Nanay Academy

November 28, 2007

967290311_d29d054829.jpg

Few days ago — napunta sa usapang Nanay ang kwentuhan naming hausmate sa bahay ni Lola. Sa usapang ito — napansin naming na maraming pagkakapareho sa dialogues ng aming mga ina pag ang mga ito ay nagbubunganga…. Fine.. baka dalawin pa ako ng Nanay ko…. nagagalit.(Ayan Nay ha… binago ko na ang wording… peace na tayo…) Anyway – balik sa kanilang mga dialogues… it makes us wonder kung anong mga factors ang dahilan sa pagkakapareho na ito. Magkaiba naman sila ng geographical location. Iba rin ang ethnicity. They have different parents with different partental style. Pero parehong pareho sila ng mga sinsasabi kaya aakalain mong sa pinag-aralan nila ito ng sabay. Posible nga kaya? Maari nga kaya na nung panahon nila — ang lahat ng gustong maging ina ay kailangang pumasok sa isang Nanay Academy?

Maaring nagtatanong kayo – ano ba itong mga dialogues na pareho sila…. Heto ang ilang sample….

- Ano ba? Tanghaling tapat na nasa tulugan pa rin kayo? Inabutan na kayo ng sikat ng araw di pa rin kayo bumabangon!

- Wag kayong mag-aaksaya ng pagkain. Masusuwerte nga kayo na inihahain na sa inyo ang pagkain. Yung iba ngang pamilya dyan – di nila alam kung saan nila kukuhain ang kakaininin nila sa araw-araw.

- Aba. Ang gulo ng kwarto nyo a. Parang dinaanan ng bagyo. Ano ba naman yung linisin nyo ang kwarto nyo.

- Habang nagpapahinga kayo – magtupi naman kayo ng damit. Para kahit papaano ay may natatapos na Gawain.

- O ano ang itinutunganga nyo dyan. Magwalis-walis man lang kayo. Tuwing Sabado’t Linggo na lang nga kayo makakatulong dito sa bahay.

- Bawas-bawasan nyo naman ang pagbibihis. Ano kayo.. mga artista?

- Aba… iligpit nyo naman ang mga pinagkalatan nyo. Para kayong nakakuha ng katulong a.

O ayan.. sample pa lang yan. For sure marami pa kayong maidadagdag dyan. Hmmm.. ano.. ngingiti-ngiti kayo dyan? Nasabihan di kayo ng mga dialogues na yan nung bata pa kayo no? Wag nang tumanggi pa. Tandaan nyo.. liars go to hell…

But that was our Nanay’s generation. Paano naman kaya ang mga nanay of today’s generation? Is it really true that one grows up and become one of his parents? Ibig sabihin nito – ang mga dialogues ng nakaraan ay maaring dialogues din ng ngayon…. At maari ring nang bukas? Hmmm.. ewan ko lang.. pero wag kayong mag-aalala….. magmamasid-masid ako sa pali-paligit. Nais ko rin naman malaman ang kasagutan sa aking mga katanungan. ☺