What’s in a Name?

November 17, 2007

name2.jpg
Nakakabit na yata sa akin ang kamalasan kung pangalan ang pag-uusapan. Nope – hindi dahil sa mayroon akong pangalan na kahiya-hiya or katawa-tawa. Okay naman ang pangalan ko. Hindi maganda. Hindi rin naman pangit. Sakto lang kung baga. Medyo common pero oks lang naman….. SANA.

Bakit may sana pa…. dito na papasok ang sinasabi kong kamalasan. Nagsimula ang lahat sa birth certificate. Yup… isang pagkakamali na isinisisi ko sa aking ama. Bakit ba naman kasi hindi pa yata uso ang proofreading nung panahon na ako ay pinanganak. Mali ang spelling nga aking middle name at hindi pa nakalagay ang walang kamatayang “III” o da third. Yan ang version sa NSO. Pero kung sa cityhall ng kamaynilaan ka naman kukuha — makikita mo ang Da third… parang inihabol lang… pero Da Third na maliwanag. Consistent naman ang pagiging wrong spelling ng aking middle name.

Fast forward… year 2000…. Kailangan ko ng passport…. Syempre pa…. dito na lumabas ang importance ng proof reading. Kung nirepaso lang ang aking birth certificate bago ipinadala sa NSO.. di sana walang issue sa pagkuha ng passport. Pero hindi…. Dahil mali ang pangalan… walang Da Third… maling middle name…. Kailangan kong magpabalik-balik sa NSO para asikasuhin at makiusap na maniwala sila na ako nga ito… at hindi ako nagbabalatkayo. Sa sobrang dalas ko nga sa NSO office – halos bigyan na ako ng staff id ng gwardiya dun. Sa awa naman ng Poong Maykapal — pagkalipas ng ilang buwan ay naisaayos ko ang aking pangalan… may da Third na ito… pero mali pa rin ang spelling ng middle name ko. Punta naman ako sa DFA dala ang lahat ng papeles (tax certificate, school diploma,transcript of records, membership sa Juday fans club at kung ano-ano pa) na nagpapatibay na ako ng ulit ito.. at hindi nagbabalatkayo. Unang punta pa lang… luck is on my side na yata… ayun… sa wakas… nakuha ko na rin ang pinaka-aasam-asam kong pasaporte.

Nung nandito na ako sa land of Kway-teow…. Hirap na hirap ang lahat sa pagbigkas ng aking pangalan. Hirap kasi silang bigkasin ang titik “R”… kaya ayun… kung ano-ano ang tawag nila sa akin. Oks pa rin naman… basta malappit..pwede na. Hindi nga nila masabi ng maayos ang “Parking Area”… pangalan ko pa kaya. Hehehe.. pag sinasabi nilang ang Parking Area…. Walang “r” sa “Parking”… nung una ko nga narinig yun…. Napangiti ako.. biro mo.. an area just for ….. hehehe…..

Sa aking short stint sa Progresibong bangko…. Muli kong naranasan ang kamalasan….. mali na naman ang spelling ng pangalan ko na ginagamit ko sa pag-log on sa aking PC. Pinababago ko nga ito… pero sabi nung mga masisipag at mababait na admin… mahirap daw… pabayaan ko na lang daw… kaya ayun…. Mula day 1 hanggang last day… “Della” ang kailangan ko itipa ….. asus… ano naman ang hirap sa Dela… aapat na letra na lang nga… nagkamali pa…

Nung bumalik na ako sa Siyudad…. Muli akong sinundan ng kamalasan… feeling ko nga curse na ito. Ano ba naman ang hirap sa pangalan ko…. Madali lang… pramis… pero hindi…. Mali na naman…. Mula sa mg e-mail… hanggang sa I.D…… medyo nabitin ang first name ko… nawala ang titik “O”. Fortunately — hindi ko na kailangan pang magwala…. ang mababait at masisipag na admin (this time hindi ako sarcastic) na raw ang mag-aayos nito. Ilang days lang naman daw ako magbabalatkayo bilang ibang nilalang…. pag-naisaayos na ito… muli na naman akong magiging ako… name and all……. And I am definitely looking forward to that day…. ☺