To the Left… To the Left… Hello? Garci?
September 10, 2007Minsan… naisip ko… namimiss ko na yung dating tunog ng telepono. Yung simpleng “Ring! Ring”. Wala lang. Mas simple kasi ang buhay. Unlike today — na pwede mo nang i-customize ang ringtone ng iyong cellphone. Dapat mo kasing pagisipang mabuti kung anong ringtone ang nababagay sa iyong personality. O….. malamang mayroon na namang umaapela dyan sa tabi-tabi… sasabihin na naman na masyado kong pinag-iisipan ang mga bagay-bagay. Pabayaan nyo na ako.. wala ako magawa e… kaya marami akong oras para pag-isipan ang mga bagay-bagay sa pali-paligid. Back to ringtones – hindi na lang ito tagapagsabi na may tumatawag sa iyo. Maari din itong gamitin ng mga tao para i-judge kung anong klaseng tao ka. Yup – tell me what your ringtone is and I will tell you who you are! Yan ang bagong kasabihan.
Ayaw nyo maniwala? Ok… sabihin nating mayroong nilalang na ang ring tone nya ay ang Irreplaceable ni Beyonce? Ano maiisip nyo? Ako – naisip ko na ang taong ito ay masayahin… mahilig sa groove…at bootylicious! Tama? Ngayon – paano kung sinabi ko sa inyo na ang naringgan ko ng ring tone na ito ay isang lalaking intsik. Ano? May iba ba kayong naiisip? Wag na magsinungaling. Ako nga ay nagtanong bakit yun ang napili nyang ringtone. Don’t get me wrong — it’s a nice song.. nakakagroove pag pinapakinggan… yun nga lang – bilang ringtone… ng isang lalaki… medyo di po yata magandang idea. Tama po ba ako. (On a different note – medyo nakakairita itong ringtone na ito… walang sinabi kung hindi “to tke left.. to the left”…. Ano ba? Wala bang “to the right”?). Pero alam nyo – di dyan nagtatapos ang “to the left”. The other day – bigla na namang tumunog si “to the left”. We are expecting that it’s from the same guy…but lo and behold…. Its from another person! And… this person is a guy as well….yup.. another Chinese guy with the
‘to the left… to the left” ringtone. Ano ba? Are we missing out on something? Ito na ba ang bagong craze? ☺
Yan… isang example pa lang yan – and it already proves what I was saying. The cellphone have evolved… and so has its use. With the advent of this personalize functions — nagiging extension na tuloy ito ng personality ng owner.
Syempre – magtatanong kayo kung ano ang ringtone ko….syempre I Will Survive… bwahahaha… joke lang po… Currently – it’s the Papaya Song… yung sinsasayaw ni Edu Manzano sa Game Ka Na Ba! Bakit? Wala lang — the song never fails to bring a smile to my face. Kaya naisip ko – if I am in a bad mood – and tumunog ang phone ko with this song – mapapangiti ako… and hindi ko masisinghalan yung tumatawag. ☺
Posted by rollypollypanini