Usapang Nunal
January 23, 2008What do Enrique Iglesias, Piolo Pascual, Lorna Tolentino and Ate Glo have in common? Correct – their trademark – more famous than most of us – moles. Nunal na naghihiwalay sa kanila from other famous personalities. Except for Enrique Iglesias — the other 3 personalities I mentioned let their nunals be. Di nila ito pinakialaman. Enrique Iglesias decided to remove his famous mole — ngayon nasaan na sya? Nawala na parang bula. If I remember correctly — he did another album which bombed big time. Why? Ewan. Dahil kaya ito sa nawalang nunal? Pwede. Although we cannot be sure. Baka naman talagang sawang-sawa na ang mga tao sa mga Latino-singing-bootylicious-behind-gyrating singers.
Mole issues are not new to me. I have a couple of - depending on who you asked – well or ill placed moles. One is below my right eye. The other is just above my mouth – left side. I don’t mind having them really. They are not really that prominent - so no biggie. Let it be – yan ang aking pamantayan. Nga lang — parang hindi yata kayang gawin ito ng ibang mga tao. Case scenario 1 — tuwing nagreremit ako sa Lucky Plaza – I will be passing by this beauty clinic kung saan may mga staff na nasa may pintuan. Everytime na dadaan ako — lagi kong maririnig — “Mole removal po ser…”.. o “Tanggalin natin nunal nyo ser…”. As in everytime yan – walang mintis. Tingin ko nga meron silang kakaibang kapangyarihan. Yun bang papalalapit pa lang ang tao – nasesense na nila na may nunal ito. Kaya kahit anong gawing tago mo – nasaan mang singit ang nunal na yan – malalaman at malalaman nila yan. Minsan nga – feeling ko… parang gigil na gigil sila sa aking nunal. Minsan nga gusto ko sabihin na – “Ano ba… leave my mole alone!”. Nga lang — baka sabihin nila medyo OA ako – kaya dinededma ko na lang.
For sure iniisip nyo – OA naman nitong tao na to. Nunal lang may issue pa. Sorry na lang po…. One should never underestimate the power of the mole. Kaya nitong paikutin ang buhay ng isang tao. Tulad na lang ng nunal ko sa tuluan ng luha. Ayon sa matatanda – malas ito. It’s a clear sign na ma-biyudo ako for sure. Sama di ba? Ano ang ibig nyo sabihin? Either ipaalis ko ang nunal ko or wag na ako mag-asawa? Kung ipaalis ko ang nunal ko – paano ako makakasiguro na mawawala na ang sumpa ng nunal sa tuluang luha? Technically – nung nauso ang pamahiin na yan — wala pang technology para tanggalin ang nunal. Does this mean na covered ng pamahiin ang tinanggal na nunal? O pag peklat na lang naiwan – mas lesser ang magnitude ng masamang pangyayari – i.e. din a mabiyudo – pero maaksidente naman ang asawa? Kung live-in ba… counted ba yun? Kung iiyak ba ako ng upside down para hindi matuluan ng luha ang nunal ko — pwede ba na workaround ito para maiwasan ang sumpa? Kung sa left eye lang tutulo ang luha ko — abswelto na ba ako sa pamahiin? Ano? Ano? Puro katanungan – na walang kasagutan. Dapat kasi kung gagawa ng pamahiin – look at the bigger picture… take into consideration ang future technological advancement. Dapat din isama na ang pagiging maabilidad ng Pinoy sa pag-iisip ng workaround at pagpipilosopo. Para malinaw lahat.
At nunal pa lang yan sa tuluan ng luha. Paano na ang iba pang mga nunal. Kailangan din pag-isipan yan. Pero one thing is sure — wala ako plano paalis ang mga nunal ko. Kahit ano pang pamahiin o pangungulit ni Dr. Bello. Aba mahirap na — we should all learn from the Enrique Iglesias incident. Mamaya – ito palang mga nunal na ito ang swerte sa akin. Wala namang mawawala (bukod sa asawa… see above paragraph again) – e di mag-asawa ulit. ☺
P.S. na Muni Muni
1. Nasaan na kaya si Vincent Dafalong (tama ba spelling?)?
2. Bakit wala pang gumagawa ng pelikula na may pamagat na “ Ang Sumpa ng Nunal sa Tuluan ng Luha”? Maganda nama di ba?
3. Ano ba ang ibig sabihin ng Nunal sa Tubig? Paano naman nagka-nunal ang tubig?
4. Nakaka-apekto kaya ang nunal ni Ate Glo sa kaniyang pagsasalita… no?
5. Kung ang nunal mo ay nasa pisngi — ngunit it is within “tear” path – as in natutuluan din sya ng luha….. kasama kaya ito sa pamahiin?

Posted by rollypollypanini
