Same Same
January 24, 2008G1: Uyy. Long time no mail. Busy ka yata sobra
B1: Slight lang naman. Kaw nga itong di nag-e-email e. Bago na naman trabaho mo?
G1: Medyo. O ano bago?
B1: Wala. Same-same.
G1: Lagi ka na lang same-same.
B1: E sa walang bago e. Alangan namang magsinungaling ako.
G1: Sungit. Mukhang kulang ka sa tulog a.
B1: Masungit naman talaga ako kahit sapat ang tulog. So same-same.
G1: O sige na. Same-same na kung same-same. Di mo ba itatanong kung ano bago sa akin?
B1: Bago trabaho mo di ba? O di alam ko na kung ano bago. Bakit kailangan ko pa itanong.
G1: Naisahan na naman ako. Kaya minsan mainam na wag na lang magtanong.
B1: Korek ka dyan. So.. bukod sa trabaho – ano pa bago?
G1: Wala na. Yun lang. Sabi mo nga – same-same.
B1: See. Nararamdaman ko na wala namang bago. Kaya di na ako nagtanong.
G1: Opo. Tama na po kayo.
B1: Nga pala – uwi ako dyan Pinas. Couple of days lang. May asikasuhin lang.
G1: Planned leave?
B1: Nope. Biglaan lang.
G1: Bakit? Anything wrong? May naospital? May…
B1: O… tama na ang acting. Di ka na makahabol sa OSCAR. Wala naman masamang nangyari. May asikasuhin lang nga.
G1: Abnoy. Syempre sabi mo biglaan so yun ang naisip ko.
B1: Asus. Aminin mo na na dati mo pang pangarap palitan si Judy Ann.
G1: Di naman masyado. So bakit ka nga uuwi dito sa Pinas?
B1 : May aasikasuhin lang nga. Kulit.
G1: My gulay… ikakasal ka na?
B1: Paano naman napunta ang usapan sa kasal.
G1: Tingnan mo ha….uuwi ka. Biglaan. Walang maysakit o namayapa. Sandali lang. Aasikasuhin. Pinagdikit-dikit ko lang ang clues. Malamang may aasikasuhin ka na wedding related!
B1: Is that you Nancy Drew? Paclues-clues ka pa dyan. Mali naman. Hindi pa po ako magpapakasal.
May nakita ka na ba na isinasama ko na someone somewhere. Wala naman di ba?
G1: Aba… malay ko. Nandyan ka … Nandito kami. Malay namin ko may someone ka dyan somewhere.
B1: Fine. I’ll give you that. Pero kung meron man – dapat natsismis mo na yan. Kaw pa. Lakas ng radar mo. Madalas nga nauunahan mo pa si Cristy Fermin e.
G1: Gago ka talaga. Hindi po ako tsismosa no. Bait ko nga e.
B1: Asus.. Nagdeny pa.
G1: So ano na? Sino na ang kawawang mapapangasawa mo?
B1: Hindi nga ako magpapakasal. Uuwi lang ako. Couple of days. Break lang.
G1: Hmm.. di nga?
B1: Wag ka mag-alala. Pag magpapakasal ako… sasabihin ko sa inyong lahat. Ilalagay ko pa ang picture namin sa Friendster account ko.
G1: What???
B1: O.. ano naman ang nakakabigla sa sinabi ko
G1: May friendster account ka?
B1: O. ano naman ang kataka-taka dun.
G1: Wala lang. Pag kasi mag-open ng friendster account… kailangan may Friends.
B1: Gago ka pala e. Ano naman ang akala mo sa akin. Walang friends?
G1: Sort of.
B1: Meron naman no. Ang dapat itanong dyan — di ba sabi mo friend kita? Bakit wala ka sa Friendster ko?
G1: Wala kasi akong friendster account.
B1: Dahil wala kang friends?
G1: Abnoy. Dahil hindi ko na kailangan ng friendster account para masabi na may friends ako.
B1: In other words … wala ka nga friends
G1: Abnoy ka talaga. Hayaan mo – gagawa ako ng friendster account. Tapos ipapakita ko sa yo na mas marami ako friends!
B1: Ok. Iinvite mo ako ha. Para at least – meron ka na isang friend.
G1: In other words… gusto mo madagdagan ang pitiful friends list mo.
B1: Hmm.. pwede na rin.
G1: Nagtataka lang ako may friendster account ka… di ka naman friendly. Susunod nyan sasabihin mo na may blog site ka na.
B1: May blog site na ako. Ivisit mo minsan. www.___________.com
G1: Di nga?
B1: Oo nga. Ano naman mapapala ko kung magsisinungaling ako. Kikita ba ako? Di naman.
G1: Di nga? Blogsite?
B1: Oo naman. Ano naman kagulat-gulat dun.
G1: Wala lang. Non-conformist ka e. Tapos friendster, blogsite – you are one of them.
B1: Ano naman sama? Di ko naman ginagawa yun para maging one of them. It is for my own happiness.
G1: Ha? Happy? Kailan ka pa naging happy?
B1: Lam mo… pag nagkita tayo. Tatadyakan kita. Parang napakasama ng pagkakilala mo sa akin a.
G1: Di naman. Hmm. Medyo.. Slight
B1: Abnoy. Mabait akong tao no. Mapagkalinga. Mapagkumbaba. Mapagmahal.
G1: Mapagsinungaling
B1: Leche. Sa susunod nga wag ka na mag-me-mail.
G1: Nangungumusta lang naman. Eto talaga.
B1: Nangungumusta? E nangiinis ka lang e.
G1: Asus. Pikon.
B1: Ako? Di ako pikon no.
G1: Ewan ko sa yo. So. Ano. Kumusta ka naman?
B1: Eto. Same Same
G1: Mainam naman. Ako rin. Same-same.
B1: Mainam naman
G1: O sige. Sa isang taon ulit.
B1: Okidoks. Paalam.
Posted by rollypollypanini



