Bato
September 14, 2007
Batong-bato ( as in BORED) ako ngayong araw na ito… di ko tuloy maiwasang lumipad sa kawalan ang aking diwa at makapag-isip ng kung ano-ano……….
-
Paano kaya kung si Ruffa Gutierrez ang Presidente ng Pilipinas? My gosh. Papayag kayang maging First Gentleman si Ylmaz? First Gentleman pa rin kayo ang tawag sa kanya considering hobby nya ang mangbugbog ng asawa?
-
Paano kung “buhok” ang world currency? May magpapakalbo pa kaya? Mauuso pa kaya ang Brazilian Wax? Sisikat pa kaya si Bembol Roco?
-
Paano kung bawal ang umutot? Dadami ba ang tao na didighay?
-
Paano kung lagyan ng loop ang MRT/LRT? Mamamahal kaya ang pamasahe?
-
Paano kung nagkatuluyan sina Mahal at Mura? Ano pangalan ng anak nila? Ano ba tawag sa presyo kung hindi ito Mahal at hindi rin ito Mura?
-
Paano kung naging EB Babe si Madame Auring? Kukuhain kaya ng Wowowee si Zenaida Zeva?
-
Kung maging Senador kaya si Cristy Fermin — matatalo nya kaya ang mga expose ni Ping Lacson?
-
Kung lumiit kaya muscles ni Vina Morales…. Hmmm… di rin… asa pa…. next….
-
Bakit hindi gawing National Flower ng Pilipinas ang Chicharong Bulaklak? Its food and a flower at the same time.
-
Paano kung makatalisod ako ng wishing lampara at bigyan ako ng 3 wishes — pero may catch…. Changes lang sa office ang pwede hilingin . Ano ang 3 wishes ko … hmm….
Una — Sana maligo na si Chichay
Ikalawa – Sana – pagkapaligo ni Chichay – ay maligo pa sya ulit.
Iktalo — Sana — pagkapaligo ni Chichay twice — ay maligo pa sya ulit. Wala lang. Para sure na tanggal ang amoy!
-
Paano kung gawing Office attire ang swimsuit at trunks? Pwede kayang maglodge ng complaint ang mga tabatsing na tulad ko? Hinaan kaya ang aircon sa office? Ano na ang suot kung may summer outing? Alangan namang naka-office attire pa rin di ba?
-
Pag sinabing “No Pets Allowed” — kasama kaya dito ang mga hayop na mga amo? Hmmm.. tingin ko hindi – sabi naman NO PETS…. Hindi NO PESTS.
-
Paano kung walang letter “A”. He? Peeno? Meiintidihen pe keye netin eng mge sinesebi neng ibe? He? Peeno? Sebihin mo! Peeno?
-
Paano kung naging pari si Boy Abunda. Anokaya ang mga sasabihin nya pag nagmimisa…. “Nalalapit na ang offertory - ABANGAN! SUSUNOD — na ang communion! EXKLUSIBO! Dito lang…sa THE MASS!
-
Paano kung mapangasawa ni Kuh Ledesma si Atoy Co? Gagamitin kaya ni Kuh ang kanyang legal married na “Mrs. Kuh Co”? Lalo kaya siyang mahihilig sa pagpapa-pedicure at manicure?
-
Bakit restroom ang tawag sa restroom? Dapat ba ay nagpapahinga dito? Kung pwedeng magpahinga dito – bakit walang kama?
-
Meron nang Kapamilya… Merong Kapuso…. Merong Kabarkada…. hmmm… paano pag nagtayo ako ng Network…. Ano ipapangalan ko…..Ka-yakap? Ka-dikit? Ka-kaladyaan? Ka-kilitian? Alam ko na… Ka-siping! Kaya lang baka Malaguardia ako.
-
Paano kung maglaban sa karera si Speedy Gonzales, si Roadrunner at si Tazmanian Devil — sino ang mananalo? Take note – karera sa pag-cross stitch ha!
-
Kung singatangkad ka ni Yao Ming — masama ba kung ang favorite mong sport ay Gymnastics?
-
Paano kung di uso ang blogging – ano kaya ang pinaka mabisang pang-alis bagot — magbilot ng kulangot hanggang maging isang malaking kulangot ball ito? Hmmm… pwede
Teka…. Uwian nap ala! Yehey!!!!! Paano …. Kanya- kanya na tayo….. Sa MULI!!!!
Posted by rollypollypanini