Buhay na ulit ang Bahay!

1. Buhay na naman ang mga adik sa Bahay ni Kuya! Napuyat nga ako sa panonood kagabi ng pagpasok ng mga celebrity housemate. Kung sino man sa TFC management ang nagdesisyon na gawing 11:00 ang simula ng PBB tuwing Sunday — sana ay magkaroon ng eternal diarrhea! Sana kaunting isip naman — may office kinabukasan… tapos ganun ang schedule. Hello! Bakit hindi na lang si Sharon ang nilagay sa slot na yun. Saktong sakto para sa kanya ang timeslot nay un — kasi lagi sya happy! So magiging happy din ang mga inaantok na manonood. (Peace sa mga Sharonians……).
2. Sampung housemates na ang nasa loob ng bahay. Yung iba — isa-isa na namang ipapasok within the week. Medyo di ko gusto ang style na ito which they started during PBB Season 2. Wala lang. Mainam lang kung nandun na sila sa loob lahat. Para labo-labo agad. The more… the merrier. Saka para makilatis na agad at makapili ng peyborit. Sa PBB season 1 – peyborit ko si Teacher Raquel, sa Celebrity Edition 1 – peyborit ko sa Mitch Dulce, sa Teen Edition – peyborit ko si Micki, sa PBB Season 2 – peyborit ko si Maricris. Sa PDA – peyborit ko si Panky. May pattern ba? Hehehehe…. Mahilig ako sa mga character na housemate. Yung bang itsura pa lang — alam mong pala-away na hehehe Sino kaya ang pala-away this season? Hmmm… masyado pang maaga para magkaroon ng peyborit. Hintayin nating makumpleto muna sila sa loob.
3. Habang nanonood ako ng PBB Celebrity Edition 2 — I can’t help but wonder….. bakit kaya nila naisip pumasok sa loob ng bahay ni Kuya? Fame? Pwede… pero mayroon namang iba na kahit papaano may career na. Money? Malamang…. Kaya lang masyadong malaking risk sa career nila ito. What if they do a “Wendy” inside the house? E di wala na ang career. Experience? To challenge oneself? Posible…. Pero kung ako siguro… kahit imbitahin ako — di ako papasok sa bahay ni Kuya bilang housemate. Bakit? Di ko kayang mag-cr ng may nakatapat na camera. Shy type ako e. Saka for sure maaway ko lang si Kuya… mahilig sya mag-utos. Ayaw ko pa naman ng inuutusan. Tadyakan ko pa siya dyan e. Subukan lang din nya na gisingin ako sa umaga. Hambalusin ko sya. Hmm.. pero kung papalit ako kay Kuya… pwede pa siguro. Lagot sa akin ang mga housemates! Ihi lang ang pahinga nila!
4. Minsan – napagusapan naming magkakaibigan na magandang idea na magkaroon ng PBB All-star Pasaway Edition. Yung ibalik yung mga dating housemates from PBB and PDA. Isipin nyo — magsasama sama sa bahay sina JB, Raquel, Uma,Cassandra, Micki, Wendy, Maricris, Mitch, Keanna, Panky at Rosita. Tapos may new housemates tulad nina Ethel Booba, Snooky Serna, Angelica Jones, Madame Auring at Mystica. Ang saya di ba? Tingin nyo? O kaya – PBB All Star No-Personalities edition. Ibalik sina Jenny, Bob, Mang Rudy, Rico, Angela, Roxanne, Mikee, Bam, Nina, Saicy, Robert, Bodie, Jeremy, Geraldine at Michelle from PDA. O di ba? Kung yung isang batch sobrang palaaway at pasaway – eto naman parang nag PBB sa seminaryo. Parang gamot sa insomnia pag nagkatotoo ito! ☺
Naku… uwian na pala…. late na nga ako dumating….. late pa ako uuwi.. sobra na yun no.. di makatarungan… Paano… Babu na…. sa muli! ☺
Photo from : http://pbigb.multiply.com/