pwedeng isama sa ating pag-alis dahil sa hindi pa ito “mobile”? Wag nang magsinungaling — maraming nakakaalala sa panahong ito. Nung panahong ito — bukod sa mura ang pamasahe, slightly safe pang maglaro sa kalye at kuripot pang magbigay ng baon ang ating mga magulang — uso na rin ang chain mail – pero chain letter pa ang tawag dito. Since bata pa at medyo gullible — paniwalang paniwala kami dito. Nobody dared to ask kung ano kaya ang mangyayari kung sakaling i-break mo ang chain. Nope – breaking the chain is not an option. Kahit ano pa man gang mangyari — ang pinakaimportante ay ang makagawa ka ng 10 copies of the chain letter and give/send it to 10 of your friends na hindi pa nakakareceive nito. And this is no easy task. Kung 50 lang kayo sa klase – then 5 of you lang ang pwedeng magbigay dun. You have to give it to your friends in other classes… or your other circle of friends ( mga ka-tumbang preso sa kalye, kakulitan sa Lector/Commentator group etc). Hindi lang yan — since nung mga panahon na yun — mayayaman lang ang may typewriter at carbon paper… at mahal pa ang pa “Xerox”… wala kang choice kung hindi isulat kamay ang 10 kopya na ito. And the chain letters of those times are quite long. Ang daming nakalagay na dapat gawin or else you have to suffer the consequences that those who did not follow experienced. Aba – bilang isang bata – ayaw mo naman na mawalan ng trabaho (kahit hindi ka pa working…. What if matransfer ito sa parents mo and sila ang mawalan ng trabaho). Ayaw mo ring masagasaan, magkasakit, manakawan, masunugan, hiwalayan ng asawa (kahit wala ka pang asawa – the curse may be eternal !), mabalian ng buto, magkadiarrhea sa school, maging housemate si Cristy Fermin at Jobert Sucaldito..etc…etc.. Whew… Stressful. Pagkatapos mong maipamudmod ang chain letter at madagdagan ng sampung bagong kaaway — you can’t help but feel relieved. Sa wakas — dahil sa pagsunod mo sa chain letter na yun — your future is so bright – you have to wear shades. Then you grow up… and reflect back that you are very stupid and gullible during your younger days. But hey — who isn’t?

Thinking – I am not a believer of chain-mails or chain-sms.. now. I honestly believe that God will not punish you dahil lamang sa hindi mo naipadala ang mail to your x number of friends. However — I do forward a chain mail kung sakaling maganda naman ang message nito. Yun nga lang — medyo may kaunting editing na. Any sentence pertaining to sending to x number or friends and prophecy of doom if not followed will be deleted. I am sharing the mail not because I had to…but because I want to. Which brings me to today — Today I received 3 chain mails all with subject 1 to 17. The chain mail states the I should make a wish before reading it… so ok… make a wish… hmmm… what will I wish for…. Hmmm…hmmm… hmmm at isa pang hmmm…. Which makes me wonder — bakit nahihirapan ako mag-isip ng something to wish for. I have a lot of things in my “wants” list pero I feel it is not something that I should wish for. I should wish for something you really-really want and you think can be given to you. So aside from my wants list - out na dyan ang world peace, mabuo ulit ang ozone layer, Beatles reunion – kasama si John Lennon, katapusan ng Shake Rattle and Roll franchise at maging next Philippine President si Jamby Madrigal. I am not saying my life is perfect — but so far… it is okay. And okay is definitely good .. right? So — kailangan I should stop thinking about myself — and wish for something that will be beneficial for the family or friends. Hmmm…. That will be the right thing to do. So — I decided to wish for — secret — baka hindi magkatotoo. After the wish – I read the chain mail…. did what it told me to do…. then edit out the mail then send to a couple of friends. Do I believe that my wish will come true? — Let’s just say that I am hoping… but not expecting. Kung hindi man magkatotoo – well… to bad. Siguro hindi pa lang talaga panahon na ibigay sa akin ang wish ko. ☺


Gulong ng Palad

February 22, 2008

busy-office.gif

A week ago – I was complaining of being bored doing nothing dito sa office. Well – that was last week. Umikot na ang gulong ng palad… parang biglang nabuhay mula sa matagal na pagkakahimbing ang sangkatauhan at naisip na pagtrabahuhin ako. Mula nung Lunes — my Outlook Calendar was jampacked with meetings. As in puro pakikipagpulong sa iba’t-ibang proyekto sa iba-ibang bansa. Minsan nga pag may nagtatanong sa akin — ang una kong sagot — “which country is this for?”. Masyadong international ang kakisigan ko ngayon hehehehe. Am I complaining? Not really — sa tagal kong walang ginagawa — nandun pa ang excitement at adrenaline to do them all. Siguro mga three weeks na puro ganito — ayan…. yan na ang panahon ng pagrereklamo. Sa ngayon – enjoy muna ako. Yan na lang muna… over and out muna ako… 4:00 na kasi — may meeting ulit ako…. ☺


Mula sa Karimlan, Patungo sa Tamang Daan

February 19, 2008

lobokungfukidspalos_collage_small-300.jpg

Dahil sa hindi maganda ang oras ng pagpapalabas ng mg telersery ng Kapuso dito sa Land of 24X7 Kopitiam – nananatili akong tagasubaybay ng Kapamilya Primetime bida. Sabay-sabay na inumpisahan ang Kung Fu Kids, Lobo at Palos. Hindi pa ako nakapanood ng Kung Fu kids dahil sa hindi ko na ito inaabutan – pero kahit papaano ay napapanood ko ang Palos at Lobo. Syempre nandyan pa rin ang Maging Sino Ka Man. Hmp. Kainis na talaga itong si Corazon. Lagi nyang inaapi si Celine. Hmp. Buti na lang nandun si Onay the Monay. At labs pa rin sya ni JB. Anyway – naligaw na naman ako —- maaring tinatanong nyo — o.. e ano naman ngayon sa amin kung ano ang pinapanood mo. Sagot ko dyan — tama kayo… wala… for sure ay di kayo affected…..pero dahil sa blog ko ito —- ako masusunod kung ano isusulat. Hmp. Isama ko kayo kay Corazon e.

Palabok lang naman ang paragraph sa taas. Para maset lang ang mood bago dumating sa main course. Ano ang main course? Teleserye Disease. Di ba nabanggit ko sa aking isang blog na tayong mga Pilipino (me included) ay mayroong “teleserye disease”. Ano ang teleserye diseas? Ayon sa aking thesaurus na hindi pa naililimbag kaya ako pa lang ang nakakaalam —- ang teleserye disease ay isang bacteria na nabibigay sa atin ng ilusyon na ang buhay natin ay isang malaking teleserye. Yup. In other words — nabubuhay tayong mga Pilipino sa drama. Para tayong mga bad actors sa isang Pinoy melodrama series.

Case point — ang kasalukuyang hit na hit na teleserye — “Mula sa Karimlan , Patungo sa Tamang Daan - the ZTE Scandal”. Isang classic na example kung saan makikita mo ang lahat ng rekado ng isang Pinoy teleserye. Tulad ng Mara Clara at Aguila — medyo matagal tagal na rin ang itinatakbo ng series na ito. Marami-rami na ring media mileage ang nakukuha ng mga nilalang (mga trapo, oposisyon, administrasyon, di-tiyak o yung mga hindi raw oposisyon at hindi rin admistrasyon, makaka-kaliwang grupo, maka-kanang grupo, intellectual, feeling intellectual atbp) na at one point or another ay sumawsaw sa issue na ito. Tulad din ng mga Pinoy teleserye – pag medyo bumababa na ang rating — biglang may ipapasok na tauhan para mas gumulo ang kwento. Ginagawa rin ito para magtagal pa sa ere ang series. Di dyan nagtatapos ang pagkakapareho —- para mas malinaw … gumawa tayo ng check list ….

Bida na mahirap (daw) na inaapi (check)
Kontrabidang mayaman (check na rin)
Corrupt na pulis (check lalo)
Corrupt na pulitiko (maraming check)
Love interest ng bida (check na din)
Illicit affairs (a couple of check)
Concerned (daw) bystanders pero wala namang ginagawa (madami-daming check)
Mga nagmamagaling pero palpak (mas madaming check)
Kidnapan (check.. depende sa kung sino kausap)
May magka-amnesia (check na rin)
Bribery (check din..pero meron din cash hehehe)
Masama na magiging mabait (check na din at mukhang madadagdagan pa)
Scene sa simbahan (check na check)
Anak sa labas / Magkapatid pala (hmmmm… ekis)

So… batay sa aking check-list …. isa na lang ang hinihintay natin. Hindi kaya sa dulo ng ZTE issue ay malalaman ni De Venecia Jr. na ang tunay pala nyang tatay ay si Abalos? Pag nangyari ito… sobra na talaga.

O… maaring itanong nyo – love interest at illicit affairs? Meron. Pero tsismis lang naman. Di nyo alam? Ano ba yan. Huli na kayo sa tsismis. Buti pa si Jamby alam. Sige sasabihin ko — pero dahil sa ayaw ko namang mademanda iibahin ko ang mga pangalan at lugar. Nung una – sinabi nila na si Ambo daw ay may anak sa isang reporter na taga somewhere (di ko na matandaan). Ngayon – kung ano ang relasyon nito sa ZTE – ewan. Baka napilitan si Ambo na manghingi ng milyong dolyar pangdagdag sa child support or something. Kung ganun nga – e may relevance naman. Recently naman — tinanong ni Jamby si Whitey-shirt kung may “relasyon” sila ni Erin tulad ng relasyon ni Erin kay Rod something. Hmmm….Brokeback mountain ba. Ano relasyon nito sa ZTE – ewan ulit — unless na nagbreak sina Erin at Whitey-shirt kung kaya’t nagkaroon sya ng “moral conscience” bigla — e may relevance nga. Kung hindi naman – e itanong na lang natin kay Senadora Jamby. Baka may alam syang relevance.

Anyway — hindi ko masyadong sineseryosoang issue na ito — slight lang…. Bakit? Kasi truth be told – lahat naman ng cast ng serye na ito ay walang credibility. Alam kong maaring maraming magalit — pero opinyong ko lang naman yan. Kung may iba kayong opinion — isulat nyo sa blog nyo… or magpatawag kayo ng press conference. Balik tayo sa mga cast… di nyo ba pansin – bukod sa iilang bagong mukha – sila-sila rin naman ang kasali. Sila-sila rin ang nagbabatuhan ng akusasyon. Yun bang mga dating issue nila ay naresolve na? Hindi naman – pagkatapos ng walang humpay na grandstanding — nalimutan na nila ito and they have moved on with another issue. Reason? Ewan – possible kayang nawalan na ng interest ang tao dun sa nauna nilang awayan — and walang add-on sa kanila na ipagpatuloy ito?

Isa pang dahilan ko — bago natin isipin lahat ng pangyayari –san ba ito nagsimula… nagsimula ang lahat kasi hindi nakuha nung anak ni JDV ang Broadband project nung nag-bid sya dito. Hmmm…. Wala ako masyadong alam sa mga batas-batas… pero di ba bawal magbid sa government projects ang mga kalahi ng mga pulitiko? Bakit hindi binawalan ni JDV ang anak nya? Bakit parang hindi napag-uusapan ang issue na ito ngayon? Kung sakali bang nanalo sa bidding ang anak ni JDV… meron kayang scandal ngayon? Nakatulog kaya siya at nagising isang araw para i-expose ang katiawalian na sa kanya ibinigay ang project? Does this make him a sinner or a saint? Sa instance na ito — tutuo ba na huli man daw at magaling ay naihahabol din? Hmmm… basta ang alam ko — huli man daw at magaling — huli pa rin. Syempre – believer din ako ng palasak na kasabihang “the end does not justify the means”. Pasensya na po sa mga supporters nya — pero hindi ako masyadong convinced sa tao na ito. At the end of the day — hindi ko kailangan ang sinabi nya na sabi ni kung sino man. Hard evidence ang kailangan – documents, phone records, receipts, bank statements etc. Kung wala sya nito — at ang meron lang sya ay ang sinabi nyang sinabi ng kung sino mang pilato — e wait and see lang din ako.

Nang medyo sawa na tayo sa mga sinasabi ni JDV Jr. at Abalos… at deadma na rin si Neri —–in true pinoy teleserye — may darating na panibagong “witness”. Enter si Mr. Lozada . Fresh from his shopping spree in Hongkong (courtesy daw of Malakanyang) — mas ginulo nya ang storya. Medyo bumabagal na kasi — para macapture ang interest ng tao — medyo binilisan ang storyline. Ilang araw lang —- marami agad ang nangayari —– na-kidnap sa NAIA… or Abduct…. or kinuha para bigyan ng proteksyon ng PNP (depende sa kung sino ang kausap mo) — nawala, biglang lumitaw sa piling ng ating mga Father and Sisters…. Fast forward agad sa Senate Bureau of Investigation. Di pa dyan nagtatapos —- medyo madami-daming pangalan syang idinawit —- na syempre mag-rereact. Dahil sa medyo mainit ulit ang issue —- kanya-kanya na namang sakayan sa Kalesa ni Lozada. Kanya-kanyang statement — ang Catholic Church, iba pang sekta ng relihiyon, mga Businessmen, Kababaihan, Kabataan, Black and White, Black and Blue, Maka-Nora, Maka-Vilma, Maka-Sharon at kung sino-sino pa. Yung iba sabi umalis si Ate Glue, Yung iba sabi umalis yung mga gabinete but not Ate Glue. Yung iba sabi alisin lahat at ipalit si Kabayan Noli. Yung iban sabi alisin lahat pero ayaw nila si Kabayang Noli ang pumalit – kung sino – well pag-iisipan pa nila. Yung iba – isinisigaw na ibalik ang tambalang Guy and Pip. Pwede rind aw ang Vi and Bot. Pero ayaw nila ng Sharon-Gabby. Baka daw ma-hurt lang si KC. Ewan. Daming statements. Daming mga gusto.

Is Jun Lozada a credible witness as what the pro-Lozada is saying. Mahirap sagutin. Bakit? Kasi pakiramdam ko – masyadong maraming nakikialam sa kanya. Hindi ko na tuloy masabi kung sa kanya nga ba talaga galing ang sinasabi nya. Isa pa — pansin ko rin kasi na ang mga nakapaligid sa kanya ay medyo wala rin credibility. Di ba – tell me who your friends are — and I will know them… este I will know who you are? Lastly — sa mga lumalabas na storya — (pinakinggan ko both sides… para patas) – he is beginning to fall in the same box as JDV Jr. Sabi nya — gusto nyang mapag-ayos sina JDV Jr at sina Abalos. Same question — kung nagkaayos ba ang dalawang ito — maiisip nya kaya na “i-save ang kanyang soul”? If he really is kidnapped or abducted — bakit hindi sya nag-sms sa family and friends nya na “Help naman dyan…..”. Wala na ba syang load? Why did he not make a scene sa NAIA? Sa dami ng tao sa airport — for sure may makakapansin sa kanya. If he really is a very important star witness — bakit hindi man lang gumastos ang Senate para magpapunta ng tao sa Hongkong para sunduin sya — at samahan pauwi for his protection? Cost cutting? Sa dami ng pork barrel ng mga senador — wala man lang nag-isip magdonate? O baka naman gusto talaga nilang may mangyari kay Lozada so that they have something na pang-inis kay Ate Glue? Do the senators really believe to what he is saying dahil sa tutuo ito or dahil he is saying what they wanted him to say? Bakit may pangbayad sya ng pang-member sa Wack-wack golf and country club? Nag-christmas bonus ba sya? O baka naman gift? Nung nasa Hongkong sya — bakit sya nag-shopping spree considering na takot na takot daw sya at gulong gulo ang isipan? Therapy ba nya ang shopping? Kung magsasalita na talaga sya against the government – bakit tinanggap nya ang pang-shopping na mula daw sa government? Nagsalita ba sya because he wants to — o naisip lang nya na the boat is fast sinking — and it’s better to jump off now rather than be buried in the seabead with the boat? Sa dinami-dami ng supporters nya – wala bang nakaisip na bilhan sya ng kahit short sleeves polo man lang before going out on interviews. Sabi nya – di pa sya nakakauwi ng bahay kaya wala syang masuot —- hindi ba pwedeng makiusap sa mga kaanak nya na dalhan sya ng damit? Or bumili sa SM? Or pahiramin ng mga pari? Bakit kinakailangan naka-white undershirt lang sya — feeling Piolo Pascual? O nagpapaawa? Kung sakaling nagpapaawa sya — ibig ban yang sabihin na ang mahihirap ay walang sense when it comes to proper dressing? Kasi – marami naman sa ating mahihirap na kahit papaano — alam na pag ikaw ay makikiharap sa tao – you should at least be presentable. Hindi para madiscover at gawing artista — kung hindi it’s the right thing to do. It’s a sign of respect sa mga tao na makakakita sa yo. If you are really telling the truth — why do you still need all this drama? Ayos lang sa akin ang pag-iyak —– kahit naman siguro ako maiiyak sa stress kung sakaling ako ang nasa posisyon nya. Pero wearing a white undershirt is medyo OA na. Again… do I believe him? I want to — but somehow I have my hesitations.

Eto namang mga senador at ilang pulitiko na nakikisakay —- wag naman masyadong garapal… slight-slight lang. Sige kayo – baka sa kakapapel nyo mainis ang tao sa inyo. Hay. Do I still believe that the senators are impartial? No. Hindi ako kampi sa administrasyon. Do I believe na mayroong suhulang nangyari. Posible. Nga lang — innocent until proven guilty. Sa ayaw man natin o sa hindi — we should follow this. The whistleblowers should provide concrete evidences. Mahirap ang kwentong kutsero. Di ba ang sabi ng mga nakakatanda — ang maniwala sa sabi-sabi… gullible. Do I still trust the government? Slight – naniniwala pa rin naman ako na may mga tao sa government na truly gustong mag-serve sa mga mamamayan. At meron ding mga ganid na walang ginawa kung hindi ang magnakaw. Do I trust the opposition? May ilan — pero karamihan hindi. Bakit? Kasi naman – most of them have been already given a chance to serve in the government — pero wala rin naman silang nagawa di ba? Nung sila ba ang naupo – nabawasan ang corruption? Hindi. So bakit ngayon kailangan maniwala ako na things will be different kung kayo ang ipalit ko. Most of them are just former bida na nalaos at ngayon ginagawa ulit ang lahat para bumalik sa pagiging bida. Madalang ako pumanig kay Miriam — pero sa issue na ito… medyo may tama (as in correct ha… hindi topak) yata siya. You can summarize this teleserye in one sentence — Usapan lang ito ng mga taong hindi nabigyan ng tamang lagay. Tama din ang katanungan nya — wala nang kontrata…. Ano pang pinag-uusapan natin? San ito tutungo? Para malamang daw ang katotohanan sabi ng iba. Tanong ko naman — katotohanan sa kwento nino? Does anyone honestly believe na in the end we will know the truth? Taas ang mga kamay ng naniniwala —- para macongratulate ko kayo for your optimism. Ako – pessimist e. Hindi ako naniniwala na ang gusto ng mga opposition senators ay ang true truth. They had an opportunity na masira ang administrasyon kaya go…go..go… sila. The same way na kung ang administrasyon naman ang nakahanap ng masama laban sa oposisyon — punta rin sila ng media. Sino ang kawawa — yung mga kapwa nating Pilipino na naniniwala at nagagamit in the process. Wish ko? A credible witness who has hard evidence on the issue —- and a true impartial investigation… minus the circus and the monkeys running it. Kaya lang – that’s too much to ask for siguro.

Medyo mukhang mahaba-haba ang teleserye na ito. Magpapalit na siguro ang Primtimebida ng ABS pero itong serye na ito — going strong pa din. Malamang hanggang 2010 pa ito. Do I take this serye seriously —- di masyado. Bakit hindi? Dahil ang sumeryoso dito –malamang mental ang sapitin. Dapat — we should look into this issue for what it is —- isang malaking teleserye na lahat gusto sila ang bida. Sa dulo sino ang kawawa — e di tayong mga mamamayang Pilipino ulit. Pero oks lang yun — mahilig naman tayong magpakawawa. Tingnan nyo si Judy Ann… laging inaapi — pero sa dulo nagwawagi!

P.S.

May ininterview na isang madre sa special tapatan show sa ABS. Tinanong sa kanya yung isang tanong na gustong-gusto ko rin itanong —- paano nila nasabi na Lozada is telling the whole truth and nothing but the truth. Medyo nanghina ako sa sagot …….. GUT FEELING daw nila na he is telling the truth. Hmmm…. Gut feeling? Hmmm ulit…… Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa gut feeling ni sister —- pero kasi ang gusto nyong gawin naming mamamayan ay makiisa sa pagpapaalis sa administrasyon etc..etc….. and all this is based on a GUT FEELING? Magkakagulo ang buong Pilipinas — with strong effect on the economy dahil sa GUT FEELING? Wala akong issue sa pagkupkop nila kay Lozada — as that is the Christian thing to do. Pero ang paniwalaan sya dahil sa gut feeling — sorry po … pero hindi ako masyadong sang-ayon dito. Masyado naman pong mabigat ang hinihingi nyong gawin ko —- dahil lang feeling nyo nagsasabi sya ng tutuo. Pasensya nap o —- may hangganan kasi ang paniniwala ko sa tao. Kaya minsan — naghahanap din ako ng concrete evidence.

Isa pang medyo hindi maganda ang dinig ko —- sabi ni Lozada… ang gobyerno daw kasi natin utang ng utang tapos hinahayaan na ang nagpapautang ang magset ng terms. Dapat daw tayong nangungutang ang mag-set ng terms. Hmmm…. Pautang naman ng isang milyon — at babayaran ko in 200 years with 0.01 interest. Ano… papautangin mo ba ako o hindi? Ha? Ha? I may not be that business savy nor maalam sa government dealings — pero naniniwala ako na possible nga na may mga instance na yung nangungutang ang mag-set ng terms….. pero papayag lang ang nagpapautang kung win pa rin sila sa situation. Kunwari — umutang ang China sa Singapore —- pwedeng sabihin ng China na gusto ko lang 1% ang interest….. pero papayag ako na makapasok ang local banks mo sa China. Malamang sa hindi – papayag ang Singapore— not because hinayaan nila ang China —- pero dahil mas panalo kung makapasok ang local banks nila sa China since its an untapped market with billions of people. E ang Pinas — ano ba pwede nating ipang-bargain? Ang galing natin sa pagkanta?

P.S. Ulit :

Pasensya na sa haba…. Hindi ko kasi masyadong sineseryoso…. Pero pasalamat na rin kayo — Isipin nyo na lang – Paano kung sineryoso ko pa ito? Baka Next year pa kayo matapos magbasa. ☺


Time Out

February 12, 2008

dexterslaboratory2.jpg

Kung Hei Fat Choi! Sa aking mga dear reader/s… pasensya na at medyo matagal-tagal din akong walang entry. Medyo nag-AWOL muna kasi ako ng ilang araw. Bakit? Wala naman. Life is becoming too boring. I needed a break from life. Di naman ako nagpakamatay — don’t take the “need a break from life” to literal. Naisip ko lang na masyado akong down and bored the past few weeks — kung kaya’t kailangan kong mag-hibernate panandali. I took a break from my “Singapore” life — had a quick getaway – then balik ulit dito.

Ano ang ginawa ko? The usual. Everytime I feel that life here is becoming boring and unbearable — umuuwi ako ng Pinas. I went home for a few days and emerge myself sa buhay Pinas. O… alam ko na marami (tingin ko lang naman) ang magtatampo dahil sa hindi ko man lang nagawa na i-meet sila. Wag na kayo magtampo — hindi po ako nagtagal sa aming maralitang probinsya… was there for a day then balik Manila na ako the next day. Sa Manila man — pinili kong maging loner. Since I was only there for a limited number of days — medyo hectic ang buhay with all the places I need to go to. Syempre – bukod sa lakwatsa – kailangan na ring isabay ang mga sangkaterbang errands.

Sa aking sandaling pananatili Pinas — may mga ilang bagay-bagay akong namumi-muni….

1. MRT is the best transportation if ang patutunguhan mo ay within EDSA or near it (e.g. Makati, Ortigas, Fort). Grabe ang traffic sa EDSA… as in any time of the day.
2. Greenwich Pizza is the best pizza sa Pinas. The Pepperoni and Cheese is just pure heaven. Simpleng-simple lang ang lasa – cheese, pepperoni and a little tomato base. Walang kumplikasyon.
3. Majority ng taxi sa Metro Manila ay may napakahinang aircon. Di ko ito magets. Dahil bas a nagtitipid sila sa gasolina kaya kailangan hinaan ang aircon? Kulang sa maintenance? Malamang sabahin nyo na baka luma lang yung taxi… nope.. kahit yung mga mukhang bago na taxi ay may mahinang aircon.
4. God-send ang PUV tulad ng FX. I don’t think I’ll survive Pinas without them. Isa lang marereklamo ko… kung sa likod ka naupo— halos hindi ka na abutin ng aircon. Pero madali naman remedyuhan ito – e di sa harap ka maupo.
5. One should not take “Jollibee chicken joy” for granted. For sure ay mami-miss mo ito pag napunta ka sa bansang walang Jollibee. I had dinner in Jollibee few days ago – and it was one of the best dinner of my life. The 2 pc Chicken… with rice.. and overflowing gravy is to die for. Hay. Sino man ang magsabi na food has to be costly to be delicious is dead wrong.
6. I don’t like Trinoma. Feeling ko the layout is not that good. Nakakalito. Being a new mall — I was surprised na parang luma na ito. The floor tiles are chipped and dirty. The restrooms are not that clean. Ewan. I don’t think this place will be in my list of malls to go. Kaya sa mga hindi pa nakakapunta dito – lower your expectations.
7. Bibingka is no longer a seasonal merienda. Kahit hindi pasko – pwedeng magbibingka. I love the bibingka in Via Mare Café – piping hot with melting butter, salted eggs and cheese. Perfect with hot tea. Simbang gabi na lang ang kulang! ☺
8. Sa mga taong mahilig mag-merienda — the Philippines is the best place to be. I love merienda – nga lang dito sa Singapore — merienda usually consist of kaya toast, medium cooked eggs and coffee. Fine… I am exaggerating… meron din naman iba pang choice… but the choices are not as many as the choices sa Pinas. Palabok, Ginataan, Turon, Banana-Q, Camote-Q, Biko, Kwek-kwek…etc..etc.. I can go on forever… merienda pa lang. Wag na nating pag-usapan ang agahan, tanghalian at hapunan… mababadtrip lang ako!
9. Movies. I was surprised at the variety of movies na pwedeng panoorin ngayon sa Pinas. You have the usual “masa” movies, Hollywood blockbusters, Pinoy romantic comedies and Indie films. I was able to watch a few Pinoy Indie Films before – and some of them are really good. I am not into artsy-fartsy films… kaya medyo natuwa ako na may mga films din pala na artsy na pwede ring mag-appeal sa jologs na katulad ko. (Sidebar — saw Condo in Robinsons Galleria —- and I am not shy to admit — di ko ito nagets… the ending sucks… ano gusto paratingin ng filmmaker? Pag malabo ang mata kailangan magsalamin? Hmm… siguro para lang sa “ma-art” na tao ang movie na ito… maybe hindi ang tulad ko ang target audience….)
10. Bonifacio High Street is the best place to hangout. By hang-out – I mean have coffee… have a quiet dinner with friends… chill….. Lam nyo naman – when one gets older… the meaning of hangout changes. If you are looking for the “makatanggal eardrums” na tugtugin while sipping ice cold-oeverpriced beer - this is not the place to go. But if you are into a quiet afternoon walk with your pet dog, a good book and your ipod — swak na swak ka dito. Galing nitong place na ito. Makes me want to buy an overpriced house within the vicinity. ☺
11. Krispy Kreme is my favorite sin. I am a Krispy Kreme fan for the longest time. Lagi nga akong nagpapabili nito kung meron manggagaling sa US. Isipin nyo na lang ang aking kaligayahan when I learned that Krispy Kreme is coming to Asia. Syempre pa — bilang parusa sa akin – wala dito sa Singapore. Pero okay lang — as long as within reach na ang bilihan. Syempre pa – I did not forget to visit the Bonifacio High Street Krispy Kreme branch nung nandun ako. Diet? Ha? Ano yun?
12. Naghihirap daw ang mga Pinoy? Lagi ko itong naririnig. Mahirap na daw ang buhay… madami ang nagugutom…etc..etc… I really want to believe this —- pero tuwing uuwi kasi ako — this was not the scene I see. Parang kabute ang pagsulputan ng Shopping Malls at Condominiums….. ang daming private vehicles sa kalsada… latest model ang cellphone na hawak ng mga nilalang…. Punong-puno lagi ang malls….. walang maupuan sa mga restaurants…. I can’t help but wonder — ito ba ang mga naghihirap na Pinoy? Hindi ba this occurrence can be considered as a “growing purchasing power” ng ating mga kababayan? Of course – marami pa rin tayong kababayan ang nakakaranas ng poverty…. we can’t deny that …. But sa tingin ko – we should also not deny the fact that there are also a number of peope that are better off today than before. And we should be thankful for it.
13. Selecta Quezo Real is probably one of the best ice cream flavor in the whole world. I have been craving for ages sa Cheese Ice-cream na binebenta sa kalye – o in the words of the rich “dirty ice-cream”. Wala kasi dito nun e. Dahil walang dumadaan na mamang sorbetero sa pinag-stayan ko — Selecta Quezo Real ice cream ang binili ko. Grabe. Happiness in every scoop. Sobrang saya ko talaga. Pramis.
14. Malaki na ang iniayos ng Makati. Before kasi — kahit saan pwede ka pumara ng taxi. Ngayon may mga specific taxi stands na. Hindi na rin masyadong namimili ang mga mamang tsuper. A+ ito para sa akin. Keep up the good work!
15. There’s no place like home. Kahit ano pang sabihin kong masama tungkol sa Pinas —- the best pa rin ito para sa akin. Kahit ano pang sabihin ng iba — there is a steady progress sa Pinas. Nakikita ko ito sa tuwing uuwi ako. Siguro talagang pinanganak lang tayong mga Pilipino na medyo OA. Yun bang kailangan lagi may drama sa ating buhay. We have the dreaded “ teleserye disease”. Lagi nating pinag-tutuunang pansin ang mga negative sa buhay — that we failed to see and experience the good things Pinas has to offer. Ewan. Mahirap na siguro baguhin ito. Pero ako — alam ko — kahit nasa ibang bansa man ako – time will come na babalik din ako sa Pinas.