Unang Araw, Bagong Simula
November 1, 2007Bago ang ano pa aman – Happy Halloween sa lahat! Pasensya na rin at medyo natagalan bago ako muling nag-blog. Nabagsakan kasi ako ng katam (aran) kaya nagkasakit ako sa bato (gan). Bukod pa dun – kailangan ko ng rest and relaxation dahil sa sobrang konsumisyon na inabot ko sa aking previous employer. Detox ba muna. Para handa sa susunod na mga paghamon sa buhay.
November 1 – hindi lang po ito All Saints Day para sa akin. Ito rin ang unang araw ko sa aking bagong-lumang work. Magulo? Bago – kasi after ng aking short but sour stint sa Progresibong Bangko ng Singapore – naglipat bahay na ako sa ibang workplace. Luma – kasi nagbalik bahay ako sa bahay ni Kuya. Nope. Hindi sa Big Brother house…. Sa Siyudad. Balik- Siyudad na ako. Kaya luma din. Granting na ibang grupo ako ngayon… pero same application pa din naman ang aking hahawakan. Kaya luma rin talaga.
Bakit ako nagbalik bahay? Hmmm… anong sago tang gusto nyo… pang interview (I would like to challenge myself and crap… more crap…. And more crap)…. O sagot na practical ( Pera pera lang naman ang buhay). Hehehe…. O joke lang… baka dumami ang mangutang sa akin. True reason? Pag napuno na ang salop… dapat nang lumipat sa ibang salop…. Kaya ayun.. since Siyudad lang naman ang handang tumanggap sa akin… tinanggap ko na rin…
Novemeber 1 — unang araw ng aking pagbabalik… panibagong chapter sa aking buhay sa siyudad…. Para bang Maging Sino Ka Man… Book 2 na… technically ha….. hindi counted yung paglipat ng grupo since Siyudad pa rin naman yun… hindi kasama ang 2 months vacation kasi Siyudad pa rin naman yun… ngayon umalis… at bumalik… so Book 2….. o…. wala nang kokontra.
Tanong nyo… ano kaya maaring mangyari… tingin ko … the usual…. Marami akong aawayin at susungitan…. May mga bagong kaibigan na makikilala…. May mga oras na maiinis… May mga araw na matutuwa…. Bottom line…. Balik bahay…. Balik sa dating Buhay!
Posted by rollypollypanini