Day 3….. as expected wala pa akong ginagawa bukod sa magbasa…. Magbasa… at magbasa pa. Di po ako nagrereklamo. Alam ko naman na ganito talaga ang pagdaraanan ng lahat ng mga “new employee”. Ang di ko lang magets… iniexpect ba ng sangkatauhan na maintindihan at matandaan ng “new employee” in context ang lahat ng pinabasa sa kanya, Paano kung ang new employee in context ay tulad ko na nagkukunawari lang na nagbasasa?
Anyway — dahil sa balik bahay na ako…. Ini-expect ko na magbabalik buhay din ako. Ano ang “balik buhay” na sinasabi ko. Balik sa buhay Utsu. Ano ba ang buhay Utsu … malamang na tanong ninyo. Ahh… para itong isang pinoy teleserye. May bida — ako. May kontrabida – mga taong sumasalungat sa kagustuhan ko. May tuwa — pag nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. May lungkot – kapag nagwawagi ang mga kontrabida. May action – pag nagtutunggali sa mga pulong. May horror – mga mukha ng mga taong kinaiinisan ko. Minsan may religious din – pag dasal to the max ka na mameet mo ang mga deadlines. Siyempre di mawawala ang romance — pag gusto mong yakapin ang mga manggagamit (business users) dahil sa madali silang kausap. Di lang yan…. Meron ding mga nagkaka-amnesia — yung mga nakakalimot sa mga napagkasunduan na . Meron din mga nabubuhay na patay – mag requirements na na-drop na pero pagkaraan ng ilang araw ay muling nabubuhay bilang same requirement (same character ) or iniba ang pangaalan (may kakambal pala… o nagpapanggap na ibang character).
Saya di ba? Puno ng excitement ba. No dull moment. Pero kailan nga kaya ako magbabalik buhay. Dasal ko lang… sana medyo matagal pa. Sarap din kasi ng basa lang ng basa… I was able to catch up on my sleep … ☺
Posted by rollypollypanini