Forgetful Me
October 9, 2007Halatang halata kapag busy as Jollibee ako. Walang BLOG! Pero pansin ko lang… wala naman nakakapansin nito bukod sa akin. Pero oks lang. Oo… promise… oks lang. Maniwala na kayo… oks lang talaga. At least walang pressure to come up with an entry. Pwede ko itong gawin when I feel like it. Hay – past few weeks was incredibly busy. Oks lang naman ang busy. Pero kung puro walang kwentang bagay naman ang pinapagawa sa y o …. Hay… ang blood pressure. Let’s just say na the work I have been doing for the past few weeks is something I am not really proud of. Kung darating ang pagkakataon na tatanungin ako kung ako nga ang gumawa nun – I would lie! I would deny ever being involved sa kaengotan na ito. Sa sobrang ayaw ko nga ipaalam na ako ang gumawa… a team lead have to inform me to use my full name instead of the non-descriptive ID na nilagay ko. ☺ Kaya ayun – may evidence na of the crime! Hay… isipin na lang ang sweldo…. Yun lang ang nakakatawid sa akin sa buong araw!
Anyway – isinulat ko ang blog na ito hindi para magreklamo….ok.. fine… partially para makapagreklamo…. Let me rephrase… isinulat ko ang blog na ito for two reasons… para magreklamo (which I already did)… at para isulat ang isang phenomenon na naramdaman ko kagabi. I was surfing the net ng maramdaman ko ang phenomenon na ito. Yung bigla ko na lang sya naramdaman. Nope… di po sumakit ang tiyan ko.. or nautot…. Alam kong yang ang iniisip nyo. Hmp. Ibang pheonomenon.
Naransan nyo na ba na bigla nyo naramdaman na feeling nyo may nalimutan kayong importante? Yun ang naramdaman ko. Bigla ko naramdaman na parang may nalimutan akong gawin. Wala namang may birthday sa pamilya ko. Dagli-dagli nga ako nagpunta sa Friendster site to check if any of my friends is celebrating their birthday. Isa kasi yan sa waterloo ko… to remember dates. Marami akong mga walang kwentang information na natatandaan… pero ang mga birthdays… asa pa. San na tayo… ah… ok.. sa Friendster…. Wala din naman…. I SMS a few friends … pero wala pa rin…. Lumabas ako sa room to see if I forgot to turn off the lights or the stove or whatever… pero wala naman. I checked kung may bills na di ko nabayaran… wala naman… Ewan… basta parang may nalimutan ako. Naligo naman ako… nagtoothbrush…. Hmmm….ano kaya yun….Nakakainis yung ganung feeling no? Hmp. Para lang malimutan ko ang pagiging balisa ko…. I decided na manood na lang nga Greek. Fortunately … I was entertained… and was able to forget the “bothered” feeling.
Ngayon… alam ko na ang tanong nyo… was I able to find out kung ano yung nalimutan ko. Ang sagot — NO. Pero di naman na ako worried… whatever it is… it can’t be that important. If it was – di sana nalaman ko na kung ano yun. Tama ba? Pero still… ano nga kaya yun… any ideas?
Posted by rollypollypanini