Hula Lang

January 2, 2008

fortune-teller.gif

This is my very first blog for the year 2008 kaya I would like to start with a greeting —- HAPPY NEW YEAR!!!! I had a good 2007 and I hope my 2008 will be loads better. Sige na nga – wish ko na rin yan sa inyo — my dear reader/s.

Tuwing papalapit ang New Year – napapansin nyo ba na constant fixture ang mga manghuhula sa mga shows sa Pinas. Usong-uso ang pag-predict kung ano ang mangyayari sa Pilipinas para sa parating na bagong taon. Ang napapansin ko lang — napaka-generic ng kanilang mga hula. Feeling ko lang – di na kailangang maging psychic pa para mahulaan ang mga maaring mangyari sa bayan nating mahal. Pero dahil uso ito — makikisakay ako panandalian sa band-wagon. Opo. Susubukan kong ipredict ang mga maaring mangyari sa Pilipinas – mapapulitika, showbiz o mga sakuna pa yan. Kaya panandalian munang magsitabi sina Rene Mariano, Jojo Acuin, Madame Rosa at Madame Auring — dahil sa mga susunod na minuto – ako muna ang bida…..

Ayon sa aking Carrot Cards (cards na printed with carrots — pag-aari ito ni Bugs Bunny dati) - para sa pulitika sa Pilipinas — nakikita ko na magiging magulo pa rin ang pulitika sa Pilipinas. Magkakaroon ng pagsulong ng isang impeachment case laban kay Ate Glue pero ito ay kanyang pagwawagian. Hindi pa rin tatangkad si Ate Glue – kahit na nagtatalon pa siya ng New Year’s Eve. Patuloy pa rin ang Oposisyon sa pag-o-oppose — hindi lamang sa administrasyon… kung hindi sa kapwa oposisyon din. Magsisimula nang unti-unting lumutang ang mga Presidentiables — kanya kanya na silang pacute. Magsisimula na rin silang mag-ikot sa bansa para mangampanya – pero itatago nila ito sa balatkayo na medical missions, consultative meeting with the poor etc..etc. Magsisimula na rin ang rigodon sa mga partido – may opisyon na magiging administrasyon, administrasyon na magiging oposisyon at mga nadedma o naisahan at walang kakampi na gagawa ng sariling partido. Dadami ang mga pulitiko na walang pinapanigan — yung mga hindi daw pro-administrasyon at hindi rin pro-oposisyon….. pro-people daw sila. Ito ang mga pulitko na hinihintay pa ang turing ni banker – bago sagutin ang katanungan “ Is it opposition or administration?” Malamang ay No Deal pa rin muna sila – hanggat hindi nabubuksan ang milyong-milyon na briefcase. Isa lang ang payo ko sa kanila – piliin si Charmel. May mga Public Officials na maiiskandalo dahil sa graft and corruption. Iimbistigahan ito agad ng SBI – Senate Bureau of Investigation. Dahil dito – wala na naman silang maipapasa ng mga batas. Magiging maigting pa rin ang labanan ng mga rebelde (Abu Sayaff/ NPA) at sundalo. Ang labanang ito ay parang friendship — it will last forever

Para naman sa Pinas Society - Batay sa aking Crystal Ball na may kaunting crack — dadami pa ang mahihirap — kasi manganganak sila ng manganganak. Ikaw man ang mahirap – kaysa bumili ng contaceptives… ibibili mo na lang ng bigas. Dahil sa mahirap sila – wala rin silang pera para panggastos sa paglilibang tulad ng panonood ng sine, traveling or sports like ice-skating, equestrianne etc. Kaya maglilibang na lang sila sa pamamagitan ng pakikipagniig sa kanilang mga waswit – which in turn leads to pregnancy then birth.. then poverty. Meron din mga demonyo na eextra pa sa kanilang mga anak, pamangkin, kapitbahay. Pag nahuli – sasabihin nilang lasing sila o nakadroga kaya hindi nila alam ang ginagawa. (Note: Suggestion ko lang – bakit hindi natin sila itali sa plaza ng hubo’t-hubad… paliguan ng honey at ipakagat sa langgam hanggat mamatay! Pwede rin gawing fund raising — 5 pesos kada kurot … 10 pesos pag may sampal… 20 pag may tadyak. Yung perang makukuha ay ibigay sa victim… suggestion lang naman…) . Marami pa ring mahihirap ang mahihikayat ng oposisyon na mag-rally kapalit ng kaunting pera o grocery dala na rin ng kahirapan. Meron din namang mga blind believers – na hindi mo naman masisi – kasi dahil sa pakiramdam nila ay wala naman silang nararamdaman na pagpapahalaga mula sa gobyerno. Ang mga working middle class naman ay dedma pa rin. Siguro dahil sa napagod na rin sila sa pakikibaka. O dahil sa wala namang maibigay na true alternative ang oposisyon. Nanaisin pa nilang magtrabaho at kumita kaysa sa magsayang ng oras. Ang mga mayayaman – well yayaman pa rin sila at patuloy pa rin sila yayaman for years to come. The emerging middle class backed by the OFW remittances is the sector to watch out for. Patuloy ang property boom dahil sa kanila. Medyo nagiging wais na sila ngayon – kaya instead na magpadala ng limpak-limpak na salapi na malulustay lang sa mga walang kwentang bagay – they will opt na ilagay ito sa real estate… or in investments tulad ng stock, bonds etc.

Para naman sa Pinoy Showbiz. Hmmm… batay sa galaw ng buwan at mga bituin… may mga beteranong actor at actress na mamamatay. Kasi nga matanda na sila. Mayroong mga batang actess na mabubuntis. May mga teenstars na malalaos at papalitan ng mga bagong teenstars na produkto ng reality shows. May mga pelikulang Pinoy na magbibigyan karangalan sa ibang bansa. May mga mang-aawit na mag-shine sa mg international competitions. Dapat pag-ingatan ni Dolphy ang kanyang kalusugan…. kasi kung hindi… magkakasakit sya. Actually – tutuo ito hindi lang para kay Dolphy pero pati sa lahat ng artista… lahat ng Pilipino. Kasama na ako dun. May mga showbiz couples na maghihiwalay! Kasi kung hindi naman couple… paano sila maghihiwalay? Tuloy na tatangkilikin ng mga Pilipino ang GMA at ABS-CBN. May mga international recognitions din silang matatanggap. Tungkol sa ratings — ang mag-number one ay depende kung sino ang tatanungin. Pag mak-kapuso — syempre number 1 ang GMA… pag maka-kapamilya – syempre ABS-CBN ang number one. (Naisip ko lang… paano kung nag-channel surf… as in palipat-lipat from 2 to 7… paano macount sa ratings ito?). Patuloy pa rin ang pagsikat nina Judy Ann Santos, Claudine Baretto, Bea Alonzo, Anne Curtis, Angel Locsin, Marianne Rivera at iba pang mga sikat sa GMA na di ko kilala. Paano ko nalaman? Well — hula lang naman. Kung malaos man sila – sorry… mali ang hula ko.

Para naman sa bansang Pilipinas –nababasa ko sa aking kulang kulang na deck of cards… na makakaranas ang Pilipinas ng mga sakuna. Hindi po si Erap at Jinggoy ang sinasabi ko (although pwede silang i-consider na sakuna). Nakakakita ako ng mga pagbagyo – lalo na sa rainy season. Magkakaroon din ng tagtuyot – sa dry season. Magiging mainit ang summer. Malamig naman ang Christmas season. Magkakaroon din ng mga paglindol at maari ring magkaroon ng pagsabog ng bulkan. Madali itong hulaan kasi ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire at Earthquake belt kung saan normal ang pagkakaroon ng pagsabog ng bulkan at paglindol. Magkakaroon din ng ilang trahedya sa mg sasakyang pangtubig (kasama dito ang barko, bangka, kayak, salbabdida and the likes) . Para maiwasan ito – wag magbiyahe sa pamamagitan ng tubig… este pag masama ang panahon. Kung nanaisin naman natin tingnan ang bright side – pagkatapos ng lahat ng sakunang ito — mabilis pa kay Flash na darating ang mga presidentiables upang tumulong sa mga biktima. Marami rin silang kasamang press people para sa Photo opportunity. Dahil dito – bibilis ang pagdating ng tulong….. kikita ang press… at pati na rin ang photo developing business. Hay — kahit taon-taon nangyayari sa Pilipinas ang mga sakunang hinulaan kong mangyayari — sana naman ay ipagdasal natin na magkamali ang aking hula….. kawawa naman kasi yung mga biktima….

Sa pangklahatan — nakikita ko na business as usual na naman sa Pilipinas. Tila reenactment ng 2007 ang 2008. Sila-sila pa rin ang makikita… pareho pa ring paghihirap ang madaranas…. Talo pa rin ang mga Pilipino….. Pero tulad nga ng laging sinasabi ng mga manghuhula — ang lahat po ito ay gabay lamang —- nasa sa atin pa ring mga tao kung ano ang magiging lagay ng ating bukas. Sipag, tiyaga, paniniwala sa kakayahan at paniniwala sa Diyos — pag lahat ng ito meron tayo — taob lahat ng mga hula na yan…. Muli… MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!!!! ☺

P.S. Tingnan natin sa 2009 kung nagkatotoo ang hula ko sa 2008…. Wala lang…. gusto ko lang malaman kung magaling ako manghula. Malay nyo – sa darating na future – baka ako na ang mag-guest sa mg tv shows na nangangailangan ng manghuhula…. extra incomde din yun ha! ☺