Huling Hirit

October 19, 2007

1beehon1.jpg

Maraming huling hirit ngayong araw na ito. Mga bagay na huling beses ko gagawin. Bakit huling hirit? Wala lang. Huling araw ko na kasi dito sa Progresibong Bangko. Tama ang nabasa nyo… huling araw ko na ngayon ditto. Nakakagulat ba? Di naman siguro masyado. Sa dami ba naman ng mga reklamo ko sa previous blog entries ko – hindi na siguro kataka-taka na mapuno na ang aking salop at ito ay akin nang kalusin. Dalawa lang naman ang choice e…. ang umalis dahil nagbitiw… o ang hulihin ng mga pulis at ikulong dahil sa naging crime scene ang office. Naku… yung unang choice ang pinili ko… hindi ako pwedeng makulong at malatigo… sensitive ang aking skin at magmamarka ang mga hataw ng latigo.

Anyway – balik sa mga huling hirit…. Bukod sa iilang tao na naging kaibigan ko na… marami din naman akong mamimiss…. Unang una na ang aking daily breakfast for the past 6 months. Ang daily dose ko ng kopi-c at beehon. Syempre damay din si Madame Auntie (na hindi na bumalik after marenovate ang beehon store) at si Bridge Beehon Auntie (na naging kahalili ni Madame Auntie bilang Beehon Angel ko). Mamimiss ko din si Kopi-c auntie na nakikita pa lang ako ay tinitimpla na ang aking Kopi-C… small, take-away, less sweet.Mamimiss ko din si Bridge Juice Uncle. Tuwing lunch time — pag nakita na nya ako… sasambitin na nya na .. “same..same??”… Ano yung same-same… Orange/Carrot/Celery Juice… na napalitan ng Watermelon Juice large.

Ano? Sino mamimiss ko sa mga katrabaho ko? Marami. Unang-una na si Sassy.. sino na lang magsasabi sa akin ng “Use your intelligence” o “Use your common sense”. Syempre kasunod na dyan si Ate Vi. Mamimiss ko ang pagpapantay ng column at pag-indent ng mga paragraph. Not to mention the difference between Nil and Null! Si Lola… in fairness… mabait naman sa akin si Lola…. Wish ko lang for her….sana maging matatandain na sya… matatandain ha… hindi matanda. Last and definitely not the least… si Chichay. Sya kasi ang laging nagpapa-alala sa akin ng kahalagahan ng water conservation. Minsan nga… naiisip ko.. am I doing the world any good sa paliligo? Kung tipirin ko na lang ang tubig?

Kidding aside – hindi naman lahat ay masama… mayroon din naming mabuti. Nadevelop ang aking Word at Excel skills. Naging metikuloso na rin ako when it comes to documentation — always looking at the finished work… checking it twice… finding out who’s naughty or nice… este…. Mali… sa December ko pa pala gagawin yun. (Mental note!). Naging updated din ako sa mga news and current events… pati showbiz tsismis…. dahil sa internet access at maraming freetime. Nadagdagan rin ang kaalaman ko sa public transportation dito sa land of the kopi-c. (Bus 97 at ang Tanjong Pagar MRT station).

Hmm… bakit nga ulit ako nagbitiw? Hehehe… Joke lang… No regrets no… Siguradong sigurado ako sa desisyon ko hehehehe….

O… ano.. iniisip nyo san ako lilipat? Tinatanong pa ba yun…. Kung no clue kayo…. Problema nyo na… don’t worry… pag nag-first day na ako… isusulat ko dito sa blog ko!